Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 20

Unang Kasaysayan[

Mga Negrito, Austroasyatiko, Indones at Malay (Austronesiano), ang mga Papuano, at Timog Asyano ang
mga sinaunang mamamayan ng Pilipinas.[7] Naganap pa ang iba pang migrasyon sa pamamagitan ng
pagbiyahe sa tubig at nangyari sa loob ng ilang libong taon.[8]

Ayon sa kay Professor 'Boyet' Manuel Pagsapit ang pinakamatandang estado sa Pilipinas ay
ang Kabihasnang Binuangan na magkapanabay sa Kultura ng dyeyd ng Pilipinas na nagtatakbo noong 2500
B.C. Ang Kabihasnang Binuangan pwede ma tratong gitnaan ng mga koneksyon sa iba't iba pang mga:
Bansa, Bayan, Kaharian, Karahanan, at Sultanatos; sa Pilipinas bago pah dumating ang mga Espanyol at
bago nabura ito ng mga baha at pagguho ng lupa. Dahil sa iyan, ngayon lang ay natuklasan ulit ang
kabihasnang ito dahil sa tumataas na antas ng dagat. Noong ikalawang milenyo AD, meron mga ilang
estado na bahagi ng sistema ng tributario ng Tsina.[9](pp177–178)[10](p3) Mga katangiang pangkultura ng
India gaya ng mga terminong pangwika at mga gawaing panrelihiyon sa Pilipinas lumaganap noong ika-14
na siglo, marahil sa pamamagitan ng Hindu Imperio ng Majapahit.[11][12] Dinala ang Islam ng
mga mangangalakal at mga misyonaryo mula sa Arabia, India, at Indonesia.[13] Noong ika-16 dantaon,
matatag na ang Islam sa Sulu at lumaganap ito mula sa Mindanao; nakarating ito sa Maynila noong 1565.
[8] Kahit kumalat ang Islam sa Luzon, ang pagsamba pa rin sa mga anito ang relihiyon ng karamihan sa
mga pulo ng Pilipinas. Ngunit ang mga konsepto ng mga Muslim at ng mga magsasaka ng Hilagang Luzon
ng teritoryalismo ay hindi lumaganap sa ibang lugar.[8] Nang makarating ang mga Kastila noong ika-16
dantaon, karamihan sa humigit-kumulang na 500,000 katao ay nanirahan sa mga panirahang barangay.[8]

Meron iba't ibang mga bansa na ipinundar sa Pilipinas noong ika 10th and 16th na mga siglos katulad
ng Maynila,[14] Tondo, Namayan, Pangasinan, Cebu, Butuan, Maguindanao, Lanao, Sulu, at Ma-i.
[15] Meron ding ibang mga estado katulad
ng Ibalon, Cainta, Pulilu, Sandao, Dapitan, Madyaas, Buayan at Sanmalan.[16] Ang mga naunang bansang
ito ay karaniwang may tatlong antas na istrukturang panlipunan: mga maharlika, mga malaya, at mga
umaasang may utang-mga bono[10](p3)[17](p672) Kabilang sa mga maharlika ang mga pinunong kilala
bilang mga datu, na may pananagutan sa mga nagsasariling grupo (barangay o dulohan).[18] Nang ang
mga barangay ay nagsama-sama upang bumuo ng isang mas malaking pamayanan o isang mas maluwag
na alyansa sa heograpiya,[10](p3)[19] makikilala ang kanilang higit na iginagalang na mga miyembro bilang
isang pangunahing datu,[20](p58)[21] raha o sultan,[22] at sila'y ang mamumuno ng communidad.
[23] Naging laganap ang panlipunan at politikal na organisasyon ng populasyon sa mga pulo. Ang
mga magsasaka lamang ng Hilagang Luzon ang nagkaroon ng konsepto ng teritoryalismo.[8] Ang simpleng
yunit ng pamahalaan ay ang balangay, na isang grupong pinamunuan ng isang datu. Sa isang barangay,
ang mga panlipunan na dibisyon ay ang mga maguinoo, kung saan kasama ang datu; ang mga maharlika; at
ang mga alipin. Maraming kategorya ang mga alipin: ang mga magsasakang walang lupa; ang mga
timawang nawalan ng kalayaan dahil sa pagkakautang o parusa sa krimen at ang mga bihag ng digmaan.[8]
Ipinapalagay na mababa ang populasyon noong ika-14 hanggang ika-16 na siglo[20](p18) dahil sa
kadalasan ng mga bagyo at sa lokasyon ng Pilipinas sa Pacific Ring of Fire (Singsing na sunog ng Pacifico)
[24] at dahil sa walang tigil na guerra sa mga estados ng Pilipinas.[25]

Sa tiempong ito merong presensya ang mga taga Mindanao sa Mottama, Burma; at mga Luzones na
taga Luzon, Pilipinas, ay sumisilbeng bilang mga soldados, mga embahador, at mangangalakal
sa Timog, Timog Silangang, at Silangang Asya.[26] Ang reputasyon ng mga Luzones ay napakalakas na
sinabi ng sundalong Portuges na si Joao de Barros na sila ay: "ang pinaka-mahilig makipagdigma at
magiting sa mga bahaging ito.[27]
Pamumuno ng Espanya (1521–1898)[baguhin | baguhin ang wikitext]

Pangunahing artikulo: Kasaysayan ng Pilipinas sa Panahon ng Pamumuno ng Espanya

Mga Unang Ekspedisyon sa Pilipinas[baguhin | baguhin ang wikitext]

Unang nakarating ang mga Europeo sa Pilipinas sa pagdating ng expedisyon ng mga Español na
pinamunuan ng Portuges na si Ferdinand Magellan noong ika-16 Marso 1521. Pumalaot si Ferdinand
Magellan sa pulo ng Cebu, inangkin ito para sa Espanya, at binigyan ito ng pangalan na Islas de San
Lazaro.[28]

Magiliw siyang nakipag-ugnayan sa ilang mga lokal na datu. Nagdaos pa sila ng tradisyonal na sandugo
kung saan pinalalabas ang dugo sa braso, inihahalo sa tubig o alak at iniinom nilang magkasama. Sa
ganitong paraan, ang dugo ng kasama niya ay nasa kanyang mga ugat na ginagawa silang "magkapatid sa
dugo", isang sagrado at hindi pwedeng ipawalang-bisa na kasunduan. Nakumbinsi sila pa ni Magellan na
maging Kristiyano.[28] Nagawa niya ito kay Raha Humabon ng Cebu at dahil sa Kristiyanismo, ginagalang
ng mga bata ang mga matatanda. Ito ang humikayat sa konbersiyon dahil noong panahong iyon ay hindi
iginagalang ng mga bata ang matatanda dahil wala na silang magagawang mabuti sa tribo. Ang mga
kabataan ang nag-uutos sa mga matanda. Nagpakita ito ng isang mahalagang pangyayari sa kasaysayan
ng Pilipinas. Nagwagi si Magellan laban kay Humabon sa pamamagitan ng pagdadala ng bagong kultura na
nagpapahalaga sa dignidad ng tao.

Ngunit, napatay si Ferdinand Magellan ng pangkat ni Lapu-Lapu, na tumutol sa pamamahala ng Espanya.


Hinamon ni Magellan si Lapu-Lapu sa isang labanan, upang ipakita kung paano lumaban ang mga Europeo.
May tatlong dahilan kung bakit natalo si Magellan laban kay Lapu-Lapu: (1) Hindi siya nagpadala ng tauhan
upang suriin ang lugar, (2) binalaan niya ang kalaban na aatake siya at (3) pumayag siyang mas maraming
tribo ang lumaban sa kanyang mga tauhan.

