Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

Global Senior High School Department

SORSOGON

Ipinasa nina:
Ava Germaine P. Boe
Francis Miko B. Merilles

Ipinasa kay:
G. Rodel D. Maquilan
Guro sa Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan
Lakbay Sanaysay
“We Left Our Hearts In Sorsogon”

Sa kaharian ng Bicol, may isang


lalawigan na sinasabing may
likas na kagandahan at
kayamanan, ang Sorsogon. Ito
ay isang probinsya sa dulong
timog-silangan ng Luzon sa
Pilipinas. Ang lugar na ito ay
hindi lamang tahanan ng
magagandang kultura at
tradisyon ng mga Bikolano,
kundi pati na rin ng mga
kamangha-manghang tanawin at
destinasyon. Tulad na lamang
ng Bulusan Volcano National
Park kung saan ito makikita, na may gubat na puno ng mga halaman at hayop, at ang mga
malinis na dagat na perpekto para sa paglangoy at pagsisid. Sa tabing dagat ng Sorsogon, may
isang lihim na paraiso kung saan ang alon at buhangin ay nagtatagpo—ang Recidencia Del
Hamor Beachfront. Sa lugar na ito nabuo ang aming masasayang alaala bilang isang pamilya
habang ipinagdiriwang ang kaarawan ng nanay ni Miko, na kung saan aming natuklasan ang
simpleng buhay, kasama ang pamilya, habang pinakikinggan ang kuwento ng dagat, simoy ng
hangin, huni ng mga ibon, at maging ang panonood sa paglubog ng araw. Sa lugar na ito,
maraming aktibidad ang maaaring gawin na tiyak na magiging daan upang makabuo ng mga
masasayang alaala at makapag pahinga ang buong pamilya. Kaya naman, sa gabay ng alon at
hangin, tayo'y magsimula ng ating paglalakbay sa bayang ito, isang paghahanda sa pagtuklas
ng yaman ng Sorsogon, hindi lamang sa pisikal na anyo, kundi pati na rin sa kaluluwa at diwa.

You might also like