Karagdagang Kagamitan Sa Pagbabasa Sa Araling Panlipuna 7 - Ikatlong Markahan

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 66

7

Karagdagang Kagamitan
sa Pagbasa
Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan

Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyong MIMAROPA


Karagdagang Kagamitan sa Pagbasa
Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan
Unang Edisyon, 2020

Paunawa hinggil sa karapatang-sipi. Isinasaad sa Seksiyon 176 ng Batas


Pambansa Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang
akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng
pamahalaan o tanggapan kung saan ginawa ang isang akda upang magamit sa
pagkakakitaan ang nasabing akda. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing
ahensiya o tanggapan ay ang patawan ng bayad na royalty bilang kondisyon.

Ang mga akda / materyales (mga kuwento, seleksyon, tula, awit, larawan,
ngalan ng produkto o brand names, tatak o trademarks, palabas sa telebisyon, pelikula
atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay sa nagtataglay ng karapatang-ari ng mgaiyon.
Pinagtibay sa isang kasunduan ng Kagawaran ng Edukasyon at FilipinasCopyright
Licensing Society (FILCOLS), Inc. na ang FILCOLS ang kumakatawan sa paghiling
ng pahintulot sa nagmamay-ari ng mga akdang hiniram at ginamit dito. Hindiinaangkin
ni kinakatawan ang tagapaglathala (publisher) at mga may-akda angkarapatang-aring
iyon.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyong MIMAROPA


Regional Director: Benjamin D. Paragas, CESO V
OIC, Asst. Regional Director: Atty. Suzette T. Gannaban-Medina

Mga Bumuo ng Kagamitang ito para sa Mag-aaral


Mga Manunulat: Merylen O. Rodriguez, Maylin Bacangallo Arnesto, Mary Joy G.
Cansino, Joseph Luisaga Lozanta
Pangnilalamang Patnugot: Wenceslao P. Pigon, Rosario G. Caluya
Mga Tagasuri: Freddie Rey Ramirez, Marlou Roderos, Maria Magdalena Lo,
Sylvia Muniz, Nestor Rualo, Pedro Dandal, Jr., Marites Arenio,
Jordan Solatorio, Florenil Malabayabas
IPR Reviewers: Joriel D. Alburo, Jinkeelyn P. De Jose, Malone C. Perez
Julie Ann B. Cueto, Elizabeth de las Alas

Naglayout/Ilustreytor: Jessmark T. Castro, Ma. Jennifer Z. Pangilinan

Tagapamahala: Benjamin D. Paragas, CESO V, Regional Director


Mariflor B. Musa, CLMD Chief
Freddie Rey R. Ramirez, EPS – AP/IPEd/LRMS

Inilimbag sa Pilipinas ng:


Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyong MIMAROPA
Office Address: Meralco Avenue, corner St. Paul Road, Pasig City
Email Address: mimaropa.region@deped.gov.ph
Telephone No.: (02) 6314070
7

Karagdagang Kagamitan
sa Pagbasa
Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan

Ang karagdagang kagamitang ito sa pagbasa ay magkatuwang


na inihanda at sinuri ng mga guro mula sa mga pampublikong paaralan
ng pitong Sangay ng Rehiyong MIMAROPA. Hinihikayat namin ang
ibang mga guro at nasa larangan ng edukasyon na mag-email ng
kanilang puna at mungkahi sa Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyong
MIMAROPA sa mimaropa.region@deped.gov.ph.
Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi.

Kagawaran ng Edukasyon • Rehiyong MIMAROPA


Talaan ng Nilalaman

1. Teksto 1 - Bilang Pinuno ng Bansa Ko ............................................................3-6


Week 1-2
Nasusuri ang mga dahilan ng unang yugto ng kolonyalismo at imperyalismo sa Timog
at Kanlurang Asya (Ika-16 hanggang Ika-17 Siglo)

2. Teksto 2 - Grasya o Disgrasya, Kayo ang Humusga ..................................... 7-10


Week 1-2
Nasusuri ang mga dahilan ng unang yugto ng kolonyalismo at imperyalismo sa Timog
at Kanlurang Asya (Ika-16 hanggang Ika-17 Siglo)

3. Teksto 3 - Nangarap, Nagsikap at Matagumpay na Naganap ..................... 11-13


Week 1-2
Nasusuri ang mga dahilan ng unang yugto ng kolonyalismo at imperyalismo sa Timog
at Kanlurang Asya (Ika-16 hanggang Ika-17 Siglo)

4. Teksto 4 - Kahanga-hanga ............................................................................ 14-16


Week 3-4
Nasusuri ang mga pangyayari at kahalagahan ng nasyonalismo sa pagbuo ng bansa
sa Timog at Kanlurang Asya

5. Teksto 5 - Digmaang Pandaigdig, Bakit ka Nangyari? ................................ 17-19


Week 5
Natatalakay ang karanasan at implikasyon ng digmaang pandaigdig sa kasaysayan
ng mga bansang Asyano

6. Teksto 6 - Bakas ng Digmaan ....................................................................... 20-22


Week 6
Natatalakay ang karanasan at implikasyon ng digmaang pandaigdig sa kasaysayan
ng mga bansang Asyano

7. Teksto 7 - Nasyonalismo, Susi ng Kalayaan................................................ 23-25


Week 6
Nasusuri ang kaugnayan ng iba’t ibang idelohiya sa pag-usbong ng nasyonalismo at
kilusang nasyonalista

8. Teksto 8 - Susi ng Pagkakaisa ...................................................................... 26-28


Week 6
Nasusuri ang kaugnayan ng iba’t ibang idelohiya sa pag-usbong ng nasyonalismo at
kilusang nasyonalista

9. Teksto 9 - Pantay na Karapatan, Nararapat Ipaglaban ................................ 29-31


Week 6
Nasusuri ang karanasan at bahaging ginagampanan ng mga kababaihan tungo sa
pagkakapantay-pantay, pagkakataong pang-ekonomiya at karapatang pampolitika
10. Teksto 10 - Pakikibaka ng Kababaihan upang Karapatan ay Makamtan
………………32-34
Week 6
Nasusuri ang karanasan at bahaging ginagampanan ng mga kababaihan tungo sa
pagkakapantay-pantay, pagkakataong pang-ekonomiya at karapatang pampolitika

11. Teksto 11 - Nasyonalismo? Atin ng Ikuwento ........................................... 35-38


Week 7
Napahahalagahan ang bahaging ginampanan ng Nasyonalismo sa pagbibigay
wakas sa imperyalismo sa Timog Kanlurang Asya

12. Teksto 12 – Usal ng Damdaming Nasyonalismo ....................................... 39-41


Week 7
Napahahalagahan ang bahaging ginampanan ng Nasyonalismo sa pagbibigay
wakas sa imperyalismo sa Timog Kanlurang Asya

13. Teksto 13 - Ang mga Sunni at Shi’ite Muslim ................................................. 42-45


Week 8
Natataya ang bahaging ginagampanan ng relihiyon sa iba’t ibang aspekto ng
pamumuhay

14. Teksto 14 - Ang Pantalan ng Hambantota.................................................. 46-49


Week 9
Nasusuri ang mga anyo, tugon at epekto sa neo-kolonyalismo sa Timog at Kanlurang
Asya

15. Teksto 15 - OPEC: Isang Anyo ng Neokolonyalismo? .............................. 50-53


Week 9
Napahahalagahan ang bahaging ginampanan ng Nasyonalismo sa pagbibigay wakas
sa imperyalismo sa Timog Kanlurang Asya

16. Teksto 16 - Ang Bollywood ......................................................................... 54-57


Week 10
Napapahalagahan ang mga kontribusyon ng Timog at Kanlurang Asya sa kulturang
Asyano

17. Susi sa Pagwawasto ..................................................................................... 58-60

18. Sanggunian ................................................................................................... 61-62

2
Halina’t Tayo’y Magbasa

Teksto 1

Panuto: Basahing mabuti ang usapan. Unawain ang mga impormasyong ipinahayag
bilang gabay sa mga tanong na inihanda sa susunod na pahina.

Bilang Pinuno ng Bansa Ko


ni Merylen O. Rodriguez

Kaibigan pwede ba tayong magkaroon ng isang


makabuluhang usapan? Ito ay tatawagin nating “Bilang
Pinuno ng Bansa Ko”. Magbibigay ako ng
mahahalagang tanong sa inyong lima at sasagutan niyo
ito ng buong puso. Narito ang tanong ko sa inyo. Kung
kayo ay isa sa mga pinuno ng kanluraning bansa ano-
ano ang inyong mga dahilan sa pagsasagawa ng
Unang yugto ng kolonyalismo at imperyalismo sa
Timog at Kanlurang Asya simula Ika-16 hanggang Ika-
17 siglo?

Kung sagot ko naman ang inyong nais malaman, ito


ang aking dahilan. Sa panahon ng Renaissance mga
kapwa ko mamamayan mahirap man o mayaman ay
nabigyan ng pagkakataon na malinang ang mga sariling
kakayahan. Ang mga naimbento na mga
pangnabigasyong kagamitan lalo na ang compass at
astrolabe ay nagdulot ng malaking tulong at
kaluwalhatian sa aming nasasakupan maging hanggang
sa kasalukuyan.

Eh, kung ako naman ang tatanungin kung bakit kami


naglayag sa mga lupain sa labas ng teritoryo namin, ito
naman ang aming layunin. Gusto naming may
mapaglagyan kami ng mga produkto at gamit sa
pakikipagkalakalan upang umunlad ang aming
mamamayan kasama ang buo naming kaharian at
magtayo ng mga negosyo na kami lang ang nagbebenta
sa mga mamamayan.

3
Ako, ito ang tugon ko sa tanong ninyo. Damang-
dama ko kasi ang responsibilidad ko sa imperyo ko
kaya tinututukan ko at ng aming grupo ang
paghahanap ng mga rekado o pampalasa dahil kapag
marami kaming nakuha at naibenta sa merkado, hindi
lang sariling pangangailangan ang matutugunan ko
bagkus ang kabuoan ng kahariang kinabibilangan ko.

Iba’t ibang dahilan ang inyong pinaniniwalaan pero


ako bilang pinuno ay may sarili ring pinagbabatayan.
Ito ay pinagsamang layuning pampulitika at pang-
ekonomiya kung bakit ako nag kolonya ng iba pang
bansa. Pangarap ko kasi talagang itanghal na
pinakamakapangyahiran at pinakamayamang bansa
sa Europa maging sa buong mundo. Malaki rin ang
naitulong ng aming hari at reyna dahil sa suportang
kanilang ginawa.

Taos sa puso ang pamumuno ko kaya narito ang


paliwanag ko. Prinsipyong pang-ekonomiya na
merkatilismo ang gabay ng bansa ko, na kung saan ang
ginto at pilak ay napakahalaga sa imperyo ko, dahil
sukatan ito ng yaman at kapangyarihan ng bansa na aking
pinaglilingkuran.

4
Pagpapalawak ng Talasalitaan

Panuto: Piliin ang kasingkahulugan ng salitang may salungguhit sa pangungusap.


1. Ang ginto at pilak ay naging batayan ng yaman ng mga bansang kanluranin
na isa sa mga nagbunsod sa Unang yugto ng kolonyalismo at imperyalismo
sa Asya at ito ay napapaloob sa patakarang Merkantilismo.
A. bullionism C. kapitalismo
B. cronyism D. komunismo

2. Ang paligsahan sa kapangyarihan ay isa sa mga salik na naisagawa ng mga


Kanluranin sa pamamagitan ng kolonyalismo sa Asya.
A. ideolohohiya C. nasyonalismo
B. kolonisasyon D. kapitalismo

3. Ang panahon ng eksplorasyon ng mga kanluranin sa napakaraming bansa


sa Asya ay nagdulot ng napakaraming epekto sa iba’t ibang larangan.
A. pagsakop C. pagsupil
B. pagsunod D. paggalugad

Mga Tanong sa Pag-unawa

Panuto: Piliin ang tamang sagot sa bawat tanong batay sa tekstong binasa.
1. Alin ang mga naging dahilan ng Unang yugto ng kolonyalismo sa Timog at
Kanlurang Asya simula Ika-16 hanggang Ika-17 na siglo?
I. Pakikipagkalakalan
II. Panghahanap ng pampalasa at iba pang hilaw na sangkap
III. Renaissance
IV. Merkantilismo
V. Krusada
A. I, III, IV, V C. I, II, III, IV, V
B. I. II, III, IV D. I, II, IV

2. Suriin kung alin sa sumusunod na paglalarawan ang nagpapakita na may


malaking naiambag ang Renaissance sa panahon ng unang yugto ng
kolonyalismo at imperyalismo sa Timog at Kanlurang Asya?
A. Malaki ang mga naitulong ng mga imbensyon na mga kagamitan na pang
nabigasyon
B. Marami ang mga mamamayan ang nagpakadalubhasa sa agrikultura
C. Marami ang nakiisa sa pagpapalaganap ng kristiyanismo
D. Nakapagpatayo ng maraming base-militar

5
3. Ano ang pinakaimportanteng produkto na hinahanap-hanap ng mga Europeo
na sa Asya lamang matatagpuan?
A. species o pampalasa C. bakal
B. goma D. ginto

4. Kung isa ka sa mga sa mga namuno ng eksplorasyon sa panahon ng Unang


yugto ng kolonyalismo at imperyalismo, aling imbensyon ang may malaking
maitutulong sa iyo lalo na sa larangan ng nabigasyon?
A. mapa at globo C. telepono at teleskopyo
B. caravel at orasan D. compass at astrolabe

5. Kung isa ka sa mga mamamayan ng mga kanluraning bansa sa panahon ng


unang yugto ng kolonyalismo at imperyalismo at higit na binigyan ng
pagpapahalaga ang pagpaparami ng ginto at pilak ng iyong kinabibilangang
bansa, alin sa sumusunod na prinsipyo ito napapaloob?
A. kapitalismo C. nasyonalismo
B. merkantilismo D. komunismo

6. Bakit mahalaga sa mga kanluranin ang prinsipyong merkantilismo?


A. dahil ang tagumpay at yaman ng isang bansa ay nakabatay sa dami ng
ginto at pilak
B. dahil ang tagumpay ng isang bansa ay nakabatay sa dami ng bilang ng
mga mamamayang may hanapbuhay
C. dahil ito ay nagsusulong ng kulturang klasikal
D. dahil ito ay nagsusulong ng makabagong sistema ng pamamahala

7. Batay sa iyong natunghayan na makabuluhang usapan, sa paanong paraan


mo maipakikita bilang mag-aaral ang pagpapahalaga sa iyong natutunan?
1. dapat magkaroon ng layunin sa bawat gawain.
2. ang mga minimithing pangarap ay sisikaping abutin
3. kung magtitiwala at maniniwala, lahat ay magagawa
4. laging uunahin ang mga bagay na walang tiyak na layunin

A. 1,2,3,4 C.1,2,4
B. 1,3,4 D.1,2,3

6
Halina’t Tayo’y Magbasa

TEKSTO 2

Panuto: Basahing mabuti ang teksto. Unawain ang mga impormasyong ipinahayag
bilang gabay sa mga tanong na inihanda sa susunod na pahina.

