Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 30

10

Filipino
Ikaapat na Markahan–Modyul 2:
El Filibusterismo
(Kabanata 1-7)
Filipino – Ikasampung Baitang
Ikaapat na Markahan – Modyul 2: El Filibusterismo (Kabanata 1-7)
Unang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito
ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Vivencia R. Dumdum


Editor: Cristy S. Agudera
Tagasuri: Alejandre S. Fernandez, Elisa C. Fuentes
Tagaguhit: Richard S. Biňas
Tagalapat: Vivencia R. Dumdum, Jecson L. Oafallas
Tagapamahala:
Josephine L. Fadul – Schools Division Superintendent
Melanie P. Estacio - Assistant Schools Division Superintendent
Christine C. Bagacay – Chief – Curriculum Implementation Division
Cristy S. Agudera – Education Program Supervisor – ESP / Values Ed
Lorna C. Ragos - Education Program Supervisor
Learning Resources Management Section

Inilimbag sa Pilipinas ng:

Kagawaran ng Edukasyon – Sangay ng Lungsod ng Tagum

Tanggapan: Energy Park, Apokon, Tagum City, 8100

Telefax: (084) 216-3504

Sulatroniko: tagum.city@deped.gov.ph
10

Filipino
Ikaapat na Markahan – Modyul 2:
El Filibusterismo
(Kabanata 1-7)

ii
Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa


ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t
ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat
aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na
naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng
mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng
mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang
nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito
ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa
tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos
ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng
pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat
gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat
isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito
upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o
mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng
hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang
guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga
aralin at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga
tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit
wala sila sa paaralan.

iii
Aralin El Filibusterismo
(Kabanata 1-7)

Alamin Natin
Hello mga mahal naming mag-aaral! Isang panibagong araw na
naman para sa panibagong kaalaman.

Malugod kitang binabati dahil matagumpay mong natapos at


nasagutan ang mga itinakdang gawain na nakapaloob sa modyul sa
ikatlong markahan. Marahil ay handang-handa ka nang magpatuloy at
tutuklas ng mga gawaing magbigay ng mahahalagang kaalaman para sa
ikaapat na markahan.

Ang modyul na ito ay taos-pusong ginawa upang makatutulong sa


iyong pag-aral sa pag-unawa at pagpapahalaga sa nobelang El
Filibusterismo bilang isang obra maestrang pampanitikan.

Pagkatapos ng iyong pag-aaral sa modyul na ito, inaaasahang:


• natutukoy ang papel na ginagampanan ng mga tauhan sa akda sa
pamamagitan ng:
- pagtunton sa mga pangyayari
- pagtukoy sa mga tunggaliang naganap
- pagtiyak sa tagpuan
- pagtukoy sa wakas (F10PB-lVb-c-87);
• nabibigyang-kahulugan ang matatalinghagang pahayag na ginamit
sa binasang kabanata ng nobela sa pamamagitan ng pagbibigay ng
halimbawa (F10PT-IVb-c-83);
• naiuugnay sa kasalukuyang mga pangyayaring napanood sa video
clip ang pangyayari sa panahon ng pagkakasulat ng akda
(F10PD-IVb-c-82); at
• naibabahagi ang ginawang pagsusuri sa napakinggang buod ng
binasang akda batay sa
- kathang pagkamakatotohanan
- tunggalian sa bawat kabanata ng mga tauhan (F10PS-IVb-c-86).

1
Subukin Natin
Sa bahaging ito aalamin natin ang iyong kakayahan at kasanayan
sa bawat kabanata. Subukan mong sagutin ang sumusunod na mga
gawain upang malaman ko ang dati mong kaalaman na may kaugnayan
sa araling pag-aaralan sa pamamagitan ng pagtugon ng ilang katanungan
na sasaklaw at masasagot ang pokus na tanong na magbibigay linaw sa
paksa.

Anticipation Guide
Bago basahin ang akda, tugunan ang mga pangyayari sa ibaba at
isulat sa unang kolum kung tumpak o dehins na mababasa sa
tatalakaying kabanata. Pagkatapos mabasa, lagyan ng tsek (/) ang
ikatlong kolum na wasto ang iyong naging hinuha at ekis (X) kung hindi.

