Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Mga salitang nakabatay sa antas ng wika na nabanggit sa iba’t ibang istorya

1. Naibulalas
Kahulugan: Nasabi o nasambit
: Naibulalas ni Bugan sa kanyang asawamg si Wigan.

2. Momma
Kahulugan: Meryenda
: Mag-momma tayo at saka natin isipin kung ano ang dapat nating gawin.

3. Magtungo
Kahulugan: Pumaroon o pumunta
: Nakapag desisyon si Bugan na magtungo sa tahanan ng mga Diyos sa silangan.

4. Lalamon
Kahulugan: Kakain
: “Pupunta ako ng silangan para maghanap ng lalamon sa akin.”

5. Pag-uusisa
Kahulugan: Naghahanap ng mga sagot sa mga katanungan sa pamamagitan ng pagtatanong
: “Tao, bakit ka naririto?” pag-uusisa ng buwaya.

6. Pangangatog
Kahulugan: Nangangatal
: Nilabanan niya ang pangangatog ng kanyang tuhod.

7. Lusong
Kahulugan: Ginagamit sa pagbabayo ng mga bigas at mais
: Labis siyang napagod kaya humiga sa lusong na nasa labas ng bahay.

8. Lingid
Kahulugan: Lihim, sikreto o kaya ay hindi alam
:Lingid sa kaniyang kaalaman, nasa loob lamang ng bahay si Bumabbaker.

9. Nalugod
Kahulugan: Natuwa sa isang bagay o tao
:Nalugod ang mga Diyos na makita si Bugan.

10. Ritwal
Kahulugan: Sunod-sunod na gawaing mayroong mga kilos, salita at mmga bagay na idinaraos sa isang malayo o
liblib na lugar.
: “Doon ka namin tuturuan ng ritwal na Bu-ad upang mabiyayaan ka ng mga anak.

11. Sambitin
Kahulugan: Tawagin o sabihin
: Tinuruan nila ang mag-asawa ng panalanging dapat nilang sambitin sa pagsasagawa ng ritwal na Bu-ad.

12. Mapagsidlan
Kahulugan: Mapaglagyan
: Pagkalipas ng ilang buwan, walang mapagsidlan ng kaligayahan ang mag-asawa dahil sa buhay na tumitibok
sa sinapupunan ni Bugan.
13. Pamumuno
Kahulugan: Paggabay o pamamahala
: Ang pamumuno ng soro sa kagubatan ay naging inspirasyon sa ibang hayop na sumusunod sa tamang landas
ng katarungan at kapayapaan.

14. Intelehensiya
Kahulugan: Kakayahang mag-isip ng masusing paminsan-minsan
: Sa kanyang mataas na antas ng Intelehensiya, nagawa ng soro na matalino at maingat na mamuno sa mga
pangangailangan ng kanyang komunidad sa kagubatan.

15. Kakanyahan
Kahulugan: Paggamit ng talino
: Sa pamamagitan ng kanyang kakayahan, naging gabay ang soro sa pagpapahayag ng tamang daan at
pagtuturo ng wastong pamumuhay sa kanyang kapwa hayop sa kagubatan.

Ipinasa nina:
Danila, Zeah Kristel A.
Moreno, Angelica Mae P.

Ipinasa kay:
Sir. Michael Ilag

You might also like