Grade 4 ARTS LAS

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 46

4

Arts
First Quarter

LEARNING ACTIVITY SHEETS

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times


Note: Practice Personal Hygiene protocols at all i
Republic of the Philippines
Department of Education

COPYRIGHT PAGE
Learning Activity Sheet in ARTS
GRADE 4

Copyright © 2020
DEPARTMENT OF EDUCATION
Regional Office No. 02 (Cagayan Valley)
Regional Government Center, Carig Sur, Tuguegarao City, 3500
“No copy of this material shall subsist in any work of the Government of the Philippines. However, prior approval of the go

This material has been developed for the implementation of K to 12 Curriculum through the Curriculum and Learning Man

Consultants:
Regional Director: ESTELA L. CARIÑO, EdD., CESO IV, DepEd R02 Assistant Regional Director: RHODA T. RAZON, EdD,CESO V, D
Schools Division Superintendent: GILBERT N. TONG, PhD, CEO VI, CESO V, City of Ilagan Asst. Schools Division Superintendent: NE
Chief Education Supervisor, CLMD : OCTAVIO V. CABASAG, PhD Chief Education Supervisor, CID: SAMUEL P. LAZAM, PhD
Development Team
Writers: ARLENE G. DELA CRUZ, San Rafael ES, City of Ilagan, FATIMA A. FIESTA, San Rafael ES MA. ELENA R. EUGENIO, San
Content Editors:IMELDA L. AGUSTIN, Education Program Supervisor– MAPEH
COLEEN ESTRELLON, P-1, City of Ilagan, HAZELYN LUCAS, P-1, City of Ilagan MARITESS LEMU, P-1, City of Ilagan, DAISY GA
MARIA CECILIA M. FERNANDEZ, Divisoria HS Naggasican Ext., Santiago City Language Editors:IMELDA L. AGUSTIN, Education P
RONNIE F. TEJANO, EPS-EENGLISH, CLMD DepEd RO2
Layout Artists:FERDINAND D. ASTELERO, PDO II
Focal Persons:IMELDA L. AGUSTIN, Education Program Supervisor– MAPEH EMELYN TALAUE, Division LRMS Supervisor
DENIS AGBAYANI, Education Program Supervisor– MAPEH, CLMD, DepEd R02
RIZALINO G. CARONAN, Education Program Supervisor–LRMDS, CLMD, DepEd R02
Printed by: Curriculum and Learning Management Division
DepEd, Carig Sur, Tuguegarao City

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all i


Table of Contents
Competency Page Number

Discusses the rich variety of cultural communities in the Philippines and their and the
distinctive characteristics of these cultural communities in terms of attire, body accessories,
religious practices, and lifestyles. A4ELIa….............................................................1 – 16

Draws specific clothing, objects, and designs of at least one the cultural communities by
applying an indigenous cultural motiff into a contemporary design through crayon etching
technique. A4EL-Ib, A4EL-Ic, A4EL-Id....................................................................17 – 19

Role plays ideas about the practices of the different cultural communities. A4PR-Ie 20 – 21

Creates a drawing after close study and observation of one of the cultural communities’ way
of dressing and accessories. A4PR-Ig................................................................................22 – 26

produces a crayon resist on any of the topics: the unique design of the houses, household
objects, practices, or rituals of one of the cultural groups. A4PR-Ih............................27- 32

Uses crayon resist technique in showing different ethnic designs or patterns. A4PR-Ii 33 - 37

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all i


Learning Activity Sheet
Unang Markahan – ARTS 4
Week 1

Pangalan: Baitang:
Petsa: Iskor:

Pagguhit
Mga Disenyo sa Kultural na Pamayanan sa Luzon

Panimula (Susing Konsepto)

Ang mga kultural na pamayanan ay may kani-kanilang ipinagmamalaking


obra. Ang kanilang mga disenyo ay hango sa kalikasan o sa kanilang kapaligiran.
Ang mga Ifugao ay naninirahan sa hilagang Luzon. Makikita ang mga
disenyo sa kanilang mga kasuotan at kagamitan tulad ng araw, kidlat, isda, ahas,
butiki, puno, at tao.
Makukulay ang pananamit at palamuti ng mga Kalinga na matatagpuan sa
pinakahilagang bahagi ng Luzon. Napakahalaga sa kanila ang mga palamuti sa
katawan na nagpapakilala sa kanilang katayuan sa lipunan. Madalas gamitin ng
mga Kalinga ang kulay na pula, dilaw, berde, at itim.
Ang Gaddang naman sa Nueva Viscaya ay kilala at bantog sa paghahabi ng
tela. Ang manghahabing Gaddang ay gumagamit ng tradisyunal na hakbang sa
paghahabi na may mabusising paglalagay ng mga palamuti gaya ng plastic beads at
bato. Ilan sa kanilang mga produktong ipinagmamalaki ay ang bakwat (belt), aken
(skirt) at abag (G-string) na gawa sa mga mamahalin at maliliit na bato.

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all 1


Kasanayang Pampagkatuto/Learning Competencies
1. Discusses the rich variety of cultural communities in the Philippines and their
uniqueness
LUZON – Ivatan, Ifugao, Kalinga, Agta Bontok and Gaddang (A4EL-la)

Gawain 1
Panuto: Punan ng tamang sagot ang patlang. Piliin ang sagot sa kahon.

kulay disenyo paningin sining Luzon


Ang mga disenyong kultural ng pamayanan sa ay isa sa mga
pamana ng sa ating bansa. Kaakit-akit at kanais-nais sa
ang mga likhang na ginagamitan ng iba’t –
ibang linya, hugis at .

