PT Kopya Gawain at Rubriks Students

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 8

Sagutan ang nasa Tayahin.

KABANATA 1

Panimula

Walang taong ipinanganak na mayroon nang kaalaman. Kaya, naman nararapat na pag-aralan ng
isang tao upang matuto. Ang edukasyon ay mahalaga sapagkat ito ang susi sa pagkamit ng mga
minimithing pangarap. Ngunit, ang pag-aaral ay hindi basta - basta sapagkat ito ay isang proseso. At
nakakalungkot isipin na dahil sa kawalang disiplina ng isang mag-aaral ay maaaring maglaho ang
lahat ng kanilang pinaghirapan (Tordecilla, 2011).

Ang pagiging huli sa klase ay kadalasang nagiging problema sa paaralan. Ito ay kumakahulugan sa
sistema ng pag-aaral bilang pagiging huli sa pagpunta sa paaralan o sa klase at naidudugtong sa
pagiging absent at school dropouts. At pagdating sa tamang oras sa paaralan at klase ay nagiging
problema sa school compulsory attendance. Ang unang lehislasyon ng pagiging huli sa klase ay sa
united states massachusetts compulsory education Act. Of 1852, kung saan sinasabi ang mga
estudyanteng nasa edad na 11 at 14 ay kailangang mag-aaral. Likas sa mga Pilipino ang pagiging huli
kaya may tinatawag tayong "Filipino time" ngunit ang kamalian na ito ay hindi dapat pinaiiral ng mga
estudyante sa paaralan. Kung dadalhin nila ito hanggang sa paglaki, maaari itong makaapekto sa
kanilang hinaharap ayon kay Dr. Jose Rizal, " Ang kabataan ang pag-asa ng bayan" ngunit paano
mangyayari ito kung mas pinipili pa ng mga kabataan ang kanilang kagustuhan kaysa sa kanilang
kinabukasan (Tordecilla, 2011). Napili ng mga mananaliksik ang paksang ito dahil, ang mananaliksik
ay gustong malaman at kung bakit huli sa klase ang mag-aaral, ay dahil malayo ang tinitirahan at
walang masasakyan kapag ang mag-aaral ay pumupunta sa paaralan. At ang iba naman kung bakit
mahuhuli sa klase ay huli ng gumising.

BALANGKAS TEORITIKAL

Ang pag aaral na ito ay naimpluwensiyahan ng symbolic interaction na nagbibigay diin sa pagiging
huli sa klase ng mga mag aaral. Ang pag aaral na ito ay sumasaklaw sa malayang varyabol.
PAGLALAHAD NG SULIRANIN

Ang pag-aaral na ito ay patungkol sa epekto ng pagiging huli sa klase sa Bayanga National High
School Bayanga,Cagayan De Oro City. Sa taong 2019- 2020. Ang pag-aaral na ito ay may layuning
masagot ang mga katanungan ng sumusunod:

1. Anu-ano ang propyl ng respondente sa mga sumusunod:


A. Edad
B. Kasarian
C. Baitang

2. Anu- ano ang mga salik sa pagiging huli sa klase.

KAHALAGAHAN NG PAG AARAL

Ang pag- aaral na ito ay isinagawa upang suriin ang epekto sa pagiging huli sa klase. Ang pag- aaral
ding ito ay disenyo upang malaman ang mga ibat-ibang epekto sa pagiging huli sa klase ng mga
estudyante sa Bayanga National High School. Ang pag -aaral na ito ay upang makapagbigay ng higit
na kaalaman sa mga isipan ang mabuti o masamang dulot ng kanilang pagiging huli sa klase. Ang pag
-aaral ding ito ay puweding maging batayan sa Barangay Bayanga at gawing gabay na papel sa pag-
momonitor sa tama at di-dapat na pagiging huli sa klase, at gumawa ng aksiyon para sa pagpupulong
na gagawin ng mga guro sa mga magulang sa lugar na ito at para rin sa mga mag-aaral,gayundin sa
mga magulang.

