Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

THIRD QUARTER

1.Ano ang kalagayang pangkabuhayan ng mga Pilipino pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig?
a.Dumami ang nawalan ng trabaho, naghirap at nagutom.
b.Namatay at nasira ang mga sakahan at mga pananim.
c.Nawasak ang mga gusali at ang mga impastruktura.
d.Lahat ng nabanggit ay tama.

2. Matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, nakita ang malawak na pinsala nito sa kabuhayan ng mga
Pilipino. Sa pagkakataong iyon ano ang higit na kailangan ng ating bansa?
a.Makipag-ugnayan sa mayayamang bansa.
b.Paggawa at pagpapatibay ng mga batas.
c.Pagtataas at pagbabayad ng buwis.
d.Rekonstruksiyon at rehabilitasyon.

3.Ano ang dahilan kung bakit naging mahirap ang pagbangon ng ating bansa mula sa kahirapan pagkatapos ng
Ikalawang Digmaang Pandaigdig?
a.Dumami ang krimen at kaguluhang dulot ng mga rebelde.
b.Maraming Pilipino ang ang nawalan ng tirahan.
c.Maraming pinsala at suliranin ang iniwan nito.
d.Lumaki ang halaga ng dolyar kontra piso.

4. Bakit maraming Pilipino ang nagalit at hindi sumang-ayon sa pagpirma ni Pangulong Roxas sa mga
kasunduang inilahad ng Estados Unidos pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig?
a.Hindi naging pantay ang kasunduan sa mga Pilipino at ito ay pabor lamang sa mga Amerikano.
b.Nalugi ang mga local na mangangalakal dahil nahirapan silang ipagbili ang kanilang produkto.
c.Ang mayayaman lamang ang nakatanggap ng tulong at benepisyo mula sa Estados Unidos.
d.Umunlad ang likas na yaman at local na industriya ng bansa sa tulong ng mga Amerikano.

5. Paano nakaapekto sa buhay ng mga Pilipino ang pagkakaroon ng Base-Militar ng Estados Unidos sa Pilipinas?
I. Nakapag-asawa ang mga Pilipina ng mga sundalong Amerikano nagtatrabaho sa base.
II. Naging mayaman ang mga mamamayang Pilipino dahil sa dolyar na dinadala nito.
III. Napaunlad ang kakayahan sa pakikipaglaban ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas.
IV. Nagkaroon ng hanapbuhay at negosyo ang mga Pilipinong nakatira malapit sa base.
a.I ay tama
b.I, II, at III
c.III at IV
d.II at IV

6. Itinakda ng Bell Trade Act o Philippine Trade Act ang pagkakaloob sa mga Amerikanong negosyante ng
pantay na karapatang gamitin at makinabang sa likas na yaman ng Pilipinas. Bakit kaya tinanggap pa rin ng
pamahalaan ang kasunduang ito bagamat may mga nagsabing hindi ito makatarungan para sa mga Pilipino?
Tinanggap ito ng pamahalaan dahil____________
a.gustong linangin at pagandahin ng Estados Unidos ang ating likas na yaman.
b.ito ang kapalit na tulong-pinansiyal na ibibigay ng Estados Unidos.
c.maraming pera at higit na makapangyarihan ang Estados Unidos.
d.nais ng Pilipinas na mapabuti ang ugnayan sa Estados Unidos

7. Ang mga sumusunod ay ang mga di-mabuting epekto ng Parity Rights MALIBAN sa isa. Ano ito?
a.Paggamit ng makinarya at bagong teknolohiya.
b.Paghina ng ating tradisyunal na industriya.
c.Pagkalugi ng mga magsasakang Pilipino.
d.Pagkasira ng ating likas na yaman.

8. Sinasabing labag sa Saligang Batas ng Pilipinas ang patakarang Parity Rights dahil ito ay:
a.patakarang nag-uutos na tumangkilik ang mga Pilipino sa produktong dayuhan.
b.paraan ng pakikipag-ugnayan sa mga mayayaman at makapangyarihang bansa.
c.kautusan na dapat sundin ng mga bansang kasapi sa Nagkakaisang Bansa.
d.ipinagkaloob sa mga Amerikano na linangin ang ating likas na yaman.

9. Isang epekto ng matagal na pagiging kolonya ng Pilipinas ang pagkahilig ng mga Pilipino sa mga produktong
dayuhan. Sa iyong palagay, tama ba ang ganitong pag-iisip ng mg Pilipino?
a.Oo, dahil mababa ang presyo ng mga produktong dayuhan.
b.Hindi, dahil higit na maganda mga produktong dayuhan.
c.Hindi, dahil dapat tangkilikin natin ang sariling atin.
d.Oo, dahil higit na mas matibay ang gawang imported.

10. Dahil sa kaisipang kolonyal, maraming Pilipino ang tumangkilik sa mga produktong inaangkat mula sa ibang
bansa. Paano ito nakakaapekto sa ekonomiya ng ating bansa?
a.Dadami ang mga negosyante na mamumuhunan sa ating bansa.
b.Kikita at uunlad ang kabuhayan ng mg Pilipino.
c.Bababa ang presyo ng mga local na produkto.
d.Lahat ng nabanggit.
s

You might also like