Sa mga sumunod na dekada, iba pang mga ekspedisyon ang ipinadala ng Espanya sa Pilipinas. Noong
1543, pinamunuan ni Ruy López de Villalobos ang isang ekspedisyon patungo sa mga pulo at
pinangalanang Las Islas Felipinas (mula sa pangalan ni Felipe II ng Espanya) ang mga pulo
ng Samar at Leyte. Hindi nagtagal, ibinigay ang pangalang ito sa buong kapuluan.
Kolonya ng Espanya[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang permanenteng paninirahan ay naitatag lamang noong 1565 nang makarating ang ekspedisyon na
pinamunuan ni Miguel Lopez de Legazpi sa Cebu mula sa Mexico. Ang pamumuno ng mga Espanyol ay
naitatag sa mga maliliit na malayang pamayanan na walang alam sa pamahalaang sentralisado.
[29] Matapos ang anim na taon, nang matalo ang isang Muslim na datu, itinatag ni Legazpi ang isang
lungsod sa Maynila, na nagbigay ng pangunahing daungan sa Look ng Maynila, isang
malaking populasyon at malapit sa mga kapatagan ng Gitnang Luzon.[30] Naging sentro ng pamahalaang
kolonyal ang Maynila, pati na rin ang aktibidad na pang-militar, panrelihiyon at pangkalakalan (commercial).

Naglayag ang mga bantog na galyon sa pagitan ng Maynila at Acapulco, Mexico. Dinala nila ang pilak at
ilang mahahalagang metal mula sa Bagong Mundo sa Maynila upang bumili ng mga pampalasa mula
sa Moluccas at ang porselana, ivory, lacquerware at sutla/seda mula sa Tsina at Timog-silangang Asya.
Bagama't ginamit ang mga ito sa Mexico, karamihan sa mga kalakal ang dinala sa Espanya, upang ipagbili
sa Europa.

Ang Pilipinas ay naging lalawigan ng Nueva Espanya hanggang 1821, nang makamit ng Mexico ang
kalayaan.[31] Sa tiempong ito mahoriya ng mga kolonista na pinadala sa Pilipinas ay galing Amerikang
Latino, sa mga nasyon ng Mexico at Peru.[32] Pero, meron din maliit na bahagi na nang galing Espanya.

Ang unang sensus sa Pilipinas ay noong 1591, batay sa mga tribute na nakolekta. Ibinilang ng mga ang
kabuuang unang population ng Pilipinas sa lalim ng Espanya bilang 667,612 katao.[33]:177[34][35] 20,000
ay mga migranteng Tsino na mamalakal,[36] sa iba't ibang panahon: humigit-kumulang 15,600 indibidwal ay
mga Latinong Americano na soldadong-colonistas na pinagsama-samang ipinadala mula sa Peru at Mexico
at sila ay ipinadala sa Pilipinas taun-taon,[37][38] 3,000 ang mga residenteng Hapones,[39] at 600 ang mga
purong Espanyol mula sa Europa.[40] Mayroong isang malaki ngunit hindi kilalang bilang ng mga Pilipino
sa Timog Asya, dahil ang karamihan sa mga alipin na inangkat sa kapuluan ay mula sa Bengal at Timog
India,[41] na idinagdag ang mga nagsasalita ng Dravidian na mga Timog Indiano at mga Bengali na
nagsasalita ng Indo-Europeano, sa halo ng mga lokal na etniko.[41] Sa mga 600 na Espanyol nah tumira sa
Pilipinas, ang Hari ng Espanya bumigay ng mga encomienda sa 236 na Maharlikang Espanyol sa iba't ibang
mga probinsya ng Pilipinas.[42]

Ang pananakop sa kapuluan ay nagtagumpay na walang pakikipaglaban (maliban sa mga Muslim).


[30] Naging problema ng mga Kastila ang pakikipaglaban ng mga Muslim sa Mindanao at Sulu. Bilang sagot
sa paglusob ng mga Espanyol sa mga Muslim at kanilang mga kakampi, sinalakay nila ang mga lugar
sa Luzon at Bisayas na nasa ilalim ng pamamahala ng Espanyol. Naglunsad ang mga Kastila ng mga
kampanya laban sa mga Muslim, ngunit wala itong naging tiyak na resulta hanggang sa gitna ng ika-19
siglo. Subalit, Noong 1635, si Don Sebastián Hurtado de Corcuera, na gobernador ng Panama, ay nag-
import ng mga Peruviano at Panamaniano (kabilang din ang mga Genoese-Italiano na mga soldados mula
sa Panama Viejo)[43] bilang mga soldalo upang makipagdigma laban sa Muslim Mindanao at bilang mga
kolonistas upang itatag ang Ciudad ng Zamboanga.[32] Magkaugnay ang Simbahan at Estado noong
panahon ng Kastila. Naging responsibilidad ng estado ang mga institusyong panrelihiyon.[30] Isa sa mga
naging layunin ng Espanya sa kolonyalisasyon ng Pilipinas ay ang pagbibinyag ng mga tribu sa
Kristiyanismo. Ang pagpapalit ng relihiyon ay naganap dahil sa kawalan ng ibang maayos na relihiyon,
maliban sa Islam, na laganap sa Timog. Ang mga seremonya ng simbahan ay naging bantog, na naging
dahilan upang mapasama ang iba't ibang pista sa tradisyong Pilipino.[30]
Watawat ng Nueva Espanya.

Naging sanhi nito ang pagdami ng mga Katoliko sa bansa, na tinutulan ng mga Muslim sa Mindanao at mga
tribu sa Hilagang Luzon (tulad ng mga Ifugao ng Kordilyera) at ang mga Mangyan ng Mindoro.[30]

Ang mga Kastila ay nagtatag ng tradisyonal na organisasyon ng barangay sa pamamagitan ng mga


pinunong lokal sa mababang antas ng pamamahala. Ang istilong ito na di-direktang pamamahala ang
nagdulot ng pagbubuo ng mataas na antas ng mga Pilipino na tinatawag na principalia, na naging mayaman,
mataas ang respeto at iba pang mga prihibelyo. Ito ay nagpakita ng isang sistemang oligarkiya sa lokal na
pamamahala. Ilan sa mga pagbabago sa ilalim ng pamamahala ng Espanya ang pagpapalit ng ideya ng
pagmamay-ari ng lupa sa konsepto ng pribadong pagmamay-ari at ang pagbibigay ng titulo sa mga kasapi
ng principalia.[30]

Hindi kumita ang Espanya sa Pilipinas bilang isang kolonya, at malapit nang maubos ang salapi ng
pamahalaan dahil sa digmaan laban sa mga Dutch at sa pakikipag-laban sa mga Muslim.[30] Ang kita ng
pamahalaang kolonyal ay nanggaling sa kalakalang galyon.[30]
Pagbagsak ng pamumuno ng Espanya[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang pamamahala ng Espanya sa Pilipinas ay sandaling naputol noong 1792 nang salakayin ng
mga Ingles ang Maynila na naging sanhi ng pagpasok ng Espanya sa Digmaan ng Pitong Taon. Ang
Kasunduan sa Paris ng 1763 ang nagbalik sa pamamahala ng mga Kastila at nilisan ng mga Ingles ang
bansa noong 1764. Ang sandaling pananakop ng mga Ingles ang nagpahina sa kapangyarihan ng Espanya
at nagdulot ng mga rebelyon at mga demanda para sa kalayaan.[44]

Noong 1810, ang mga Pilipino na nasa Mexico tumolong sa tagumpay ng guerra na independyensya contra
sa Espanya. Si Ramon Fabie ay isang Pilipino na martyr na isinilang sa Manila na tumlong sa kay Miguel
Hidalgo sa kanyang himagsikan.[45] Nong ang himagsikan ay tinuloy ni Vincente Guerrero sa pagkamatay ni
Miguel Hidalgo, tumolong din ang isang Pilipino-Mexicano na si Isidoro Montes de Oca, at ang kanyang 200
na soldadong Pilipino-Mexicano, sa labanan contra sa Espanya.[46]

Sa anyong 1812, sa labanan sa pamamagitan ng Imperio ng Britania at Republica ng America ang mga
Pilipina sa Louisiana na bilang kilalang "Manilamen" sumilbeng mga soldado para sa mga Americano sa
battalya ng New Orleans.[47][48]

Sa Argentina noong panahong 1814, maraming Pilipino tumolong sa bansa ng Argentina sa kanilang guerra
pang independyensya laban sa Espanya.[49]

Sa 1823 dahil sa malakas na mga relasyon ng Pilipinas sa mga bago na mga bansa sa Latino-America dahil
sinuporta ng mga Pilipino and mga rebolusyon doon, meron isang soldadong Pilipino, sina Andrés
Novales na lumaban sa isang guerra sa Espanya at tumaas ang ranko niya doon, na bumalik sa Pilipinas
para magmahal sa natibong nasyon niya. Sa pag balik niya, siya'y sumikat pero seloso ang mga
peninsulares ds kanya, napilitan siyang umaklas sa isang himgasikan at sinuporta siya ng mga Pilipino at
mga soldados at kolinstas na nanggaling sa Mexico at sa mga preskong independyenteng bansa ng
Colombia, Venezuela, Peru, Chile, Argentina at Costa Rica.[50] Pero si Andres Novales pinatay at ang
kanyang mga kawal humi-hiwalay.