Grasya o Disgrasya, Kayo ang Humusga


ni Merylen O. Rodriguez

Magandang araw mga mag-aaral ng


rehiyong MIMAROPA. Ang inyong
mababasa ay damdamin at saloobin mula sa
probinsiya sa programa na
MAGKAKALAYO MAN ANG ATING
KINAROROONAN NGUNIT IISA ANG
PATUTUNGUHAN. Ating aalamin kung ano
ang mga epekto ng Unang Kolonyalismo at
Imperyalismong Kanluranin sa Timog at
Kanlurang Asya. Ito ba ay grasya o
disgrasya? Kayo ang humusga. Basahin
natin ng patula.

Arabe at India, mga bansa sa Timog at


Kanlurang Asya, lubhang naapektuhan at
pinakinabangan. Umunlad man ang mga
bayan ngunit mga likas na yaman ay hindi
nagamit ng sariling mamamayan, bagkus
pinakinabangan ng mga dayuhan, para
matustusan kanilang pangangailangan at
maging ganap ang monopolyo sa kalakalan.

Bansang pagkakakilanlan ay nakalimutan


dahil tinangkilik produkto ng mga dayuhan.
Nagpatayo ng mga pagamutan para sa mga
Asyanong mamamayan, para paglaganap ng
sakit ay maiwasan sa mga bansang ganap ang
kapangyarihan.

7
Katutubong paniniwala ay biglang nawala
dahil sa pagpapakilala ng Kristiyanong
pananampalataya.
Edukasyon, pilosopiya at paniniwala pilit
ipinakilala, ngunit kamalayan at kaisipan ng
mga mamamayan, humantong sa paghingi ng
kalayaan.

Umunlad man ang mga bayan sa bansa ko,


doble-doble naman pasakit ang dulot niyo.
Paniniil, karahasan pilit niyong isinakatuparan,
maging ang pamamahala sa sariling bansa ayhindi
ipinagkatiwala.

Mga bansang Asyano ay nagsilang ng


damdaming nasyonalismo, dahil sa
epekto ng kolonyalismo at
imperyalismo, lahat ay nagsama-sama
upang makamtan hinahangad na
kalayaan at pag-asa.

Inyong dahilan sa pagpapalawak ng


kapangyarihan, nakapukaw ng interes ng
maraming mamamayan, makabagong
pamamaraan at teknolohiya inyong
natuklasan, na patuloy gagamitin
hanggang sa kasalukuyan.

8
Pagpapalawak ng Talasalitaan

Panuto: Piliin ang kasingkahulugan ng salitang may salungguhit sa pangungusap.


1. Bilang isang Asyano, napakahalaga ang malinang sa atin ang damdaming
Nasyonalismo.
A. makabayan
B. makasarili
C. mapag-imbot
D. mapaghangad

2. Ang ginto, seda, bulak at pampalasa ay isa sa mga hilaw na materyales na


hinahanap ng mga Europeo na saganang matatagpuan sa kontinenteng
Asya.
A. mga produkto na nagawa na
B. mga makabagong produkto
C. sangkap na dapat pang iproseso
D. mga sobrang produkto

3. Ang magkaroon ng monopolyo sa larangan ng pakikipagkalakalan ay isa sa


mga hangarin ng mga kanluranin kung bakit nagsagawa sila ng pananakop
A. maraming namamahala
B. iisa ang namamahala
C. iilan ang namamahala
D. dalawa ang namamahala

Mga Tanong sa Pag-unawa


Panuto: Piliin ang tamang sagot sa bawat tanong batay sa tekstong binasa.
1. Alin sa mga bansa sa Timog at Kanlurang Aysa ang lubos na naapektuhan ng
Unang yugto ng koloyalismo at Imperyalismong Kanluranin?
A. Saudi Arabia
B. Sri Lanka
C. Bhutan at Syria
D. Iraq at Nepal

2. Ang sumusunod ay epekto ng Unang Yugto ng Imperyalismo at


Kolonyalismong kanluranin MALIBAN sa isa?
A. Maraming katutubo ang yumakap sa kristiyanismo.
B. Umunlad ang mga kolonya sa lungsod.
C. Pinagsamantalahan ang nila ang likas yaman.
D. Hindi nakaranas nang pagmamalabis ang mga mamamayan.

9
3. Sina Nena at Jose ay mga mamamayan ng isa sa mga bansa sa Timog at
Kanlurang Asya. Alin sa sumusunod na epekto ng kolonyalismo ang kanilang
naranasan sa panahon nang unang yugto ng Imperyalismo at Kolonayalismong
Kanluranin?
I. Pinakinabangan ng husto ang likas na yaman at hilaw na sangkap
na nagmula sa kanilang bansa.
II. Nahikayat sila ng produktong dayuhan
III. Marami sa mga mamamayan sa kanilang bansa ay yumakap sa
kristiyanismo
IV. Umunlad ang Sistema ng transportasyon at komunikasyon
V. Hindi sila nakaranas ng karahasan sa kamay ng mga dayuhan
A. II, III, IV, V C. I, II, IV, V
B. I, II, III, IV D. I, III, IV, V

4. Alin ang may malaking naiambag para ang mga Kanluranin ay mahikayat na
maglayag sa mga karagatan?
A. makabagong teknolohiya at kagamitan sa paglalayag
B. monopolyo at pagkontrol sa agrikultura
C. suporta ng mga kolonyang bansa
D. pamumuno ng mga imperyalistang bansa

5. Ang nasyonalismo ay ang pagsibol ng damdaming Makabayan. Ito ay isa sa


mga epekto ng koloyalismo sa maraming bansa sa Asya. Bilang
mamamayan, paano mo maipakikita ang pagmamahal mo sa bansa?
I. Tatangkilikin ko ang mga produktong yari sa ating bansa
II. Ipagmamalaki ko na ako ay isang Asyano
III. Tutuparin ko ang mga tungkulin ko bilang isang Pilipino
IV. Ipagmamalaki ko ang mga produktong banyaga
A. II, III, IV C. II, III, IV
B. I, II, IV D. I, II, III

6. Ang edukasyon ay isa sa mga ambag ng mga kanluranin sa mga bansang


naging kolonya sa Timog at Kanlurang Asya. Nagkaroon ba ito nang
magandang epekto?
A. Opo, dahil nagdala ito ng makabagong ideolohiya tungo sa pagbabago at
paglaya ng mga kolonyang bansa
B. Opo, dahil namulat ang mga kolonyang bansa sa pagkakaroon
nang mabuting pamamahala.
C. Opo, dahil naging daan ito nang pagpapanatili ng kulturang katutubo
D. Opo, dahil maraming mamamayan ang napaunlad ang kabuhayan.

7. Sa paglaya ng maraming bansa sa Asya, isa sa malaking naiambag para


makamit ang kasarinlan ay ang pagkakaroon ng pambansang kamalayan,
paghahandog ng sarili para sa bansa at pagsusumikap para sa ikabubuti ng
sambayanan. Alin sa sumusunod na epekto ng kolonyalismo at imperyalismo
ito napapaloob?
A. Patriotismo C. Kolonyalismo
B. Nasyonalismo D. Neokolonyalisasyon

10
Halina’t Tayo’y Magbasa

TEKSTO 3

Panuto: Basahing mabuti ang tula. Unawain ang mensahe at damdaming nais nitong
ipahayag.

Nangarap, Nagsikap at Matagumpay


na Naganap
ni Merylen O. Rodriguez

Matagal na siglo mga bansa ay payapa sa isang kontinente ng Asya


Ngunit lahat ay nagambala at nabahala, sa pagdating ng mga Imperyalista
Sa iba’t ibang parte ng Asya, sila ay nagsagawa ng mga estratehiya
Maisakatuparan lamang, mga pangarap ng bansa na maging dakila’t kilala.

Samu’t saring patakaran, sa lahat nang nasasakupan, kanilang


ipinatupad ang sistemang pangkultura, panlipunan, pampulitika, at iba
pa, pilit inilunsadNgunit sa mapaniil na mga patakaran, mga Asyano ay
lumaban
Upang makamtan ng maraming mamamayan, ang pinapangarap na kasarinlan

Tunay na malakas ang paghahangad ng mga bansang Asyano na makalaya


Dahil sa pagsaid sa mga likas na yaman at paglapastangan sa mga karapatan
Bigo man ang napakaraming pag-aalsa, pero hindi natawaran ang pag-asa
Maipakita sa mga kolonyalistang bansa, ang pangarap na agad makalaya

Humingi man nang maraming reporma o pagbabago ang mga bansa sa Asya
Ngunit humantong sa kabiguan at lubos na kahirapan, kapalit sa kahilingan
Kaya di tinutulan damdaming nasyonalismo at laban ng kapwa ko mamamayan
Para makamtan at mapagtagumpayan ang pagkamit ng tunay na kalayaan.

Kaya mga kabataan patuloy nating ikintal sa ating isipan


Pagmamahal sa bayan at pagpapanatili ng ating kasarinlan
Patuloy na makiisa sa lahat ng mga programa ng bansa
Upang pangarap natin sa lipunan at bayan ay lubusan nating makamtan

Kaya hiling naming mga kabataan at kapwa ko Asyano, patuloy nating ingatan
Ating kasarinlan na mahirap at matagal na ipinaglaban ng mga mamamayan
Sana’y patuloy makiisa, sa lahat ng alituntunin at programa ng ating bansa
Upang pangarap natin sa lipunan at bayan, lubusang nating makamtan.

11
Pagpapalawak ng Talasalitaan

Panuto: Piliin ang kasingkahulugan ng mga salitang may salungguhit.


1. Iba’t ibang patakaran ang ipinatupad ng mga imperyalista sa Asya.
A. mananakop
B. misyonero
C. kabalyero
D. Baldolero

2. Humingi ang mga Asyano ng maraming reporma sa larangan ng ekonomiya


at pulitika sa mga mananakop subalit ito ay ipinagkait sa kanila.
A. Patakaran
B. Suhestiyon
C. Parangal
D. Pagbabago

3. Karamihan sa mga patakaran ng mga Kanluranin ay mapaniil kaya marami


ang mga Asyano ang nagsagawa ng pag-aalsa.
A. Mahinahon
B. Makatao
C. Mapang-abuso
D. Makabubuti

Mga Tanong sa Pag-unawa


Panuto: Piliin ang tamang sagot sa bawat tanong batay sa tekstong binasa.
1. Alin ang pinakaakmang kahulugan ng Nasyonalismo?
A. Ito ay isang kamalayan na may pagpapahalaga sa pagiging kabilang sa
isang nasyon, na may iisang lahi, kasaysayan, kultura, at wika.
B. Ito ay pamumuhay na kinagawian ng mga mamamayan.
C. Ito ay proseso na kung saan ang isang lipunan ay nakakatanggap ng
impluwensiya ng isa pang lipunan.
D. Ito ay kalipunan ng mga batayan ng pamamahala sa lipunan.

2. Batay sa tula na iyong binasa, suriin kung alin sa sumusunod na salik ng


Nasyonalismo ang HINDI dulot ng imperyalismo sa pagbuo ng mga bansa sa
Timog at Kanlurang Asya?
A. pagpapatupad ng mapaniil na mga patakaran
B. pagkamkam sa mga likas na yaman
C. paglapastangan sa mga karapatan
D. hindi nakaranas ng kalupitan ang mga mamamayan

12
3. Kung susuriin mo ang ikalawang saknong ng tula, paano ipinakita ng mga
Asyano ang damdaming nasyonalismo?
A. Nagpakita sila ng suporta sa mga imperyalistang bansa.
B. Sinikap ng mga Asyano na lumaban para sa bansa.
C. Tinanggap ng buong puso ang mga mananakop.
D. Sumunod sila sa mga patakarang ipinatupad.

4. Batay sa ikatlong saknong ng tula, suriin kung alin sa mga pangyayari ang
nagbunsod sa pag-usbong ng nasyonalismong Asyano?
A. Ang pagsasagawa ng iba’t ibang patakarang kolonyal.
B. Ang impluwensiya sa mga mamamayan sa kultura.
C. Ang impluwensya sa mga mamamayan sa pulitika.
D. Ang pagkamkam sa mga likas na yaman at paglapastangan sa mga
karapatan.

5. Bilang isang mamamayang Asyano, paano mo ipakikita ang inyong


pagmamahal sa bansa?
I. Ipagmamalaki ko na ako ay isang Asyano
II. Sisikapin ko na maging responsableng mamamayan
III. Igagalang ko ang karapatan ng kapwa ko mamamayan
IV. Tatangkilikin ko ang produkto ng mga dayuhan
A. I, III, IV C. I, II, III
B. II, III, IV D. I, II, IV

6. Sa inyong Panatang Makabayan na binibigkas palagi sa paaralan ay


nagpapakita ng pagpapahalaga sa damdaming Nasyonalismo. Alin ang HINDI
mo dapat isagawa bilang isang mamamayan ayon sa napapaloob sa inyong
panunumpa?
A. diringgin ko ang payo ng aking mga magulang
B. susundin ko ang mga tuntunin ng aking paaralan
C. tutuparin ko ang mga tungkulin ng isang mamamayan makabayan
D. iaalay ko ang aking buhay, pangarap at pagsisikap para sa aking sariling
kapakanan

7. Batay sa mensahe ng tula, ang mga kolonyang bansa ay nagsawa ng mga


pag-aalsa, subalit ang karamihan ay bigo ang kinahinatnan, dahil sa hindi
pagkakaunawaan ng mga nasasakupan. Anong pagpapahalaga ang iyong
natutunan na nararapat mong isabuhay?
A. mahalaga ang kanya-kanya
B. mahalaga ang pagkakaisa
C. mahalaga kahit hindi sama-sama kayang-kaya
D. may patutunguhan kahit hindi lahat ay nagtutulungan

13
Halina’t Tayo’y Magbasa

TEKSTO 4
Panuto: Basahing mabuti ang liriko ng awit. Namnamin ang mensahe at damdaming
nais nitong ipahayag.

Kahanga-hanga
(Ang tono ay halaw sa awit na Manok na Pula)
ni Merylen O. Rodriguez

Sa simula nagkaroon, agad ng pagnanasa


Sa ekonomiya sa kultura at pulitika
Gumamit sila ng mga estratehiya para agad magtiwala
Mga kawawang bansa, inalipusta at kinolonya

Koro I:
Nagsimula sa hangarin na tanghalin
Na isang mayaman at makapangyarihan
Kaya’t naranasan iba’t ibang patakaran
Ng hindi kinaya lahat ay nag-alsa
Kaya kayong mga Europeo, isipin niyo rin mga Asyano

Kahanga-hanga ang ginawa ng mga bansa sa Asya


Nagsama-sama, nagkaisa upang makalaya
Pagtutulungan, pagsasakripisyo at paninindigan
At kung may katwiran, dapat ipaglaban para sa bayan
Para sa kaunlaran

(Ulitin ang Koro 1)


Satyagraha at Ahimsa, isang halimbawa
Na paraan para makamtan tunay na kalayaan
Kaya mga kabataan huwag kalimutan pagmamahal sa ating bayan

Koro II
Sadyang kahanga-hanga kanilang ginawa
Pagmamahal sa bayan kanilang ipinakita
Kaya’t mga mamamayan pahalagahan
Ang kalayaan na ating nakamtan
dahil buwis buhay pinuhunan
makamit lang ang kasarinlan.

14
Pagpapalawak ng Talasalitaan

Panuto: Piliin ang kasingkahulugan ng salitang may salungguhit sa pangungusap.


