___________________________________________________________________ Aralin : Ikatlong Markahan, Ikalimang Linggo, LAS 2 Pamagat ng Gawain: Mga Suliraning Kinaharap ng administrasyong Quirino at Magsaysay Layunin : Natutukoy ang damdamin hinggil sa mga suliraning kinakaharap ng bansa sa panahon nina Elpidio Quirino at Ramon Magsaysay Sanggunian : MELCs/TUKLAS LAHI 6 Manunulat : JAYRALD IAN A. ALICNA
Mga Suliraning Kinaharap ng administrasyong Quirino
Nakipagkasundo si Quirino sa HUKBALAHAP upang masiguro ang kapayapaan sa
bansa. Ngunit nasira ang pagkakasundong iyon noong 1948 nang ideklara ng pinuno nitong si Luis Taruc na ang Hukbalahap ay isang opisyal nang komunistang kilusan. Naghahasik ang mga Huk ng karahasan at nangako ng mga reporma sa lupain. Isa pang mabigat na suliraning kinaharap ni Quirino ay ang mga akusasyon ng korupsyon sa kanyang administrasyon. Nagbunsod ito ng panawagan ng taumbayan na siya ay i- empeach. Subalit ibinasura ito ng komiteng pang kongreso dahil sa kawalan ng sapat na basehan.
Mga Suliraning Kinaharap ng Administrasyong Magsaysay
Pangunahing suliraning kinaharap ng administrasyong Magsaysay ay ang
paghihimagsik ng HUKBALAHAP at ang pondo para sa mga programa ng pamahalaan, gayong bahagya pang sariwa ang mga epekto ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Dagdag pa ang problema sa pagpapatupad ng reporma sa lupa. Ang Land Tenure Reform Law ay pilit na sinasalungat ng mga miyembro ng Kongreso- na mga tagapag-ambag din sa bulok na sistema ng pamamalakad ng lupain.
Panuto: Punan ang bawat patlang ng tamang sagot.
1.Pangunahing suliranin ang kinaharap ng administrasyong Magsaysay ang
paghihimagsik ng _____________________. 2. Ang ________________ ay pilit na sinasalungat ng mga miyembro ng Kongreso. 3. Nakipagsundo si Pangulong Quirino sa _____________ upang masiguro ang kapayapaan sa bansa. Ngunit nasira ang kasunduang ito noong 4. ___________. 5. Naghasik ang mga ______ng karahasan at nangako ng mga reporma sa lupain.