Gawain 2
Panuto: Isulat ang sagot sa kahon.
Ilarawan ang kultural na pamayanan sa Luzon ayon sa:

Kultura Ifugao Kalinga Gaddang


Pananamit
Palamuti sa
katawan
Kaugalian

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all 2


Gawain 3
Panuto: Gumawa ng Disenyo sa Karton o Kahon
Kagamitan: Mga bagay na karton gaya ng baso o mga kagamitan na maaaring
makuha sa kalikasan at iba pa, lapis, krayola, o oil pastel.
Mga Hakbang sa Paggawa:
1. Kumuha ng isang karton o kahon o iba pang bagay na mayroon sa inyong
lugar na maaring gamitin para guhitan ng mga disenyo.
2. Umisip ng disenyo mula sa mga kultural na pamayanan ng Luzon tulad ng
Ifugao, Gaddang at Kalinga.
3. Iguhit sa napiling disenyo sa karton o kahon gamit ang lapis. Maari ring
gumamit o umisip ng sariling disenyo gamit ang mga hugis, kulay, linya,
ang ga prisipyong paulit-ulit.
4. Kulayan at punuin ang mga espasyo ng mga diseenyo ang inyong iginuhit, at
sundan ito ng krayola o oil pastel para lalong maging kaakit-akit ang iyong
likhang sining.

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all 3


Rubrik (Gawain 3)
Panuto: Lagyan ng tsek ang kahon batay sa antas ng iyong naisagawa sa buong
aralin.

Nakasunod sa Nakasunod sa Hindi


pamantayan pamantayan subalit nakasunod
Mga Pamantayan nang higit sa may ilang sa
inaasahan pagkukulang pamantayan
(3) (2) (3)
1. Natukoy ko ang iba’t
ibang disenyo na
nagtatalay ng mga
element at prinsipyo
ng sining sa mga
gawa ng mga taga
Luzon.
2. Nalaman ko ang mga
disenyong kultural na
pamayanan na
nagmula sa Luzon.
3. Nakagawa ako ng
isang likhang sining
na tulad ng mga
disenyong mula sa
Luzon.
4. Napahalagahan at
naipagmamalaki ko
ang mga katutubong
sining na gawa ng
mga kultural na
pamayanan sa Luzon.
5. Naipamalas ko nang
may kawilihan ang
aking ginawang
likhang sining.

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all 4


Repleksiyon: Ang aking natutunan sa mga gawain ay

References for Learners/ Mga Sanggunian


- LM Grade 4/MELC
- Google

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all 5


Key Answer/ Susi sa Pagwawasto
Gawain 1
1. Luzon
2. sining
3. paningin
4. disenyo
5. kulay

Gawain 2

Kultura Ifugao Kalinga Gaddang


Pananamit May disenyo ang Makukulay ang Nagamitan ng
kanilang kasuotan mga damit mga nahabing tela
Palamuti sa May disenyo ang Makukulay ang Naghahabi sila ng
katawan kanilang palamuti mga palamuti tela na may mga
palamuti
Kaugalian Nakikita ang Nababanaag ang May mga
kanilang kaugalian kanilang kaugalian kagamitan silang
sa kanilang sa pamamagitan yari sa maliliit at
palamuti at ng kanilang mamahaing mga
kasuotan kasuotan bato.

Inihanda ni:

MA. ELENA R. EUGENIO

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all 6


LEARNING ACTIVITY SHEET
Unang Markahan – ARTS 4

Name: _ Grade Level:


Date: Score:

LEARNING ACTIVITY SHEET/


KALIPUNAN NG MGA GAWAIN SA PAGKATUTO

Panimula (Susing Konsepto)

Pamayanang Kultural ng mga Visayas


Ang mga pangkat etniko sa bansa natin ay nakikilala sa kanilang sarili sa isa
o higit pang mga aspeto katulad ng kultura, wika, kasysayan at iba pa. Ang mga
Bisaya ay isang multi-linggwal na pangkat-etnikong Pilipino. Pangunahin silang
nainirahan sa Kabisayaan, mga katimugang kapuluan ng Luzon, at maraming
bahagi ng Mindanao. Ang mga pangunahing wikang sinasalita sa Kabisayaan ay
ang wikang Hilgaynon o Ilonggo sa halos kabuuan ng Kanlurang Kabisayan,
wikang Cebuano sa Gitnang Kabisayan, at Waray sa Silangang Kabisayan.
Masinop, matapat, magiliw, matiyaga at relihiyoso ang mga tao sa Visayas.
Pangunahing hanap-buhay sa rehiyong ito ang pagsasaka at pangingisda.
Ilan sa mga pangkat etniko ng mga taga Visayas ay ang mga Ati na nasa
Panay sa Kabisayaan na nasa gitnang bahagi ng Kapuluan ng Pilipinas. Sila ay
mayroong kaugnayang henetiko sa iba pang mga pangkat-etniko ng mga Negrito sa
Pilipinas, katulad ng mga Aeta ng Luzon. Ang Mga Waray na matatagpuan sa
Samar Eastern Leyte; ang mga Cebuano na makikita sa Cebu. Sila ay ilan lamang
sa mga bumubuo sa pamayanang kultural ng mga Visayas.
Mahilig sa mga Piyesta ang mga Bisaya. Taon-taon ay may piyestang
Sinulog, Sandugo at Ati-Atihan. Marami rin silang mga kaugalian at tradisyon na
magpasahanggang ngayon ay patuloy pa rin nilang ipinamamalas at
ipinagmamalaki.

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all 7


Kasanayang Pampagkatuto/ Learning Competencies:
Discusses the rich variety of cultural communities in the Philippines and
their uniqueness (Visayas – Ati ) and the distinctive characteristics of these cultural
communities interms of attire , body accessories , religious practices, and lifestyles.
(A4EL-Ia)

Gawain 1:
Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Sila ay mga pangkat-etniko ng mga Visayas na kabilang sa mga pangkat ng
negrito.
a. Ati b. Ilonggo c. Waray d. Cebuano
2. Ito ay isang pagdiriwang na ginaganap tuwing buwan ng Enero upang
bigyang pugay ang Mahal na Sto. Nino.
a. Sinulog b. Ati-atihan c. Sandugo d.Maskara Festival
3. Ano ang pangunahing wika ng mga kabisayaan?
a. Ilonggo, Cebuano at Waray c. Ilocano, Waray, Pangasinense
b. Bikolano, Waray, Ilonggo d. Tagalog, Kapampangan,
Ilonggo
4. Ito ay pagdiriwang na kung saan inaalala ang pagkakaibigan ni Datu
Sikatuna at Miguel Lopez de Legaspi.
a. Ati-atihan b. Sandugo c. Sinuog d.Maskara Festival
5. Saan matatagpuan ang mga Waray?
a. Samar Leyte b.Bikol c. Aklan d. Cebu
Gawain/ Activity 2:
Panuto: Lagyan ng chek( /)ang mga larawan na nasa ibaba kung ang mga ito ay
kabilang sa mayaman na kultura ng mga taga Visayas at ekis naman kung hindi

1. 2. 3.