1. Ang pagsasagawa ng Satyagraha ng mga Hindu ay nangangahulugan ng;
A. Paglalabas ng katotohanan sa pamamagitan ng mapayapang paraan
B. Paglalabas ng katotohanan sa pamamagitan ng pag-aalsa
C. Paglalabas ng katotohanan sa pamamagitan ng digmaan
D. Paglalabas ng katotohonan sa pamamagitan ng lihim na samahan
2. Ang Ahimsa ay nangangahulugan ng;
A. pagtutol sa pamamagitan ng pagwewelga
B. pagtutol ng may karahasan
C. pagtutol ng walang karahasan o non -violent
D. pagtutol sa pamamagitan ng eleksyon
3. Nakaranas ang maraming Asyano ng pang-aalipusta mula sa mga
mananakop.
A. pagmamahal
B. pang-aapi
C. pagbabatikos
D. pagsang-ayon

Mga Tanong sa Pag-unawa


Panuto: Piliin ang tamang sagot sa bawat tanong batay sa tekstong binasa.
1. Alin sa sumusunod na paglalarawan ang HINDI nagpapakita ng
manipestasyon ng damdaming nasyonalismo?
A. matinding pagmamahal sa bayan
B. may pagkakaisa
C. may pagtutulungan
D. mahilig sa produktong dayuhan
2. Batay sa liriko ng awit, bakit mahalaga ang Satyagraha at Ahimsa?
A. dahil ito ay naging daan para sa pakikipagkalakalan
B. dahil ito ay naging batayan ng pag-unlad ng mga dayuhan
C. dahil ito ay naging daan sa pagkamit ng kalayaan
D. dahil ito ay naging daan para wakasan ang pakikipagkalakalan
3. Kung pagbabatayan natin ang mensahe ng awit, paano nakamtan ang
kalayaan?
I. Sa pamamagitan ng pagkakaisa
II. Sa pamamagitan ng pagkakaroon ng paninindigan
III. Sa pamamagitan ng pagkakabuklod-buklod
IV. Sa pamamagitan ng pakikipag-alyasa sa mga bansang may malalakas na
Pwersa
A. I, II, III C. II, III, IV
B. I, II, IV D. I, III, IV

15
4. Ang sumusunod ay mga pagpapahalaga na dapat isabuhay mula sa mensahe
ng awit MALIBAN sa isa;
A. Mahalin ang sariling bansa at manatiling malaya.
B. Kapag sama-sama lahat ay kayang-kaya.
C. Magtulungan, magsakripisyon para sa bayan.
D. Uunlad kahit iilan ang makikiisa.

5. Bilang isang mag-aaral, paano mo ipapakita ang iyong pagmamahal sa bansa


sa kasalukuyang panahon?
I. Ipagmamalaki ko ang lahing Pilipino
II. Gagamitin ko ang ating sariling wika
III. Tatangkilikin ko ang produkto yari sa ating bansa
IV. Ipagmamalaki gawa ng mga banyaga
A. I, II, III, IV
B. II, III, IV
C. I, II, III
D. I, II, IV

6. Batay sa liriko ng awit, alin ang isa sa nagbunsod na mapukaw ang


damdaming makabayan?
A. Ang pag-unlad ng kalakalan sa Asya
B. Ang pagkakaloob ng mataas na katungkulan sa mga Asyano sa
pamahalaan
C. Ang pagbibigay ng kalayaan sa mga mamamayan na humawak ng mga
parokya
D. Ang pag-abuso at pagkasira ng mga likas na yaman

7. Kung pagbabatayan natin ang mensahe ng awit, bakit kahanga-hanga ang


ginawa ng mga mamamayan?
A. dahil umunlad ang aspetong pampulitika, pang-ekonomiya at pagkultura
sa mga bansa
B. dahil ang kanilang mataas na pagmamahal sa bayan ay naging daan para
makamtan ang kalayaan
C. dahil sumunod ang mga mamamayan sa mga ideolohiya na isinulong ng
mga imperyalista
D. dahil nagpakita ng suporta sa pamamahala ang mga banyaga

16
Halina’t Tayo’y Magbasa

Teksto 5
Panuto: Basahing mabuti ang diyalogo. Unawain ang mga impormasyong ipinahayag
bilang gabay sa mga tanong na inihanda sa susunod na pahina.

Digmaang Pandaigdig, Bakit Ka Nangyari?


ni Maylin B. Arnesto

Ang paksang ito ay pagtalakay sa mga naganap na pangyayari bunga ng


Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Maraming dahilan kung bakit ito nangyari.

A: Ano po ba ang nangyari bakit nagkaroon ng digmaan sa Asya?

B: Nagsimula ang digmaan sa Asya noong Ika-7 ng Disyembre 1941 nang biglaang
inatake ng Japan ang base militar ng America, ang Pearl Harbor sa Hawaii.
Nagbigay-daan ito sa pagpasok ng United States sa digmaan. Dahil dito nasira ang
kagamitan ng United States at di na nakuha pang makipaglaban
Dahil sa kaganapang ito, madaling nakuha ng Japan ang mga bansa sa Timog
Silangang Asya. Pilipinas lang ang mahigpit na nakipaglaban sa kanya.

A: Ano ang ginawa ng America at Pilipinas matapos ang pag-atake ng Japan sa


kanilang kampo?

B: Wala silang nagawa kundi sumuko at ipinag-utos na buksan ang mga daungan
upang wala ng masira pa at mapinsala sa bansa. Madaling nasakop ang Pilipinas.
Dahil dito, idineklara ni US General Douglas Mac Arthur ang Maynila bilang “Open
City” o Bukas na Lungsod noong ika-26 ng Disyembre 1941.

A: Ano ang sumunod na nangyari matapos maging Open City ang Maynila?

B: Dito rin narasan ang gutom at pagod kung saan pinagpapalo at pinahirapan ang
mga sundalong Pilipino at Amerikano nang sila ay pinalakad sa loob ng anim na
araw simula noong ika-9 ng Abril at marami ang di kinaya at namatay na tinawag
ding Death March o Martsa ng Kamatayan.

Kaya naman noong ika-6 at 9 ng Agosto 1945 ay binomba ng mga Amerikano ang
Hiroshima at Nagasaki.

Matindi ang naging impak ng bombang nukleyar sa kanilang bansa. Ito ang naging
daan ng sapilitang pagsuko ng Japan noong Ika-15 ng Agosto 1945.
Hanggang sa nagwakas ang digmaan noong Setyembre 1945 na naging daan sa
paglaya ng Pilipinas sa kamay ng mga Hapones. Hindi pa nakabangon sa pinsala ng
digmaan ang mga bansa sa Asya ngunit patuloy na lumalaban para makabawi sa
mga nasira.

17
A: Ano ang naging resulta o bunga ng digmaan?

B: Marami ang naging bunga ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.


Labis na paghihirap ang naranasan ng mga mamamayan. Nahinto ang pagsulong ng
ekonomiya. Naapektuhan nang malubha ang agrikultura at industriya at nawasak
ang iba’t ibang impraestruktura sa bansa.
Marami rin ang namatay ng walang laban. Naging bunga rin ng digmaan ang lalo
pang pag-ambisyon ng Amerika na maipagpatuloy ang pananakop at pagpapalawak
ng teritoryo upang kilalaning World Power sa buong mundo.

Iwasan ang pagkaganid sa kapangyarihan at dapat bawat bansa ay nagtutulungan


upang maiwasan ang alitan at digmaan.

Pagpapalawak ng Talasalitaan
Panuto: Piliin ang kahulugan ng salitang may salungguhit sa pangungusap.
1. Ang Maynila ay ginawang Bukas na Lungsod ni Heneral Douglas Mac Arthur
upang hindi na mapinsala ang lungsod.
A. pagsuko ng lungsod sa mga mananakop
B. hindi pagtanggap sa lungsod ng mga mananakop
C. pagiging bukas ng lungsod sa mga mananakop
D. pagbigay ng kapangyarihan sa lungsod ng mga mananakop

2. Maraming sundalong Amerikano at Pilipino ang nasawi dulot ng


Death March.
A. pagtanggol sa sarili
B. pakikiisa sa mananakop
C. pagpalakas ng puwersa
D. sapilitang pagpapalakad sa mga nahuling sundalong Pilipino at
Amerikano.

3. Ang bansang Japan at America ay nakipagdigma upang makuha ang titulong


World Power sa buong daigdig.
A. pandaigdigang interes
B. pagpalawak ng teritoryo
C. pandaigdigang Kapangyarihan
D. pagbibigay ng kapangyarihan sa mananakop

4. Nang dahil sa sariling interes, naipapakita ang pagkaganid ng


mananakop na bansa.
A. kagandahang-loob
B. pagkamapagbigay
C. kasakiman
D. alitan

18
Mga Tanong sa Pag-unawa
Panuto: Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang-papel.
1. Ano ang ipinahayag ng Japan sa biglaang pag-atake nito sa kampo ng
Amerika at Pilipinas?
A. pakikipagkaibigan
B. pakikipagkasundo
C. kapangyarihan
D. digmaan

2. Ano ang dahilan ng Japan sa pananakop?


A. mapalakas ang kapangyarihang politikal at pangmilitar sa gitnang Silangan.
B. mangalakal sa maunlad na bansa sa Asya
C. magkaroon ng maunlad na bansa.
D. maging alyansa ang Amerika.

3. Bakit idineklara na maging Open City ang Maynila?


A. upang wala ng ibang mapinsala sa lungsod
B. upang maging alyansa ang Japan
C. upang makipagkaisa sa Japan
D. upang sakupin ang Japan

4. Anong bansa ang nakakuha ng pagkakataong maituloy ang minimithi nang


magsimula ang Ikalawang Digmaan sa Europe?
A. America
B. China
C. Japan
D. Italy

5. Makatarungan ba ang Japan sa kanyang pananakop? Bakit?


A. Oo, dahil ginamit nya ang lakas at impluwensiya sa pananakop.
B. Oo, dahil bigla ang pag-atake nito sa base militar ng America.
C. Hindi, dahil biglaang inatake ng Japan ang base militar ng America.
D. Hindi, dahil marami ang namatay at nasirang ari-arian.

6. Alin sa sumusunod na pahayag ang naging sanhi at bunga ng


Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa bansang Asyano?
1. Pagbomba ng Japan sa Pearl Harbor, Hawaii at Clark Field, Pampanga
nasakop kaagad ng Japan ang mga lugar sa Pilipinas.
2. Napasuko ang Japan, nagwakas ang pananakop ng kanluranin at
Japan
3. Pagbomba ng America sa Hiroshima at Nagasaki, napasuko ang Japan.
4. Marami ang namatay at nasirang ari-arian matapos ang digmaan.

A. 1, 2, at 3 C. 1, 3, at 4
B. 2, 3, at 4 D. 1, 2, 3, at 4

19
Halina’t Tayo’y Magbasa

TEKSTO 6
Panuto: Basahing mabuti ang tula. Unawain ang mga impormasyong ipinahayag
bilang gabay sa mga tanong na inihanda sa susunod na pahina.

Bakas ng Digmaan
ni Maylin B. Arnesto

Nakakatakot na epekto ng digmaan,


Manalo o matalo man ay tiyak may mawawalan
Patuloy ang nagdurusa matigil man ang labanan.
Sugat nitong dala’y pilat pa rin ang iiwan.

Maraming nakaligtas ngunit marami ring nasawi


Pagkatapos ng labana’y di alam kung ilan ang uuwi
Pangamba at paghihiganti paulit-ulit dinaranas
Mahirap bigyang lunas dahil sa naiwang bakas.

Gutom at sakit ang resulta pagkatapos ng digmaan


Iilang pagamutan ang bukas kung mayroon man
Halos kaunti nalang ang inani sa taniman
Kaunting tulong nalang ang madadatnan.

Maraming lumikas at nawalan ng sariling tirahan


Karahasan at kahirapan ang tunay na naranasan
Walang lakas na magtanggol at tapang na lumaban
Sa pang-aabuso ng dayuhan pati sa kayamanan.

Ngunit huwag sanang kalilimutan


Digmaa’y may mabuting epekto rin naman
Ito ay nag-iwan ng lakas ng loob at katatagan,
Tagumpay para sa lahat at kalayaan para sa kinabukasan.

20
Pagpapalawak ng Talasalitaan

Panuto: Piliin ang kahulugan ng salitang may salungguhit sa pangungusap.


1. Ang naiwang bakas ng nakaraan ay nakalimutan na ng kabataan.
A. marka
B. galos
C. pinta
D. pait

2. Marami ang masamang dulot ng karahasan sa lipunan.


A. pagmamalupit
B. kadakilaan
C. katanyagan
D. pagkabigo

3. Ang mga ninuno natin ang nakaranas ng pang-aabuso ng mga dayuhan.


A. pagkabigo
B. pagdurusa
C. pang-aapi
D. pagmamahal

4. Ang mga nawalan ng tirahan ay lumikas ng lugar .


A. lumihis
B. lumipat
C. nawala
D. nasira

Mga Tanong sa Pag-unawa

Panuto: Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot.


1. Ano ang nais ipakahulugan ng tula?
A. Ang nakaraan ay dapat balikan.
B. Ang kahirapan ay may kaginhawaan
C. Ang pangyayari ng nakaraan ay bakas ng katatagan.
D. Maraming bakas ang digmaan na mahirap malimutan.

2. Ang sumusunod ay epekto ng digmaan. Alin sa mga pahayag ang HINDI


kasama?
A. marami ang natulungan.
B. marami ang nasawi at nasaktan.
C. marami ang nagdusa at nagsakripisyo.
D. marami ang lumikas at nawalan ng tahanan.

21
3. Kung ikaw ang nakaranas ng digmaan, ano ang iyong dapat gawin?
A. maghiganti at lumaban.
B. magdasal at magpakatatag.
C. matatakot at lilipat ng tirahan.
D. makipagtulungan sa mga kalaban.

4. Ang sumusunod ay paraan upang maiwasan ang digmaan. Alin sa pahayag ang
HINDI kasama?
A. Gawing maayos ang pakikipag-ugnayan sa lahat ng panahon.
B. Iwasang makipag-ugnayan sa iba’t ibang samahang pandaigdig.
C. Pagkakaroon ng respeto sa patakaran ng mga bansa sa daigdig.
D. Lawakan ang pang-unawa upang maiwasan ang hindi pagkakaunawaan.

5. Batay sa tula, ano ang mabuting epekto ng digmaan?


A. kaginhawaan, katatagan, tagumpay, at kalayaan
B. kaginhawaan, katatagan, at lakas ng loob
C. kalayaan, lakas ng loob, at katatagan
D. kapanatagan ng loob,at kaginhawaan

6. Ano ang nais mong iparating sa mga taong nakaranas ng kahirapan?


1. maging panatag.
2. magpakatatag para mabuhay.
3. huwag mawalan ng pag-asa.
4. huwag panghinaan ng loob
A. 1, 2, at 3
B. 2, 3, at 4
C. 1, 2, at 4
D. 1, 3, at 4

22
Halina’t Tayo’y Magbasa

TEKSTO 7

Panuto: Basahin at unawain ang mga pahayag sa talumpati. Suriin kung paanong
naging susi ng kalayaan ang nasyonalismo.