SAKLAW AT DELIMITASYON
Sa napapanahong papel na ito, sa pook ng Barangay Bayanga, nakatuon ang pag-aaral at
pananaliksik patungkol sa pagiging huli sa klase. Ang Barangay Bayanga ay nasa Lungsod ng Cagayan
De Oro. Dito nakabatay ang aspetong pagiging huli sa klase.

DEPINISYON NG TERMINOLOHIYA

Huli. ito ay isang buhay na kung saan estudyante at mga nagtatrabaho ang kadalasang
nakakabanggit o nakakaranas nito. Na sa sitwasyon na dumating sila sa maling oras na pupuntahan
nila. Salik. mga importanteng elemento o mga nilalaman.

Salik. mga importanteng elemento o mga nilalaman.

KABANATA II

MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Ang kabanatang ito ay naglalaman ng mga kaugnay na panitikan at pag aaral. Na kapaki- pakinabang
para sa pundasyon ng pag-aaral ang mga teorya ng pag- aaral na ito.

Ayon kay Caubo (2015). Nakakaapekto ang pagpupuyat o kakulangan sa pagtulog ang pagiging huli
sa klase. Isa sa pangit na kaugalian ng mga Pilipino ang pagiging huli sa anumang aktibidad o ang
hindi natin pagsunod sa takdang oras lalong- lalo na sa klase. Karaniwan sa atin ang isang
palatuntunan ay hindi nasisimulan sa takdang oras dahil sa wala pa rin ang mga tauhang
magsisiganap o kung hindi naman kaya'y wala pa rin ang madlang siyang dapat sumaksi sa
palatuntunan kung kaya'y naaantala tuloy ang lahat.

Ayon naman kay Gina A. Torres (2016). Ang kawalan ng gana ng mga kabataan sa mga aktibidad sa
klase ay isa ring malaking factor kung bakit sila ay nagpapahuli . Ang kawalan rin ng interes sa
asignatura at pagtuturo ng guro ay isa rin sa mga sanhi ng pagiging huli ng estudyante. Dahil dito, mas
pinili ng iba na maglibang muna at ipagsawalang- bahala ang oras ng klase na kailangan nilang
pasukan .

Inilahad din nila Sprick and Daniel's (2010). Na ang kawalan ng paninindigan ng eskwelahan sa mga
kaparusahan at mga polisiya ay isa rin sa mga dahilan kung bakit hindi napagtutuunan ng pansin ang
mga kabataan sa kanilang pagiging huli o wala sa tamang oras. Dahil ang ilang guro ay hindi na
pinapansin ang suliraning ito, nasasanay ang ilan na palagiang nahuhuli at hindi na binigyang- pansin
ang kahalagahan ng oras sa paaralan. Isa pang dahilan ang hindi pagbibigay- halaga sa mga
estudyante na laging maaga sa mga paaralan.

Ayon kay Stacy Zeiger (2009). Kung magpapatuloy ang ganitong gawain,maari itong magresulta ng
pagbaba ng mga grades ng mag aaral sa mga klase at mag resulta sa pagiging drop- out niya sa
paaralan o di kaya ay ang pagkakaroon niya ng suspension para pumasok. Maaari ring humantong
ang problemang ito sa iba pang kaparusahan na maaaring makasama sa kalagayan ng mga
estudyante. Ito ay nangangahulugan lamang na ang suliraning ito ay maaaring mag paalis sa
estudyante sa paaralan at mawalan ng pagkakataon para matuto.

Ayon sa artikulo nila Nakpodia at Dafiaghor (2011). Ang pagiging huli ng ibang estudyante ay
maaaring makagulo sa pokus ng ilang mga mag-aaral sa leksiyon. Dahil sa pagdating ng isang mag-
aaral ng huli, maaagaw nito ang pansin ng klase kung saan makakagulo ng daloy ng aktibidad sa
asignaturang itinuturo. Ito ay nagpapatunay na ang isyung ito ay nakakaapekto hindi lamang sa sarili
kundi pati na rin sa mga taong nakapaligid sa isang indibiduwal.

