Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Banghay Aralin sa Filipino 6

( Gramatika)

I. Layunin:
A. Nakagagawa ng patalastas at usapan gamit ang ibat-ibang bahagi ng pananalita.
B. Nakakalahok sa mga pangkatang Gawain na nagpapakita ng pagtutulungan.
C. Nakasusulat nang malinaw ng mga patalastas at usapan gamit ang ibat-ibang bahagi ng
pananalita.

II. Paksang-Aralin:
A. Pamagat ng Aralin

Paggawa ng patalastas at usapan gamit ang ibat-ibang bahagi ng pananalita

Sangguniang aklat/Pahina

Landas ng Wika P.155


Filipino sa Makabagong Siglo Wika at Pagbasa p.66
F6WG-Ivb-i-10

B. Kagamitan: aklat, manila paper, pentel pen

III. Pamaraan:
A. Paghahanda
1. Panimulang Gawain
Mga larong pangwika, Pinoy Henyo
Huhulaan ng isang bata ang mga salitang
1. Shampoo
2. sapatos
3. gatas
4. buhok
5. T.V.

2. Balik-aral
balik aral sa nakaraang aralin

B. Pagtalakay sa Aralin
1. Pangganyak
Magbigay ng patalastas na iyong narinig sa radio o napanood sa T.V

2. Pag-unawa sa Lunsaran
Ipaskil sa pisara ang halimbawa ng patalastas na ito. Ipabasa ito ng sabay-sabay sa
mga bata.

LIKAS

Ako ang mutya ng pasig


Gamit ko’y siyampong likas.
Mabango, madulas sa buhok.
Pinalalambot nito ang aking buhok.
Hiyang ako dito,
Kaya subukin ninyong gamitin din ito!

3. Pagsusuri sa Kakayahan at Kayariang Panggramatika


1. Tungkol saan ang binasang patalastas? (tungkol sa likas)
2. Pansinin at ibigay ang mga salitang nasa loob ng bilog, nakakahon, nakaguhit ng
bituin at nakasalungguhit
3. Anu-ano ang mga salitang nakakahon? ( mabango, madulas, pinalalambot )
4. Ano-ano naman ang mga salitang nasa loob ng bilog? ( ako, ko, aking )
5. Ano-ano ang mga salitang nakaguhit ng bituin? (mutya,pasig )
6. Ano naman ang salitang nakasalungguhit? ( kaya )
7. Ano ang masasabi ninyo sa mga salitang nasa loob ng kahon? ( mga salitang pang-
uri )
8. Ano-ano naman ang tawag sa mga salitang nakabilog? nakaguhit ng bituin?
Nakasalungguhit na salita?
( salitang panghalip,salitang pangngalan,salitang pangatnig)

9.Ano ang tawag sa mga salitangito?


(Bahagi ng pananalita )

- Karagdagang pagpapaliwanag ng guro sa bahagi ng pananalita

BAHAGI NG PANANALITA

PANG-UKOL PANDIWA PANG-URI PANGNGALAN PANGHALIP PANG-ABAY PANGATNI


G

Pagsasaad Salitang salitang Ngalan ng salitang Nagbibigay Ginagamit


ng nagsasaad naglalara tao,hayop, humalili sa turing sa sa pag-
ugnayan ng kilos wan bagay o pangngalan pandiwa, uugnay ng
ng pangyayari pang-uri at salita,
dalawang . kapwa parirala at
salita pang-abay pangungu
sap.

Pangkatang Gawain:

1. Pangkatin ang mga mag-aaral sa apat. Bawat grupo ay bibigyan ng manila paper at pentel
pen. Gagawa kayo ng patalastas o usapan gamit ang ibat-ibang pananalita na ibibigay sa
inyong sitwasyon. Mayroon lamang kayong 15 minutos upang gawin ito. Maaaring lagyan
ng karagdagang disenyo ang inyong patalastas.

2. Ibigay sa bawat grupo ang manila paper at pentel pen. Gabayan ang mga bata sa
pangkatang Gawain na ito. Pagkatapos ng 15 minuto ay ipaskil sa pisara ang inyong
ginawang patalastas. Pumili ng isang miyembro ng grupo na maglalahad nito at
magpaliwanag sa harap ng klase.

