Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Umakyat na sa 49 ang nasawi sa pertussis habang umabot na sa 862 ang naitalang kaso sa bansa mula

Enero 1 hanggang Marso 23, 2024.

Sa datos ng Department of Health (DOH) na inilabas ni OIC Assistant Secretary at Deputy Spokesperson
Dr. Albert Domingo, ito ay 30 ulit umanong mas mataas kumpara sa mga naitalang kaso sa kahalintulad
na petsa noong nakaraang taon.

Pinakamaraming naitalang kaso ng sakit sa MiMaRoPa,187; National Capital Region (NCR), 158; Central
Luzon, 132; Central Visayas, 121 at Western Visayas, 72

Karamihan sa kaso ay mga paslit o 79% at anim sa 10 o 66% ay hindi bakunado.

Maaari pa umanong magbago ang naturang bilang dahil na rin sa late consultations at reports.

Tiniyak naman ng DOH na patuloy nilang minomonitor at inaaksiyunan ang pagtaas ng mga kaso ng
pertussis na kilala rin sa mga tawag na whooping cough, ubong dalahit at tusperina.

Pinag-iingat ng Department of Health (DOH) ang publiko laban sa mga heat-related illnesses,
gaya ng heat stroke, ngayong nakakaranas ang bansa ng napakatinding init ng panahon.

Nauna rito, iniulat ng PAGASA na ang temperatura ng bansa ay maaaring umabot ng hanggang 45°C
degrees Celsius sa ilang lugar mula Marso 28 hanggang kahapon, Abril 3, 2024.

Ang temperatura na nasa 33-41°C ay kinaklasipika ng PAGASA bilang “extreme caution” o matinding
pag-iingat habang ang 42-51 ay “danger” o mapanganib.

“Such temperatures can lead to heat cramps and heat exhaustion, characterized by symptoms such as
fatigue, dizziness, headache, vomiting, and light-headedness. Prolonged heat exposure increases the
probability of heat stroke, a serious condition characterized by loss of consciousness, confusion, or
seizures, which can be deadly if left untreated,” ayon sa DOH.

Kung maobserbahan ang mga naturang sintomas ay kaagad na magsagawa ng mga first aid measure.

Kabilang dito ang pagdadala sa pasyente sa malilim at malamig na lugar at pagbibigay ng sapat na
bentilasyon, pagtatanggal sa outer clothing ng pasyente at pag-aplay dito ng cold compresses, ice packs,
malamig na tubig o malamig at basang tela sa balat, partikular na sa ulo, mukha, leeg, kilikili, pulso,
bukung-bukong at mga singit.

Kung gising o conscious ang pasyente, dapat na madalas ngunit mabagal itong pasipsipin ng malamig na
tubig. Makabubuti din kung kaagad na tatawag ng emergency services at dalhin ang pasyente sa
pagamutan.

Pinapayuhan rin naman ng DOH ang publiko na regular na i-monitor ang mga ulat mula sa PAGASA at
magsagawa ng mga preventive measures laban sa mga heat-related illnesses.

Kabilang dito ang pag-inom ng maraming tubig, pag-iwas sa iced tea, soda, kape at alcoholic drinks;
paglilimita sa oras sa labas ng bahay, lalo na sa pagitan ng 10AM hanggang 4PM; at paggamit ng
proteksiyon laban sa sunburn gaya ng sumbrero, payong, at sunblock at pagsusuot ng maluluwag at
magagaang damit.
Naihain na ng Philippine National Police (PNP) ang 2 warrant of arrest sa kasong Child Abuse at Sexual
abuse na ipinalabas ng Davao City Regional Trial Court laban kay Kingdom of Jesus Christ leader Apollo
Quiboloy at 5 iba pang mga akusado, nitong Miyerkules.

Ayon kay BGen Alden Delvo, Davao Region Police Director, naisilbi na ang 2 warrant of arrest sa
paglabag sa Republic Act 7610 o (The Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation, and
Discrimination Act) sa Kingdom of Jesus Christ para kay Quiboloy

“Pumunta kami sa Kingdom of Jesus Christ kay Apollo Quiboloy dito sa airport at sinerve namin ‘yung
WOA, binigay namin sa administrator sa gusali or building na ‘yun” saad ni Delvo.

Aniya, nakausap na nila ang lawyer ni Quiboloy para sa pagsuko nito para siya makapag-bail batay sa
ipinalabas na warrant of arrest ng korte.

“Yung WOA ni Pastor Quiboloy under his name only has a P200,000 bail bond for other sexual abuse and
then the rest na kasama rin naman si Pastor Quiboloy are 80,000 for other acts of child abuse under sec.
10 of RA 7610,” ani Delvo.

Umaasa si Delvo na lalantad o susuko si Quiboloy sa mga darating na mga araw bagamat sakaling
mabigo ito ay maglulunsad sila nang manhunt laban sa nasabing Pastor.

“Well of course just like any other WOA there will be a manhunt operation. He will be a fugitive, alam mo
naman may WOA siya the authorities will exert effort in arresting him” dagdag ni Delvo.

Kaugnay nito sinabi ni Delvo na nasa kustodiya ng National Bureau of investigation (NBI) si Tamayong
Brgy. Captain Cresente Canada, isa sa 5 akusado matapos ito sumuko nang lumabas ang warrant of
arrest laban sa kanya.

Boluntaryo namang sumuko ang mga akusadong sina Paulene Canada at Sylvia Cemanes.

Una rito ay naglabas ng warrant of arrest ang Davao court laban kay Quiboloy at limang iba pa dahil sa
kasong child abuse.

Humingi ng pang-unawa at pasensiya si Philippine National Railways (PNR) Chairman Michael Ted
Macapagal kaugnay ng pansamantalang suspensiyon ng operasyon ng tren na nagsimula noong Marso
28.

Sa ginanap na Kapihan sa Manila Hotel, sinabi ni Macapagal na panandalian lamang ito para na rin sa
mas maayos, mabilis na biyahe at ligtas na tren.

Ayon kay Macapagal, ang suspensiyon ay pagbibigay daan sa konstruksiyon ng P873.62 bilyong halaga
ng NSCR na mula Clark Freeport Zone sa Angeles City, Pampanga hanggang Metro Manila patungong
Calamba City sa Laguna.

Nilinaw ni Macapagal na sinubukan nilang patakbuhin at paganahin ang ilang ruta subalit sa bilis ng
konstruksiyon kailangan na nilang ipatigil pansamantala ang biyahe ng tren.

“The clanky, diesel fed train will have been replaced by a fleet of electric multiple unit rains each of which
isit at par with world standards in terms of safety and comfort”, ani Macapagal.

Dagdag pa ni Macapagal, suportado nila ang pangako ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at DOTr
Secretary Jaime Bautista na solusyunan ang matagal nang problema sa trapiko.

You might also like