Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

REVIEWER IN ESP

Pagmamalasakit sa Kapwa

“Dapat tayong magpakita ng pagmamalasakitsa mga kasapi ng paaralan at pamayanan sa lahat ng pagkakataon. Ito’y
maipakikita natin sa pagtulong sakanila sa oras ng pangangailangan.”

Basahin ang kuwento.

Halika, Kaibigan

ni I.M. Gonzales

Nagmamadali ang magkaibigang Kaloy at Pam sa pagpasok sa paaralan nang may makasabay silang isang
pilay na bata.

“Kaloy, tingnan mo ang batang iyon. Papilay-pilay lumakad, nakakatawa,” puna ni Pam. “Akala mo tuloy hindi
pantay ang daan.”

“Halika, Pam. Tulungan natin sa pagtawid,” ang

wika ni Kaloy. “Pero Kaloy, mahuhuli na tayo!” tutol ni Pam.

“Hindi bale, nakatulong naman tayo. Tingnan mo nga at hirap na hirap sa pagtawid ang bata,” katuwiran ni Kaloy.

“Ay ayoko, ikaw na lang. Ayokong mahuli sa klase natin,” wika ni Pam.

Nagpasya naman si Kaloy na tulungan ang batang may kapansanan.

“Totoy! Totoy! Saan ka pupunta?” tanong ni Kaloy. “Sa kabilang kanto,” ang tugon ng bata. “Uuwi na ako.”
“Halika, tutulungan na kitang tumawid. Mapanganib dito dahil maraming sasakyan,” ang wika ni Kaloy.

“Maraming salamat sa iyo. Nahihirapan nga akong tumawid dahil pilay ako,” ang wika ng bata. Inakay ni Kaloy ang
bata sa pagtawid

Matulungin si Kaloy

ni I. M. Gonzales

Lunes ng umaga, nagmamadaling pumasok si Kaloy sa paaralan. Sa kanyang paglalakad ay may nakasabay siyang
isang matandang babae na tila may hinahanap. “Ano po ang hinahanap ninyo, lola?”, tanong ni Kaloy. “Hinahanap
ko ang kalye Magallanes, maari mo ba itong ituro sa akin?”ang tugon ng matanda. “Opo, doon po sa pangalawang
kanto”, sabay turo ni Kaloy sa direksyon ng kalye. Nagpasalamat ang babae. Malapit na siya sa paaralan nang
mapansin nya ang kaklase niyang si Pol na isang pilay. “Magandang umaga, Pol. Tutulungan na kitang magdala ng
iyong

mga aklat.” “Salamat, Kaloy. Mabigat nga ang mga ito. ”ang tugon ni Pol. Tamang-tama ang dating nila sapagkat
nagsisimula nang pumila ang mga bata para sa pagtataas ng watawat. Nakita ni Kaloy ang kanilang guro na si G.
Santos na maraming dalang kagamitan

“Tutulungan ko na po kayong magdala ng iba mong gamit, Sir,” wika ni Kaloy. “Naku salamat Kaloy, talagang

matulungin ka sa iyong
kapwa. Ipagpatuloy mo ang iyong magandang

katangian.” ang sabi ng guro.

You might also like