Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Reviewer in MAPEH

Pagpapanatili ng Tikas ng Katawan


Ang paglalakad nang wasto sa iba’t ibang direksiyon ay isang kasiya-
siyang gawain na makatutulong sa wastong pagpapatakbo ng sistema ng
katawan.
Marami tayong kilos o galaw na ginagawa tulad ng pag-upo, paglakad at
pagtayo.

Masasabi mo bang tama ang paraan mo ng pagsasagawa nito?


Maipakikita mo kaya na tama ang tikas ng iyong katawan habang
ginagawa mo ang mga nasabing galaw?
Kaya mo bang sabihin ang mga paraan ng wastong pag-upo, paglakad at
pagtayo

Pag-iingat sa Mga Pandama


(Dilat at Balat)
Tamang Paraan ng Pangangalaga ng ating Pandama.

Pangangalaga ng Dila
1. Iwasang kumain ng napakainit at napakalamig na pagkain.
2. Sepilyuhin ang dila.
3. Iwasang makagat ang dila.
4. Huwag ipasok sa bibig ang mga matutulis na bagay.
5. Iwasan ang mga pagkain ng makukulay o may halong food coloring.
6. Uminom ng maraming tubig.
7. Regular na magpatingin sa inyong dentista.

Pangangalaga ng Balat
1. Upang maging makinis ang balat ugaliin na maligo araw-araw.
2. Magpalit ng malinis na damit upang hindi makaramdam ng
pangangati ng balat.
3. Ugaliing maging malinis sa tuwina.
4. Protektahan ang sarili mula sa sikat ng araw.
5. Gumamit ng payong, sombrero, at sunblock kapag maglalakad sa
ilalim ng sikat ng araw.
6. Kumain ng mga pagkaing mabuti sa balat.
Ang dila at balat ay dapat alagaan sapagkat ang mga ito ay may iba’t
ibang
gawain o tungkulin na ginagamit na pandama.

You might also like