Noong 1871, itinatag ni Gobernador-Heneral Jose Basco y Vargas ang Economic Society of Friends of the
Country. Noong panahong iyon, ang Pilipinas ay direktang pinamamahalaan ng Espanya. Ang mga
kaganapan sa loob at labas ng bansa ay nakatulong sa pagdadala ng mga bagong kaisipan sa Pilipinas.
Ang pagbubukas ng Kanal Suez noong 1869 ay nagpaikli ng panahon ng paglalayag patungong Espanya.
Naging sanhi ito ng pagdami ng mga ilustrado na naging kasama ng mga creoles, isang mataas na antas ng
mga Pilipino, sapagkat maraming mga kabataang Pilipino ang nakapag-aral sa Europa. Itinatag ng
mga illustrado ang Kilusang Propaganda noong 1882 dahil sa pag mamartyr ng Espanyol sa tatlong
aktibistang Pari na si Gomburza.

Naging layunin ng Kilusang Propaganda ang pagbabalik ng representasyon ng Pilipinas sa Kongreso ng


Espanya (Spanish Cortes), ilang reporma at hindi nagtagal, ang kalayaan ng bansa. Si José Rizal, ang
pinakamatalino at pinakaradikal na illustrado noong panahong iyon, ang nagsulat ng mga nobelang Noli Me
Tangere at ang El Filibusterismo, na naging inspirasyon upang matamo ang kalayaan.[29] Noong 1892,
itinatag ni Andrés Bonifacio ang Kataastaasang, Kagalanggalangang Katipunan ng mga Anak ng
Bayan (KKK) na naging layunin ang pagkakamit ng kalayaan sa pamamagitan ng pakikipaglaban sa mga
Kastila. Si Bonifacio ang naging supremo (pinuno) nito.

Unang watawat ng mga rebolusyonaryong Pilipino. Emilio


Aguinaldo, Unang Pangulo ng Pilipinas mula 1899 hanggang 1901.

Nagsimula ang rebolusyon noong 1896. Napagkamalan si Rizal na siya ang nagpasimula ng rebolusyon na
naging sanhi ng kanyang pagkamatay noong ika-30 Disyembre 1896. Ang Katipunan sa Cavite ay nahati sa
dalawa, ang Magdiwang na pinamunuan ni Mariano Alvarez (kamag-anak ni Bonifacio sa pamamagitan
ng kasal), at ang Magdalo, na pinamunuan ni Emilio Aguinaldo. Ang alitan sa pagitan ni Bonifacio at
Aguinaldo ang nagdulot sa pagpatay kay Bonifacio ng mga sundalo ni Aguinaldo noong ika-10 Mayo 1897.
Sumang-ayon si Aguinaldo sa mga kondisyon ng Kasunduan sa Biak-na-Bato at siya at ang kanyang mga
kasamang rebolusonaryo ay ipinatapon sa Hong Kong.
Sesyon ng kongreso ng Unang Republika ng Pilipinas.

Nagsimula ang Digmaang Espanyol-Amerikano noong 1898 nang pasabugin ang USS Maine at lumubog sa
daungan ng Havana, na ipinadala sa Cuba upang mabuo ng isang mapayapang resolusyon sa pagitan ng
mga ambisyon ng Cuba na maging malaya at ang kolonyalismo ng Espanya. Matapos matalo ni
Commodore George Dewey ang mga Espanyol sa Maynila, inimbitahan niya na bumalik si Aguinaldo sa
Pilipinas, na ginawa niya noong ika-19 ng Mayo 1898. Nang nakarating ang mga sundalong Amerikano sa
Pilipinas, nakuha na ng mga Pilipino ang kontrol sa buong Luzon, maliban sa Intramuros. Noong ika-12 ng
Hunyo 1898, ipinahayag ni Aguinaldo ang kasarinlan ng Pilipinas sa Kawit, Cavite, na nagtatag ng Unang
Republika ng Pilipinas sa ilalim ng unang demokratikong konstitusyon ng Asya.[29]

Kasabay nito, dumating ang mga sundalong German at idineklarang kung hindi kukunin ng Estados Unidos
ang Pilipinas bilang isang kolonya, kukunin ito ng Germany. Nakuha ng mga Amerikano ang lungsod mula
sa mga Espanyol sa Labanan ng Maynila. Ang labanang ito ang nagtapos sa pakikipag-usapan ng mga
Pilipino at Amerikano, dahil sa pagpigil sa mga sundalong Pilipino sa pagpasok sa lungsod ng Maynila,
isang kilos na tinutulan ng mga Pilipino.[51] Nagpadala ng mga komisyoner ang Espanya at Estados Unidos
upang pag-usapan ang mga kondisyon ng Kasunduan sa Paris na nagtapos sa Digmaang Espanyol-
Amerikano. Si Felipe Agoncillo, ang representatibo ng Pilipinas ay tinanggal sa mga sesyon dahil ang
pamahalaang rebolusyonaryo ay hindi kinilala ng ibang mga bansa.[51] Kahit mayroong mga pagtututol,
nagdesisyon ang Estados Unidos na hindi isasauli ang Pilipinas sa Espanya, at hindi rin pumayag na kunin
ng Germany ang Pilipinas. Maliban sa Guam at Puerto Rico, napilitan din ang Espanya na ibigay ang
Pilipinas sa Estados Unidos bilang kapalit sa US$ 20,000,000.00, na sinasabi ng Estados Unidos na "regalo"
nila sa Espanya.[52] Nagrebelde ang Unang Republika ng Pilipinas laban sa okupasyon ng Estados Unidos,
na nagdulot ng pagsiklab ng Digmaang Pilipino-Amerikano (1899–1913).
Panahong kolonyal ng Amerikano (1898–1946)[baguhin | baguhin ang wikitext]
Isang karikaturang pampolitika noong 1898 na ipinapakita
si McKinley, pangulo ng Estados Unidos kasama ang isang "mabangis" na bata. Ikinukumpara dito ang
pagbalik ng Pilipinas sa Espanya sa paghagis ng bata sa bangin.
Pangunahing artikulo: Pananakop ng Amerika sa Pilipinas

Nagsimula ang relasyon ng Pilipinas sa Estados Unidos nang magsama ang dalawang bansa upang
labanan ang mga Kastila.[53] Bilang mga magka-alyado, binigyan ng mga sundalong Pilipino ang mga
Amerikano ng mga mahahalagang impormasyon at suporta mula sa militar.[54] Ngunit, dumistansiya ang
Estados Unidos sa mga hangarin ng mga Pilipino. Hindi natuwa si Aguinaldo nang tumutol ang mga
Amerikano na suportahan ang kalayaan ng Pilipinas.[54] Nagwakas ang relasyon ng dalawang bansa at
tumaas ang tensiyon nang naging malinaw ang pakay ng mga Amerikanong manatili sa mga pulo.[54]
Digmaang Pilipino-Amerikano[baguhin | baguhin ang wikitext]
Pangunahing artikulo: Digmaang Pilipino-Amerikano

Sumiklab ang Digmaang Pilipino-Amerikano noong Pebrero, 1899, matapos patayin ng dalawang
Amerikanong sundalo ang tatlong Pilipinong sundalo sa San Juan.[55] Naging mas magastos at mas
marami ang namatay sa digmaang ito kaysa sa Digmaang Espanyol-Amerikano.[29] Humigit-kumulang
126,000 Amerikanong sundalo ang lumaban sa digmaan; 4,234 Amerikano ang namatay, pati na rin ang
16,000 Pilipinong sundalo na naging kasali sa isang pambansang gerilyang kampanya na walang tiyak na
bilang ng mga kasapi.[55] Sa pagitan ng 250,000 at 1,000,000 sibilyan ang namatay dahil sa kagutuman at
sakit. Pinahirapan nila ang isa't isa.[55]