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all 8


4. 5. 6.
7. 9.
Gawain/Activity 3: Iakto
Mo!

8.

Panuto: Magsaliksik sa internet kung paano ipagdiriwang ng mga taga Visayas ang
tinatawag nilang Sinulog Festival. Gamit ang mga impormasyong iyong nasaliksik,
gumawa ka ng isang simpleng pagtatanghal nito. Kuhanan ang iyong sarili habang
nagtatanghal nito.

Gawain/Activity 4: Paggawa ng Platong Etniko.


Panuto/Direction: Kumuha ng anumang karton na makikita sa inyong tahanan.
Kortehan ito ng hugis bilog na parang pinggan. Pumili ng isa sa mga larawan sa
itaas ng disenyo ng mga taga Visayas. Iguhit ang napili mong disenyo sa karton.
Kulayan ito gamit ang iyong krayola at oil pastel. Pagkatapos,gumawa ng dalawa
hanggang tatlong talata tungkol sa disenyong iyong ginawa. Maghanda para sa
pagpapakita ng likhang sining

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all 9


Gawain/Activity 5. Collage Making
Panuto/Direction: Gumupit ka ng mga larawan sa magazine o maghanap ng
larawan sa internet na nagpapakita ng mayamang kultura ng mga taga Visayas.
Gamit ang mga larawan iyong nagupit , gumawa ka ng isang collage. Lagyan ng
caption ang bawat larawan na iyong ididikit.
Rubrics
RUBRIK SA GAWAIN 3
Pamantayan Nakuhang Puntos
1. Ang nagawang pagtatanghal ay maganda, 10
makatotohanan at natapos sa sa takdang oras.
2. Ang nagawang pagtatanghal ay maganda, 8
makatotohanan ngunit hindi natapos sa sa takdang
oras.
3. Natapos sa takdang oras ngunit hindi maganda at 6
makatotohanan
4. Hindi natapos sa takdang oras at hindi maganda. 4
5. Nakagawa ngunit hindi natapos sa takdang oras 2
6. Hindi nakagawa ng likhang sining 0

RUBRIK SA GAWAIN 4
Pamantayan Nakuhang Puntos
1. Natapos sa takdang oras, malinis at kaaya-aya 5
2. Malinis at kaaya-aya ngunit hindi tapos sa takdang 4
oras
3. Natapos sa takdang oras ngunit hindi malinis at 3
kaaya-aya.
4. Hindi natapos sa takdang oras at hindi malinis at 2
kaaya-aya.
5. Nakagawa ngunit hindi natapos sa takdang oras 1
6. Hindi nakagawa ng likhang sining 0

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all 1


RUBRIK SA GAWAIN 5
Pamantayan Nakuhang Puntos
1. Natapos sa takdang oras, malinis at kaaya-aya 5
2. Malinis at kaaya-aya ngunit hindi tapos sa takdang 4
oras
3. Natapos sa takdang oras ngunit hindi malinis at 3
kaaya-aya.
4. Hindi natapos sa takdang oras at hindi malinis at 2
kaaya-aya.
5. Nakagawa ngunit hindi natapos sa takdang oras 1
6. Hindi nakagawa ng likhang sining 0
Repleksiyon:
Ang aking natutunan sa mga gawaing ito ay

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all 1


Sanggunian:
Grade IV LM Arts
Susi sa Pagwawasto
Gawain 1
1. a
2. b
3. a
4. b
5. a
Gawain 2
1. /
2. /
3. /
4. .
5. x
6. /
7. /
8. x
9. /

Inihanda ni:

MA. ELENA R. EUGENIO


FATIMA A. FIESTA
San Rafael ES

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all 1


LEARNING ACTIVITY SHEET
Unang Markahan – ARTS 4

Pangalan: Baitang:

Petsa: Iskor:

GAWAING PAGKATUTO
Pamayanang Kultural ng Mindanao

Panimula (Susing Konsepto)

Ang mga mamamayan sa Mindanao ay kilala sa kanilang makulay na sining,


kultura at tradisyon. Binubuo ang lugar na ito ng mga iba’t-ibang grupo. Sakop ng
kanilang kultura ang pagbuburda, pag-uukit, at paghahabi. Sa kanila namang
literatura, napakahalaga ang simbolo ng Sarimanok. Ito ay sumasagisag sa
pagkakaibigan at pagkakasundo. Marami ring mga alamat at kwentong bayan ang
mga taga Mindanao.
Sa larangan naman ng musika, hindi papahuli ang mga instrumento na
ginagamit ng mga mamamayan. May limang pangunahing grupo sa Mindanao ito
ay ang mga Tausug, Maranao, Maguindanao, Samal, Badjao at T’boli. Ang mga
Maranao ay nakatira sa paligid ng Lawa ng Lanao, Lanao de Sur, Lanao del Norte,
Lungsod ng Marawi, at Lungsod ng Iligan. Nanatili pa rin ang kanilang tunay na
naiibang disenyo at kulay sa kanilang mga gawaing ukit, damit, at banig, at sa
kanilang mga kagamitang gawa sa tanso.
Ang mga T’boli ay matatagpuan sa Cotabato. Gumagawa sila ng tela para sa
damit mula sa t’nalak na hinahabi mula sa hibla ng abaka. Nagpapahid sila ng
pulu’t pukyutan sa mukha, nagsusuot din sila ng maraming kuwintas, maliit na
kampanilya at binurdang damit.
/ Ang mga Yakan ay ang pangunahing pangkat ng mga Muslim sa Basilan. Sila
ay kilala sa paglalala na ginagamitan nila ng mga halaman at prutas tulad ng pinya
at abaka. Gumagamit din sila ng mga dagta ng dahon, ugat at sanga, bilang
pangkulay. Sila rin ay nagtitina ng mga hibla na may iba’t-ibang kulay at disenyo.