Nasyonalismo, Susi ng Kalayaan


ni Maylin B. Arnesto

Sa mga mag-aaral, nais kong maalala ninyo at maisapuso ang tunay na diwa
ng pagiging makabayan. Ang ating bansa ay nakararanas ng krisis ngayon sa
ekonomiya. Subalit dito naipakikita ang pagtutulungan ng bawat isa, magkakaiba man
ng kultura, tradisyon, at paniniwala. Naipapakita pa rin ang pagkakaisa maipagtanggol
lamang ang Inang bayan. Ano nga ba ang nasyonalismo? Oo, ito ang pagpapakita ng
matinding pagmamahal sa bayan. At iyan ang naging susi ng mga nasyonalistang lider
sa Asya upang makamit ang kasarinlan ng sintang bayan.

Nais ko sanang balikan ang kasaysayan ng ilang bansa sa Timog-Silangan at


Silangang Asya. Ang iba’t ibang paraan na ginamit ng mga lider na naghangad ng
kalayaan laban sa mananakop na Kanluranin. Naghangad ng reporma, nagbuo ng
makabayang samahan, at gumamit ng madugong pakikipaglaban upang makamit ang
kalayaan at makapagsarili. Umusbong ang nasyonalismo at kilusang nasyonalista sa
Asya simula nang sakupin ng mga kanluranin at pagsamantalahan ang mga nasakop
na bansa.

May mga nasyonalistang lider tayo sa Asya na ipinakita ang kanilang


pagmamahal at nanguna sa pakikipaglaban.

Si Ho Chi Minh ay isang nasyonalistang pinuno ng Vietnam na sinalamin ang


kalayaan sa pamamagitan ng pagtanggap ng pamamaraang komunismo sa
pamamagitan ng Nasyonalismo, ang naging pangunahing kasangkapan sa paglaya
ng kanilang bansa.

Si Achmed Sukarno naman ay pinuno ng Indonesia at ipinaglalaban ang


kalayaan mula sa mga Dutch sa pamamagitan ng itinatag na samahan.

Sa Pilipinas tunay na ipinaglaban ni Dr. Jose Rizal ang reporma at nagkaroon


ng Kilusang Propaganda. Si Andres Bonifacio, ay nakipaglaban sa pamamagitan ng
paggamit ng dahas. Maraming kilusang itinatag ang mga Asyano sa hangaring
mabawing muli ang karapatang mapamahalaan ang sariling bansa tungo sa ganap na
kalayaan.

Sa bansang Japan naipakita ito sa pamamagitan ng modernisasyon nang


tanggapin nito ang mga Kanluranin sa kasunduang Kanagawa noong ika-31 ng Marso
1854. Ang impluwensya ng bansang Germany sa pamahalaan, United States sa
Edukasyon at England sa sandatahang lakas ay bukas palad nilang tinanggap na mas
23
nakatulong sa pag-unlad ng kanilang bansa sa pamumuno ni Emperador Mutsuhito.
Malaki ang kaibahan nito sa China, na kung saan nagkaroon ng pagtutol sa pagpasok
ng mga dayuhan na nakipaglaban gamit ang dalawang rebelyon, ang Boxer at Taiping
na marami ang nasawi at nabigo din sa kanilang pakikipaglaban.

Naipakita din ng China ang magkaibang idelohiya. Una, ang demokrasya nang
dumating si Sun Yat Sen kung saan nabago ang kanilang pananaw at naisulong ang
pagkakaisa gamit ang tatlong prinsipyo: ang nasyonalismo, demokrasya, at
karapatang-pantao na naging susi ng tagumpay laban sa mga imperyalistang bansa.
Ikalawa, nang pumasok ang katunggaling idelohiyang komunismo sa China sa
pamumuno ni Mao Zedong, nawalan ng karapatan ang mga tao. Dahil sa patuloy na
pakikipaglaban sa pananakop ng mga Kanluranin, nagtatag sila ng mga samahang
komunista at sa kalaunan nakamit nila ang kalayaan.

Maraming araw at panahon pa ang lilipas. Kung tayong lahat ay may


pagpapahalaga sa ating bayan kahit hindi man tayo magbuwis ng buhay ay sa atin pa
rin nakasalalay ang patuloy na pagpapanatili ng ating kultura, pagtangkilik ng sariling
produkto, pakikiisa sa pamahalaan at pagsunod sa batas upang kinabukasan ay
magisnan. Huwag nating kalimutan ang ating nakaraan, ang naging pagbubuwis ng
buhay ng ating mga bayani ay pahalagahan, dahil sa inyo nakasalalay ang kalayaan
at tunay na diwa ng pagmamahal sa bayan.

Pagpapalawak ng Talasalitaan

Panuto: Piliin ang kahulugan ng salitang may salungguhit sa pangungusap.

1. Ipinakita ng mga bayani ang nasyonalismo sa pagbuwis ng kanilang


buhay.
A. pagmamahal sa bayan C. pagkakaisa
B. pagtutol sa bayan D. pagtangkilik

2. Reporma ang hiling ng mga Pilipino sa panahon ng pananakop ng mga


Espanyol.
A. paghangad B. pagbabago C. paglimot D. pagkakaisa

3. Komunismo ang naging daan ng China upang makamit ang kalayaan.


A. lipunang pantay-pantay ang lahat ng tao at walang pag-aari o karapatan
B. ang pamamahala ay nasa kamay ng mga tao
C. may karapatang pumili ang mga tao
D. maipapahayag ang karapatang pantao

24
Mga Tanong sa Pag-unawa

Panuto: Sagutin ang mga tanong batay sa binasang talumpati.

1. Bilang isang mag-aaral at mamamayan ng Pilipinas sa panahon ng


pananakop, paano mo maipapakita ang iyong pagmamahal sa bayan
bilang hakbang tungo sa paglaya?
1. pagsunod sa mga patakarang ipinatupad ng mga mananakop
2. pagtangkilik sa mga produktong banyaga
3. pagtingkilik sa mga produktong Pilipino
4. pakikiisa sa pamahalaan
A. 1 at 2 B. 2 at 3 C. 3 at 4 D. 1 at 4
2. Ang nasyonalismo ay ang pagsibol ng damdaming makabayan. Nagbigay-
daan ito upang ang mga Asyano ay matutong:
A. maging mapagmahal sa kapwa
B. maging laging handa sa panganib
C. makisalamuha sa mga mananakop
D. pigilin ang paglaganap ng imperyalismong kanluranin.
3. Ano-ano ang impluwensya ng mga Kanluranin na ginamit at pinaunlad ni
Emperador Mutsuhito sa Japan?
A. Edukasyon, Ekonomiya, at Sandatahang Lakas
B. Ekonomiya, Sandatahang Lakas, at Himagsikan
C. Ekonomiya, Himagsikan, at Kabuhayan
D. Edukasyon, Ekonomiya, at Himagsikan
4. Alin sa sumusunod na prinsipyo ang isinulong ni Sun Yat Sen upang
isulong ang pagkakaisa ng mga Tsino?
1. nasyonalismo 2. demokrasya 3. karapatang-pantao.
A. 1 at 2 B. 1 at 3 C. 2 at 3 D. 1, 2, at 3
5. Batay sa pahayag, ano ang ginawa ng mga Nasyonalistang Lider upang
maipakita ang pagmamahal sa bayan?
A. Nagtatag ng makabayang samahan at nakipaglaban.
B. Nakipagkaibigan sa mga mananakop
C. Nakiisa sa patakaran ng mananakop
D. Nakipagsanduguan.
6. Ang sumusunod ay kaganapan ng pag-unlad ng nasyonalismong Tsino. Alin ang
hindi kasama?
A. Nagkaisa ang mga komunista upang harapin ang mga mananakop.
B. Nagwagi ang mga komunista laban sa mga Nasyonalista.
C. Pagpapakita ng pagtutol ng rebelyong Boxer at Taiping.
D. Paggamit ng propaganda sa matahimik na paraan.
7. Ano ang nais ipahayag ng talumpati?
A. ang pakikiisa sa mananakop. C. ang diwa ng pagiging makabayan.
B. pagiging mapagbigay sa kapwa. D. pagkikipaglaban para sa sariling kapakanan.

25
Halina’t Tayo’y Magbasa

TEKSTO 8

Panuto: Basahing mabuti ang tula. Unawain ang mensahe at damdaming nais nitong
ipahayag.

Susi ng Pagkakaisa
ni Maylin B. Arnesto

Pagmamahal sa bayan ating tularan


Ginawa ng mga bayaning buong pusong lumaban
Mapagtanggol at mapusok na pakikibaka at pakikipaglaban
Makamit lamang ang tunay na kalayaan.

Makabayang samahan ang naitatag


Pinukaw ng damdaming nag-aalab
Demokrasya at Komunismo ang isinulong
Nasyonalistang lider ang nagtulong-tulong.

Karamihan ngayon ay di pansin ng kabataan


Sakripisyo ng mga bayani ay nakalimutan
Ang counter strike at mobile legends ang nilalabanan
Mabilis nang naisawalang bahala ang bakas ng nakaraan.

Minimithing kalayaan ay kay tagal na inasam


Natapos ang digmaan at matahimik na pakikipaglaban
Ipinakita ang matatag na paninindigan
Salamat sa nagkaisang mamamayan.

Kaya’t huwag pasindak sa pwersa nang lagim


Tumindig at makiisa tayo laban sa dilim
Tinig na gigising sa kamalayan ay dinggin
Susi ay pagkakaisa, tagumpay ang mararating.

Pagpapalawak ng Talasalitaan

Panuto: Piliin ang kahulugan ng salitang may salungguhit sa pangungusap.


1. Mapusok na pakikipaglaban ang ginamit ni Andres Bonifacio laban sa mga
Espanyol.
A. tahimik
B. marahas
C. pagmamahal
D. ipaglaban

26
2. Nag-aalab ang puso ng mga Pilipinong labanan ang pang-aapi ng mga
mananakop.
A. nagliliyab
B. magiliw
C. masaya
D. nag-uumapaw

3. Nabuksan ang kamalayan ng mga Pilipino nang sakupin ang bansa ng mga
manlulupig.
A. kamangmangan
B. kinagisnan
C. inaasam
D. kaisipan

Mga Tanong sa Pag-unawa

Panuto: Unawain at sagutin ang mga tanong batay sa tulang binasa.

1. Ayon sa tula, ano ang dapat tularan ng isang mabuting mamamayan?


A. pagmamahal sa kalikasan
B. pagmamahal sa pamilya
C. pagmamahal sa bayan
D. pagmamahal sa kapwa

2. Alin sa sumusunod ang ginamit ng mga bayani sa pakikipaglaban?


A. mapagtanggol at mapusok na pakikipaglaban
B. mapagtanggol na pakikipaglaban
C. mapusok na pakikipaglaban
D. maemosyon na pakikipaglaban

3. Ano ang nais ipahayag ng tula sa mga mambabasa?


A. Ang pagmamahal sa bayan ay dapat may paninindigan.
B. Huwag isawalang bahala ang sakripisyo ng mga bayani.
C. Ang pagkakaisa sa bayan ay tagumpay ang mararating.
D. Isaalang-alang ang pagmamahal sa bayan.

4. Ano ang isinulong ng mga Nasyonalistang Lider upang maipaglaban ang bansang
sinilangan?
A. komunismo at protesta
B. pagrotesta at pakikiisa
C. komunismo at demokrasya
D. demokrasya at pakikiisa

27
5. Ano ang dapat na tandaan at isaalang-alang ng mga kabataan para sa bayan?
A. pagmamahal at paninindigan.
B. ang paglalaban sa Mobile Legends at Counter Strike
C. pagsasawalang bahala at paglalaro ng Mobile Legends
D. ang ginawa ng mga bayani at nasyonalistang lider para sa bayan.

6. Ang sumusunod na kaganapan ay pagpapakita ng pagmamahal sa bayan. Alin


ang hindi kasama?
A. pakikipaglaban sa matahimik na paraan.
B. pagkakaisa at pagtutulungan sa pagkamit ng kalayaan.
C. paglalaban ng Counter Strike at Mobile Legends ng kabataan.
D. pagpapakita ng paninindigan para ipaglaban ang minimithing kalayaan.

7. Kaya’t huwag pasindak sa pwersa ng lagim, tumindig at makiisa tayo laban sa


dilim. Ano ang nais ipahayag ng linyang ito?
A. Maging matatag at manindigan sa pakikipaglaban sa mananakop.
B. Huwag matakot ipakita ang galing.
C. Maging matapang sa desisyon.
D. Makiisa sa mananakop.

28
Halina’t Tayo’y Magbasa

TEKSTO 9

Panuto: Basahin at unawain ang mga pahayag sa tula bilang gabay sa pagsagot ng
mga katunungan sa sunod na pahina.

Pantay na Karapatan, Nararapat Ipaglaban!


ni Mary Joy G. Cansino

Ang tao’y isinilang na mayroong pantay na karapatan


Bagay na sa una’y kababaiha’y hindi makatamtan-kamtan
Katayuan sa lipunan, kalalakihan ang nangunguna
Kababaiha’y walang magawa, tikom ang bibig kahit sa pagpuna.

Hindi makatarungang pagtrato sa tahanan


Pagpapatrabahong walang pakundangan
Una sa diskriminasyo’y nagbulag-bulagan
Ngunit, kalauna’y tumayo, nanindigan upang lumaban.

Kung dati’y sa tahanan nakakulong


Karapatan ng kababaihan sa lahat ng larangan, isinulong!
Pagbuo ng organisasyon naging malakas na puwersa
Naging daan sa pagkamit ng demokrasya.

Karapatang bumoto, pantay na benepisyo


Dati’y walang karapatan, ngayo’y nailuklok sa puwesto
Pantay na edukasyon, pagpili ng mapapangasawa
Sa pamahalaa’y may lugar, hindi na itsapwera

Hindi makatarungang dulot ng lipunan


Nagbigay daan upang kababaiha’y lumaban
Tandaan! Upang opresyon ay mapigilan
Pantay na karapatan, laging ipaglaban!

29
Pagpapalawak ng Talasalitaan

Panuto: Piliin ang kasingkahulugan ng mga salitang nakalimbag nang pahilig sa


pangungusap.

1. Hindi matitigil ang opresyon ng mga dayuhan kung mananatiling tikom lamang
ang iyong bibig.
A. pagwawagi C. pang-aapi
B. pagpupumiglas D. pananakot

2. Sa mga nakalipas na panahon ang kababaiha’y walang magawa, animo’y pipi,


tikom ang bibig sa pagpuna.
A. pagbibigay pansin
B. pagpigil sa sasabihin
C. pagsasawalang bahala
D. pagkikibit balikat

3. Dahil sa pakikipaglaban ng kababaihang Asyano, karapata’y kanilang


nakamtan.
A. narating C. nakuha
B. nakamit D. nabigo

Mga Tanong sa Pag-unawa


Panuto: Piliin ang tamang sagot sa bawat tanong batay sa tulang binasa.
1. Alin sa sumusunod na pangungusap ang HINDI naglalahad ng mga naging dahilan
ng kababaihan upang ipaglaban ang kanilang karapatan?
A. walang karapatang bumoto
B. pagkakaroon ng pantay na edukasyon
C. hindi makatarungang pagtrato sa tahanan
D. hindi pagpayag na makilahok sa pamahalaan

2. Ano ang naging bunga ng pakikipaglaban para sa karapatan ng mga kababaihan


ng Asya?
A. Nabigyan ng pagkakataong makilahok sa pamahalaan
B. Nagkaroon ng pantay na edukasyon
C. Pagkakaroon ng pagkakataon na makilahok sa sosyo-ekonomiko na
kapangyarihan
D. Lahat ng nabanggit

30
3. Ano ang iyong magiging tugon kapag nakaranas ng diskriminasyon sa lipunan?
A. Magsasawalang kibo na lamang upang hindi magkaroon ng gulo.
B. Magiging limitado ang galaw upang hindi mapahamak.
C. Ipaglalaban ang karapatan dahil ang bawat isa ay ipinanganak na may pantay
na karapatan.
D. Magiging sunod-sunuran na lamang.