Una ay ang madalas na pagliban at ang pagiging huli sa klase. Ito ay isa sa mga karaniwang
pagkakamali ng mag-aaral at hindi maiiwasan. Kung nais nating tumaas ang ating grado, kailangan
tayo ay nasa loob ng klase upang mas maiintindihan ang ating mga leksiyon. (Rockler - Gladen, 2008).

Pangalawa ay hindi pagkopya ng leksiyon at mga importanteng sinasabi ng guro. Sa kasamaang-


palad, marami na ngayong estudyante ang hindi kumukopya ng leksiyon. Kailangang matutunan
nating makinig sa mga sinasabi ng mga guro at kumuha ng masusing tala. (Rockler- Gladen, 2008).

Pangatlo ay ang tamang paggamit ng ating oras. Dahil madami tayong responsibilidad katulad ng
pagiging miyembro ng mga klubs at mga organisasyon na minsan ay sumasabay sa ating
responsibilidad bilang mag-aaral, kinakailangang matutunan natin na hawakan nang maayos ang
ating oras. (Rockler- Gladen, 2008 ).

Pang- apat ay ang pagpapaliban ng ating mga gawain hanggang sa huling minuto. Talagang makikita
kung ang isang aktibidad ay ginawa lamang ng mabilisan sapagkat maaaring may mga pagkakamali
na hindi natin maiwasto dahil sa pagmamadali o kaya naman talagang hindi na naging maayos ang
ating pagkagawa at wala na tayong panahon para ayusin ito. Kung gusto natin ang kaaya-aya at
maayos na resulta, kailangang bigyan natin ito ng karampatang oras o panahon upang makapag-
saliksik bago gawin ang atas. ( Rockler- Gladen, 2008 ).
Pang-lima naman ay ang raming konektado din ito sa pang- apat na takda sapagkat ito ay ang
pagpapaliban ng mga gawain na iniaatas sa atin. Ang kakayahan na magpokus sa isang kahusayan
lalo na sa dami ng mga nakapaligid na maaaring umaantala ng ating mga gawain tulad ng mga laro at
paggamit ng internet tulad ng facebook at iba pa (Rockler- Gladen, 2008).

KABANATA III

METODOLOHIYA DISENYO AT METODO

Ang pagsusuring pag-aaral na ito ay ginagamitan ng diskriptibo na uri ng pagkalap ng mga batas
kaugnay sa pagsusuring pag-aaral sa pananaliksik.

INSTRUMENTO NG PANANALIKSIK Ang pag-aaral na ito ay isinasagawa sa pamamagitan ng pag


survey. Ang mga mananaliksik ay nag handa ng survey kwestyuner upang malaman ang mga salik sa
pagiging huli sa klase. Para lalong mapabuti ang pav aaral, minabuti rin ng mga mananaliksik na
mangalap ng impormasyon sa ibat ibang hanguan tulad ng libro at internet.

PAKSA NG PAG-AARAL Ang pananaliksik na ito ay nakapukos sa mga epektibong salik sa pagiging huli
sa klase. Sinaklaw nito ang Bayanga National High School at nilimitahan sa mga mag-aaral na laging
nahuhuli sa klase.

RESPONDENTE Ang pag-aaral na ito, ay nilahukan ng mga mag-aaral sa Bayanga National High
School bilang mga respondente, ang pag-aaral na ito ay partikular sa mga mag-aaral sa Bayanga
National High School.

TRITMENT NG MGA DATOS Ang ginamit na tritment sa mga datos ay ang pagkuha ng bilang at dami
ng mga datos na nakuha sa pamamagitan ng pagkuha ng frequency at bahagdan. At para sa pagkuha
kung may malaking problema ukol sa pagiging huli sa klase.

KABANATA IV

PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS

UNANG SULIRANIN:

Ano ang propayl ng mga respondente ayon sa; Kasarian, Edad, Baitang. Talahanayan 1.1 Distribusyon
ng kasarian ng mga respondente.
Talahanayan 1.1 ay naglalarawan sa bilang ng kasarian. Ang may mataas na bilang ay ang mga babae
na mayroong siyam na put-siyam ( 99 ) na bilang at may bahagdang limamput - isang ( 51% ) porsento,
ang may pinakamababang bilang ay ang mga lalaki na mayroong siyam na put- anim ( 96 ) na bilang
at may bahagdang apat na put- siyam ( 49% ) na porsiyento.