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all 1


Lahat ng mga gawang tela ng mga Yakan ay may kakaibang disenyo at kulay tulad
ng table runner, placemat, wall decor, at iba pa.

Kasanayang Pampagkatuto
Discusses the rich variety of cultural communities in the Philippines and
their uniqueness (1.3 Mindanao- Badjao, Mangyan, Samal, Yakan, Ubanon,
Manobo, Hiligaynon, Talaandig, Matigsalog, Bilaan, T’boli, Tiruray, Mansaka,
Tausug) and the distinctive characteristics of these cultural communities in terms
of attire, body accessories, religious practices and lifestyles. (A4EL- Ia)

Gawain 1:
Panuto: Isulat sa patlang ang T kung tama at M kung mali ang pangungusap.
1. Ang mga disenyo sa kultural na pamayanan sa Mindanao ay nakikita sa
kanilang mga kagamitan at kasuotan.
2. Ginagamitan ng iba’t ibang linya, kulay at hugis ang kanilang mga
kagamitan at kasuotan.
3. Ang mga Yakan ay ang pangunahing pangkat ng mga Muslim sa Cotobato.
4. Ang katutubong disenyo sa Mindanao ay ginagamitan ng iba’t
ibang hugis, kulay at linya.
5. Ang tinalak ay hinabi mula sa hibla ng abaka na ginawang alahas.

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all 1


Gawain 2:

Ang Kadayawan ay nanggaling sa


salitang Mandaya na “madayaw” upang
ipaliwanag ang isang bagay katulad ng
“maganda, mahalag, mabuti at magaling.
Ang Kadayawan Festival ay
nagsisimbulo ng pagdiriwang sa buhay,
pasasalamat sa mga yaman at biyayang
natatamasa, masaganang ani ng mga pananim at kapayapaan sa buhay.
Sa iyong pananaw, paano kaya nila ito ipinagdiriwang?

Gawain 3:
Panuto: Lagyan ng sagot ang kahon. Ilarawan ang kultural na pamayanan sa
Mindanao ayon sa:
Maranao Yakan T’boli
Pananamit
Palamuti sa katawan
Kaugalian

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all 1


Gawain 4:
Panuto: Pumili ng tatlo mula sa siyam na mga salita sa ibaba. Isulat ang isang salita
sa bawat itaas ng kahon. Iguhit ang larawan ng salita sa loob ng kahon. Lagyan ng
disenyo at kulayan.
Banig kuwintas mantel hikaw placemat
hayop Dahon bundok araw bituin

Rubrik sa Gawain 4
Panuto: Lagyan ng tsek ( / ) ang kahon batay sa antas na iyong naisagawa sa aralin.
Nakasunod sa
Nakasunod sa pamantayan Hidi
Mga Pamantayan pamantayan subalit may nakasunod sa
nang higit sa ibang pamantayan
inaasahan pagkukulang (1)
(3) (2)
1. Natutukoy ko ang iba’t ibang
disenyo na nagtataglay ng
mga element at prinsipyo ng
sining na gawa ng mga taga
Mindanao.
2. Nalaman ko ang mga disenyo
ng pamayanang kultural sa
Mindanao.
3. Nakagawa ako ng isang
likhang sining na
ginagamitan

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all 1


ng mga disenyo mg
Mindanao.
4. Napahalagahan at
naipagmalaki ko ang mga
katutubong sining na gawa ng
mga kultural na pamayanan
sa
Mindanao.
5. Naipama;as ko ng may
kawilihan ang aking
ginawang
likhang- sining.

Repleksiyon:
Ang aking natutunan sa mga gawaing ito ay

Sanggunian:
Grade IV LM Arts
Google

Susi sa Pagwawasto
Gawain 1

1. T
2. T
3. M
4. T
5. M

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all 1


Gawain 2

Maranao Yakan T’boli


Pananamit Makukulay na Makukulay na Hinabing tela mula sa
tela disenyo ng tela abaka
Palamuti sa Gawa sa tanso Nagsusuot ng
katawan maraming
alahas
Kaugalian Pagpapanatili ng Paggamit ng dagta ng Pagpapahid ng pulut-
gawaing ukit dahon, ugat at sanga pukyutan sa mukha
pangkulay

Gawain 3:
Inaabangan ang ibat-ibang mga gawain tuwing Kadayawan Festival. Mayroon
itonh Hiyas ng Kadayawan pageant. Sumunod dito ay ang Indak-Indak sa
kadalanan. Isa itong kompetisyon ng sayaw na tinatanghal sa malalaking kalsada
ng Lungsod ng Davao. Tampok rin sa mga sayaw na ito ang makukulay na
kostyum ng mga mananayaw. Sunod naman ang Pamulak Kadayawan.
Maihahalintulad ngunit naiiba ito sa laki at garbo ng mga kaganapan. Maliban sa
mga sayawan, nariyan rin ang parada ng mga engrandeng karosa na puno ng mga
bulaklak.

