Brown Vintage Old Paper Aesthetic Thank You Letter A4 Document

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

Mendez, Jayson Eway 4/23/24

10-FERDINAND MARCOS Gng. Gina A. Basilides

BUOD
KABANTA 30:
HULI
Nagpag-alaman kaagad sa San Diego ang pagkamatay ni Kapitang Tiago at ang
pagkakahuli kay Basilio. Nakarating ang balita sa kubong tinitirahan ni Huli at
ni Tandang Selo. Hindi kayang maituwid ang pag-iisip ni Huli nang malaman
ito at nawalan ng malay. Nang bumalik ang malay, humanap sila ng paraan
upang mapalaya si Basilio. Kanilang unang nagtungo sa kawani ng tribunal
ngunit ni direkta sa Hukom Pamayapa, sinabi ni senyor Hukom na tanging si
Padre Camorra lamang ang makakalaya kay Basilio. Nag-aalanganin si Huli
ngunit may manlalakbay mula Maynila at ibinalita niya na si Basilio na lamang
ang natitira sa bilanggo at itatapon sa Carolina. Dahil sa kanyang pagmamahal
nagawa na ni Huli na harapin si Padre Camorra sa kumbento ngunit hinalay
din siya ng pari. Nang gumising ang dalaga, hindi niya matanggap ang
pangyayari sapagkat ang paniniwala na siya ay maituturing nang marumi at
hindi na karapat-dapat ipakasal sa kanyang nobyo. Ipinikit niya ang kaniyang
mata upang hindi makita ang banging tatalunan at nagpakamatay si Huli.
Kinagabihan, maraming usap-usapan tungkol sa pangyayari sa kumbento na
merong isang dalagang tumalon sa bintana, bumagsak sa mga bato. Hindi
kinaya ni Tandang Selo, lolo ni Huli ang pangyayari kaya naglaho siya nang
tuluyan sa nayon, dala ang kaniyang “pica de cazador”.

You might also like