Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

BIONOTE

Syryll Anne Abalayan. Ipinanganak noong ika-17


ng Nobyembre 2006 sa Olongapo at naninirahan
sa Paco Botolan, Zambales. Ang kanyang mga
magulang ay sina Sherry Ann Del Amith at Elcar
Del Amith, at kasama niya sa kanyang tahanan
ang kapatid na si Kelsei Abalayan. Kasalukuyan
siyang nag-aaral sa Botolan National High School,
kung saan siya ay nasa ika-labing isa baitang, at
kumuha ng STEM strand.

Siya ay kilala sa kanyang pagiging mapagbiro lalo


na sa kanyang mga malalapit na kaibigan. Ngunit hindi siya palahalubilo sa
mga hindi gaanong malapit sa kanya. Madalas siyang nagtatagumpay sa bahay
at nagbabasa o nanonood ng mga palabas. Ang kanyang mga hilig ay kasama
ang panonood, pagbabasa, at paglilinis. Ang paborito niyang kulay ay pink at
ang adobo na iniluluto ng kanyang nanay ang kanyang paboritong pagkain.
Natuklasan niya ang kanyang kahinaan sa pagiging masyado nakapende sa
opinyon ng iba at ang kanyang takot na magkamali at hindi makamit ang
kanyang pangarap. Ang kanyang pananaw sa buhay ay nagpapakita ng
kahalagahan ng pagbabalanse, pagtitiyaga, at pagpapasalamat sa biyaya mula
sa Diyos. Naniniwala siya na dapat sundin ang tamang oras para sa mga bagay
at huwag madaliin ang mga pangarap. Hindi rin niya pinapansin ang opinyon
ng iba at naniniwala na siya lamang ang higit na nakakakilala sa kanyang
sarili.

Ang pangarap niya ay makapagtapos ng kanyang pag-aaral, magkaroon ng


trabaho, at magtayo ng sariling negosyo. Nagnanais siyang suklian ang mga
paghihirap ng kanyang mga magulang at libutin ang mundo. Para makamit ito,
sisikap siya nang buong determinasyon at hindi susuko sa anumang hamon
na ibabato sa kanya. Nais niyang makapagpatayo ng sariling bahay para sa
kanyang mga magulang at subukan lahat ng mga bagay na dati ay
kinatatakutan niya.

You might also like