Talahanayan 1.2 Distribusyon ng edad ng mga respondente.

Talahanayan 1.2 ay ipinapakita ang bilang ng edad . At ito ay hinati sa tatlong (3) Kolum, sa unang
kolum ipinapakita ang mga sumusunod na edad ng mga respondente at ang pangalawa ay sa bilang
at pangatlong kolum naman ay hinati para sa bahagdan o porsiyento. Ang may pinakamaraming
bilang ay nasa edad na labing-anim na put anim (66) na may bahagdang tatlumpu't apat (34%) na
porsiyento. At ang may pinakamababang bilang ay nasa edad na dalawampu't- isa (21) bilang na
dalawa (2). At may bahagdang isang porsyento (1%). Na may bilang na Dalawampu't- dalawa (22) at
may bahagdang labing-isang porsyento (11%).

Talahanayan 1.3 Distribusyon ng Baitang ng mga respondente.

Talahanayan 1.3 ay nagpapakita ng Baitang ng mga respondente. Ang may pina kamaraming bilang
ay nasa (Grade 9) na may bahagdang dalawampu't tatlo (23%) porsyento. Ang ang may
pinakamababang bilang ay nasa (Grade 10, 11, 12).

IKALAWANG SULIRANIN: Ano -ano ang salik sa pagiging huli sa klase? Talahanayan 2.1 Salik sa
pagiging huli sa klase.
Talahanayan 2.1 ay naglalarawan sa mga salik sa huli sa klase. Ang may pinakamataas na bilang ay
ang naglalaro na may bilang na tatlo at labing- siyam (3.19). At may (1.77) na bahagdan. At may berbal
deskripsiyon na palagiang ginagawa. Sa Kabuuan ay may 2.39 na mean na kadalasang ginagawa ng
mga magaaral ang mga salik sa pagkahuli sa klase.

LAGOM KABANATA V LAGOM, KONGKLUSYON AT REKOMENDASTON

Ang pananaliksik na ito ay gumamit at nangalap ng mas maganda at polidong mga datos at
maintindihan pa ang pag-aaral ng mga mananaliksik, gumawa ng sarbey kwestiyuner para
masagutan ng mga respondente. Ang mga naging respondente sa pananaliksik na ito ay ang mga
estudyante sa paaralan ng Bayanga National High School. Nakalap din ng mga mananaliksik ang
sagot ng mga respondente sa mga katanungang nasa kwestiyuner. Ang bawat tanong ay may
kaukulang sagot, ang nakuha ng mga mananaliksik ay ang mga salik sa pagiging huli sa klase.

Ang mga mananaliksik ay may Isang-daan at Siyam na pu't Lima (195) na respondente.

KONGKLUSYON

Batay sa natuklasan sa masusing pag-aaral na ito, nabuo ang mga sumusunod na mga konklusyon;
1. Batay sa gulang karamihan sa mga respondente ay nasa labing-tatlo hanggang labing-apat na
taong gulang.
2. Batay sa kasarian ang babae ang may panakamarami ang bilang na may siyam napu't-siyam(99)
na bilang ng respondente.
3. Ang mga dahilan o salik sa pagiging huli sa klase ay ang mga sumusunod: Matagal matulog,
Tanghali nang gumising, Malayo ang bahay, Walang masasakyan, maraming ginagawa sa bahay,
naglalakad papuntang paaralan, tinatamad gumising, nagsisimba, naglalaro, mabagal maglakad.
4. May mga iba't- ibang salik sa pagiging huli sa klase.
5. Mayroong makabuluhang dahilan kung bakit may mga salik sa pagiging huli sa klase