Inihanda nina:

MA. ELENA R. EUGENIO


FATIMA A. FIESTA
San Rafael ES

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all 1


LEARNING ACTIVITY SHEET
UNANG MARKAHAN – ARTS 4
Pangalan: Baitang:
Iskor:
Petsa:

Kalipunan ng mga Gawain sa Pagkatuto


(Learning Activity Sheet)
WEEK 2 and 3

IGUHIT MO

Panimula (Susing Konsepto)

May mga disenyong etniko na gawa ng iba’t-ibang uri ng pangkat-etniko sa


mga kultural na pamayanan sa bansa. Ang kanilang kasanayan sa paglikha ay
naipapakita nila sa paggawa ng mga kagamitang pantahanan, gaya ng palayok,
mangkok at banga. Mayroon ding mga hinabing tela, kumot at banig. Magaganda
rin ang kanilang mga palamuti sa katawan tulad ng alahas, kwintas at hikaw. Ang
mga bagay sa kapaligiran at maging sa kalikasan ay ang mga pangunahing
pinaggagayahan ng kanilang mga disenyo tulad ng araw, buwan, butin, dahon,
bulaklak, dagat, hayop, at tao.

Narito ang iba’t-ibang halimbawa ng nmga disenyo ng mga katutubo.


19
Note: Practice Personal Hygiene protocols at all
Kasanayang Pampagkatuto/Learnig Competency

1. Draws specific clothing, objects, and designs of at least one cultural


community by applying an indigenous cultural motif into a contemporary
design through crayon etching technique. (A4EL- lb) (A4El- lc) (A4EL-ld)

Gawain/Activity 1:

Disenyo sa Crayon Etching


Kagamitan: oslo paper o card board, lapis, krayola, paper clip o toothpick bilang
pangguhit.

Mga Hakbang sa Paggawa:


1. Ihanda ang kagamitan.
2. Diinan nang maigi ang pagkukulay sa buong papel. Punuin ang papel ng
iba’t- ibang kulay ng krayola.
3. Patungan ng kulay itim na krayola ang buong bahagi ng papel.
4. Maaaring gumamit ng paper clip o toothpick na magsislbing pangguhit.
5. Pumili ng disenyo na nais iguhit.
6. Maaring gumamit o umisip ng sariling disenyo gamit ang iba’t-ibang linya at
hugis para sa gagawing likhang-sining.
7. Gamitin ang imahinasyon upang makabuo ng kakaiba at orihinal na disenyo.

Gawain/Activity 2

Panuto: Gumuhit ng isang kasuotan na may nakamarkang disenyo dito. Gumamit


ng kahit anumang disenyo sa mga natalakay. Gawing makabago ito at gamitin ang
etching technique.

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all 2


RUBRIK (Activity 1)
Panuto: Lagyan ng tsek (/) ang kaukulang puntos ang antas ng iyong nagawa batay
sa rubrik at pamantayan na nasa ibaba.
Napakahusay Mahusay Di-gaanong
PAMANTAYAN (3) (2) mahusay
(1)
1. Maayos na nakalikha ng mga
disenyo sa pamamagitan ng
crayon etching
2. Nasusuri ang mga linya,
hugis, kulay at ang
prinsipyong paulit-ulit sa
ginawang likhang sining.
3. Nakalikha ng sarili o katulad
na disenyo mula sa
4. Nakakasunod ng tama sa
mga hakbang sa paggawa ng
likhang-sining
5. Naipagmamalaki ang mga
katutubong disenyo sa
kultural na pamayanan sa
pamamagitan ng pagsusuot
nito bilang palamuti sa
katawan

Repleksiyon:
Ang aking natutuhan sa mga gawaing ito ay

Sanggunian:
Grade IV LM
Arts
Inihanda ni:
GERIZIM G. GERONA

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all 2


LEARNING ACTIVITY SHEET
UNANG MARKAHAN – ARTS GRADE IV

Pangalan: Baitang:
Petsa: Iskor:

Kalipunan ng mga Gawain sa Pagkatuto


(Learning Activity Sheet)
WEEK 4

Idula Mo
Panimula (Susing Konsepto)

Ang ba’t-ibang pangkat-etniko sa mga pamayanang kultural ay may sinaunang kultura na pinagyay
Kadalasan, ang kultura ng mga pangkat-etniko ay may kaugnayan sa kanilang hanapbuhay. Kaingin
Maraming pangkat-etniko ang naniniwala sa dasal at pananampalataya. Sila ay nagdaraos ng selebr

Kasanayang Pampagkatuto/Learnig Competency

Role plays ideas about the practices of the different cultural communities.
(A4PR-le)

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all 2


Gawain/Activity 1:

Panuto: Magsaliksik ng kultura ng isang pangka-etniko sa Pilipinas at


isadula ito. Gumamit ng camera o cellphone upang makunan ang sarili para
sa pagsasadula. Kung kukuha ng kasama para sa gagawing dula, panatilihin
pa rin ang social distancing.

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all 2


RUBRIK
Panuto: Lagyan ng tsek (/) ang kaukulang puntos ang antas ng iyong nagawa batay
sa rubrik at pamantayan na nasa ibaba.
Napakahusay Mahusay Di-gaanong
PAMANTAYAN (3) (2) mahusay
(1)
1. Ang dula ay nagpapakita ng
akmang kultura na isang
pangkat-etniko sa Pilipinas.
2. Nakitaan ng pagiging
malikhain sa presentasyon
3. Maganda ang ekspresyon ng
mukha
4. May kahandaan sa kasuotan,
props at musika
5. Mahusay ang pagpili ng mga
salitang ginamit

Repleksiyon:
Ang aking natutunan sa mga gawaing ito ay

Sanggunian:
Grade IV LM Arts

Inihanda ni:

GERIZIM G. GERONA

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all 2


LEARNING ACTIVITY SHEET
UNANG MARKAHAN – ARTS GRADE 4

Pangalan:
Baitang:_
Petsa: Iskor:

Kalipunan ng mga Gawain sa Pagkatuto/Learning Activity


Sheet Week-5-6

IGUHIT AT KULAYAN MO AKO!