4. Ayon sa binasang tula, ano ang maaaring gawin upang mapigilan ang opresyon?
A. ipaglaban ang pantay na karapatan
B. maging sunod-sunuran sa pamahalaan
C. pagsasawalang kibo sa pangyayari sa lipunan
D. lahat ng nabanggit

5. Si Deborah ay maraming pangarap sa buhay. Isa na rito ang makapagtapos ng


pag-aaral upang makatulong sa kaniyang pamilya. Alin sa sumusunod ang
nagpapakita ng resulta ng karapatang natamo ng kababaihan ang naglalahad ng
ninanais ni Deborah?
A. karapatang bumoto
B. karapatang pumili ng asawa
C. karapatan sa pantay na edukasyon
D. karapatan na makapagtrabaho

6. Ano ang naidulot sa pagbuo ng malakas na puwersa ng kababaihan sa Asya?


A. pagsulong ng patriyarkal
B. pagsulong ng edukasyon
C. pagsulong ng demokrasya
D. pagsulong ng karapatang pantao

7. “Kababaiha’y walang magawa, tikom ang bibig kahit sa pagpuna”, ano ang
magiging resulta ng nakapahalang na pahayag?
A. Mayroong kaguluhan kapag walang gagawin ang kababaihan
B. Walang gulo kung hindi na lamang magsasalita at manatiling tikom ang bibig sa
pagpuna
C. Magiging maayos ang lahat kung hindi na lamang magsasalita laban sa
pamahalaan
D. Hindi magiging malaya ang kababaihan at hindi maisusulong ang pantay na
karapatan kung tatahimik lamang at magsasawalang kibo

31
Halina’t Tayo’y Magbasa

TEKSTO 10
Panuto: Basahing mabuti ang teksto. Alamin kung paano nakibaka ang mga
kababaihan upang itaguyod ang kanilang karapatan sa lipunan.

Pakikibaka ng Kababaihan
upang Karapatan ay Makamtan
ni Mary Joy G. Cansino

“Pantay na Karapatan! Isulong para sa kababaihan!” Iyan ang napakatagal ng


hinaing na isinisigaw ng kababaihan. Ang kababaihan sa sinaunang panahon ay
nakaranas ng hindi makatarungan at patas na pagtrato sa lipunan. Namuhay sila sa
patriyarkal na lipunan kung saan ang kalalakihan ang sinasabing may higit na
kakayahang magpatakbo ng isang pamilya, namamayani sa mga tungkuling
pampolitika, may moral na awtoridad, prebilihiyo sa lipunan, at iba pa. Kung kaya’t
walang ibang magawa ang kababaihan kundi itikom ang kanilang bibig. Sila ba ay
nanatili lamang na parang walang nakikita at pipi na animo’y hindi makabigkas ng kahit
isang puna?

Batid natin na ang sistemang patriyarkal ang nanaig noong unang panahon.
Hindi naging patas ang pagtrato ng lipunan sa kababaihan. Sa madaling salita ay
walang karapatan ang kababaihan. Sa mga naranasang iba’t ibang anyo ng pang-
aapi at diskriminasyon, hindi maikakaila ang pait at hinagpis na nadama ng
kababaihan. Ilan sa mga diskriminasyong naranasan nila ay ang hindi magandang
pagtrato sa tahanan, hindi pantay na edukasyon sa mga kababaihan, walang
pakundangang pagpapatrabaho, at hindi pantay na benepisyo. Kung kaya’t kalauna’y
nagpasyang tumayo, manindigan at ipaglaban ang pantay na Karapatan.

Mahalaga ang pagkakaroon ng pagkakaisa upang matamo ang iisang layunin.


Kung kaya’t bumuo ng samahan o organisasyon ang kababaihang Asyano sa kanilang
paniniwalang sa pamamagitan ng malakas na puwersa ay kanilang maitataguyod ang
karapatan ng kababaihan hanggang sa naisulong ang demokrasya. Hindi naging
madali ang sinuong na pakikibaka ng kababaihan, ngunit sa bandang huli ay natamo
rin nila ang kanilang minimithing tagumpay.

Nagkaroon ng pagbabago ang pamumuhay ng kababaihan. Unti-unting


isinulong ang karapatan ng bawat isa. Binigyan ng karapatan ang kababaihan upang
bumoto at maihalal sa pamahalaan kahit sa mataas na posisyon. Ilan sa mga
32
kababaihan na naihalal sa pamahalaan ay tulad nina Corazon C. Aquino ng Pilipinas,
Sirimavo Bandaranaike ng Sri Lanka, Indira Gandhi ng India, Golda Meir ng Israel,
Benazir Bhutto ng Pakistan, Megawati Sukarnoputri ng Indonesia, Yingluck Shi
Anawatra ng Thailand at Park Geun Hye ng South Korea. Isinulong rin nila at
ipinaglaban ang pantay na edukasyon, ipinagtanggol ang karapatang-pantao, pantay
na benepisyo, at malayang pagpili sa mapapangasawa.

Hindi masamang lumaban lalo na’t kung ikaw ay nasa tama. Hindi masamang
maghangad na maging pantay ang pagtrato ng lipunan dahil ito’y nararapat. Pang-
aapi ay mapipigilan kung pagmamahal ang nangingibabaw. Tandaan, ang tao’y
isinilang na may pantay na karapatan, parehong tao ang lalaki’t babae kung kaya’t
pantay na karapatan ng kababaihan ay dapat na pahalagahan at ipaglaban.

Pagpapalawak ng Talasalitaan

Panuto: Piliin ang kasingkahulugan ng salitang hinihingi.

1. Lapastangan: Walang galang Walang pakundangan:


A. walang hiya C. mapang-api
B. walang takot D. walang konsiderasyon

2. Hangarin: Layunin Hinaing:


A. reklamo C. pangarap
B. hangarin D. katuwiran

3. Pagtangis: Pagluha Hinagpis:


A. kasiyahan C. pagdadalamhati
B. kagalakan D. katuwiran

Mga Tanong sa Pag-unawa

Panuto: Piliin ang tamang sagot sa bawat tanong batay sa tekstong binasa.
1. Ano ang nais ipabatid ng iyong binasang teksto?
A. Lumaban ng patas
B. Ang pakikipagbaka ng kababaihan ay napakahirap
C. Kung maging sunod-sunuran ay walang magiging gulo
D. Matatamo ang minimithing karapatan kung magkakaisa sa ipinaglalaban

33
2. Sa unang panahon, bakit patriyarkal ang nangibabaw sa lipunan?
A. dahil mahina ang tingin sa kababaihan
B. dahil tikom ang bibig ng kababaihan
C. dahil ang tingin sa lalaki ay malalakas kaysa babae
D. lahat ng nabanggit

3. Si Athena Nicole ay nasa hustong edad na at gusto nang lumagay sa tahimik na


buhaykasama ang kaniyang matagal na kasintahan. Ngunit, ang kaniyang ina ay
tutol dahil may ninanais itong mapangasawa ng anak, ang anak ng kaniyang matalik
nakaibigan. Anong karapatan ang ipinagkait kay Athena ng kaniyang ina?
A. karapatang magkaroon ng buhay
B. karapatan sa pantay na benepisyo
C. karapatang pumili ng mapapangasawa
D. karapatang magkaroon ng pantay na edukasyon

4. Ano-ano ang karapatan na isinulong ng kababaihan sa Asya na kanilang natamo?


A. karapatan sa pantay na edukasyon
B. karapatan sa pantay na benepisyo
C. karapatang bumoto at maihalal sa pamahalaan
D. lahat ng nabanggit

5. Ayon sa nabasang teksto, tama lang ba na ipaglaban ng kababaihan ang kanilang


karapatan?
A. Hindi, dahil lalaki ang dapat mas mataas kaysa babae
B. Oo, dahil isinilang ang tao na mayroong pantay na karapatan
C. Oo, upang ang babae ay maging mataas din sa mata ng lipunan
D. Hindi, upang wala ng gulo matuto na lamang manahimik ang kababaihan

6. Bakit sinasabing mahalaga ang pagkakaroon ng pagkakaisa ayon sa teksto?


A. dahil sa pagkakaisa matatakot ang kalalakihan
B. dahil sa pagkakaisa ay magdudulot ng masayang samahan
C. dahil sa pagkakaisa maaaring makamtan ang minimithing tagumpay
D. dahil sa pagkakaisa tatalima ang kalalakihan sa mga utos ng kababaihan

7. Ano ang naidulot ng pakikipaglaban ng kababaihan?


A. Nagkaroon ng pagbabago ang pamumuhay ng kababaihan dahil naisulong ang
iba’t ibang karapatan
B. Naging tikom ang kalalakihan dahil nakilala na ang kababaihan sa lipunan
C. Naghinagpis ang kababaihan dahil hindi nakamtan ang kanilang hangarin
D. Naging magulo dahil nagalit ang pamahalaan

34
Halina’t Tayo’y Magbasa

TEKSTO 11
Panuto: Basahing mabuti ang diyalogo. Alamin kung ano ang nasyonalismo at ang
bahaging ginagampanan nito upang wakasan ang imperyalismo at makamtan ang
kalayaan.

Nasyonalismo? Atin nang Ikuwento!


ni Mary Joy G. Cansino

Diyalogo ng magkaklase sa paksang tinalakay:


Deborah: Klasmeyt, ang ganda ng paksang tinalakay natin kanina tungkol sa
Nasyonalismo, ano?
Marjorie: Oo nga! Ang Nasyonalismo pala ay nagpapakita ng pagmamahal at
katapatan sa sariling bansa.
Deborah: Mayroon pa! Nagpapakita rin ito ng damdamin ng mamamayan na hangarin
ang pambansang kaunlaran at kalayaan.
Marjorie: Tumpak! Napakarami kasing bansa sa kasaysayan ng mundo ang
nanamantala sa kahinaan ng maliliit na bansa, ano?
Deborah: Oo nga. Napakaraming dahilan naman kasi upang sakupin ang isang bansa
lalong-lalo na sa mga rehiyon sa Asya.
Marjorie: Kaya nga. Dahil na rin sa angking katangian ng Asya, napakaraming likas
na yaman ang mapapakinabangan ng mga mananakop.
Deborah: Hindi lang sa likas na yaman makakapakinabang ang mga mananakop
kundi pati na rin sa pagpapalawig ng kanilang kultura, teritoryo at kapangyarihan.
Marjorie: Mapapalawak nila ang kanilang kapangyarihan sa pamamagitan ng
pagsakop o pagkontrol sa pangkabuhayan at pampolitikang kaayusan ng isang bansa.
Iyan ang tinatawag nating Imperyalismo.
Deborah: Tama! Partikular sa Timog-Kanlurang Asya, kahit na ito ay hindi
napabilang sa mauunlad na rehiyon ay marami pa ring likas na yaman ang makukuha
dito tulad na lamang ng petrolyo at langis. Diba nga itong rehiyon na ito ang taga-
luwas ng langis?
Marjorie: Hindi talaga biro kapag pagpapalawig na ng kapangyarihan ang usapin.
Dahil sa mga pangyayaring pananamantala na iyan, ay nawalan tayo ng kalayaan.
Nakulong tayo sa sarili nating bansa.

35
Deborah: Napakahirap ng naranasan ng ating kapwa Asyano. Hindi basta-basta ang
diskriminasyon at pang-aaping naranasan.
Marjorie: Ngunit, maraming salamat na rin sa kanilang pananamantala. Dahil dito
nabuo sa puso ang Nasyonalismo ng bawat bansa.
Deborah: Iba’t ibang bansa sa rehiyon ng Timog Kanluran ang bumuo ng samahan
upang labanan ang mga mapang-alipustang mananakop. Ilan sa samahan na ito ay
ang sumusunod: Zionism ng mga Jews, Turkanian Society sa Turkey, Pan- Arabism
sa arabong bansa.
Marjorie: Hindi lang sa Timog-Kanlurang Asya nangyari iyan kundi pati na rin sa iba’t
ibang rehiyon. Nailahad ito sa karanasan nina Dr. Jose Rizal, Sun Yat-Sen, at
Mahatma Gandhi. Iba’t iba man ang kanilang ginawang estratehiya sa pakikipaglaban,
ngunit iisa lamang ang kanilang hangarin. Iyon ay maisulong ang kalayaan ng kanilang
minamahal na bansa.
Deborah: Isa pa pala sa maituturing na larawan ng Nasyonalismo ay ang
pagkakaroon ng pandaigdigang labanan. Hindi biro ang labanang ito dahil
napakaraming mamamayan ang pumanaw upang makamtan lamang ang kalayaan.
Marjorie: Oo nga, hindi basta-basta ang kanilang bahaging ginampanan dahil handa
nilang ibuwis ang kanilang buhay para lamang sa kalayaan ng kanilang bansa.

Pagpapalawak ng Talasalitaan

Panuto: Piliin ang kasingkahulugan ng mga salitang nakalimbag nang pahilig sa


pangungusap.