Ang kakulangan ng mga sandata ang naging sanhi ng pagkatalo ng mga Pilipinong sundalo laban sa mga
Amerikano sa mga pangunahing labanan ngunit ang mga Pilipino ay nagwagi sa mga labanang gerilya.
[55] Ang Malolos, na kabisera ng pamahalaang rebolusyonaryo, ay nakuha ng mga Amerikano noong ika-
31 ng Marso 1899, ngunit nakatakas si Aguinaldo at ang kanyang pamahalaan at nilipat ang kabisera
sa San Isidro, Nueva Ecija. Si Antonio Luna, ang pinakamagaling na kumander ni Aguinaldo, ay pinatay
noong Hunyo. Dahil sa pagkamatay ni Luna at ang tuloy-tuloy na pagkatalo ng kanyang mga sundalo sa
mga labanan sa Hilagang Luzon, pinalitan ng di-sentralisadong mga hukbong gerilya sa bawat sonang
militar ang regular na hukbo noong Nobyembre 1899. Ang mga sibilyan, na naiipit sa pagitan ng mga
Amerikano at mga rebelde, ay naghirap.[55]

Nadakip si Aguinaldo sa Palanan, Isabela noong ika-23 ng Marso 1901 at dinala sa Maynila. Nanumpa siya
ng katapatan sa Estados Unidos at nag-utos na sumuko ang kanyang mga kasama, na naging hudyat ng
katapusan ng digmaan.[55] Ngunit nagpatuloy pa rin ang mga labanan sa ilang mga bahagi ng Pilipinas, lalo
na sa Mindanao, hanggang noong 1913.[56]
Kolonya ng Estados Unidos[baguhin | baguhin ang wikitext]

Tinuring ng Estados Unidos ang kanilang misyon sa Pilipinas bilang paghahanda ng mga Pilipino sa
malayang pamamahala.[57] Itinatag ang pamahalaang sibil noong 1901, na pinamahalaan ni William
Howard Taft, ang unang Amerikanong gobernador-heneral ng Pilipinas, na humalili kay Arthur MacArthur,
Jr. Ang gobernador-heneral ang naging pinuno ng Komisyon ng Pilipinas, isang kapisanan na itinatag ng
Estados Unidos na may kapangyarihang tagapagbatas at may limitadong kapangyarihang tagapamahala.
Nagpatupad ang komisyon ng batas na nagtayo ng iba't ibang mga sangay ng pamahalaan, kasama na rin
ang istilong hudisyal, serbisyong sibil at pamahalaang lokal. Itinatag ang Pambansang Pulisya (Philippine
Constabulary) upang pamahalaan ang mga natitirang kilusang lumalaban sa mga Amerikano at nang hindi
naglaon ay ginampanan rin nito ang mga responsibilidad ng Sandatahang Lakas ng Estados Unidos.
Pinasinayaan ang halal na Asamblea ng Pilipinas noong 1907 bilang ang mababang kapulungan,
samantalang ang Komisyon ng Pilipinas ang mataas na kapulungan.

Ang mga panukala ng Estados Unidos sa Pilipinas ay napalitan kasabay ng pagpapalit ng mga
administrasyon.[29] Sa mga unang taon ng kolonyang pamamahala, ayaw ng mga Amerikano na ibigay ang
karapatang pamamahala sa mga Pilipino. Ngunit, nang naging pangulo ng Estados Unidos si Woodrow
Wilson noong 1913, isang bagong panukala ang ipinagtibay na naging daan sa kalayaan ng Pilipinas.
Ang Batas Jones, na ipinasa ng Kongreso ng Estados Unidos noong 1916, ay naging batayan ng pagtatag
ng isang pamahalaan, nagpangako ng kalayaan at pagtatatag ng inihalal na Senado ng Pilipinas.

Naganap noong dekada 1920, ang pakikipagtulungan at mga komprontasyon ng mga Pilipino sa mga
gobernador-heneral ng Estados Unidos, depende kung kaya ng gobernador-heneral na pamahalaan ang
kolonya kasama ang tagapagbatas ng bansa. Ang mga kasapi ng kongreso ay naghangad na makamit
kaagad ang kalayaan mula sa Estados Unidos. Ipinadala sa Washington D.C. ang ilang mga misyong pang-
kalayaan. Itinatag ang serbisyong sibil na pinamahalaan ng mga Pilipino noong 1918.

Ang pulitika ng Pilipinas noong panahon ng kolonyalismo nito sa Estados Unidos ay pinamahalaan
ng Partido Nacionalista, na itinatag noong 1907. Kahit naghangad ito ng madaliang paggawad ng kasarinlan,
naging mataas ang suporta nito sa Estados Unidos sa mga panukala nito.[58] Pinamunuan ito ni Manuel L.
Quezon, na naging pangulo ng Senado mula noong 1916 hanggang 1935.
Panahon ng Komonwelt[baguhin | baguhin ang wikitext]
Pangunahing artikulo: Komonwelt ng Pilipinas
Manuel L. Quezon, pangulo ng Komonwelt kasama si Franklin D.
Roosevelt, pangulo ng Estados Unidos sa Washington, D.C..

Noong 1933, ipinasa ng Kongreso ng Estados Unidos ang Batas Hare-Hawes-Cutting bilang ang Batas ng
Kalayaan ng Pilipinas kahit ito ay tinutulan ni Pangulong Herbert Hoover.[59] Kahit ang batas na ito ay binuo
sa tulong ng isang komisyon mula sa Pilipinas, tinutulan ito ng Pangulo ng Senado, si Manuel L. Quezon,
dahil sa probisyon nitong manatili ang kontrol ng Estados Unidos sa mga base militar sa bansa. Sa ilalim ng
kanyang impluwensiya, tinutulan ito ng lehislatura ng Pilipinas.[60] Noong sumunod na taon, isang bagong
batas na tinawag na Batas Tydings-McDuffie ay ipinasa ng lehislatura. Isinaad sa batas na ito ang
pagtatatag ng Komonwelt ng Pilipinas na may 10-taong mapayapang transisyon patungo sa kasarinlan.
Magkakaroon ang komonwelt ng sariling saligang-batas at magiging responsibilidad ang pamamahala sa
bansa, ngunit ang ugnayang panlabas ay responsibilidad ng Estados Unidos, at ilang mga batas ay
kailangan aprubahan ng pangulo ng Estados Unidos.[60]

Manuel Quezon, Pangulo ng Pilipinas mula 1935 hanggang 1944.

Isang konstitusyon ang binuo noong 1934 na pinagtibay sa isang plebisito noong sumunod na taon. Noong
ika-14 ng Mayo 1935, isang halalan ang ginanap upang punan ang bagong tatag na posisyon ng Pangulo ng
Komonwelt na napanalunan ni Manuel L. Quezon ng Partido Nacionalista, at itinatag ang isang Pilipinong
pamahalaan na ibinase sa mga prinsipyo ng Konstitusyon ng Estados Unidos. Ang komonwelt ay itinatag
noong 1935, na mayroong malakas na sangay na tagapagpaganap, iisang sangay ng kapulungan,
ang National Assembly at ang Kataas-taasang Hukuman ng Pilipinas na binubuo ng mga Pilipino sa unang
pagkakataon mula noong 1901. Noong panahon ng Komonwelt, nagpadala ang Pilipinas ng isang halal
na Resident Commissioner sa Mababang Kapulungan ng Estados Unidos (tulad ng ginagawa ng Puerto
Rico ngayon).

Naging adhikain ng bagong pamahalaan ang pagtatatag ng batayan ng tanggulang pambansa, mas malakas
na kontrol sa ekonomiya, mga reporma sa edukasyon, pagpapabuti sa transportasyon, ang kolonisasyon ng
pulo ng Mindanao at ang promosyon ng lokal na kabisera at industriyalisasyon. Ngunit hinarap ng
komonwelt ang problema sa agrikultura, ang di-tiyak na sitwasyong Diplomatiko at Militar sa Timog-Silangan
Asya, at hindi maliwanag na lebel ng komitment ng Estados Unidos sa panghinaharap na Republika ng
Pilipinas. Binago ang konstitusyon noong 1939–1940 upang ibalik ang kongresong may dalawang
kapulungan at ang pagpapahintulot ng pagtakbo muli ni Pangulong Quezon, na nagkaroon lamang ng isang
anim na taong termino.
Ikalawang Digmaang Pandaigdig at ang pagsakop ng mga Hapon[baguhin | baguhin ang wikitext]

Pangunang Artikulo: Pananakop ng mga Hapones sa Pilipinas

Humigit-kumulang 10,000 katao ang namatay sa Martsa ng Kamatayan sa


Bataan.