Panimula (Susing Konsepto)

Likas sa mga Pilipino ang pagkamalikhain at makasining. Ito ay minana pa natin sa ating mga ni

Kaakit-akit ang mga disenyong gawa ng ating mga pangkat etniko. Ang
mga disenyong etniko ay gawa ng mga pangkat-etniko sa mga kultural na pamayanan sa bansa. A
Layunin ng araling ito na makabuo tayo ng isang likhang sining na ginagamitan natin ng Crayon

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all 2


Kasanayang Pampagkatuto/Learning Competency
Creates a drawing after close study and observation of one of the cultural
communities’ way of dressing and accessories. (A4PR-Ig)

GAWAIN 1

Panuto: Gamit ang mga patapong bagay tulad ng karton, papel


at lumang kalendaryo , bumuo ng isang maliit na bahay kubo
tulad ng nasa larawan . Disenyuhan ang nagawang bahay sa
alinmang disenyong etniko na nasa ibaba.Pumili lamang ng
isang disenyo. Siguraduhing maipapakita sa iyong obra ang
crayon resist. Humanda sa isang minitature ethnic house display
sa klase.

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all 2


GAWAIN 2

PAGGAWA NG MAKULAY NA BANGA


Kagamitan: Krayola, Watercolor, ¼ Cardboard, Brush, Lapis
Mga Hakbang sa Paggawa:
1. Ihanda ang mga gagamiting materyales.
2. Gumuhit ng Disenyong Banga sa ¼ na cardboard.
3. Pumili ng disenyong etniko na nais mong idisenyo sa banga.
4. Kulayan ang iyong iginuhit gamit ang puting krayola. Siguraduhing madiin ang
pagkukulay upang hindi matakpan ng watercolor.
5. Pahiran ng Watercolor ang iginuhit na bagay upang lumitaw ang kagandahan ng
disenyong ginamit.

GAWAIN 3

MAHIWAGANG PALAYOK
Kagamitan: Puting krayola, Watercolor, Brush, ¼ Cardboard,
Pentelpen Mga Hakbang sa Paggawa:
1. Ihanda ang mga kagamitan.
2. Gumuhit ng hugis palayok sa ¼ na Cardboard gamit ang pentelpen.
3. Pumili ng disenyong etniko na nais mong idisenyo sa palayok.
4. Kulayan ang palayok gamit ang puting krayola. Siguraduhing madiin ang
paglalagay ng kulay. Iwasang malagyan ng kulay ang gilid ng palayok.
5. Gamit ang brush, pahiran ng watercolor ang kinulayan ng crayola upang
lumitaw ang kagandahan nito.

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all 2


GAWAIN 4
ANG MANGKOK
Kagamitan: Lumang mangkok, diaryo, at watercolor
Mga Hakbang sa Paggawa:
1. Ihanda ang mga kagamitan
2. Basahin ang diaryo at ibalot mo ito sa lumang mangkok. Siguraduhing maganda
ang pagkakabalot ng mangkok.
3. Patuyuin ang nabalot na mangkok. Ilagay ito sa maaraw na lugar upang
madaling matuyo ang diaryo.
4. Kapag alam mong natuyo na, umisip ng disenyong etniko na nais mong iguhit sa
nabalot na mangkok gamit ang watercolor.
5. Patuyuing muli ang mangkok pagkatapos mong guhitan upang mabilis na
matuyo ang watercolor.

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all 2


GAWAIN 5

PAPEL NA BANIG
Kagamitan: Papel, Gunting at watercolor
Mga Hakbang sa Paggawa:
1. Ihanda ang mga linas (Strip) ng papel na gagamitin sa paglalala.

2. Simulan ang paglalala gamit ang dalawang linas na maging pusod ng banig.

3. Tupiin ang isang linas at isingit ang isang linas nang pasalit salit sa
dalawang linas
4. Gawin ito nang paulit-ulit hanggang sa matapos ito.

5. Gupitin ang sobrang buri sa dulo at itupi sa gilid para malinis tingnan.

6. Umisip ng disensyong etniko na nais mong iguhit sa nagawang banig.

7. Pahiran ng watercolor ang iginuhit na disenyo upang maging makulay ito.

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all 2


Rubrik:
Panuto: Lagyan ng masayang mukha ang angkop na kahon. Gawin ito sa sagutang
papel.
Higit na Nasunod ang Hindi
nasunod ang pamantayan sa nasusunod ang
pamantayan pagkabuo ng pamantayan sa
SUKATAN sa pagkabuo likhang-sining pagkabuo ng
ng likhang- likhang-sining
sining (3) (2)
(1)
1. Nakabuo ako ng iba’t
ibang disenyo gamit ang
iba’t ibang disensyong
etniko o pattern.
2. Naipamalas ko ang
wastong paraan ng
crayon resist.
3. Nagamit ko ang
saring linya at kulay
ayon s disensyong
nabuo.
4. Naipakita ko ang
pagpapahalaga sa mga
disenyong etniko sa
pamamagitan ng
paggamit ko ng aking
ginawang likhang-
sining.
Repleksyon:
Ako ay/ I am
Sanggunian: Grade IV LM
https://www.google.com
Inihanda ni:
ARLENE G. DELA CRUZ
FATIMA A. FIESTA
San Rafael ES

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all 3


LEARNING ACTIVITY SHEET
UNANG MARKAHAN – ARTS GRADE 4
Week 7

Pangalan: Baitang:

Petsa: Iskor:

GAWAING PAGKATUTO
IGUHIT AT KULAYAN MO AKO!

Panimula (Susing Konsepto)

Likas sa mga Pilipino ang pagkamalikhain at makasining. Ito ay minana pa


natin sa ating mga ninuno. Sa ilang salin lahi na ng lahi ay patuloy pa ring nakikita
ang mga bagay na makasining na likha ng mga katutubo.
Kaakit-akit ang mga disenyong gawa ng ating mga pangkat etniko. Ang
mga disenyong etniko ay gawa ng mga pangkat-etniko sa mga kultural na
pamayanan sa bansa. Ang kanilang talino at kasanayan sa paglikha ay naipakikita
nila sa paggawa ng mga kagamitang pantahanan gaya ng palayok, mangkok, at
banga. Ito rin ay naipakita nila sa mga hinabing tela, kumot at banig.
Ang layunin ng araling ito na makabuo tayo ng isang likhang sining na
ginagamitan natin ng Crayon resisting. Isa sa technique na ginagamit ngayon sa
pagkukulay ay ang Crayon Resist Technique. Ito ay isang bagong paraan ng
pagkukulay gamit ang mga krayola, water color at iba pang pangkulay. Matutunan
mo sa araling ito ang paggawa ng isang likhang sining ng mga disenyong etniko sa
pamamagitan ng crayon resist.