Tumpak o Pangyayari tsek (/) 0


dehins ekis (X)
1. Si Simoun ang may panukalang, “Itutuwid
at huhukayin ang kanal na daraanan ng
bapor sa kabila ng pang-aalipin sa mga
bilanggo at mga Indiyo..
2. Ang ibabaw ng kubyerta ng bapor ay para sa
mababang uri ng tao, karaniwa’y mga Indiyo.
3. Ang dating Crisostomo Ibarra ay si Elias.
4.“Labintatlong taon na ang nakaraan nang
tulungan ninyo akong maglibing sa bangkay
ng aking ina at sunugin ang bangkay ng isang
lalaki.”
5.Sa Noli Me Tangere, siya ang mangangahoy
na si Selo.
6.Ang panukalang yankee ay tumutukoy kay
Simoun.
7.Naantala ang paglalakbay nila ilang oras
dahil hinarang sila ng mga guwardiya sibil at
hinahanapan ang kutsero ng sedula.
8.“Lahat tayo ay isinilang na walang damit at
uuwi sa alikabok”, ani Kabesang Tales.
9.“Ang suliranin ay hindi ang pagkakaroon ng
tulisan sa bundok kundi ang pagkakaroon ng
mga tulisan sa mga bayan.”
10.Bukod sa pangalang Bapor Tabo ito ay
tinatawag ding Daong ng Pamahalaan.

Magaling! Ngayong natapos mong sagutin ang Gawain ay tiyak kong


marami ka pang dapat na matutuklasan at matutuhan sa ating aralin.

2
Inaasahan ko na nagkakaroon ka ng kaunting kabatiran sa paksang
tatalakayin

Aralin Natin

May mga kaalaman bang naipasok noong nakaraang modyul? Ano


ang natutuhan mo? Subukin nga…

1. Anong kahulugan ng El Filibusterismo?


2. Sino-sino ang pinaghandugan at naging inspirasyon ni Jose Rizal sa
pagsulat ng immortal na nobelang El Filibusterismo?

___________________________________________________________
Masdan mo, Ilarawan ko
Pagmasdan at suriin ang larawan. Isulat sa sagutang papel ang mga sagot
sa mga tanong sa ibaba.

1. Tungkol saan ang iyong nakitang larawan?

2. Ano ang mensaheng ipinahihiwatig nito?

Basahin at unawain ang nobelang “El Filibusterismo,” na isinulat


ni Gat Jose P. Rizal. Bilang panimula, kilalanin mo muna ang mga
mahahalagang tauhan na gumaganap sa nobelang ito na tiyak na
mababasa mo sa Kabanata I, Kabanata 2, Kabanata 3, Kabanata 4,
Kabanata 5, Kabanata 6, at Kabanata 7.

Mga Tauhan:
1. Simoun – Ang pangunahing tauhan, ang mayamang mag-aalahas

3
2. Don Custodio – Ang Kastilang opisyal ng pamahalaan na
nagpapalagay na siya lamang ang nag-iisip sa Maynila
3. Basilio – Ang anak ni Sisa, nakapag-aral ng medisina sa tulong ni
Kapitan Tiago
4. Isagani – Ang pamangkin ni Padre Florentino at kasintahan ni
Paulita Gomez
5. Placido Penitente – Isang matalinong mag-aaral na taga-Tanauan,
Batangas, nabigo sa kanyang inaasahang sistema ng edukasyon sa
Maynila
6. Macaraig – Ang mayamang mag-aaral na nangunguna sa pagnanais
na makapagpatayo ng Akademya ng Wikang Kastila
7. Sandoval – Isang Kastilang mag-aaral na nakikiisa sa mga
Pilipinong mag-aaral na maitayo ang Akademya ng Wikang Kastila
8. Pecson – Ang mag-aaral na walang kamuwang-muwang sa mga
pangyayari sa kanyang paligid
9. Juanito Pelaez – Ang anak ng isang mayamang mangangalakal na
pinakasalan ni Paulita Gomez
10. Ben Zayb – Ang mamamahayag na Kastila na hindi patas ang
kanyang pagsulat ng balita
11. Padre Irene – Ang tumulong sa mga mag-aaral na maitatag ang
Akademya ng Wikang Kastila
12. Padre Salvi – Ang Franciscano na dating kura ng San Diego
13. Padre Sibyla – Ang vice-rector ng Unibersidad ng Sto. Tomas
14. Padre Camorra – Ang kura-paroko ng kumbento ng Tiani na
nagtangkang pagsamantalahan si Huli
15. Padre Florentino – Ang paring amaing ni Isagani
16. Paulita Gomez – Ang pamangkin ni Doňa Victorina at kasintahan
ni Isagani
17. Huli – Anak na bunso ni Kabesang Tales at kasintahan ni Basilio
18. Kabesang Tales – Ang ama ni Huli, naghihimagsik dahil sa
pangangamkam ng mga pari sa lupang kanyang pinaghirapan
19. Tata Selo – Ang ama ni Kabesang Tales at lolo ni Huli
20. Donya Victorina – Asawa ni Don Tiburcio de Espadaňa at tiyahin
ni
Paulita Gomez
21. G. Pasta – Ang manananggol na Pilipino na tumangging tumulong
sa mga mag-aaral
22. Quiroga – Ang Intsik na naghahangad na magkaroon ng
konsulado sa Pilipinas
23. Hermana Penchang – Ang nagpahiram ng pantubos kay Huli
bilang kapalit sa kanyang pangangatulong

