Professional Documents
Culture Documents
Replektibong Sanaysay
Replektibong Sanaysay
Navarroza
12-Trust
Replektibong Sanaysay
Pagninilay sa mga Sigla ng Pagiging Nakatatandang Kapatid
Noong ako ay 1-3 taong gulang, ako ay nag-iisang anak lamang. Ayon sa mga kuwento ng
aking mga magulang, gustong gusto ko raw magkaroon ng nakababatang kapatid, partikular na
lalaking kapatid. Tuwang tuwa ako sa tuwing mayroon akong nakakalarong ibang bata, at umiiyak
pa nga raw ako pag oras na para umuwi sapagkat alam kong wala akong kalaro sa aming bahay.
Kaya siguro gustong gusto ko ng kapatid noon dahil gusto ko lang naman ng kasama at kalaro.
Tandang-tanda ko pa nga na lagi kong ipinagdarasal ko sa Diyos na bigyan ako ng lalaking kapatid.
Sa kabutihang palad, biniyayaan nga kami ng Diyos ng isang malusog na lalaking sanggol, ang
aking bagong kapatid. Ang araw na isinilang siya ay ang araw na nagbago ang buhay ko. Tuwang-
tuwa ako na natupad ang aking kahilingan na magkaroon ng nakababatang kapatid, dahil sa wakas,
may best friend na ako. Ngunit hindi ko naisip na ang pagdating niya ay magdadala ng bagong
responsibilidad at bagong mga suliranin.
Bilang nag-iisang anak, ang mundo ko ay puno ng atensyon at pagmamahal ng aking mga
magulang. Ngunit nang dumating siya, naramdaman ko na hindi na ako ang sentro ng atensyon ng
aking mga magulang sapagkat may kahati na ako, at hindi ako natuwa. Sa simula, hindi ko
maintindihan kung bakit kailangan kong magbahagi ng aking mga laruan at oras sa kaniya. Ngunit
sa paglipas ng panahon, natutuhan ko ang halaga ng sharing. Natutuhan kong magbahagi ng aking
mga laruan at magbigay ng gabay at suporta. Habang ako ay lumalaki, napagtanto ko na pantay pa
rin ang pagmamahal sa amin ng aming mga magulang, kahit mayroon nang bagong miyembro ng
pamilya. Napagtanto ko na gustong gusto ko pala ang pakiramdam ng pagiging "ate".