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all 3


Kasanayang Pampagkatuto
Produces a crayon resist on any of the topics: the unique design of the house,
household objects, practices or rituals of one of the cultural groups.(Nakagagawa
ng crayon resist sa kahit anong paksa gaya ng iba’t ibang disensyo ng bahay,
kagamitang pantahanan, kasanayan o ritwal ng isa sa mga pangkat-etniko.
(A4PR-lh)

GAWAIN 1
Panuto: Gamit ang mga patapong bagay tulad ng karton, papel at lumang
kalendaryo. Bumuo ng isang maliit na bahay kubo tulad ng nasa larawan.
Disenyuhan ang nagawang bahay sa pamamagitan ng pagguhit
sa alinmang disenyong etniko na nasa ibaba gamit ang krayola.
Kulayan ito gamit ang water color. Pumili lamang ng isang
disenyo.
Siguraduhing maipapakita sa iyong obra ang crayon resist.

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all 3


GAWAIN 2

Panuto: Pumili ng isa sa mga apat na gawain ang nais mong gawin
upang maipakita ang paggamit ng crayon resist.

MAKULAY NA BANGA
Kagamitan: Krayola, Watercolor, ¼ Cardboard, Brush, Lapis
Mga hakbang sa paggawa:
1. Ihanda ang mga gagamiting materyales.
2. Gumuhit ng Disenyong Banga sa ¼ na cardboard.
3. Pumili ng disenyong etniko na nais mong idisenyo sa banga.
4. Kulayan ang iyong iginuhit gamit ang puting krayola. Siguraduhing madiin
ang pagkukulay upang hindi matakpan ng watercolor.
5. Pahiran ng Watercolor ang iginuhit na bagay upang lumitaw ang kagandahan
ng disenyong ginamit.

MAHIWAGANG PALAYOK
Kagamitan: Puting krayola, Watercolor, Brush, ¼ Cardboard, Pentelpen
Mga hakbang sa paggawa:
1. Ihanda ang mga kagamitan.
2. Gumuhit ng hugis palayok sa ¼ na Cardboard gamit ang pentelpen.
3. Pumili ng disenyong etniko na nais mong idisenyo sa palayok.
4. Kulayan ang palayok gamit ang puting krayola. Siguraduhing madiin
ang paglalagay ng kulay. Iwasang malagyan ng kulay ang gilid ng palayok.
5. Gamit ang brush, pahiran ng watercolor ang kinulayan ng crayola
upang lumitaw ang kagandahan nito.

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all 3


ANG MANGKOK
Kagamitan: Lumang mangkok, diaryo, at watercolor
Mga hakbang sa paggawa:
1. Ihanda ang mga kagamitan
2. Basahin ang diaryo at ibalot mo ito sa lumang mangkok. Siguraduhing
maganda ang pagkakabalot ng mangkok.
3. Patuyuin ang nabalot na mangkok. Ilagay ito sa maaraw na lugar
upang madaling matuyo ang diaryo.
4. Kapag alam mong natuyo na, umisip ng disenyong etniko na nais mong iguhit
sa nabalot na mangkok gamit ang watercolor.
5. Patuyuing muli ang mangkok pagkatapos mong guhitan upang mabilis na
matuyo ang watercolor.

PAPEL NA BANIG
Kagamitan: Papel, Gunting at watercolor
Mga hakbang sa paggawa:
1. Ihanda ang mga linas (Strip) ng papel na gagamitin sa paglalala.
2. Simulan ang paglalala gamit ang dalawang linas na maging pusod ng banig.
3. Tupiin ang isang linas at isingit ang isang linas nang pasalit salit sa
dalawang linas
4. Gawin ito nang paulit-ulit hanggang sa matapos ito.
5. Gupitin ang sobrang buri sa dulo at itupi sa gilid para malinis tingnan.
6. Umisip ng disensyong etniko na nais mong iguhit sa nagawang banig.
7. Pahiran ng watercolor ang iginuhit na disenyo upang maging makulay ito.

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all 3


Rubrik:
Panuto: Lagyan ng masayang mukha ang angkop na kahon. Gawin ito sa sagutang
papel.
Higit na Nasunod ang Hindi
nasunod ang pamantayan nasusunod ang
pamantayan sa pagkabuo pamantayan sa
SUKATAN sa pagkabuo ng likhang- pagkabuo ng
ng likhang- sining likhang-sining
sining (3)
(2) (1)
1. Nakabuo ako ng iba’t
ibang disenyo gamit ang
iba’t ibang disensyong
etniko o
pattern.
2. Naipamalas ko ang
wastong paraan ng crayon
resist.
3. Nagamit ko ang sari
saring linya at kulay ayon sa
disensyong nabuo.
4. Naipakita ko ang
pagpapahalaga sa mga
disenyong etniko sa
pamamagitan ng paggamit
ko
ng aking ginawang likhang-
sining.
Repleksyon:
Ang natutunan ko sa araling ito ay

Sanggunian:
Grade IV LM
Google images
Inihanda nina:

ARLENE G. DELA CRUZ


FATIMA A. FIESTA
Note: Practice Personal Hygiene protocols at all 3
San
Rafa
el
ES

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all 3


LEARNING ACTIVITY SHEET
UNANG MARKAHAN – ARTS GRADE 4
Week 8

Pangalan: Baitang:

Petsa: Iskor:

GAWAING PAGKATUTO
Iguhit At Kulayan Mo Ako!

