Ginintuang Panahon NG Greece

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

GININTUANG PANAHON NG GREECE

Panahon ni Pericles

· Pericles – pinuno ng Athens na naghatid sa mga mamamayan nito sa ginintuang panahon.

- Nagmula sa pamilya ng maharlika.

· Patatagin ang demokrasya

· Nagtatag ng asembleya

· Nagkaroon ng sahod ang mga opisyal

· Pinatatag ang hukbong pandagat

· Napaunlad ang kalakalannag panlabas

Sining at arkitektura

· Daan daang iskultor, arkitekto, at pintor ang gumawa ng mga gusali, estatwa, at pinta

· Tatlong uri ng kolum sa Athens

1. Doric

2. Ionic – may scroll sa itaas

3. Corinthian – may ukit na dahon

· Parthenon – matatagpuan sa acropolis

- Isa sa pinakamahusay na gusali sa Athens

- Ipinatayo para kay Athena

- Mayroon 46 na kolum

· Estatwa ni Athena – pinakatanyag na gawa ni Phidias. Ginamitan ng ginto at ivory.

· Estatwa ni Zeus – gawa ni Phidias.

- Nasa templo ng Olympia

Teatro

· Athenian – kaunaunahang nagpatayo ng teatro

· Drama – pinakatanyag na libangan. Ito’y karaniwang umiikot sa:

1. Relihiyon

2. Pulitika

3. Paghihiganti

4. Kamatayan

· Trahedya – pag-ibig, galit, digmaan, pagtataksil

- malungkot ang wakas

- paghihirap at pagbagsak ng tauhan

- naging tanyag sina:


1. Aeschylus

2. Sophocles

3. Euripides

· Komedya – eksena ng katatawanan na ginagawa ng mga pulitiko, pilosopo, opisyal

· - unang sumulat ng Komedya tulad ng The Birds, The Clouds, The Frogs

Matematika at Siyensiya

· Thales – “lahat ng bagay ay nagmula sa tubig”

- Tinukoy din nya ang pagkuha ng datos at pagbuo ng teorya sa pag-aaral ng bagay

· Pythagoras – naging kilala dahil sa Geometry

· Hippocrates – “ang bawat karamdaman ay nagmumula sa likas na sanhi”

- Sumubok na mabigyang lunas ang karamdaman sa scientific method

- Hippocratic oath – pagtukoy nga mga katungkulan ng manggagamot

Kasaysayan

· Herodotus – pinakatanyag na Greek historian

- Naitala ang nangyari sa Digmaang Persiyano

- Nakapaglakbay sa Mesopotamia at Egypt

- Ama ng kasaysayan

· Thucydides – may wastong pagkakatala sa Digmaang Peloponnesian

Pilosopiya

· “philos” “sophia” – pagmamahal sa karunungan

· Socrates – pinakamatalinong tao ng panahon

- Pinakadakilang pilosopo ng Greece

- “kilalanin ang sarili”

- “mapapaunlad ang sarili sa edukasyon”

- Tinuligsa ang demokrasya

- Naging batayan ang akda ni Plato

· Plato – may kaunaunahang aklat na may kinalaman sa agham pulitikal – The Republic – tinalakay
ang katuturan ng estado

- Di sang-ayon sa demokrasya

- Mithiin: magtatag ng paaralan

- Naitayo ang Academy kung saan nagturo siya ng Matematika at Pilosopiya

· Aristotle – pinakamatalinong mag-aaral ni Plato


- Pinaunlad ang pag-aaral ng logic

- Nagpahalaga sa:

1. Pagtitipon ng datos

2. Pagkuha ng resulta

3. Pagbibigay interpretasyon sa mga ito

- Pinag-aralan: botany, astronomy, physics

- Nagtatag ng Lyceum

- Tinalakay ang iba’t ibang uri ng pamahalaan

- Nagsilbing tutor ni Alexander the Grea


Nais ni Pericles na manatili ang kapayapaan di lamang sa Athens kundi maging sa mga kalapit nitong mga
lungsod – estado at maging sa Persia. Habang umuunlad ang Athens, lumawak din ang kanilang
kapangyarihan sa kalakalan. Ito ang naging dahilan kung bakit sa panahon ng Delian League ay naging
isang imperyo ang Athens.

Hindi lahat ng lungsod-estado ay sumang-ayon sa ginawa ng Athens na pagkontrol sa Delian League


subalit wala silang nagawa upang umalis sa alyansa. Kayat ang mga lungsod-estado na kasapi sa Delian
League tulad ng Sparta, Corinth at iba pa ay nagtatag ng sarili nilang alyansa sa pamumuno ng Sparta at
tinawag itong Peloponnesian League.

 Noong 431 B.C.E., nilusob ng Sparta ang mga karatig pook ng Athens na naging
simula ng Digmaang Peloponnesian. Batid ni Pericles na mahusay na mandirigma sa
lupa ang mga Spartan kung kayat iniutos niya ang pananatili ng mga Athenian sa
pinaderang lungsod. Samantala, inatasan niya ang sandatahang lakas ng Athens na
lusubin sa karagatan ang mga Spartan. Ngunit sinawing-palad na may lumaganap na
sakit na ikinamatay ng libo-libong tao, kasama na si Pericles, noong 429
B.C.E. (Peloponnesian War)
 Lahat ng mga pumalit kay Pericles ay hindi nagtagumpay dahilan sa mga mali nilang
mga desisyon.
 Isa na rito si Alcibiades. Matapos siyang akusahan ng mga Athenian na lumalabag sa
paniniwalang panrelihiyon, tumakas siya patungong Sparta upang iwasan ang pag-
uusig sa kanya. Doon siya ay naglingkod laban sa kanya mismong mga
kababayan. Di naglaon bumalik din si Alcibiades sa Athens at siya ay pinatawad at
binigyang-muli ng pagkakataong pamunuan ang sandatahang lakas ng Athens.
Bagamat naipanalo niya ang ilang laban nila sa Sparta, lubhang malakas ang mga
Sparta at noong 404 B.C.E., sumuko ang mga Athenian. Bilang ganti, ipinapatay ng
mga Spartan si Alcibiades.
 Ang dalawampu’t pitong taong Digmaan ng Peloponnesian ay isang malaking
trahedya para sa Greece. Nagkaroon ng malawakang pagkawasak ng ari-arian at
pagkamatay ng mga tao. Lumala rin ang suliranin sa kawalan ng hanapbuhay,
pagtaas ng presyo ng mga bilihin, at kakulangan sa pagkain.

You might also like