REKOMENDASYON
Para sa lumalalang problemang hinaharap ng mga estudyante tuwing umaga, may maraming napag-
isipang mga solusyon ang mga mananaliksik. Isa sa mga natuklasang solusyon ng mga mananaliksik
ay ang paggising ng maaga. Ito ang pinakamabisang solusyong naiisip ng mga mananaliksik. Sa
paggising ng maaga, puweding ding gumamit ng mga alarm clock at iba pang mga kagamitan upang
makatulong sa maagang paggising. Ang iba pang iminumungkahi ng mga mananaliksik ang pag-
disiplina sa sarili. Huwag pag-aksayahin ang oras. Kinakailangang paisa-isa ang paggawa ng mga
gawain sa paaralan kagaya ng mga takdang-aralin at mga proyekto sa maagang oras. Ito ay para
makamit ang tamang oras ng pagtulog at para makagising ng maaga.

Maging mabuting impluwensiya sa mga tao. Ipakita sa lahat ang mga magandang kaugaliang meron.
Huwag hayaang magpadala sa sarili sa mga hindi mabuting kaibigan at dapat ikaw mismo ang
magpapatigil sa kanilang mga hindi magagandang mga gawain. Mahalin at Pahalagahan ang sarili, at
ang ibang tao at kapaligiran. Isiping mabuti kung makakasama ba o makakabuti sa iyo at sa iba pa
ang pagiging huli sa klase.

MGA SANGGUNIAN

Caubo,J. (2015). Canadian Assn of University Business Officers. 28,104. Torres, G. (2016). American
television and movie actress and if would be leaving the cast of suit.

Tordecilla, J.M.C. (1984). Mutagenic Effect of Maestranol and Norgestrel in Ni, N. & Yager, J.D 1994b.

Nakpodia, (2006). ED: Educational Administration: A New Approach. Warr: Jonokase, pp.66.72.

Nakpodia & Dafiaghor, (2007). He is more likely to be punctual no matter how similar.

_____(2011) . The Co. Mitogenic Effect of various.

Rockler- Gladen, (2008) Goffman introduced the term "gender displays" to refer to formalized,
ritualized Behaviors female society. Sprick R, & Daniel K, (2007). Taming the tardines every
minute counts retrieved from.2007.

Panuto: Batay sa binasang halimbawa, punan ang mga hinihinging parirala sa ibaba.
PERFORMANCE TASK: 40 PUNTOS

Layunin ng pag-aaral: ___________________________________________________


Paglalahad ng suliranin: _________________________________________________
Kahalagahan ng pag-aaral: ______________________________________________
Mga kaugnay na pag-aaral: ______________________________________________
Metodolohiya:_________________________________________________________
Resulta:_____________________________________________________________
Konklusyon:__________________________________________________________
Rekomendasyon :_____________________________________________________
Rubrik para sa Pag-evaluate ng Pananaliksik
Kategorya Marka Paglalarawan
Layunin ng Pag-aaral
Malinaw at malinaw ang layunin ng pag-aaral. Ipinapakita ang
kahalagahan at kabuluhan ng paksang napili. [5]
Paglalahad ng Suliranin
Mahusay na inilahad ang mga suliranin na pinag-aaralan, kasama ang
paglalarawan ng konteksto at kahalagahan nito. [5]
Kahalagahan ng Pag-aaral
Napakahalaga ang pag-aaral na ito sa pag-unlad ng kaalaman at solusyon
sa napiling suliranin. [5]
Mga Kaugnay na Pag-aaral
Pinakita ang kahalagahan ng mga kaugnay na pag-aaral at literatura sa
pagsusuri ng problema. [5]
Metodolohiya
Ang pamamaraan ng pag-aaral ay maayos na ipinaliwanag at may
kaukulang pananaw sa mga ginamit na instrumento at pamamaraan. [5]
Resulta
Mahusay na ipinakita ang mga resulta ng pananaliksik, kasama ang
pagsusuri at interpretasyon ng mga datos. [5]
Konklusyon
Napapanahon at maayos ang konklusyon, na nagpapakita ng kabuuang
pag-unawa sa paksang pinag-aaralan. [5]
Rekomendasyon
Pinapakita ang mga praktikal at makabuluhan na rekomendasyon para sa
hinaharap, batay sa natuklasan ng pananaliksik. [5]

You might also like