Q4-W2-Fil9.docx 20240416 163118 0000

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 4

Sa pananghaliang inihandog ni Ibarra pagkatapos ng pagbabasbas ay muling pinasaringan ni Padre Damaso ang binata, hindi na lamang niya sana

ito
papansinin subalit nang hamakin ang alaala ng kanyang ama ay hindi na siya nakapagpigil at tinangkang saksakin ang pari, salamat na lamang at
napigilan ito ni Maria Clara. Dahil sa pangyayaring ito ay itiniwalag o ineskomonyon si Ibarra ng Arsobispo ng simbahang Katoliko Romano.
Sinamantala ito ni Padre Damaso upang utusan si Kapitan Tiyago na sirain ang kasunduan sa pagpapakasal nina Ibarra at Maria Clara. Nais ng pari na
ang mapangasawa ng dalaga ay si Linares na isang binatang kastila na bagong dating sa Pilipinas.

Sa tulong ng Kapitan Heneral ay napawalang-bisa ang pagkakaeskomulgado ni Ibarra at ipinasya ng arsobispo na muli siyang tanggapin sa
simbahang Katoliko. Ngunit, nagkataon noong sinalakay ng mga taong pinag-uusig ang kwartel ng sibil at ang napagbintangang may kagagawan ay si
Ibarra kaya siya ay dinakip at ibinilanggo. Wala talagang kinalaman dito ang binata sapagkat nang kausapin siya ni Elias upang pamunuan ang mga
pinag-uusig ay tahasan siyang tumanggi at sinabing kailanman ay hindi siya maaring mamuno sa mga taong kumakatawan sa bayan.

Napawalang-bisa ang bintang kay Ibarra sapagkat sa paglilitis na ginawa ay walang sino mang makapagsabi na siya'y kasabwat sa
kaguluhang naganap. Subalit ang sulat niya kay Maria Clara na napasakamay ng hukuman ang siyang ginawang sangkapan upang
siya'y mapahamak..

Habang nagkakaroon ng handaan kina Kapitan Tiyago ay nakatakas si Ibarra sa tulong ni Elias. Bago tuluyang tumakas ay nagkaroong ng
pagkakataon si Ibarra na magkausap sila nang lihim ni Maria Clara,. Anya'y ipinagkaloob na niya rito ang kalayaan at sana'y lumigaya siya at matahimik
na ang kalooban. Ipinaliwanag ni Maria Clara na ang liham na kanyang iniingatan at siyang ginamit sa hukuman ay nakuha sa kanya sa pamamagitan
ng pagbabanta t pananakot. Ipinalit sa mga liham na ito ang dalawang liham na isinulat ng kanyang ina bago siya ipanganak na nakuha ni Padre Salvi
sa kumbento at dito nasasaad na ang tunay niyang ama ay si Padre Damaso.

Tumakas na si Ibarra sa tulong ni Elias. Sumakay sila ng bangka, pinahiga si Ibarra at tinabunan ng damo at pagkatapos ay tinunton ang ilog Pasig
hanggang makarating sa Lawa ng Bay. Ngunit naabutan sila ng mga tumutugis sa kanila. Inisip ni Elias na iligaw ang mga ito kaya naisipan niyang
lumundag sa tubig kung saan inakalang si Ibarra ang tumalon kaya hinabol at pinaputukan siya ng mga sibil hanggang mahawi ang bakas ng
pagkakalangoy at magkulay-dugo ang tubig.

GAWAIN 1: Opinyon Mo, Isiwalat Mo!

Panuto: Ilahad ang iyong opinyon at ideya sa mga sumusunod na katanungan.

1. Sino si Crisostomo Ibarra?

__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________

__________________________________________________________________________

2. Sino ang mga taong nagparanas kay Ibarra ng kasawian, kapighatian at kapahamakan? Paano nila ginamit ang kanilang
kapangyarihan upang maranasan ni Ibarra ang mga ito?

__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________________________________________________________

3. Kung ikaw si Crisostomo ano ang gagawin mo kung sakaling makarinig ka ng panghahamak sa iyong magulang? Ipaliwanag ang
sagot.
____________________________________________________________________________________________________________________________________________________

Pangalan:_______________________________________ Petsa: ___________

Baitang at Seksyon: _____________________ Marka: ___________

FILIPINO 9

IKAAPAT NA MARKAHAN: Modyul 2

Mga Tauhan ng Noli Me Tangere


Gawain 1
: Sino ang Malakas at Mahina?