Naglunsad ang bansang Hapon ng isang sorpresang pag-atake sa Clark Air Base sa Pampanga noong 8
Disyembre 1941, halos sampung oras lamang matapos ang Pag-atake sa Pearl Harbor. Ang pagbobomba
sa pamamagitan ng paggamit ng mga eroplano ay sinundan ng pagdating ng mga sundalong Hapones sa
Luzon. Ang hukbo ng mga Pilipino at Amerikanong sundalo ay pinamunuan ni Heneral Douglas MacArthur.
Dahil sa pagdami ng mga kalabang dumarating sa bansa, lumikas ang mga hukbong Pilipino at Amerikano
sa Bataan at sa pulo ng Corregidor. Ang Maynila, na idineklarang bukas na lungsod/Open City upang
maiwasan ang pagkawasak nito, ngunit naging pasaway ang mga hapones at sinalakay pa rin ito [61] ito ay
pinasok ng mga Hapones noong ika-2 ng Enero 1942[62]. Nagpatuloy ang pagtatanggol ng mga Pilipino
hanggang sa pagsuko ng mga sundalong Pilipino at Amerikano sa Bataan noong 9 Abril 1942 at ang
Corregidor noong Mayo 6. Karamihan sa 80,000 na mga preso ng digmaan na nahuli ng mga Hapones sa
Bataan ay sapilitang pinagmartsa patungo sa isang kulungang may layo ng 105 kilometro sa Hilaga
(Pampangga) . Tinatayang 10,000 mga Pilipino, 300 mga Pilipinong Intsik at 1,200 mga Amerikano ang
namatay bago makarating sa destinasyon.[63]

Sumama sina Quezon at Osmeña sa mga sundalong patungong Corregidor at hindi nagtagal ay umalis sila
patungong Estados Unidos, at doon pinamahalaan ang Komonwelt.[64] Inutusan si MacArthur na pumunta
sa Australia, kung saan sinimulan niya ang planong pagbabalik sa Pilipinas.

Jose P. Laurel, Pangulo ng Pilipinas mula 1943 hanggang 1945.

Agad na nag-organisa ang mga awtoridad ng militar ng Hapon ng bagong estruktura ng pamahalaan sa
Pilipinas at itinatag ang KALIBAPI (Kapisanan sa Paglilingkod sa Bagong Pilipinas). Isinaayos nila ang
Konseho ng Estado na nagpatupad ng mga pang-sibil na batas hanggang Oktubre 1943, nang ideklara nila
ang Pilipinas bilang isang malayang bansa. Ang republikang nasa ilalim ng mga Hapones na pinamunuan
ni Jose P. Laurel ay hindi naging popular.[65]

Ang pagsakop ng mga Hapon sa Pilipinas ay tinutulan nang maraming aktibidad ng mga gerilya. Lumaban
ang pangkat ng militar ng Hukbong Katihan ng Komonwelt ng Pilipinas sa mga Hapones sa isang digmaang
gerilya at kinilalang isa itong pangkat ng Hukbong Katihan ng Estados Unidos. Ang tagumpay ng
pakikipaglabang ito ay ipinakita sa katapusan ng digmaan, kung saan kontrolado lamang ng mga Hapones
ang labindalawa sa apatnapu't walong lalawigan sa bansa.[65] Ang pangunahing elemento ng
paghihimagsik sa Gitnang Luzon ay ginampanan ng Hukbalahap (Hukbong Bayan Laban sa Hapon), na
mayroong 30,000 kasapi at ipinaabot ang kontrol sa karamihang lugar sa Luzon.[65]

Noong ika-8 ng Mayo 1942 hanggang ika-2 ng Setyembre 1945, nagsimula ang kampanya ng Labanan ng
Pilipinong Nadakpin-Muli sa Pilipinas sa ilalim ng pagsakop ng mga Hapon. Mahigit daan-libong mga Pilipino
at mga Pilipinong Intsik na kalakihan ay sumali bilang sundalo ay isang dating militar ng Hukbong Katihan ng
Komonwelt ng Pilipinas sa ilalim ng pangkat ng militar ng Estados Unidos (1935–1946) at ang sumali bilang
gerilya ng kumilalang pangkat ng gerilya sa buong pagbabaka at labanang ito sa Pilipinas katulad ng Luzon,
Visayas at Mindanao at lumaban sila sa mga Hapon, at bago po pagbabalik ng mga Amerikanong sundalo
sa Pilipinas noong 1944.

Dumating si Heneral Douglas MacArthur at si Pangulong Sergio Osmena kasama ang maraming mga
Pilipino at Amerikanong sundalo sa Leyte noong ika-20 ng Oktubre 1944. Maraming pang mga sundalo ang
dumating, at pinasok ng mga Magkakaalyadong sundalong Pilipino at Amerikano ang Maynila. Nagtagal ang
labanan hanggang sa pormal na pagsuko ng Hapon noong ika-2 ng Setyembre 1945. Nagdanas ang
Pilipinas ng pagkawala ng maraming buhay at malawakang pagkasira nang matapos ang digmaan.
Tinatayang isang milyong Pilipino ang namatay, at nawasak ang Maynila dahil hindi idineklara ng mga
Hapones ang Maynila bilang isang bukas na lungsod katulad ng ginawa ng mga Amerikano noong 1942.[65]

Sergio Osmena, Pangulo ng Pilipinas mula 1944 hanggang 1946.

Kasama ni Pangulong Manuel L. Quezon sa Estados Unidos si Sergio Osmena. Namatay si Quezon sa sakit
na tuberkulosis noong ika-1 ng Agosto 1944 at si Osmeña ang humalili sa kanya. Kasama siya ng mga
puwersang Amerikanong lumunsad sa Leyte. Samantala maraming ang magkakasanib ng mga sundalong
Pilipino at Amerikano kasama ng mga kumilalang gerilya ay ipagtatanggol ng sagupaan ng pakipaglaban sa
mga Hapones ay simula ng kampanya ng labanan ng pagpapalaya sa Pilipinas. Nagsilbi siya bilang pangulo
ng bansa hanggang sa magkaroon ng halalan noong ika-23 ng Abril 1946. Paghahanda ito sa pagbibigay ng
kalayaan ng Estados Unidos. Kumandidato siya bilang pangulo, ngunit natalo kay Manuel Roxas.
Malayang Pilipinas at ang Ikatlong Republika (1946–1972)[baguhin | baguhin ang wikitext]

Pangunahing artikulo: Kasaysayan ng Pilipinas (1946–1972)


Pamamahala ni Manuel Roxas (1946–1948)[baguhin | baguhin ang wikitext]

Manuel Roxas, Pangulo ng Pilipinas mula 1946 hanggang 1948.

Nagkaroon ng halalan noong 1946, na nagluklok kay Manuel Roxas bilang unang pangulo ng malayang
Pilipinas. Ibinalik ng Estados Unidos ang soberanya ng Pilipinas noong ika-4 ng Hulyo 1946.[29] Ngunit ang
ekonomiya ng Pilipinas ay nanatiling umaasa sa ekonomiya ng Estados Unidos, ayon kay Paul McNutt,
isang mataas na komisyoner ng Estados Unidos.[66] Ang Philippine Trade Act, na ipinagtibay bilang isang
kondisyon upang makatanggap ng perang gagamitin sa rehabilitasyon mula sa digmaan ang Pilipinas mula
sa Estados Unidos,[67] ay lalong nagpalala sa relasyon ng dalawang bansa sa probisyon itong itali ang
ekonomiya ng dalawang bansa. Isang kasunduan na militar ang nilagdaan noong 1947 na nagtakda sa
Estados Unidos ng 99-taong pag-uupa sa mga piling base militar sa bansa (binawasan ito ng 25 taon noong
1967).
Pamamahala ni Elpidio Quirino (1948–1953)[baguhin | baguhin ang wikitext]

Elpidio Quirino, Pangulo ng Pilipinas mula 1948 hanggang 1953.