1. Kasarinlan! Iyan ang matagal ng isinisigaw ng mga mamamayan sa Timog-


Kanlurang Asya.
A. kasakiman C. kapayapaan
B. kalayaan D. kamangmangan

2. Hindi nakaligtas ang Timog-Kanlurang Asya sa mga mapang-alipustang


mananakop.
A. mapang-api C. mapang-insulto
B. mapagmahal D. mabait

3. Isang bagay na minimithi ng binuong samahan sa Timog Kanlurang Asya, iyon


ay ang isulong ang kanilang kalayaan.
A. ipaglaban C. ipagsigawan
B. ipagwalang bahala D. ipagpasubali

36
Mga Tanong sa Pag-unawa:
Panuto: Piliin ang tamang sagot sa bawat tanong batay sa tekstong binasa.
1. Ayon sa diyalogong nabasa, ano ang kahulugan ng Nasyonalismo?
A. Ito ay pagtangkilik sa kaayusan ng isang bansa
B. Ito ay pagpapakita ng pagmamahal at katapatan sa sariling bansa
C. Ito ay isang uri ng kolonisasyon sa isang bansa ng mapagsamantalang mga
bansa
D. Ito ay isang uri ng pagpapalawig ng kapangyarihan ng mga mananakop sa
pamamagitan ng pagsakop o pagkontrol sa pangkabuhayan at pangkaayusan
ng isang bansa

2. Ang sumusunod ay halimbawa ng mga larawan ng Nasyonalismo MALIBAN sa isa:


A. pandaigdigang digmaan
B. pagbubuwis ng buhay para sa kalayaan
C. pagiging sunod-sunuran sa mananakop
D. pagbuo ng samahan upang labanan ang mananakop

3. Alin sa sumusunod na dahilan ang nagpapakita kung bakit nangyayari ang


pananakop?
A. dahil sa angking likas na yaman ng isang bansa
B. upang maging tanyag at makapangyarihang bansa ang mga mananakop
C. dahil sa paghahangad na mapalawig ang teritoryo ng bansang mananakop
D. lahat ng nabanggit

4. Ano ang kahulugan ng Imperyalismo?


A. pagtangkilik sa kaayusan ng bansa
B. pagpapakita ng pagmamahal sa bansa
C. isang uri ng pananakop ng mapagsamantalang bansa
D. pagsakop o pagkontrol sa pangkabuhayan at pampolitikang kaayusan ng isang
bansa

5. Bakit tila hindi nakalusot ang rehiyon ng Timog-Kanlurang Asya sa mga


imperyalista?
A. dahil maunlad ito tulad ng Europeo
B. dahil mayaman ito sa yamang gubat na maaaring magamit sa industriya
C. dahil mayaman ito sa yamang tubig na maaaring mapagkunan ng mga isda
D. dahil sa mayaman ito sa petrolyo at langis

37
6. Ano ang ginawa ng mamamayan ng Timog Kanlurang Asya upang labanan ang
mapagsamantalang imperyalista?
A. Nagsawalang kibo na lamang
B. Bumuo ng samahan upang labanan ang mga mananakop
C. Naging sunod-sunuran sa anomang naisin ng mananakop
D. Nagtago sa kagubatan ang mamamayan sa sobrang takot na naramdaman

7. Sa kasalukuyang panahon, paano mo maipakikita ang iyong pagmamahal sa iyong


bansa?
A. pagbili ng imported goods
B. pagtangkilik sa sariling produkto
C. pagtangkilik sa Korean movies
D. pagsasawalang bahala sa kulturang kinagisnan

38
Halina’t Tayo’y Magbasa

TEKSTO 12
Panuto: Basahing mabuti ang spoken poetry. Damhin at suriing mabuti kung
papaanong nagapi ng nasyonalismo ang imperyalismo sa Timog Kanlurang Asya.

Usal ng Damdaming Nasyonalismo


ni Mary Joy G. Cansino

Nasyonalismo,
Labindalawang letra
Medyo mahaba
Hindi tulad ng relasyon n’yong ‘di humaba.

Teka, ano nga ba itong aking nababanggit?


Parang dati’y mga tao’y nagngingitngit Oo,
dahil sila’y nakaranas ng pighati’t sakit
Dahil sa mga imperyalistang mapanakit at walang malasakit.

Silang mga mananakop na ‘di ko alam ang punto,


Pupunta, makikipagkasundo sa bansang dinayo,
Uusal ng matamis na salita at magagandang plano
‘Yun pala’y may hangaring di tapat at totoo.

Ano nga ba ang inyong hangarin?


Bakit ayaw kaming palayain?
Yaman ay gustong kamkamin
Maliliit na bansa’y gustong alipinin

Sa yaman, teritoryo n’yo ba’y hindi na magkasya?


Pinatos pati Timog-Kanlurang Asya?
Petrolyo at langis taglay nitong grasya
Kaya palayain na’t palitan ang inyong pasya.

Iba talaga kapag pagpapalawig ng kapangyarihan ang usapin,


Lahat ng bagay ay kaya nang hamakin
Magagawa lahat ng naisin
Ngunit, pakiusap huwag n’yo kaming galitin.

Dahil sa diskriminasyon,
Bumuo ng samahang oposisyon
Nagdesisyong lumaban,
Upang kalayaa’y makamtan

39
Dahil sa pananamantala,
Digmaa’y makatarungang ikinasa,
Isinigaw ang kalayaan
Bansa’y hindi pinabayaan.

Handang ibuwis ang buhay


Kahit ito’y magdulot ng pighati’t pagkawalay
Sa pamamagitan ng iba’t ibang bahaging ginampanan
Sa Nasyonalismo kasarinla’y nakamtan.

Pagpapalawak ng Talasalitaan
Panuto: Bigyang kahulugan ang mga makapal na sulat (bold text) sa bawat
pangungusap. Buoin ang sumusunod na salita sa pamamagitan ng paglalagay ng titik
sa katumbas nitong bilang. Ilagay ito sa iyong sagutang papel.

22 19 1 12
U L
1. Paulit-ulit ang pagsambit na magkaisa upang makalaya sa mga
mapagsamantalang dayuhan.

11 1 12 1 25 1 1 14
K Y N
2. Sa pamamagitan ng manipestasyon ng Nasyonalismo, kasarinlan ay
nakamtan.

8 1 14 7 1 18 9 14
H A N
3. Hindi masama ang mithiin ng mga Asyano na magkaroon ng kalayaan sa
kamay ng mga mananakop.

Mga Tanong sa Pag-unawa:


Panuto: Piliin ang tamang sagot sa bawat tanong batay sa tekstong binasa.
1. Ano ang nais ipahatid ng teksto sa mambabasa?
A. Matuwa na lamang na mayroon gustong tumulong sa bansa natin
B. Kung hindi na makikialam ang dayuhan ay magiging malaya lang ang
mamamayan
C. Kung magiging sunod-sunuran na lamang tayo sa dayuhan ay matutuwa ang
mga ito at palalayain
D. Ang damdaming nasyonalismo ang naging daan sa pagkamit ng Kalayaan

40
2. Ano ang pinakadahilan ng mga dayuhan sa kanilang pananakop?
A. upang maglayag at maraming bansa ang marating
B. upang talunin ang malalaking bansa
C. upang mang-alipin sa maliliit na bansa
D. upang magpalawig ng kanilang kapangyarihan, teritoryo at maging tanyag

3. Ano ang naging dahilan ng mga bansa sa Timog-Kanlurang Asya upang bumuo ng
samahan at lumaban?
A. dahil sa panlalait ng mga imperyalista
B. dahil sa mga nakita nilang mga tamang gawain
C. dahil sa kagustuhan magpakitang gilas sa mananakop
D. dahil sa diskriminasyon at pang-aapi na naranasan sa kamay ng mga
mananakop

4. Alin sa sumusunod ang HINDI manipestasyon ng Nasyonalismo?


A. pagkakaisa
B. kahandaang ibuwis ang buhay
C. pagiging sunod-sunuran sa dayuhan
D. makatuwiran at makatarungang hangarin

5. Si Marco ay isang sundalo na ipinadala ng kanilang bansa (Turkey) upang


makipaglaban para sa kalayaan. Anong uri ng manipestasyon ng Nasyonalismo
ang ipinakita ni Marco?
A. pagkakaisa
B. kahandaang ibuwis ang buhay
C. makatuwiran at makatarungang hangarin
D. pagtangkilik ng ideya, kultura at produkto

6. Anong manipestasyon ng Nasyonalismo ang ipinakita ng mamamayan sa Timog-


Kanlurang Asya sa pagbuo nila ng mga samahan upang makipaglaban para sa
kalayaan?
A. pagkakaisa
B. kahandaang ibuwis ang buhay
C. makatuwiran at makatarungang hangarin
D. pagtangkilik ng ideya, kultura, at produkto

7. Ano ang mahalagang ginampanan ng Nasyonalismo sa pagkamit ng kalayaan?


A. Nagbigay ng lakas ng loob upang makipaglaban
B. Dahil sa Nasyonalismo naisipang manakop ng mga bansa sa Timog-
Kanlurang Asya
C. Dahil hindi nila lubos matalo ang mga dayuhan napagpasiyahan na lamang
manahimik at balewalain ang Nasyonalismo
D. Dahil sa pagkakaisang lumaban ng mamamayan bilang isa sa manipestasyon
ng Nasyonalismo ay nakamtan ang minimithing Kalayaan

41
Halina’t Tayo’y Magbasa

TEKSTO 13
Panuto: Basahing mabuti ang teksto. Unawain ang mga impormasyong ipinahayag
bilang gabay sa mga tanong na inihanda sa susunod na pahina.

Ang mga Sunni at Shi’ite Muslim


ni Joseph L. Lozanta

Ang mga turo ni Muhammad, bilang propeta ng Islam, ang naging dahilan
upang magkaisa ang iba’t ibang mga tribo sa Kanlurang-Asya. Ang pagkakaisang ito
ay nagbunsod upang lumawak ang imperyo ng mga Muslim.
Nang mamatay si Muhammad noong 632 CE, walang malinaw na alituntunin
ang naitala, maging sa Qu’ran, kung sino ang dapat pumalit sa kanya bilang pinuno
ng Islam. Ang kalituhang ito ang naging dahilan upang umusbong ang dalawang
pangunahing denominasyon sa relihiyong ito, ang Sunni at Shi’ite.
Ang mga Sunni ay naniniwala na ang dapat mamuno sa Islam ay may basbas
mula sa mga nakatatanda, at may pahintulot mula sa nakararaming miyembro nito.
Kahit Qu’ran ang pinakasaligan ng paniniwala ng mga Muslim, para sa mga Sunni,
mahalaga ang pagyakap sa mga bagong ideya upang lalong palaganapin ang
relihiyon.
Sa kabilang banda, binibigyang diin ng mga naniniwala sa Shi’ite (Shia) na ang
dapat mamuno sa mga Muslim ay direktang magmula sa angkan ni Muhammad.
Iginigiit din ng mga ito na ang mga turo buhat sa Qu’ran ay hindi dapat mapasukan ng
anomang makabagong ideya.

42
Matutunghayan sa dalawang mapa ang distribyusyon ng bahagdan ng mga
Muslim sa Kanlurang-Asya na naniniwala sa Sunni (kaliwa) at Shi’ite (kanan).
Pinagkunan: https://www.bbc.com/news/world-middle-east-16047709 May 9, 2020

Ang pagkakaiba ng pinaniniwalaan nang dalawang denominasyong ito ay


nagbunsod ng madudugong labanan sa kasaysayan ng mga Muslim. Noong
Setyembre 22, 1980, sumiklab ang digmaan sa pagitan ng Iran at Iraq. Isa sa mga
sinasabing dahilan ng digmaan ay ang paghihimagsik na isinasagawa ng mga Shi’ite
Muslim na naninirahan sa Iraq. Ayon sa dating pangulo ng Iraq na si Saddam Hussein,
ang pinuno ng Iran na si Ayatollah Khomeini ang nasa likod ng paghihimagsik na ito.
Sinikap ng mga karatig bansa sa Kanlurang Asya, maging ang United Nations, na
pagkasunduin ang dalawang bansa. Ang opisyal na pagtatapos ng digmaan sa
pagitan ng Iran at Iraq ay nilagdaan noong Agosto 16, 1990. Hanggang sa
kasalukuyan, ang pagkakahating ito ng Islam ay isa pa rin sa mga ugat ng tensiyon
sa Kanlurang Asya.
Magkaganun man, hindi maikakaila ang naging kontribusyon ng relihiyong
Islam sa iba’t ibang larangan. Natatangi ang naging bahagi ng relihiyong ito hindi
lamang sa pamumuhay ng mga Muslim, kung hindi pati na rin sa buong mundo.

Pagpapalawak ng Talasalitaan
Panuto: Piliin ang kasingkahulugan ng mga salitang nakalimbag nang pahilig sa
pangungusap.

1. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kasingkahulugan ng salitang digmaan?


A. kapayapaan
B. labanan
C. sigalot
D. tensiyon

2. Ano ang kahulugan ng salitang denominasyon batay sa tekstong iyong


binasa?
A. pagkakaangat
B. pagkakabuklod
C. pagkakahati
D. pagkakamulat

3. Alin sa sumusunod ang pinakaangkop na salitang dapat itugma sa salitang


relihiyon?
A. okasyon
B. pagmamahal
C. pamana
D. selebrasiyon

43
Mga Tanong sa Pag-unawa

Panuto: Basahing mabuti ang mga pahayag sa bawat aytem. Isulat ang titik nang
tamang sagot sa sagutang-papel.

1. Ano ang pinakamalaking denominasyon sa relihiyong Islam?


A. Sanni at Shi’ide
B. Sunni at Sahdi
C. Sanni at Shi’ite
D. Sunni at Shi’ite

2. Ano ang pangunahing dahilan sa pag-usbong ng dalawang denominasyong


sa Islam?
A. Walang malinaw na alituntunin na dapat sundin kung sino ang dapat
pumalit kay Muhammad
B. Ang mga matatatandang Muslim ay nagnanais na kumalas na relihiyong
Islam.
C. Malaking hadlang para sa mga Muslim ang pagsunod ng mga kautusan
buhat sa Koran.
D. Lumiit ang teritoryong sakop ng mga Muslim.

3. Kung ikaw ay isang Sunni Muslim, alin sa sumusunod ang iyong pananaw
hinggil sa Islam?
I. Ang dapat na mamuno sa Islam at yaong mga galing sa angkan ni
Muhammad.
II. Anumang makabagong ideya na patungkol sa relihiyong Islam ay
makakasama sa mga Muslim.
III. Ang dapat mamuno sa Islam ay kinakailangang may pahintulot ng mga
nakatatanda at nakararaming miyembro ng Islam.
IV. Bukod sa Qu’ran, mahalaga rin ang makabagong ideya upang lalong
mapalaganap ang relihiyong Islam.
A. I at II C. II at IV
B. II at III D. III at IV

4. Kung ikaw ay isang Shi’ite Muslim, alin sa sumusunod ang iyong pananaw
hinggil sa Islam?
I. Ang dapat na mamuno sa Islam at yaong mga galing sa angkan ni
Muhammad.
II. Anumang makabagong ideya na patungkol sa relihiyong Islam ay
makakasama sa mga Muslim.
III. Ang dapat mamuno sa Islam ay kinakailangang may pahintulot ng mga
nakatatanda at nakararaming miyembro ng Islam.
IV. Bukod sa Qu’ran mahalaga rin ang makabagong ideya upang lalong
mapalaganap ang relihiyong Islam.
A. I at II
B. II at III
C. II at IV
D. III at IV

44
5. Ayon sa mapa, anong bansa ang may pinakamataas na bahagdan ng
populasyon na naniniwala sa Shi’ite?
A. Iran
B. Iraq
C. Saudi Arabia
D. United Arab Emirates

6. Batay sa mapa, ilang bahagdan (%) ng populasyon ng Iraq na naniniwala sa


Sunni at Shi’ite?
A. Sunni 5-20; Shi’ite 61-80
B. Sunni 21-40; Shi’ite 40-60
C. Sunni 41-60; Shi’ite 21-40
D. Sunni 61-80; Shi’ite 2-20

7. Alin sa sumusunod na pahayag ang pinakaangkop na hinuha sa mapa hinggil


sa dami ng Sunni at Shi’ite sa Kanlurang Asya?
A. Mas maraming Muslim ang naniniwala sa Sunni kung ihahambing sa
Shi’ite.
B. Mas maraming Muslim ang naniniwala sa Shi’ite kung ihahambing sa
Sunni.
C. Parehas lamang ang dami ng taong naniniwala sa Sunni at Shi’ite.
D. Walang sinuman sa Kanlurang Asya ang naniniwala sa Sunni at Shi’ite.

8. Alin sa sumusunod ang pinakamahalagang papel na kailangang gampanan


ng relihiyon sa ating buhay?
A. Ang relihiyon na ating pinaniniwalaan ang magbibigay sa atin ng kayaman
at iba pang luho sa buhay.
B. Ang relihiyon na ating pinaniniwalaan ang magbibigay sa atin ng malawak
na nasasakupan sa mundong ibabaw.
C. Ang relihiyon ay dapat maging instrumento ng pagkakaisa at kapayapaan
sa lahat ng tao sa mundo.
D. Ang relihiyon ay dapat maging instrumento ng kaguluhan at kamatayan
sapagkat ang tao ay may kabilang-buhay.