Panuto: Magtala ng mga tauhan sa Noli Me Tangere at kilatisin mo ang kanilang katangian kung sila’y malakas o mahina. Maglahad ng katibayan o
paglalarawan (pang-uri) sa mga tauhang ito.

MALAKAS
MAHINA(Pangalan ng Tauhan)
Paliwanag/Katangian Paliwanag/Katangian
(Pangalan ng Tauhan)

1. 1.

2. 2.

3. 3.

Buod ng Noli Me Tangere

Si Juan Crisostomo Ibarra ay isang binatang Pilipino na pinapag-aral ng kanyang ama sa Europa. Pagkatapos ng pitong taong
pamamalagi roon ay nagbalik ito sa Pilipinas. Dahil sa kanyang pagdating ay naghandog si Kapitan Tiyago ng isang salusalo. Kabilang
sa mga panauhin ay sina Pari damaso, Pari Sibyla, Tenyente Guevara, Donya Victorina at ilang matataas na tao. Sa hapunan yaon ay
makalawang hiniya ni Pari Damaso, ang dating kura ng San Diego, ang binate ngunit ito’y kanyang pinagpaumanhinan, magalang na
nag-paalam at nagdahilang may mahalagang lalakarin.

Si Ibarra ay kasintahan ni Maria Clara, isang napakagandang binibini at larawan ng babaing Pilipina. Siya ay anak-anakan ni Kapitan
Tiyago, isang mayamang taga-Binondok. Ang binata ay dumalaw sa dalaga kinabukasan at sa kanilang pag-uulayaw ay di nakaligtaang
gunitain ang kanilang pagmamahalan simula pa ng kanilang kamusmusan. Di nakaligtaang basahing muli ni Maria Clara ang mga
liham ng binate sa kanya bago pa man ito mag-aral sa Europa.

Bago tumungo si Ibarra sa San Diego ay ipinagtapat sa kanya ni Tinyente Guevarra ng Guardia Sibil ang tungkol sa pagkamatay nga
kanyang amang si Don Rafael, ang mayamang asendero sa bayang yaon.

Ayon sa Tenyente, si Don Rafael ay pinaratangan ni Pari Damaso, erehe at pilibustero, gawa ng di nito pagsisimba at pangungumpisal.
Nadagdagan pa ng isang pangyayari ang paratang na ito. Minsan ay may isang maniningil ng buwis na nakaaway ng isang batang
mag-aaral. Nakita ito ni Don Rafael at tinulungan ang bata. Nagalit ang kubrador at sila ang nagpanlaban, sa kasamaang-palad ay
tumama ang ulo ng Kastila sa isang bato na kanyang ikinamatay. Ibinintang ang pagkamatay na ito ng kubrador kay Don Rafael. Pinag-
usig siya at nagsulputan ang kanyang mga lihim na kaaway at nagharap ng iba-ibang sakdal. Siya ay nabilanggo. Nang malapit nang
malutas ang usapin ay nagkasakit ang matanda at namatay sa bilangguan. Di pa rin nasiyahan si Padre Damaso sa nangyari yaon,
inutusan niya ang tagapaglibing na hukayin ang bangkay ni Don Rafael sa kinalilibingan nitong sementeryo para sa Katoliko at ibaon sa
libingan ng mga Intsik subalit dahil sa umuulan noon at sa kabigatan ng bangkay ay ipinasiya ng tagapaglibing na itapon na lamang ito
sa lawa.

Hindi binalak ni Ibarra ang maghiganti sa ginawang kabuktutang ito ni Padre Damaso at sa halip ay ipinagpatuloy ang balak ng
kanyang ama na magpatayo ng paaralan

Sa pagdiriwang ng paglalagay ng unang bato ng paaralan ay kamuntik nang mapatay si Ibarra kung hindi siya nailigtas ni Elias. Sa
paglagpak ng bato habang ito'y inihuhugos ay hindi si Ibarra ang nasawi kundi ang taong binayaran ng lihim na kaaway ng binata.