Pinatawad ng administrasyon ni Roxas ang mga taong nakipagtulungan sa mga Hapones noong Ikalawang
Digmaang Pandaigdig, maliban sa mga taong gumawa ng mga marahas na krimen. Namatay si Roxas dahil
sa atake sa puso at tubercolosis noong Abril 1948, at humalili ang pangalawang pangulo, si Elpidio Quirino,
sa posisyon ng presidente. Tumakbo siya sa pagkapangulo noong 1949. Natalo ni Quirino si Jose P.
Laurel at nakamit niya ang apat na taong termino. Iniwan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig ang Pilipinas
na sira-sira at nawalan ng moral. Ang muling pagbangon ng bansa ay naguluhan dahil sa mga aktibidad ng
mga gerilyang Hukbalahap ("Huks") na naging kalaban ng bagong pamahalaan ng Pilipinas. Ang mga
panukala ng pamahalaan sa mga Huk ay parehong naging pang-negosasyon at pang-supresyon. Ang
Kalihim ng Tanggulang Pambansa, si Ramon Magsaysay ay nagsimula ng kampanya upang matalo ang
mga rebelde sa pamamagitan ng militar at para makuha na rin ang suporta ng pamahalaan mula sa mga
mamamayan. Unti-unting kumunti ang kampanya ng mga Huk noong dekada 1950's, at tuluyang nagwakas
ito sa walang kundisyon na pagsuko ni Luis Taruc, pinuno ng mga Huk noong Mayo 1954.
Pamamahala ni Ramon Magsaysay (1953–1957)[baguhin | baguhin ang wikitext]
Ramon Magsaysay, Pangulo ng Pilipinas mula 1953 hanggang 1957.

Suportado ng Estados Unidos, nahalal si Magsaysay sa pagkapangulo noong 1953 dahil sa popularidad
niya sa mga tao. Ipinangako niya ang reporma sa ekonomiya, at napaunlad niya ang reporma sa lupa sa
pamamagitan ng pagtaguyod sa paglipat ng tirahan ng mga mahihirap na tao sa Katolikong hilaga patungo
sa mga tradisyonal na mga lugar ng mga Muslim. Kahit nakatulong ito sa pagbabawas ng populasyon sa
Hilaga, tumaas ang tensiyong panrelihiyon.[68] Ngunit naging popular pa rin siya sa mga mamamayan, at
ang kanyang pagkamatay sa pagbagsak ng kanyang eroplano noong Marso 1957 ay nagdulot ng
kalungkutan sa maraming mga Pilipino.
Pamamahala ni Carlos Garcia (1957–1961)[baguhin | baguhin ang wikitext]

Carlos Garcia, Pangulo ng Pilipinas mula 1957 hanggang 1961.

Humalili si Carlos P. Garcia sa posisyon ng pangulo matapos ang pagkamatay ni Magsaysay, at nahalal rin
siya sa apat na taong termino noong Nobyembre ng taon ding iyon. Ipinatupad niya ang patakarang "Pilipino
Muna", na nagbibigay ng pagkakataon sa mga Pilipino na malinang ang ekonomiya ng bansa.[69] Nakipag-
ugnayan si Garcia sa Estados Unidos ukol sa pagsasauli ang mga Amerikanong base militar sa Pilipinas.
Ngunit nawala ang popularidad ng kanyang administrasyon dahil sa mga isyu ng kurapsiyon sa mga
sumunod na taon.[70]
Pamamahala ni Diosdado Macapagal (1961–1965)[baguhin | baguhin ang wikitext]

Diosdado Macapagal, Pangulo ng Pilipinas mula 1961 hanggang 1965.

Nahalal si Diosdado Macapagal sa pagkapangulo noong halalan ng 1961. Ang panukalang banyaga ni
Macapagal ay humingi ng mas malapit na relasyon sa mga kalapit na mga bansa, partikular na ang Malaya
(ngayo'y Malaysia) at Indonesia.[68] Ang pakikipag-negosasyon niya sa Estados Unidos ukol sa mga
karapatan sa mga base militar ay nagdulot ng negatibong damdamin sa mga Amerikano.[68] Binago niya
ang Araw ng Kalayaan mula sa Hulyo 4 na pinalitan ng Hunyo 12, upang gunitain ang araw na idineklara ni
Emilio Aguinaldo ang kalayaan ng bansa mula sa Espanya noong 1898.

Sa panahon ng panunungkulan ni Pangulong Diosdado Macapagal nagpatuloy sa pagtaas ang halaga ng


bilihin, ngunit naisagawa niyang kahit paano'y mapanatili ang mababang halaga ng bigas at mais.
Gayunpama'y ang pagpupuslit ng mga kalakal na ipinagbabayad sa adwana'y laganap pa rin tulad ng dati.
Si Macapagal sa kanyang sarili'y isang taong matapat, ngunit ipinapalagy ng mga taong siya'y mahina at
hindi nababagay sa kanyang tungkulin, o kaya'y kinukunsinti niya ang katiwalian at kasamaang ginagawa ng
mga taong malapit sa kanya o may lakas sa kanyang tanggapan.

Tangi sa pampalagiang suliranin na pangkabuhayan at pampamahalaan ang lumigalig sa kanyang


pangasiwaan.
Pamumuno ni Ferdinand Marcos (1965–1986)[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ferdinand Marcos, Pangulo ng Pilipinas mula 1965 hanggang 1986.

Ang isa pang subyang sa panig ni Macapagal ay ang Pangulo ng Senado na si Ferdinand Marcos, isang
kapwa Liberal. Sinasabing upang matamo ang pagtulong ni Marcos sa halalan noong 1961, lihim na
nakipagkasundo si Macapagal kay Marcos na hindi siya tatakbong muli para sa reeleksiyon sa halalan ng
taong 1965. Ngunit habang lumalapit ang halalan ng taong 1965, napatunayang masugit si Macapagal sa
pagkandidato.

Sa pagkabigo ng pag-asa ni Marcos sa pagiging kandidato ng Partido Liberal sa pagkapangulo, at sa


dahilang naanyayahang sumama sa Partido Nacionalista at samantalahin ang pagkakataon sa
Kumbensiyon ng mga Nacionalista'y iniwan niya ang Partido Liberal at sumapi sa Nacionalista. Nagwagi si
Marcos sa Kumbensiyon at naging opisyal na kandidato sa pagka-Pangulo.

Sa una niyang termino, naglunsad si Marcos ng iba't ibang mga proyekto at nagtaas ng koleksiyon
ng buwis na nakatulong sa pag-unlad ng bansa noong dekada '70. Dahil rin sa pag-utang niya at sa tulong
pang-ekonomiya na nanggaling sa Estados Unidos, mas maraming mga daan ang naitayo ng kanyang
administrasyon kaysa sa lahat ng daan na naitayo ng mga nakalipas na pangulo at mas maraming
mga paaralan kaysa sa nakalipas na administrasyon.[71] Nahalal muli si Marcos bilang pangulo noong 1969,
na naging unang pangulo ng malayang Pilipinas na natamo ang ikalawang termino.

Hinarangan ng mga kalaban ni Marcos ang kinailangang lehislasyon para maisakatuparan ang kanyang mga
plano. Dahil dito, nawala ang positibong damdamin sa kanyang ikalawang termino at bumagal ang pag-
unlad ng kabuhayan.[72] Dumami ang krimen at pagsuway ng mga sibilyan sa batas. Binuo ng Partido
Komunista ng Pilipinas ang Bagong Hukbong Bayan. Nagpatuloy ang pakikipaglaban ng Moro Islamic
Liberation Front para sa kalayaan ng Mindanao. Ang isang pagsabog sa pagtitipon ng Partido Liberal kung
saan idineklara ang kanilang kandidato para sa Senado noong ika-21 ng Agosto 1971 ang nagdulot ng
pagsuspinde ni Marcos sa writ of habeas corpus, na ibinalik niya noong ika-11 ng Enero 1972 matapos ang
mga protesta ng publiko.
Batas Militar[baguhin | baguhin ang wikitext]
Tingnan din: Estratehiya ng tensiyon.

23 Setyembre 1972 - Ipinahahayag ni Pangulong Ferdinand


Marcos ang Batas Militar sa isang pabalita sa himpapawid.