45
Halina’t Tayo’y Magbasa

TEKSTO 14
Panuto: Basahing mabuti ang teksto. Unawain ang mga impormasyong ipinahayag
bilang gabay sa mga tanong na inihanda sa susunod na pahina.

Ang Pantalan ng Hambantota


ni Joseph L. Lozanta

Tinaguriang “Perlas ng Karagatang Indian” ang Sri Lanka. Ito ay isa sa mga
nagsasariling bansa sa Timog Asya. Hitik sa kasaysayan, kultura, at ganda ng
kalikasan ang islang ito. Sa halos 3000 taon ng kasaysayan ng bansa simula ng
“Balangoda Manawaya” hanggang sa kasalukuyang Democratic Socialist Republic of
Sri Lanka, maituturing na kahanga-hanga ang bansang ito.
Istratehiko ang lokasyon ng Sri Lanka (dating Ceylon) na nakatunghay sa
napakalawak na karagatang Indian. Biniyayaan ang bansang ito ng maraming mga
pantalan. Ito ang isa sa mga dahilan ng Inglatera upang sakupin ito noong panahon
ng Kolonyalismo (1796-1900).
Pagsasaka ang pangunahing hanapbuhay ng mga mamamayan sa Sri Lanka.
Ang mga produktong agrikultural na ito ang kanilang iniluluwas upang matustusan ang
kanilang mga pangangailangan. Malaking tulong sa ekonomiya nito ang mga
pantalang nagsisilbing daungan ng mga malalaking barkong pangkalakalan sa
daigdig.

Dahil sa potensiyal na kita na maaaring makuha buhat sa mga pantalan,


minabuti ng pamahalaan na paunlarin ang mga ito. Noong 1979 isinabatas ang “The
Sri Lanka Ports Authority Act.” Pangunahing layunin ng batas na ito na maitatag ang
Sri Lanka Ports Authority. Dahil sa batas na ito, unti-unting naisaayos ang mga
pantalan sa bansa.
Isa sa mga pantalang matatagpuan dito ay ang pantalan ng Hambantota o
tinatawag din na Ruhunu Magampura International Port. Ang bayan ng Hambantota
ay nasa timog na bahagi ng Sri Lanka.
Sinimulan ang pagsasaayos ng pantalan noong 2007, at inaasahang
matatapos sa loob ng 15 taon. Kontrobersiyal ang pantalang ito sa kasalukuyang
panahon. Ang pondong ginamit para sa pagsasaayos nito ay inutang ng pamahalaan
ng Sri Lanka. Tinatayang 85% dito ay buhat sa China sa ilalim ng programang Belt
and Road. Tunghayan ang mapa sa ibaba.

46
Pinagkunan:
http://www.marinebuzz.com/marinebuzzuploads/ChinafundsSriLankanHambantotaPort
Develop_E42F/sri_lanka1.jpg May 10,2020

Isa lamang ang pantalan ng Hambantota sa mga proyektong pinonduhan sa


tulong ng China. Maraming bansa sa mundo, kasama na ang Pilipinas, ang tinulungan
ng China sa pamamagitan ng Belt and Road Program. Ayon sa mga eksperto sa
komersiyo, at seguridad, ang programang Belt and Road ng China ay isang paraan
upang makontrol nito ang kalakalan sa daigdig.
Dagdag pa ng mga kritiko, ang pagtulong na ito ng China ay hahantong sa
tinatawag na ‘debt traps.’ Ibinigay nilang halimbawa dito ang pantalan ng Hambantota
kung saan mapapasakamay ito ng China sa loob ng 99 taon. Dahil ito sa kawalang
kakayahan ng Sri Lanka na mabayaran ang napakalaking utang sa China. Agad
namang pinabulaan ng China at Sri Lanka ang akusasyong ito.

Pagpapalawak ng Talasalitaan
Panuto: Piliin ang kasingkahulugan ng mga salitang nakalimbag ng pahilig sa
pangungusap.

1. Anong mga sasakyan ang kadalasang gumagamit ng pantalan?


A. daungan
B. kanlungan
C. garahe
D. terminal

47
2. Dahil sa potensiyal na kita na maaaring makuha buhat sa mga pantalan,
minabuti ng pamahalaan na paunlarin ang mga ito.
A. kakayahan
B. labis
C. marami
D. posibilidad

3. Dagdag pa ng mga kritiko, ang pagtulong na ito ng China ay hahantong sa


tinatawag na ‘debt traps.’
A. umiintindi
B. pumapayag
C. sumasalungat
D. tumutulong

Mga Tanong sa Pag-unawa


Panuto: Basahing mabuti ang mga pahayag sa bawat aytem. Isulat ang titik ng
tamang sagot sa sagutang-papel.
1. Anong bansa ang tinaguriang “Perlas ng Karagatang Indian?”
A. China
B. India
C. Pilipinas
D. Sri Lanka

2. Ano ang pangunahing dahilan sa pananakop ng Inglatera sa Sri Lanka noong


panahon ng Kolonyalismo?
A. natatanging likas na yaman sa Sri Lanka
B. nagkakaisang mamamayan ng Sri Lanka
C. istratehikong lokasyon ng Sri Lanka sa Karagatang Indian
D. mahabang kasaysayan ng Sri Lanka mula “Balangoda Manawaya”
hangang sa kasalukuyang Democratic Socialist Republic of Sri Lanka

3. Ano ang layunin sa pagsasabatas ng Sri Lanka Ports Authority Act noong
1979?
A. Pagtatatag ng isang ahensiya na mangangasiwa sa mga pantalan sa Sri
Lanka.
B. Pagsasaayos ng mga pantalan upang tumaas ang kinikita ng Sri Lanka.
C. Pagpapaunlad ng ekonomiya ng Sri Lanka upang matustusan ang
pangangailangan ng mga mamamayan nito.
D. Lahat ng nabanggit.

4. Saang bahagi ng Sri Lanka matatagpuan ang Hambantota?


A. hilaga
B. kanluran
C. silangan
D. timog

48
5. Ayon sa mapa, anong pantalan ang pinakamalapit sa Hambantota na nasa
silangang bahagi nito?
A. Arugam
B. Matara
C. Tangalla
D. Tissamaharama

6. Kung ikaw ay magmumula sa Hambantota, anong direksiyon ang iyong


tatahakin upang mabilis ka makarating sa Witpattu National Park?
A. hilaga
B. kanluran
C. silangan
D. timog

7. Tulad ng Sri Lanka, mahalaga rin para sa mga lalawigan sa MIMAROPA ang
mga pantalan, MALIBAN sa .
A. ito ang nagsisilbing daungan ng mga sasakyang pandagat na ginagamit
sa pangingisda at paglalakbay.
B. ito ang nagsisilbing daanan para sa mga sasakyang pandagat na papasok
at lalabas ng lalawigan.
C. dito ibinababa at isinasakay ang mga kalakal at iba pang materyales na
kailangan ng mga mamamayan.
D. dito naninirahan ang mga isdang malapit nang maubos sa karagatan.

8. Isa sa mga programa ng administrasyon ni Pangulong Duterte ang Build Build


Build Program. Ang nasabing programa ay pinonduhan sa tulong ng Belt and
Road Program ng China. Bilang isang mamamayang Pilipino, ano ang
gagawin mo upang matiyak na hindi tayo mabibiktima ng ‘debt traps’?
A. Akusahan ang pamahalaan ng korapsiyon kahit walang sapat na
ebidensiyang magpapatunay rito.
B. Magsawalang kibo, sapagkat pamahalaan naman ang magbabayad ng
mga inutang nito.
C. Sumali sa mga rally at sirain ang mga pag-aari ng pamahalaan.
D. Maging mapagmatiyag at isiwalat ang anumang katiwalian sa maayos at
demokratikong pamamaraan.

49
Halina’t Tayo’y Magbasa

TEKSTO 15
Panuto: Basahing mabuti ang teksto. Unawain ang mga impormasyong ipinahayag
bilang gabay sa mga tanong na inihanda sa susunod na pahina.

OPEC: Isang Anyo ng Neokolonyalismo?


ni Joseph L. Lozanta

Petrolyo ang pangunahing pinagkukunang yaman ng mga bansa sa Kanlurang


Asya. Ito rin ang pangunahing dahilan kung bakit nagkaroon ng interes ang mga
kanluraning bansa upang sakupin ang mga ito. Sa pagtatapos ng imperyalismo noong
1914, unti-unting bumalik sa pamumuno ng mga Arabo ang mga bansa sa rehiyong
ito ng Asya.
Sa paglipas ng mga panahon, napalakas ng mga bansa sa Kanlurang Asya
ang kanilang ekonomiya sa pamamagitan ng pagbebenta ng petrolyo. Noong
Setyembre 1960 sa Baghdad, Iraq, itinatag ang Organization of Petroleum Exporting
Countries (OPEC) sa pangunguna ng Islamic Republic ng Iran, Iraq, Kuwait, Saudi
Arabia, at Venezuela. Pangunahing layunin ng OPEC ang pagkakaroon ng
nagkakaisang patakaran sa pagluluwas ng petrolyo sa mga kasaping bansa nito.
Malaki ang kinikita ng mga bansang kasapi ng OPEC. Naging maunlad ang
mga bansang ito, dahilan upang tumaas ang antas ng pamumuhay ng kanilang mga
mamamayan. Nakapaglalaan ang kani-kanilang pamahalaan ng sapat na pondo para
sa mga serbisyong pampubliko kagaya ng hospitalisasyon, edukasyon at pensiyon sa
mga matatanda.
Makikita sa talahanayan ang kabuoang kita ng mga bansa sa Kanlurang Asya
na kasapi ng OPEC. Suriin mo itong mabuti.

OPEC net oil export revenues

2019 2019
Iran $55 $67 $20 $57 $67 $19
Iraq $66 $91 $52 $67 $91 $51
Kuwait $45 $61 $34 $46 $61 $33
Saudi Arabia $172 $237 $120 $176 $237 $118
United Arab Emirates $56 $74 $42 $57 $74 $41
Kabuuan ng OPEC $538 $711 $359 $551 $711 $353
Source: U.S. Energy Information Administration, derived from data published in EIA’s August 2019 Short-Term Energy Outlook. Retrieved from
https://www.e ia.gov/international/analysis/special-topics/OPEC_Revenues_Fact_Sheet

50
Mahalaga ang papel na ginagampanan ng OPEC sa pamamalakad ng
ekonomiya ng ibang mga bansa sa buong mundo. Ang petrolyong nagmumula sa
kanilang organisasyon ang nagpapatakbo sa maraming industriya. Dahil OPEC ang
pinakamalaking organisasyon sa bentahan ng petrolyo, madali nilang nadidiktahan
ang presyo at bentahan ng petrolyo sa daigdig.
Masasabing ang mga patakarang pinapatupad ng OPEC ay isa sa mga anyo
ng Neokolonyalismo. Ang mga bansang walang likas na yaman tulad ng petrolyo ay
nakaasa ang ekonomiya sa kanilang organisasyon, halimbawa na lang ang bansang
Pilipinas. May nakukuha mang natural gas, tulad ng sa Malampaya sa Palawan,
kulang na kulang ito upang tugunan ang pangangailangan ng bansa. Dahil dito, ang
mga sektor ng ekonomiya, tulad ng industriya at utilities ay lubusang nakadepende sa
petrolyong inaangkat mula sa OPEC.

Pagpapalawak ng Talasalitaan

Panuto: Piliin ang kasingkahulugan ng mga salitang nakalimbag nang pahilig


sapangungusap.

1. Ano ang katumbas na salin sa wikang English ng salitang pagluluwas?


A. import
B. export
C. nominal
D. revenues

2. Naging maunlad ang mga bansang ito dahilan upang tumaas ang antas ng
pamumuhay ng kanilang mga pamayanan.
A. katayuan
B. kinaroroonan
C. karapatan
D. katiwalian

3. Pangunahing layunin ng OPEC ang pagkakaroon nang nagkakaisang


patakaran sa pagluluwas ng petrolyo sa mga kasaping bansa nito.
A. batas
B. katibayan
C. alituntunin
D. kasunduan

51
Mga Tanong sa Pag-unawa
Panuto: Basahing mabuti ang mga pahayag sa bawat aytem. Isulat ang titik ng
tamang sagot sa sagutang-papel.

1. Ano ang pangunahing likas na yaman na makukuha sa kanlurang Asya?


A. buhangin
B. ginto
C. petrolyo
D. semento

2. Napalakas ng mga bansa sa kanlurang Asya ang kanilang ekonomiya sa


pamamagitan ng .
A. pananakop sa bansang Israel
B. pag-aklas sa mga kanluraning mananakop
C. pag-aangkat ng produktong petrolyo
D. pagbebenta at pagluluwas ng produktong petrolyo

3. Bakit nasabing tumaas ang antas ng pamumuhay ng mga tao sa mga


bansang kasapi ng OPEC?
A. dahil sa umunlad ang serbisyong pangkalusugan ng kanilang bansa.
B. dahil sa tumaas ang kalidad ng edukasyon sa kanilang bansa.
C. dahil sa nakapagbibigay sila ng pensiyon sa matatandang mamamayan
ng kanilang bansa.
D. lahat ng nabanggit.

4. Ang lahat ng pahayag ay nagpapatunay kung paano nakaaapekto ang OPEC


sa ekonomiya ng buong mundo, MALIBAN sa ang
A. presyuhan ng petrolyo sa pandaigdigang pamilihan ay madaling
nadidiktahan ng OPEC.
B. petrolyong iniluluwas ng OPEC ang nagpapatakbo ng industriya ng mga
bansa sa mundo.
C. mga patakaran ng OPEC ay masasabing anyo ng neokolonyalismo.
D. mga sektor ng ekonomiya sa Pilipinas lalong higit ang industriya at utilities
ay nakadepende sa petrolyong inaangkat sa OPEC.

5. Buhat sa talahanayan, anong bansa ang may pinakamalaking kita sa


pagluluwas at pagbebenta ng petrolyo?
A. Iran
B. Iraq
C. Saudi Arabia
D. United Arab Emirates

52
6. Ano ang ipinapahiwatig ng talahanayan kung paghahambingin ang kinita ng
OPEC sa taong 2017 at 2018?
A. Tumaas ang kinita ng OPEC kung paghahambingin ito.
B. Bumaba ang kinita ng OPEC kung paghahambingin ito.
C. Walang pagbabago sa kinita ng OPEC kung paghahambingin ito.
D. Wala sa nabanggit.

7. Sa kabuoang kinita (nominal at real) ng OPEC noong 2018, ilang bahagdan


(%) dito ang sa bansang Kuwait?
A. 0.858%
B. 8.36%
C. 8.58%
D. 11.66%

8. Nang magsimulang ipatupad ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa


buong Luzon noong March 16, 2020, dulot ng CoVID 19 pandemic, unti-unti
ring bumaba ang presyo ng petrolyo hindi lamang sa Pilipinas, maging sa
pandaigdigang pamilihan. Ano ang ipinapahiwatig ng pangyayaring ito?
A. Ang pandemya, tulad ng CoVID 19 ay isang malalang sakit na kailangan
ng agarang lockdown.
B. Ang ECQ dulot ng CoVID 19 ay nagpababa sa pagkonsumo ng tao sa
mga produkto at serbisyong nangangailangan ng petrolyo.
C. Ang CoVID19 ay sagabal sa pag-aaral ng mga estudyante.
D. Ang ECQ ay naging dahilan ng paglalaan ng tulong mula sa gobyerno.