Panimula (Susing Konsepto)

Ang mga pangkat-etniko ay may paraan sa kanilang pamumuhay na


nagpapakita ng pagiging masining.
Makikita sa mga kagamitan at mga palamuti ang ibat-ibang disenyo na
kanilang pinagyaman. Ito ay makikita parin sa kasalukuyang panahon.
Ang pagpapahalaga sa kanilang iniambag sa mundo ng sining ay tunay na
yaman ng ating bansa. Isa sa mga paraan upang maipakita ang pagpapahalaga ay
ang paggamit ng kanilang disenyo sa iba’t ibang obra.
Isa sa paraan ng pagpapakita ng isang masining na gawain na ginagamit
ngayon sa pagkukulay ay ang tinatawag na Crayon Resist Technique. Ito ay isang
bagong paraan ng pagkukulay gamit ang mga krayola, water color at iba pang
pangkulay. Matutunan mo sa araling ito ang paggawa ng isang likhang sining ng
mga disenyong etniko sa pamamagitan ng crayon resist.

Kasanayang Pampagkatuto
Uses crayon resist technique in showing different ethnic designs or patterns.
(Nagagamit ang crayon resist technique sa pagpapakita ng disensyong etniko o
patterns. (A4PR-Ii)

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all 3


GAWAIN 1

Panuto: Tignan ang mga larawan ng mga disenyong


etniko sa ibaba. Iguhit ang mga ito sa isang bondpaper.
Kulayan ang iyong ginuhit gamit ang mga krayola.
Diinan ng mabuti ang pagkulay nito upang hndi
matakpan ng water

color.Pagkatapos, pahiran ng water color ang kinulayan ng crayola upang mapakita


FLIPBOOK
ang crayon resist.
Guntingin ang mga larawan na iyong nagawa. Idikit ito isa-isa sa mga makukulay
na papel. Ayusin ang mga ito na parang FLIPBOOK na makikita ang halimbawa sa
itaas.

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all 3


GAWAIN 2

Panuto: Pumili sa apat na gawain ang nais mong gawin upang maipakita ang
paggamit ng crayon resist.
PAGGAWA NG PLACEMAT
Kagamitan: Lapis, krayola,brush, cardboard, watercolor
Mga Hakbang sa Paggawa:
1. Ihanda ang mga kagamitan.
2.Tignan ang larawan ng disenyong etniko ng mga Ifugao.
3. Iguhit ang patterns sa cartolina o cardboard.
4. Kulayan ang iyong iginuhit. Siguraduhing madiin ang paggamit ng krayola sa
papel upang hindi matakpan ng watercolor.
5. Ihanda ang watercolor para sa gagawing pamaraang crayon resist.
6. Pahiran ng watercolor ang kinulayan ng krayola. Gamitin ang madilim na kulay
para limitaw ang kagandahan ng disensyong iginuhit at kinulayan ng krayola.

PINOY BOOK MARK


Halimbawa
Kagamitan: Lapis, Krayola, gunting, ruler at lumang karton o
cardboard Mga hakbang sa Paggawa:
1. Ihanda ang mga gamit na kailangan
2. Gupitin ang lumang karton o cardboard sa sukat na 1 ½ pulgada ang lapad at 5
pulgada ang haba.
3. Iguhit ang napiling disenyong Gaddang na nais iguhit sa bookmark.
4. Kulayan ang iyong guhit.
5. Sikaping naiiba ang iyong likhang-sining.

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all 3


Halimbawa
MAKULAY NA ITLOG
Kagamitan: lapis, krayola, brush, 1 egg, watercolor
Mga hakbang sa Paggawa:
1. Ihanda ang mga kagamitan.
2. Pumili ng isang disenyong etniko o patterns ng mga Kalinga.
3. Iguhit ang napiling disenyong etniko o patterns sa itlog.
4. Kulayan ang inyong iginuhit. Siguraduhing madiin ang paggamit ng krayola sa
itlog upang hindi matakpan ng watercolor.
5. Pahiran ng watercolor ang kinulayan ng krayola. Gamitin ang madilim na kulay
upang lumitaw ang kagandahan ng disenyong iginuhit at kinulayan ng krayola.

ANG DIBUHONG ARAW


Halimbawa

Kagamitan: Lapis, Krayola, Watercolor, ¼ Cardboard at


Brush Mga Hakbang sa Paggawa:
1. Ihanda ang mga kagamitan.
2. Gupitin ang cardboard sa hugis na araw.
3. Iguhit ang napiling disenyong etniko o patterns ng Bagobo sa cardboard.
4. Kulayan ang iyong iginuhit ayon sa tamang kulay ng disenyong napili.
5. Ihanda naman ang watercolor para sa gagawing pamamaraang crayon resist.
6. Pahiran ng watercolor ang kinulayan ng krayola. Gumamit ng magandang para
lumitaw ang kagandahan ng disenyong iginuhit at kinulayanng krayola.

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all 4


Rubrik:
Panuto: Lagyan ng masayang mukha ang angkop na kahon. Gawin ito sa sagutang
papel.
Higit na Nasunod ang Hindi
nasunod ang pamantayan sa nasusunod ang
pamantayan pagkabuo ng pamantayan sa
SUKATAN sa pagkabuo likhang-sining pagkabuo ng
ng likhang- likhang-sining
sining (3) (2)
(1)
1. Nakabuo ako ng iba’t
ibang disenyo gamit ang
iba’t ibang disensyong
etniko o pattern.
2. Naipamalas ko ang
wastong paraan ng
crayon resist.
3. Nagamit ko ang sari
saring linya at kulay
ayon sa disensyong
nabuo.
4. Naipakita ko ang
pagpapahalaga sa mga
disenyong etniko sa
pamamagitan ng
paggamit ko ng aking
ginawang likhang-
sining.
Repleksyon:
Natutunan ko sa araling ito ay

References:
Grade IV ARTS LM
Google images
Inihanda ni:
ARLENE G. DELA CRUZ

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all 4

You might also like