Sa pananghaliang inihandog ni Ibarra pagkatapos ng pagbabasbas ay muling pinasaringan ni Padre Damaso ang binata, hindi na
lamang niya sana ito papansinin subalit nang hamakin ang alaala ng kanyang ama ay hindi na siya nakapagpigil at tinangkang
saksakin ang pari, salamat na lamang at napigilan ito ni Maria Clara.

Dahil sa pangyayaring ito ay itiniwalag o ineskomonyon si Ibarra ng Arsobispo ng simbahang Katoliko Romano. Sinamantala ito ni Padre Damaso
upang utusan si Kapitan Tiyago na sirain ang kasunduan sa pagpapakasal nina Ibarra at Maria Clara. Nais ng pari na ang mapangasawa ng dalaga ay si
Linares na isang binatang kastila na bagong dating sa Pilipinas

Dahil sa pagkasindak sa gumuhong bato noong araw ng pagdiriwang, si Maria Clara'y nagkasakit at naglubha. Dahil sa ipinadalang gamot ni Ibarra na
siya namang ipinainom ni Sinang gumaling agad ang dalaga.

Sa tulong ng Kapitan Heneral ay napawalang-bisa ang pagkakaekskomulgado ni Ibarra at ipinasiya ng arsobispo na tanggaping muli siya sa
simbahang Katoliko. Ngunit nagkataon noong sinalakay ng mga taong pinag-uusig ang kuwartel ng sibil at ang napagbintangang may kagagawan ay
si Ibarra kaya siya ay dinakip at ibinilanggo.

Wala talagang kinalaman dito ang binate sapagkat nang kausapin siya ni Elias upang pamunuan ang mga pinag-uusuig ay tahasan siyang tumanggi at
sinabing kailanman ay hindi siya maaaring mamuno sa mga taong di kumakatawan sa bayan.

Napawalang-bisa ang bintang kay Ibarra sapagkat sa paglilitis na ginawa ay walang sino mang makapagsabi na siya'y kasabwat sa kaguluhang
naganap. Subalit ang sulat niya kay Maria Clara na napasakamay ng hukuman ang siyang ginawang sangkapan upang siya'y mapahamak.

Nagkaroon ng handaan sa bahay nina Kapitan Tiyago upang ipahayag ang kasunduan sa pagpapakasal ni Maria Clara kay Linares at samantalang
nagaganap ito ay nakatakas ni Ibarra sa bilangguan sa tulong ni Elias.

Bago tuluyang tumakas ay nagkaroon ng pagkakataon si Ibarra na magkausap sila nang sarilinan ni Maria Clara. Aniya’y ipinagkaloob na niya rito ang
Kalayaan at nawa’y lumigaya siya at matahimik na ang kalooban. Ipinaliwanag ni Maria Clara na ang liham na kanyang iniingatan at siyang ginagamit sa
hukuman ay nakuha sa kanya sa pamamagitan ng pagbabanta at pananakot. Ipinalit sa mga liham na ito ang dalawang liham na isinulat ng kanyang ina
bago siya ipanganak na nakuha ni Pari Salvi sa kumbento. Dito nasasaad na ang tunay niyang ama ay si Pari Damaso.

Sinabi niya kay Ibarra na kaya siya pakakasal kay Linares ay upang ipagtanggol ang karangalan ng kanyang ina subalit ang pag-iibig niya saa binata ay
di magbabago kailanman.

Samantala, tumakas na si Ibarra sa tulong ni Elias. Sumakay sila ng bangka, pinahiga si Ibarra at tinabunan ng damo at pagkatapos ay tinunton ang
ilog Pasig hanggang makarating sa Lawa ng Bay. Ngunit naabutan sila ng mga tumutugis sa kanila. Inisip ni Elias na iligaw ang mga ito kaya
naisipan niyang lumundag sa tubig kung saan inakalang si Ibarra ang tumalon kaya hinabol at pinaputukan siya ng mga sibil hanggang mahawi ang
bakas ng pagkakalangoy at magkulay-dugo ang tubig.