53
Halina’t Tayo’y Magbasa

TEKSTO 16
Panuto: Basahing mabuti ang teksto. Unawain ang mga impormasyong ipinahayag
bilang gabay sa mga tanong na inihanda sa susunod na pahina.

Ang Bollywood
ni Joseph L. Lozanta

Mahilig ka bang manood ng pelikula? Ano-anong pelikula na ang iyong


napanood? Sino-sino ang kilala mong artistang gumanap sa mga paborito mong
karakter sa pelikula? Ano-ano ang inyong naramdaman? Ikaw ba ay natuwa, natakot,
umiyak, o kinilig? Anong lahi ang gumawa ng huling pelikulang iyong napanood?
Marahil para sa atin, ang pelikula ay isang anyo ng entertainment. Isang paraan
upang ang mga tao ay malibang, lalo’t nakakainip sa mga panahong nararanasan
natin ng Enhanced Community Quarantine o ECQ dulot ng CoVID 19. Dulot ng
makabagong teknolohiya, napakadali na lang para sa atin ngayon ang makapanood
ng pelikula, anomang oras na gustuhin natin. Andiyan ang telebisyon, ang Facebook,
ang Youtube, at iba pang social networking sites.

Ngunit nakakalungkot isipin na tayong mga Pilipino, mas pinipili o tinatangkilik


natin ang mga pelikulang likha ng mga dayuhan. Higit tayong namamangha sa mga
pelikulang gawa ng banyaga, lalong higit ng mga kanluraning bansa, ang Hollywood
films.
Sa ibang panig ng Asya, partikular na sa India, tumatabo sa kanilang takilya
ang mga pelikulang likha ng Bollywood, ang sarili nilang bersiyon ng Hollywood.
Ano nga ba ang Bollywood? Paano ito nagsimula? Paano nito pinaunlad ang
ekonomiya ng India? Tunghayan natin ang mga kasagutan sa mga susunod na talata.
Dinala ng magkapatid na Pranses na sina Auguste Marie Louis Nicolas at Louis
Jean Lumière, mga gumagawa ng pelikula (filmmakers), ang unang pelikula sa India
noong 1896. Ang maikling pelikula (short films) na ito ay ipinalabas sa Bombay
(Mumbai ngayon). Namangha ang mga taga-Bombay na nakapanood nito. Nagkaroon
ng interes ang ilan sa mga Bombay na filmmakers na mamuhunan sa industriya ng
pelikula. Ito ang nagtanghal sa Bombay bilang movie capital ng India, dahilan upang
tawaging Bollywood ang industriya ng pelikula sa bansa. Natatangi ang mga
pelikulang likha ng Bollywood. Ang mga naunang pelikula ay kakikitaan ng mga awit,
sayaw, at mimes. Ang mga katangiang ito ay pangkaraniwan na sa kulturang Hindi.

54
Sa kasalukuyan, naging malaking industriya na ang Bollywood. Ayon sa ulat ni
Anastacia Santoreneos ng Yahoo Finance (2019), noong taong 2017, ang India ang
may pinakamaraming nalikhang pelikula sa buong mundo na umaabot sa 1,986
feature films at 364 Bollywood Hindi Films. Bukod dito, nalamangan din ng India ang
USA (800 million) at China (200 million) sa dami ng naibentang tickets sa mga sinehan
na tinatayang umabot sa 2.2 bilyon. Maliban pa, tumataas din ang bilang ng mga
manonood ng mga pelikulang gawa ng Bollywood sa iba pang mga bansa sa daigdig.
Sa pagtataya pa ng mga eksperto, higit pa itong tataas sa taong 2021
(www.tecxipio.com).

(a) Mga bansa sa iba’t ibang panig ng daigdig na nanonood ng Bollywood movies.
Pinagkunan www.tecxipio.com May 9, 2020

(b) Mga bansa sa iba’t ibang panig ng daigdig na nanonood ng Bollywood movies.
Pinagkunan www.tecxipio.com May 9, 2020

55
Tunay ngang naging matagumpay ang Bollywood sa larangan ng pelikula sa
buong mundo. Nakipagsabayan ito sa malalaking filmmakers katulad ng Hollywood.
Bilang Asyano, dapat nating tangkilin ang mga pelikulang gawa ng Bollywood, at iba
pang filmmakers na mga Asyano. Hindi lamang sa paggawa ng pelikula tayong mga
Asyano nangunguna. Napakaraming kontribusyon sa pandaigdigang kultura ang mga
taga-Timog at kanlurang Asya.

Pagpapalawak ng Talasalitaan

Panuto: Piliin ang kasingkahulugan ng mga salitang nakalimbag ng pahilig sa


pangungusap.
1. Ngunit nakakalungkot isipin na mas tinatangkilik nating mga Pilipino ang mga
pelikulang likha ng mga dayuhan.
A. pinapahalagahan
B. pinapanood
C. pinipili
D. pinipintasan

2. Sa ibang panig ng Asya, partikular na sa India, tumatabo sa kanilang takilya ang


mga pelikulang likha ng Bollywood, ang sarili nilang bersiyon ng Hollywood
A. kumikita
B. nagiigib
C. pumapalya
D. sumasalok
3. Mapakaraming kontribusyon sa pandaigdigang kultura ang mga taga-Timog at
kanlurang Asya.
A. Habilin
B. Pamana
C. Sagabal
D. Utang

Mga Tanong sa Pag-unawa


Panuto: Basahing mabuti ang mga pahayag sa bawat aytem. Isulat ang titik ng
tamang sagot sa sagutang-papel.
1. Alin sa sumusunod ang filmmakers sa India?
A. Bollywood
B. Chinawood
C. Hollywood
D. Nollywood

56
2. Paano nakarating ang industriya ng pelikula sa India?
A. Sa pamamagitan ng mga Ingles na mananakop.
B. Sa pamamagitan ng kalakalang Galyon ng mga Espanyol
C. Sa pamamagitan ng pakikipagkasundo ng mga Dutch sa mga Vaisha.
D. Sa pamamagitan ng mga Pranses na filmmakers.

3. Bakit tinaguriang movie capital ng India ang Bombay (Mumbai)?


A. Dito ginawa ang unang pelikula sa India.
B. Mga taga-rito ang unang namuhunan sa paggawa ng pelikula.
C. Dito ipinalabas ang unang pelikula sa India
D. Lahat ng nabanggit.
4. Ano-ano ang katangiang taglay ng mga unang pelikulang likha ng Bollywood?
A. Ang mga ito ay Horror Films.
B. Nagtataglay ang mga ito ng awit, sayaw, at mimes.
C. Tumatalakay ang mga ito ng mga isyung panlipunan.
D. Wala sa nabanggit

5. Bakit mahalagang industriya sa India ang Bollywood sa kasalukuyan?


A. Ito ang pangunahing pinagmumulan ng hanapbuhay ng mga tao sa India
B. Ang Bollywood ang nagsisilbing tagapagtanggol ng India laban sa mga
mananakop.
C. Malaki ang kinikita ng Bollywood sa India at iba pang panig ng daigdig.
D. Ito ang nagbibigay ng pagkain at gamot sa mga mamamayan ng India.

6. Batay sa unang graph, anong bansa ang pinakatumatangkilik sa mga pelikula ng


Bollywood?
A. Ethiopia
B. Ireland
C. South Korea
D. Tanzania

7. Batay sa ikalawang graph, ano ang maaaring maging pagtataya sa inaasahang


kita ng Bollywood sa taong 2021 mula sa mga bansang tumatangkilik dito?
A. Ang kikitain ng Bollywoods sa taong 2021 ay bababa.
B. Lalo pang lalago ang kikitain ng Bollywood sa taong 2021.
C. Walang magiging pagbabago sa kikitain ng Bollywood sa taong 2021.
D. Tuluyan ng malulugi ang Bollywood sa taong 2021.
8. Bilang isang Asyano, alin sa sumusunod ang nagpapakita ng pagpapahalaga sa
mga kontribusyon ng Timog at Kanlurang Asya?
A. Panonood ng mga pelikulang gawa ng Hollywood kasama ang mga kaibigan.
B. Pagpunta sa mga bansa sa Timog at Kanlurang Asya upang makita ng
personal ang kanilang mga kontribusyon sa daigidig.
C. Pagkakaroon ng maraming kaibigan mula sa mga bansa Timog at Kanlurang
Asya.
D. Pag-aralan at ipagmalaki ang mga kontribusyon ng Timog at Kanlurang Asya.

57
Susi sa Pagwawasto

Teksto 1: Bilang Pinuno ng Bansa Teksto 4: Kahanga-hanga


Ko Pagpapalawak ng Talasalitaan
Pagpapalawak ng Talasalitaan 1. A
1. A 2. C
2. B 3. B
3. D
Mga Tanong sa Pag-unawa Mga Tanong sa Pag-unawa
1. A 1. D
2. A 2. C
3. A 3. A
4. D 4. D
5. B 5. C
6. A 6. D
7. D 7. B

Teksto 2: Grasya o Disgrasya, Kayo Teksto 5: Digmaang Pandaigdig,


ang Humusga Bakit ka Nangyari?
Pagpapalawak ng Talasalitaan Pagpapalawak ng Talasalitaan
1. A 1. C
2. C 2. D
3. B 3. C
4. C
Mga Tanong sa Pag-unawa
1. A Mga Tanong sa Pag-unawa
2. D 1. D
3. C 2. A
4. A 3. A
5. D 4. C
6. A 5. D
7. B 6. D
Teksto 3: Nangarap, Nagsikap at
Teksto 6: Bakas ng Digmaan
Matagumpay na Naganap
Pagpapalawak ng Talasalitaan
Pagpapalawak ng Talasalitaan
1. D
1. A
2. A
2. D
3. C
3. C
4. B
Mga Tanong sa Pag-unawa
1. A Mga Tanong sa Pag-unawa
2. D 1. D
3. B 2. A
4. D 3. B
4. B
5. C
6. D 5. C
7. B 6. B

58
Teksto 7: Nasyonalismo, Susi ng Teksto 10: Pakikibaka ng
Kalayaan Kababaihan upang Karapatan ay
Pagpapalawak ng Talasalitaan Makamtan
1. A Pagpapalawak ng Talasalitaan
2. B 1. D
3. A 2. A
3. C
Mga Tanong sa Pag-unawa
1. C Mga Tanong sa Pag-unawa
2. D 1. D
3. A 2. D
4. D 3. C
5. A 4. D
6. D 5. B
7. C 6. C
7. A
Teksto 8: Susi ng Pagkakaisa
Pagpapalawak ng Talasalitaan
1. B Teksto 11: Nasyonalismo? Atin ng
2. A ikuwento
3. D Pagpapalawak ng Talasalitaan
1. B
2. A
Mga Tanong sa Pag-unawa 3. A
1. C
2. A Mga Tanong sa Pag-unawa
3. D 1. B
4. C 2. C
5. D 3. D
6. C 4. D
7. A 5. D
6. B
Teksto 9: Pantay na Karapatan, 7. B
Nararapat Ipaglaban
Pagpapalawak ng Talasalitaan
1. C Teksto 12: Usal ng Damdaming
2. A Nasyonalismo
3. B Pagpapalawak ng Talasalitaan
1. GRASYA
Mga Tanong sa Pag-unawa 2. KALAYAAN
1. B 3. HANGARIN
2. D
3. C Mga Tanong sa Pag-unawa
4. A 1. D
5. C 2. D
6. D 3. D
7. D 4. C
5. B
6. A
7. D

59
Teksto 13: Ang mga Sunni at Shi’ite Teksto 15: OPEC: Isang Anyo ng
Muslim Neokolonyalismo?
Pagpapalawak ng Talasalitaan Pagpapalawak ng Talasalitaan
1. A 1. B
2. C 2. A
3. B 3. C

Mga Tanong sa Pag-unawa Mga Tanong sa Pag-unawa


1. D 1. C
2. A 2. D
3. D 3. D
4. A 4. C
5. A 5. C
6. B 6. A
7. A 7. C
8. C 8. B

Teksto 14: Ang Pantalan ng


Hambantota Teksto 16: Ang Bollywood
Pagpapalawak ng Talasalitaan Pagpapalawak ng Talasalitaan
1. A 1. C
2. D 2. A
3. C 3. B

Mga Tanong sa Pag-unawa Mga Tanong sa Pag-unawa


1. D 1. A
2. C 2. D
3. D 3. D
4. D 4. B
5. D 5. C
6. A 6. D
7. D 7. B
8. D 8. D

60
Sanggunian

A. Mga Aklat

Samson, Ma. Carmela B., et al. Pana-panahon II (Kasaysayan ng Asia), Rex


Book Store Inc., Unang Edisyon 1999

Mateo, Grace Estela C., et al.Araling Panlipunan Kayamamanan II, Vibal


Publishing House, Inc., G. Araneta Avenue, Quezon City, Unang Edisyon
2005

Michael M. Mercado. 2009. “Sulyap sa Kasaysayan ng Asya.” pp. 254-261.


St. Bernadette Publishing House Corporation.

Grace Estela C. Mateo. 2010. Asya: Pag-usbong ng Kabihasnan. pp. 314-


318. Vibal Publishing House.

Jambalos,Sally F.R, & San Andres, Delia S. (2014) Kasaysayan


ng Kabihasnang Asyano. pp. 187-196; Phoenix Publishing House

Mateo,E.G, Ricardo,J,&.et., al (2018) Asya:Pag-usbong ng


Kabihasnan pp.290-294,Vibal Publishing House Incorporation

Vivar,T.L,Viloria, A.M & et al(2000) Asya Noon Ngayon at sa Hinaharap


pp.145-152, SD Publications, Inc

B. Mga Website

British Broadcasting Corporation (2016, January 4). Sunnis and Shia: Islam’s
ancient schism. BBC News. retrieved from https://www.bbc.com/news/world-
middle-east-16047709 May 9, 2020

Oldsailor (2007). China funds Sri Lanka Hambantota Port Development


Project.http://www.marinebuzz.com/marinebuzzuploads/ChinafundsSriLankan
HambantotaPortDevelop_E42F/sri_lanka1.jpg May 10, 2020

Energy Administration Information (2020, May 7). OPEC Revenues Fact


Sheet https://www.eia.gov/international/analysis/special-
topics/OPEC_Revenues_Fact_Sheet

Santoreneos, A. (2019). Bollywood, Hollywood, or Chinese Cinema: Which


film industry makes the most? Yahoo Finance.
https://au.finance.yahoo.com/news/bollywood-hollywood-or-chinese-cinema-
which-film-industry-makes-the-most-052802841.html May 9, 2020

61
Tecxipio (2018). Bollywood Movies: Overseas Audiences have Increased.
Tecxipio Magazine. www.tecxipio.com May 9, 202

62
Para sa mga tanong at suhestiyon, sumulat o tumawag sa:

Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyong MIMAROPA


Meralco Avenue, corner St. Paul Road, Pasig City
mimaropa.region@deped.gov.ph
Telephone No.: (02) 6314070

You might also like