Dahil sa kawalan ng respeto sa batas at ang banta ng rebelyon ng mga Komunista, idineklara ni Marcos
ang batas militar noong ika-21 ng Setyembre 1972 sa bisa ng Proklamasyon Blg. 1081. Tinanggal ni Marcos
ang kalayaan ng pamamahayag at iba pang karapatan ng mga mamamayan, ipinasara ang Kongreso at ang
mga kompanya ng pamamahayag, at iniutos ang pag-aresto sa mga pinuno ng oposisyon at mga aktibidad
ng mga militante, kasama na ang kanyang pinakamalaking mga kritiko, si Senador Benigno Aquino, Jr.,
Senador Jovito Salonga at Senador Jose Diokno.[73] Ang deklarasyon ng batas militar ay tinanggap ng
karamihan, dahil sa problemang panlipunang dinaranas ng Pilipinas.[74] Malaki ang binaba ng bilang ng
krimen matapos isakatuparan ang curfew.[75] Maraming mga kalaban sa pulitika ang napilitang umalis ng
bansa.

Isang konstitusyonal na kumbensiyon, na itinatag noong 1970 upang palitan ang Saligang-Batas ng 1935, ay
nagpatuloy sa pagbuo ng bagong saligang-batas matapos ang deklarasyon ng batas militar. Nagkaroon ng
bisa ang bagong konstitusyon noong 1973, na binago ang istilo ng pamahalaan mula sa pampanguluhan na
naging parlamentaryo at nagpahintulot kay Marcos na manatili siya sa kapangyarihan matapos ang 1973.

Ayon kay Marcos, ang batas militar ang simula nang pagbubuo ng Bagong Lipunan na ibinase sa mga
kahalagahang panlipunan at pampolitika.[76] Lumakas ang ekonomiya noong dekada 1970s, na nagkaroon
ng sobrang salapi para sa budyet at pangangalakal. Tumaas ang Kabuuang Pambansang Produkto mula sa
55 bilyong piso noong 1972 na naging 193 bilyong piso noong 1980. Lumaki ang kita ng pamahalaan sa
turismo. Ngunit nakilahok si Marcos, ang kanyang mga kroni at ang kanyang maybahay, si Imelda
Romualdez-Marcos sa paggawa ng kurapsiyon.[77]
Ikaapat na Republika[baguhin | baguhin ang wikitext]

Upang palubagin ang Simbahang Katolika bago ang pagbisita ng Santo Papa, si Papa Juan Pablo II,
[78] opisyal na ipinatigil ni Marcos ang batas militar noong 17 Enero 1981. Ngunit, pinanatili niya ang
kapangyarihan ng pamahalaan sa paghuli at pagkulong. Ang kurapsiyon at ang kaguluhan sa lipunan ang
naging sanhi ng pagbagal ng pag-unlad ng ekonomiya sa ilalim ni Marcos, na humina ang kalusugan dahil
sa lupus.

Binoykot ng oposisyon ng halalan noong 1981, kung saan lumaban si Marcos at ang retiradong heneral na si
Alejo Santos.[73] Nanalo si Marcos ng 16 milyong boto, na pinahintulutan siyang manungkulan ng anim na
taon. Nahalal ang Kalihim ng Pananalapi, si Cesar Virata bilang Punong Ministro ng Batasang Pambansa.

Noong 1983, napatay ang pinuno ng oposisyon, si Benigno Aquino, Jr. sa Pandaigdigang Paliparan ng
Maynila sa kanyang pagbalik sa Pilipinas matapos ang mahabang panahon ng pananatili sa ibang bansa.
Nagdulot ito ng pagtutol sa pamumuno ni Marcos at ang serye ng mga pangyayari, kasama ang pag-aalala
ng Estados Unidos, na nagsanhi ng halalan noong Pebrero 1986.[79] Nagkaisa ang oposisyon sa biyuda ni
Aquino, si Corazon Aquino.

Idineklara ng Komisyon ng Eleksiyon (COMELEC), ang opisyal na tagabilang ng resulta ng halalan, ang
pagkapanalo ni Marcos. Ngunit malaki ang pagkakaiba nito sa bilang ng Namfrel, isang pinagkakatiwalaang
tagabantay ng halalan. Tinutulan ni Corazon Aquino at ng kanyang mga tagasuporta ang maling resulta ng
halalan. Hindi rin kinilala ng mga dayuhang tagamasid, kasama ang delegasyon ng Estados Unidos, ang
opisyal na resulta.[79] Binawi ni Hen. Fidel Ramos at Kalihim ng Tanggulang Pambansa, si Juan Ponce
Enrile, ang suporta nila kay Marcos. Napatalsik si Marcos sa isang mapayapang demonstrasyon, tinatawag
na Rebolusyon sa EDSA ng 1986 at ang paghalili ni Corazon Aquino bilang pangulo noong ika-25 ng
Pebrero 1986.
Ikalimang Republika (1986-Kasalukuyan)[baguhin | baguhin ang wikitext]

Pamamahala ni Corazon Aquino (1986–1992)[baguhin | baguhin ang wikitext]

Corazon Cojuangco-Aquino, Pangulo ng Pilipinas mula 1986 hanggang 1992.

Bumuo kaagad si Corazon Aquino ng isang rebolusyonaryong pamahalaan para maging normal ang
sitwasyon, na naging batayan ang transisyonal na Freedom Constitution.[80] Isang bagong saligang-batas
ang ipinagtibay noong Pebrero 1987.[81] Ipinagbawal ng konstitusyong ito ang pagdedeklara ng batas
militar, pagtatatag ng mga nagsasariling rehiyon sa Cordillera at sa Timog Mindanao at ang pagbabalik ng
istilong pampanguluhan ng pamahalaan at ang Kongresong may dalawang kapulungan.[82] Umunlad ang
bansa sa pamamagitan ng pagtatatag muli ng mga demokratikong institusyon at respeto sa mga
mamamayan, ngunit naging mahina ang pagbangon ng bansa sa administrasyong Aquino dahil sa
mga kudeta ng mga di-apektadong mga kasapi ng militar.[83] Ang paglakas ng ekonomiya ay hinadlangan
ng serye ng mga kalamidad, kasama na ang pagsabog ng Bulkang Pinatubo noong 1991 na nagdulot ng
pagkamatay ng 700 katao at ang pagkawala ng mga tirahan ng 200,000 na katao.[84]
Noong 1991, ibinasura ng Senado ang kasunduang nagpapahintulot sa pananatili ng mga base militar ng
Estados Unidos sa loob ng sampung taon. Isinauli ng mga Amerikano sa pamahalaan ang Clark Air
Base sa Pampanga noong Nobyembre ng taong iyon, at ang Subic Bay Naval Base
sa Zambales noong Disyembre 1992, na nagtapos sa halos isang siglo ng pamamalagi ng militar ng Estados
Unidos sa Pilipinas.

Namatay si Corazon Aquino noong ika-1 ng Agosto 2009 sa Makati medical center sa Lungsod ng Makati sa
kadahilanang Colon Cancer.
Pamamahala ni Fidel V. Ramos (1992–1998)[baguhin | baguhin ang wikitext]

Fidel Ramos, Pangulo ng Pilipinas mula 1992 hanggang 1998.

Noong 1992, nagwagi sa halalan ang Kalihim ng Tanggulang Pambansa, si Fidel Ramos, na inendorso ni
Pangulong Aquino, na may 23.6% lamang ng kabuuang boto sa pagitan ng pitong kandidato. Sa mga unang
taon ng kanyang termino, idineklara niya na mataas niyang prayoridad ang nasyonal na rekonsilyasyon at
gumawa siya ng koalisyon upang makabangon sa mga hidwaan ng administrasyong Aquino.[82] Ginawa
niyang legal ang Partidong Komunista at nakipag-negosasyon sa mga ito, sa mga rebeldeng Muslim at mga
rebeldeng militar upang kumbinsihin sila na itigil ang kanilang mga kampanya laban sa pamahalaan.
Noong Hunyo 1994, nilagdaan niya ang amnestiyang nagpapatawad sa mga rebeldeng pangkat, at mga
Pilipinong militar at mga pulis na kinasuhan ng krimen habang nakikipaglaban sa mga rebelde.
Noong Oktubre 1995, nilagdaan ng pamahalaan ang kasunduang nagtatapos sa kaguluhang rebelde. Isang
kasunduang pang-kapayapaan ang nilagdaan ng pamahalaan at ng Moro National Liberation Front (MNLF),
isang pangkat ng mga rebeldeng naghahangad na maging malayang bansa ang Mindanao, noong 1996, na
nagtapos sa pakikipaglaban na nagtagal ng 24 taon. Ngunit ipinagpatuloy ng humiwalay na pangkat ng
MNLF, ang Moro Islamic Liberation Front ang pakikipaglaban. Maraming mga malalaking protesta ang
kumontra sa pagsisikap ng mga taong sumuporta kay Ramos na susugan ang batas upang magkaroon siya
ng pagkakataong tumakbo muli para sa ikalawang termino, na naging sanhi ng hindi pagtakbo muli ni
Ramos sa halalan.[85]
Pamamahala ni Joseph Estrada (1998–2001)[baguhin | baguhin ang wikitext]

Joseph Estrada, Pangulo ng Pilipinas mula 1998 hanggang 2001.