4
Paghawan ng Sagabal - Kabanata 1
Palalawakin ko ang iyong kasanayan sa pagbibigay kahulugan ng
mga salitang bago sa iyong pandinig. Ibigay ang kahulugan ng mga
salita/pariralang nakapaloob sa bawat kabanata ng nobela sa
pamamagitan ng pagpuno ng mga letra ng mga bakanteng kahon upang
mabuo ang pahiwatig na kahulugan nito.

1. Ang bahagi ng bapor na nasa itaas at lulan ang mga matataas na uri
ng manlalakbay.
u y e t

2. May mungkahi si Simoun na humukay ng malalim na kanal mula


sa bunganga ng Ilog-Pasig na mag-uugnay sa lawa ng Laguna at sa look
ng Maynila.
p n u a a

3. Kinakain daw kasi ng mga itik ang mga suso sa ilalim pati na ang
mga burak na nasa ilalim nito ay kanilang nakakain.
u i k

4. Ang Bapor Tabo ay hirap na hirap na sumasalunga sa mabilis na


agos ng Ilog-Pasig.
l m a a b N

5. Hindi nagustuhan ni Donya Victorina ang naturang suhestiyon


dahil nandidiri siya sa balot.
a u u k a m

Kabanata 1 – Sa Ibabaw ng Kubuyerta

Isang umaga ng Disyembre, naglalayag sa ilog Pasig ang Bapor


Tabo. Hirap na hirap na sumasalunga sa mabilis na agos ng Ilog-Pasig.
Patungo ito sa Laguna at lulan sa ibabaw ng kubyerta sina Don Custodio,
Ben Zayb, Donya Victorina, Kapitan Heneral, Padre Irene, Padre Salvi, at
Simoun. Mataas ang tingin ng mga
tao kay Simoun dahil alam nila lalo
na ang mga tao sa Maynila, na
naiimpluwensiyahan nito ang
Kapitan Heneral.

Dahil sa kabagalan ng bapor,


napag-usapan sa ibabaw ng kubyerta
ang pagpapalalim ng Ilog Pasig.

5
Sa kanilang usapan ay iminungkahi ni Smoun na gumawa ng tuwid
na kanal na mag-uugnay sa lawa ng Laguna at sa look ng Maynila.
Tumutol si Don Custodio na kapag isinagawa, maaaring
pagmumulan ito ng pag-aalsa. Nagbigay siya ng solusyon na kumbinsihin
na lang diumano ang mga tao na mag-alaga ng itik. Kinakain daw kasi ng
mga itik ang mga suso sa ilalim pati na ang mga burak na nasa ilalim nito
ay kanilang nakakain.
Sa ganitong paraan, huhukayin daw ng mga tao ang ilog upang may
makuhang suso na kanilang ipapakain sa mga alagang itik.
Ngunit hindi nagustuhan ni Donya Victorina ang naturang suhestiyon
dahil nandidiri siya sa balot. Mas mabuti pa raw na matabunan na
lamang ng buhangin ang ilog.

Gabay na Tanong:
1. Ano ang sinisimbolo ng itaas ng kubyerta? Palawigin ang sagot.
1. Anong kabutihan ang maidudulot nang sinasabi ni Simoun na
pagtutuwid at paghuhukay ng kanal na daraanan ng bapor sa kabila
ng gagawing pang-aalipin sa mga bilanggo at mga Indiyo?

Paghawan ng Sagabal - Kabanata 2


Sa bintana ng bapor, isulat ang mga salitang magkasingkahulugan.
Hanapin sa mga larawan ng alon ang iyong sagot. Ang unang bilang ay
ginawa na.