Nakarating sa kaalaman ni Maria Clara na si Ibarra'y napatay ng mga Sibil sa kanyang pagtakas. Ang dalaga'y nalungkot at nawalan ng pag-asa kaya't
hiniling niya kay Padre Damaso na siya'y ipasok sa kumbento ng Santa Clara upang magmadre. Napilitang pumayag ang pare sapagkat tiyakang sinabi
ng dalaga na siya'y magpapakamatay kapag hindi pinagmadre.

Noche Buena nang makarating si Elias sa maalamat na gubat ng mga Ibarra, sugatan at nanghihina na doon niya nakatagpo si Basilio at ina nitong
wala nang buhay.

Bago siya nalagutan ng hininga ay sinabing, namatay siyang hindi nakikita ang pagbubukang-liwayway ng kanyang bayan at makakikita ay huwag
sanang kalilimutan ang mga nangamatay dahil sa pagtatanggol sa bayan.

Gawain 2

Panuto: Ipaliwanag ang mga kaisipan na makikita sa nobelang Noli Me Tangere. Pagkatapos, ihambing naman ang mga ito sa kasalukuyan.
KAISIPAN NOBELA KASALUKUYAN

1.Pamamalakad ng Pamahalaan at Simbahan

2. Paniniwala sa Diyos

3. Kalupitan sa Kapwa

4. Kayamanan

5. Kahirapan

IKAAPAT NA MARKAHAN: Modyul 3

Si Crisosotomo Ibarra

Si Crisostomo Ibarra ay isang binatang Pilipino na nag-aral sa Europa. Matapos ang pitong taong pamamalagi sa ibang bansa ay bumalik siya sa
Pilipinas matapos malaman ang pagkamatay ng kanyang ama. Pinaghanda siya ni Kapitan Tiyago ng isang salo-salo na dinaluhan ng mga may
matataas na katungkulan sa pamahalaan maging ng mga prayle tulad nina Padre Damaso, Padre Salvi, Padre Sibyla at iba pa.

Sa hapunang iyon ay hiniya siya ni Padre Damaso na siyang dating kura ng San Diego ngunit ito'y hindi na lamang niya pinansin at magalang na
nagpaalam at nagdahilang may mahalagang lalakarin kaya’t hindi niya nakita si Maria Clara na kaniyang kasintahan nang gabing iyon.

Kinaumagahan ay dinalaw niya si Maria Clara. Ginunita nila ang kanilang pagmamahalan simula pa sa kanilang pagkabata. Di nakaligtaang basahing
muli ni Maria Clara ang mga liham ng binata sa kanya bago pa man ito mag-aral sa Europa.

Bago tumungo si Ibarra sa San Diego ay ipinagtapat sa kanya ni Tinyente Guevarra ng Guardia Sibil ang tungkol sa pagkamatay ng kanyang amang si
Don Rafael, ang mayamang asendero sa bayang yaon. Ayon sa Tinyente, si Don Rafael ay pinaratangan ni Padre Damaso, na Erehe at Pilibustero, dahil
sa hin di nito pagsisimba at pangungumpisal. Nadagdagan pa ng isang pangyayari ang paratang na ito nang mapatay ang isang maniningil ng buwis
matapos ipagtanggol ni Don Rafael ang mga bata sa kamay nito. Ibinintang ang pagkamatay na ito ng kubrador kay Don Rafael, pinag-usig siya,
nagsulputan ang kanyang mga lihim na kaaway at nagharap ng iba-ibang sakdal. Siya ay nabilanggo at ng malapit nang malutas ang usapin ay
nagkasakit ang matanda at namatay sa bilangguan.

Di pa rin nasiyahan si Padre Damaso sa pangyayaring iyon. Inutusan niya ng tagapaglibing na hukayin ang bangkay ni Don Rafael sa kinalilibingan nitong sementeryo
para sa katoliko at ibaon sa libingan ng mga Intsik at dahil umuulan noon at sa kabigatan ng bangkay ay ipinasya ng tagapaglibing na itapon na lamang ito sa lawa.Sa
kabila ng mga nalaman ni Ibarra ay mas matimbang sa kaniya ang pagnanais na makapagpatayo ng sariling paaralan. Hindi naging madali para kay Ibarra ang
pagpapatayo ng paaralan dahil maraming mga suliranin ang umusbong at may mga nagtangka sa buhay ni Ibarra. Mabuti na lamang at iniligtas siya ni Elias.

You might also like