Malasusing Banghay Aralin Sa Araling Panlipunan Grade 9

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

MALAMASUSING BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN GRADE 9

I. LAYUNIN

Matapos ang aralin ang mga mag-aaral ay inaasahang:

a.) Naibibigay ang kahulugan ng pangangailangan at kagustuhan

b.) Nakapagbibigay ang mga mag-aaral ng mga halimbawa patungkol sa


pangangailangan at kagustuhan

c.) Naipaliliwanag ang teorya ng pangangailangan ayon kay Abraham Maslow

II. PAKSANG ARALIN

a. PAKSA : Pangangailangan at Kagustuhan

b. SANGGUNIAN : Ekonomiks Araling Panlipunan Modyul para sa mag-aaral Unang Edisyon,


pahina 37-47

c. MGA KAGAMITAN : Mga Larawan, Laptop, Tsart, tisa, pisara

III. PAMAMARAAN

a.) Panimulang Gawain

-Panalangin

-Pagbati

-Pagtala ng Lumiban sa klase

b.) Balik- Aral : Noong nakaraang araw ating tinalakay ang Nasyonalismo o pagmamahal sa
Bayan. Atin ding napag alaman na mayroong mga bayaning nakipaglaban upang makamit natin ang
kalayaan ng ating bansang Pilipinas.

c.) Pagganyak

Magbibigay ang guro ng mga larawan at ididikit ng mga mag-aaral sa pisara ayon sa
hanay na sa tingin nila ay dapat kabilang. Kung ito ba ay pangangailangan o kagustuhan.

d.) Pagtatalakay

Tatalakayin ng guro kung ano ang pangangailangan at kagustuhan. Pagkatapos


matalakay, magbibigay ang guro ng mga halimbawa at maging ang kanyang mga mag-aaral upang lubos
nilang maunawaan ang paksa. Ipaliliwanag din ng guro ang teorya ng pangangailangan ni Abraham
Maslow.

IV. PAGLALAPAT

a.) Pagbubuod

Magkakaroon ng palaro, kung saan ito ay pinamagatang “NAME THAT THING” ang mga
mag-aaral ay bubunot ng salitang nasa kahon at sasabihin kung ito ay kailangan o kagustuhan mo bilang
mag-aaral.

b.) Pagpapahalaga
Bilang isang mag-aaral paano makatutulong ang konsepto ng pangangailangan at
kagustuhan sa pagbuo ng desisyon.

V. EBALWASYON

Susuriin ng mga mag-aaral ang bawat pangungusap at tutukuyin nila kung ito ba ay
pangangailangan o kagustuhan.

___________________1. Nagpa-party ng bongga ang aking nanay para sa aking kaarawan.

___________________2. Kumain ng prutas at gulay upang manatiling malakas ang pangangatawan.

___________________3. Magbukas ng facebook araw-araw.

___________________4. Bumili ng aircon para sa aking kwarto.

___________________5. Maglaro ng Mobile Legends.

___________________6. Magsuot ng maayos na damit.

___________________7. Bumili ng mamahaling relo.

___________________8. Lumipat sa bahay na mala-mansiyon ang laki.

___________________9. Mag-aral sa eksklusibong paaralan.

___________________10. Uminom ng tubig pagkatapos kumain.

VI. TAKDANG-ARALIN

Basahin at pag-aralan ang mga salik na nakaiimpluwensiya sa pangangailangan (pahina 44-45)

You might also like