Nanalo si Joseph Estrada, isang dating aktor at naging bise pangulong ni Ramos, sa halalan ng pagka-
Pangulo noong 1998. Ipinangako niya sa kanyang kampanya ang pagtulong sa mga mahihirap at paunlarin
ang sektor ng agrikultura sa bansa. Naging popular siya sa mga mahihirap.[86] Noong panahon ng krisis na
pinansiyal sa Asya na nagsimula noong 1997, ang pamamahala ni Estrada ay nagdulot ng mas malalang
kahirapan sa ekonomiya. Maraming Pilipino ang nawalan ng trabaho, lumaki ang kakulangan sa badyet at
bumaba ang halaga ng piso. Ngunit nakabangon ang kabuhayan ng bansa ngunit mas mabagal ito kumpara
sa mga kalapit-bansa nito.

Sa loob ng isang taon ng kanyang eleksiyon, nawala ang popularidad ni Estrada dahil sa mga akusasyon ng
kronyismo at kurapsiyon, at ang pagkabigo na masolusyonan ang mga suliranin sa kahirapan.[77] Noong
Oktubre 2000, inakusahan si Estrada na tumatanggap siya ng pera mula sa sugal. Siya ay isinakdal ng
Mababang Kapulungan, ngunit ang kanyang paglilitis sa Senado ay hindi natuloy nang iboto ng senado na
huwag eksaminahin ang tala sa bangko ng pangulo. Bilang sagot, nagkaroon ng mga demonstrasyon na
naghingi sa pag-alis ni Estrada. Dahil sa mga rally, ang resignasyon ng mga kalihim at ang pagkawala ng
suporta ng sandatahang lakas, umalis si Estrada sa opisina noong ika-20 ng Enero 2001.
Pamamahala ni Gloria Macapagal-Arroyo (2001–2010)[baguhin | baguhin ang wikitext]

Gloria Macapagal-Arroyo, Pangulo ng Pilipinas mula 2001 hanggang 2010.

Humalili si Bise Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo (ang anak ni Pangulong Diosdado Macapagal) sa
posisyon ng Pangulo sa araw ng kanyang paglisan. Tinatayang hindi lehitimo ang pag-upo ni Ginang Arroyo
sa pwesto dahil hindi pa tapos ang paghahatol sa kaso ng nakaraang pangulong Estrada. Naging mas
lehitimo ang kanyang pag-upo sa halalan pagkalipas ng apat na buwan, kung saan nanalo ang kanyang
koalisyon sa karamihan ng mga posisyon.[77] Ang unang termino ni Arroyo ay nagkaroon ng hating politika
ng mga koalisyon at isang kudeta sa Maynila noong Hulyo 2003 na naging sanhi ng pag-deklara niya ng
isang buwang pambansang state of rebellion.[77]

Sinabi ni Arroyo noong Disyembre 2002 na hindi siya tatakbo sa halalan noong 2004 ngunit binago niya ang
kanyang desisyon noong Oktubre 2003 at nagdesisyong sumali sa halalan.[77] Siya ay muling nahalal at
isinalin sa puwesto para sa kanyang anim na taong termino noong ika-30 ng Hunyo 2004. Noong 2005,
isang tape na naglalaman ng isang usapan ay lumabas na naglalaman ng usapan ni Arroyo at isang opisyal
ng halalan kung saan inutusan ni Arroyo ang opisyal na itaas ang bilang ng kanyang mga boto upang
manatili siya sa puwesto.[87] Nagdulot ito ng mga protesta na humihingi sa pagbaba ni Arroyo sa puwesto.
Inamin niya na kinausap niya ang isang opisyal ng halalan, ngunit tinatwa niya ang mga alegayon ng
pandaraya at hindi siya bumaba sa puwesto.[87] Hindi nagtagumpay ang mga planong pagpapatalsik sa
pangulo noong taong iyon.
Pamamahala ni Benigno Simeon C. Aquino III (2010-2016)[baguhin | baguhin ang wikitext]
Benigno Aquino III, Pangulo ng Pilipinas mula 2010 hanggang 2016.

Taong 2009 nang hikayatin si Benigno Simeon Cojuangco Aquino III na kumandidato bilang pangulo ng
Pilipinas. Dahil dito, nabuo ang Noynoy Aquino for President Movement (NAPM) upang mangalap ng isang
milyong lagda sa buong Pilipinas para sa kanyang kandidatura. Pinagbigyan ni Aquino ang kahilingan ng
maraming Pilipino. Siya ay tumakbo at nahalal na pangulo ng Pilipinas noong 2010.

Kung walang corrupt, walang mahirap. Ito ang isa sa mga islogan na gimanit ni Pangulong Aquino sa
kanyang kampanya noong siya ay kumakandidato pa lamang. Sa kanyang inagurasyon noong ika-30 ng
Hunyo 2010 nabanggit niya na ito pa rin ang prinsipyo na magiging batayan ng kanyang administrasyon.
Batay sa kanyang talumpati, ang ilan sa mga hakbang na kanyang gawain upang maiangat ang bansa sa
kahirapan ay ang mga sumusunod:

 Pagkakaroon ng tuwid at tapat na hanay ng mga pinuno


 Pagpapatayo ng mga imprastraktura para sa transportasyon
 Pagbibigay ng trabaho sa mga lokal na komunidad
 Pagpapalakas ng koleksiyon ng buwis at pagsugpo sa korapsyon sa Kawanihan ng Rentas Internas
o Bureau of Internal Revenue at Bureau of Customs
Pamamahala ni Rodrigo Duterte (2016–2022)[baguhin | baguhin ang wikitext]

Rodrigo Duterte naghahatid ng kanyang unang State of the Nation Address.

Si Rodrigo Duterte nakikilala sa kanyang giyera kontra sa ilegal na droga at sa krimemalidad.[88][89][90] Sa


tiempo na siya'y namumuno, siya'y saksi sa pagpanalo ng Pilipinas laban sa China sa kaso ng Karagatang
Kanlurang Pilipinas[91] Si Duterte din ang responsable sa pag lagay ng bangkay ni Ferdinand Marcos sa
mga libingan ng mga bayani. Noong Mayo 23 2017, nangyari ang Krisis sa Marawi sa ilalim ng
administrasyon ni Duterte. Ang krisis iniresolba sa pamamagitan ng 60 na araw na martial law samantalang
binomba ang lungsod ng Marawi para pulbusin ang mga ISIS na terrorista. Nag popokus din si Duterte sa
Inprastruktura sa kanyang "Build Build Build" na initiatibo, isang programa na ipalawak ang pag dedevelop
ng Pilipinas.[92] Pinataas din ni Duterte ang mga sweldo ng mga personel sa gobyerno and pintatag niya
ang libreng tuition para sa estudyante sa Kolehiyo. Siya din ang umuna ng mandatoryong pag reregister ng
mga Cellphone Sim Card para makaiwas ang mga scam at panloloko. Siya din, kasama ng kamara ang
gumawa ng Bangsamoro Organic Law na pa-reporma na ARMM (Autonomous Region of Muslim Mindanao).
Pamamahala ni Bongbong Marcos (2022–Ngayon)[baguhin | baguhin ang wikitext]
Noong annyong 2022, nanalo si Ferdinand Marcos Jr, oh si Bongbong Marcos, sa eleksyon, kasama iya sa
pagnanalo ang babaeng anak ni Presidenteng Rodrigo Duterte, na si Sarah Duterte na tumakbo bilang Bise-
Presidente.

You might also like