1.pabulyaw 2. 5.
3. 4.
pasigaw

tumatapyas lansagin
henyo
humahati humahati
wasakin

mungkahi panukala pantas

6
Kabanata 2 – Sa Ilalim ng Kubyerta

Pinuntahan ni Simoun ang ilalim ng kubyerta. Palibhasa’t lahat ng


gamit at mga kargamento ay doon din matatagpuan kaya naman masikip
sa lugar na iyon para sa mga pasahero.
Naroon sa ilalim ng kubyerta ang dalawang estudyate na sina Basilio na
nag-aaral ng medisina at mahusay nang manggamot, at si Isagani na
isang makata at katatapos pa lamang sa Ateneo.
Kausap ng dalawa si Kapitan Basilio kung saan nadaanan ng
kanilang pag-uusap si Kapitan Tiyago. Pinauwi raw siya, ani Padre Irene
na naging tagapayo ng kapitan nitong huling araw.
Nakasentro naman ang usapan sa paaralang balak ng mga
estudyante tungkol sa pagpatayo ng Akademya ng Wikang Kastila. Ayon
kay Kapitan Basilio ay hindi raw ito magtatagumpay. Tutol naman dito
ang dalawang binata. Maya-maya pa’y lumayo na si Kapitan Basilio.
Noo’y napag-usapan nila si Paulita Gomez, ang kasintahan ni
Isagani na maganda, mayaman at may pinag-aralan na pamangkin ni
Donya Victorina. Ipinahahanap ng Donya kay Isagani ang kanyang asawa
na si Don Tiburcio de Espadaña. Ito ay nasa bahay pa ni Padre Florentino
na amain ng binate at doon nagtatago.
Ilang sandali, dumating si Simoun
at kinausap ang magkaibigan. Agad
na ipinakilala ni Basilio kay
Simoun si Isagani. Ani Simoun,
Hindi niya nadadalaw ang
lalawigan nina Basilio dahil ang
kanilang lalawigan ay mahirap
at di makabibili ng alahas.
Tinutulan naman ito ni Isagani
at sinabing hindi sila namimili ng
alahas dahil hindi naman nila
kailangan. Napangiti si Simoun sa
sa sinabi ng binata. Paliwanag niya,
dukha daw ang lalawigang nabanggit niya dahil ang mga pari sa simbahan
ay Pilipino.
Inanyayahan ni Simoun ang magkaibigan sa pag-inom ng serbesa
ngunit ito’y tinanggihan ng dalawa. Ayon kay Simoun, sinabi umano ni
Padre Camorra na kaya tamad ang mga Pilipino ay dahil palainom ng
tubig at hindi ng serbesa.
Tinugon siya ni Basilio at sinabing, “Sabihin ninyo kay Padre
Camorra na kung siya ay iinom ng tubig sa halip ng serbesa, marahil ay
mawawala ang sanhi ng mga usap-usapan.”

7
Dagdag pa ni Isagani, “Lumulunod sa alak at sa serbesa na
pumapatay ng apoy, na kapag pinainit ay sumusulak at nagiging malawak
na karagatan at gumugunaw ng santinakpan.”
Tinananong naman ni Simoun kung ano ang itutugon niya sakaling
itanong ni Padre Camorra kung kailan magiging sulak at malawak na
karagatan ang tubig.
Sinagot siya ni Isagani, “Kapag pinainit ng apoy sa sandaling ang
mumunti, hiwa-hiwalay na ilog ay magkaisang bumuhos ng apoy ng
kasawian sa banging hinukay ng tao.”
Binigkas din ni Basilio ang isang tula ni Isagani tungkol sa
pagtutulong ng apoy at tubig sa pagpapatakbo sa makina (steam engine).
Ngunit ayon kay Simoun, pangarap daw iyon dahil ang makina ay
hahanapin pa.
Nang umalis na si Simoun ay saka lamang nakilala nang lubusan ni
Isagani ang mag-aalahas na tinatawag ding Mulatong Amerikano.
Pamaya-maya pa’y may dumating na utusan upang ipatawag ang
pamangkin ni Padre Florentino. Ngunit nakita ng kapitan ang pari kaya ito
ay inanyayahang pumanhik sa ibabaw ng kubyerta.

1. Sino-sino ang mga tauhang nasa ibaba ng kubyerta? Ibigay ang kani-
kanilang katangian.
2. Ibigay ang panukala ng mga mag-aaral ukol sa Akademya ng Wikang
Kastila.
kanilang katangian.
Paghawan ng Sagabal - Kabanata 3
Bigyang-kahulugan ang bahaging sinalungguhitan sa sumusunod
na pahayag. Hanapin ang letra ng tamang sagot sa lipon ng mga salita sa
ibaba.