Narito ang sitwasyon

Grupo 1: Ipinakikiusap nabawal magtapon ng basura sa bakanteng lote ng ospital. Ang


mahuhuling lalabag ditto ay magmumulta ng P5,000 pagkabilanggo ng 10 araw.

Grupo 2: Patalastas na nangangailangan ng sekretarya sa isang kumpanya.

Grupo 3: Ang kuya mo ay tumatanggap ng mga gawaing kino-computer tulad ng


proyekto, ulat, tesis mga iba pang sulatin. Ang ate mo naman ay magaling
gumuhit ng mga poster, larawan at nagleletering.

Grupo 4: Mahigpit na ipinagbabawal ang pamimitas ng bulaklakat pagtapak dito sa parke.


Ang sinumang lumabag dito ay magmumulta ng P500.
4.Pagsasanay

A. Pasalita

Gumawa ng usapan ng dalawang magkaibigan na nasa istasyon ng bus.


Pupunta sila sa Los Baños, Laguna. Bilugan ang ginamit na mga bahagi ng papanalita.

sagot:

Pedring: Ano raw bang bus ang sasakyan natin?

Noli: Sumakay daw tayo ng bus na papuntang Sta. Cruz, Laguna o san Pablo na

daraan ng Calamba.

Pedring: Sinabiba ni Carlo sa iyo na huwag sasakay sa mga bus na hindi daraanan ng

Calamba?

Noli: Oo, malinaw na ipinaalaala niya ito. Kaya sundin natin ang ibinigay niyang

panuto. Itanong natin sa kondoktor para sigurado tayo.

B.Pasulat

Bumuo ng mga patalastas. Gumamit ng ibat-ibang bahagi ng pananalita.

1. Sorbetes-Pinoy

2. Matibay na sapatos

3. masustansyang gatas

sagot:

Sorbetes-Pinoy Subukan ninyo, sapatos Gatas Los Baños, tunay na


malasa.
malasa at Ang tibay
masustansiya, Masustansiya at sariwa pa.
sariling atin,
katakam-takam Iniinom ko tuwing umaga
Matibay at malambot sa
Tunay na number one paa Bago ako pumasok sa
eskwela.
Yari sa Markina,

Magaan sa bulsa

C. Paglalagom:

Ano-ano ang mga bahagi ng pananalita?

(pandiwa, pang-uri, pangngalan, panghalip, pang-ukol, pangatnig )


D.Ebalwasyon

Sumulat ng isang patalstas. Gamitin ang mga bahagi ng pananalita. Pumili lamang ng
isa. Isulat ang inyong napili sa taas na bahagi ng papel at ang inyong patalastas sa ibabang
bahagi na inyong napili.

1. Paglaganap ng dengue sa inyong barangay.

2. Nangangailangan ng isang assistant Manager sa isang restaurant.

3. batang nawawala

4. Paghihikayat sa gaganaping paligsahan sa pag-awit sa paaralan.

IV. Takdang-aralin:

Gumupit ng mga patalastas sa isang dyaryo. Bilugan ang mga ibat-ibang bahagi ng
pananalita at tukuyin ang mga salita kung anong pananalita ito. Idikit sa shot coupon
bond.

V. Tala:

VI. Pagninilay:

A. Aling estratehiya sa pagtuturo ang aking naisakatuparan nang maayos? Bakit ito
naisakatuparan nang maayos?

Mga puntos kung bakit ito naisakatuparan nang maayos:

1.

2.

3.

Mga puntos kung bakit hindi ito naisakatuparan nang maayos:

1.

2.

3.

B. Kausapin ang mga mag-aaral ang nakaunawa ng aralin at ang mga nangangailangan ng

tulong.

C.Ano-anong mga suliranin o balakid ang aking naranasan na kung saan ang aking
punungguro at superbisor ay matutulungan ako sa paglutasng mga ito?

Mga maaaring hingan ng tulong / suporta:

Dalubguro

Punungguro

Superbisor

You might also like