A. nahihilo
B. taguan
C. nagulat
D. sumungaw
E. nagugunaw

1. Nagitla ang nasa ibabaw ng kubyerta nang biglang dumating si


Simoun.

8
2. Nakikita ko sa mga museo sa Europa ay may nakitang naging sawa
sa paghihimala ng mga santo noong hindi pa nagdidilubyo sa
daigdig.
3. Si Simoun ay lumitaw nang marinig niya ang kanyang pangalan.
4. Ang malapad na Batumbuhay na pinaniniwalaang tinitirhan ng mga
espiritu na nawala ang gawing kanlungan ng mga tulisan.
5. Napuna ni Ben Zayb ang kakaibang kilos ni Simoun na
ipinagkamali sa isang nalulula.
Kabanata 3 – Ang mga Alamat

Nadatnan ni Padre Florentino na nagtatawanan ang mga tao sa


itaas ng kubyerta. Pinag-uusapan ng mga pari ang pagkamulat ng mga
Pilipino at pag-uusig sa mga bayarin sa simbahan. Pagkaraan ay
dumating si Simoun. Aniya, sayang raw at hindi niya nakita ang mga
dinaanan ng bapor. Walang saysay sa kanya ang alinmang pook na
kanyang makikita kung wala rin namang alamat ang mga ito.
Kaya naman sinimulang isalaysay ng Kapitan ang alamat ng
Malapad na Bato. Anang Kapitan, ito daw ay banal sa mga katutubo
noong una bilang tahanan ng mga espiritu. Nang tirahan daw ito ng mga
tulisan ay nawala ang takot sa espiritu, sa halip ay nasalin sa mga tulisan
ang takot. Nabanggit ng
Kapitan ang Alamat ni Donya
Geronima at inanyayahan na
si Padre Florentino ang
magsalaysay ng alamat. May
magkasintahan umano sa
Espanya at ang lalaki ay
naging arsobispo sa Maynila.
Nagbalatkayo daw ang babae,
sinundan ang kasintahan
sa Maynila at hinihiling na
tuparin nito ang pangako na
magpakasal sila. Ngunit may ibang naisip ang arsobispo. Sa halip na
pakasal ay itinira niya ang babae sa isang yungib na malapit sa Ilog Pasig.
Nagandahan si Ben Zayb sa alamat. Nainggit naman si Donya
Victorina at ibig ding manirahan sa kuweba. Tinanong ni Simoun si Padre
Salvi ng, “Sa inyong palagay, hindi ba higit na mainam kung ilagay sa
isang beateryo tulad ni Sta. Clara?” Sinagot ng pari ang tanong ni Simoun
at sinabing hindi daw siya makahahatol sa mga ginawa ng isang
arsobispo. Upang mabago naman ang kanilang usapin ay isinalaysay ni
Padre Salvi ang alamat ni San Nicolas na nagligtas sa isang Intsik sa
pagkamatay sa mga buwaya.
Naging bato diumano ang mga buwaya nang dasalan ng Intsik ang
santo. Papasok na sa lawa ang bapor nang tanungin ni Ben Zayb ang
Kapitan kung saan banda doon napatay ang isang Guevarra, Navarra o
Ibarra. Itinuro naman ng Kapitan ang lugar na pinangyarihan. Sa tubig ay
naghanap pa ng bakas si Donya Victorina ng pagkamatay kahit
labingtatlong taon na ang nakalilipas mula nang nangyari iyon.

9
Ayon kay Padre Salvi, nakasama daw ng ama ang bangkay ng
kanyang anak. Dagdag naman ni Ben Zayb, iyon daw ang pinakamurang
libing. Kaya naman nagtawanan ang iba. Namutla naman si Simoun at
walang kibo. Ipinagpalagay na lamang ng Kapitan na nahihilo ito dahil sa
paglalakbay.

1. Bakit biglang napunta ang usapan sa alamat sa ibabaw ng kubyerta?


2. Anong uri ng tao ang matatagpuan sa ibabaw ng kubyerta?

Paghawan ng Sagabal - Kabanata 4


Piliin ang letra ng wastong kahulugan ng mga salitang may
salungguhit sa pangungusap. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
1. Naglubay lamang ang galit ni Kabesang Tales nang hindi na nagsalita si
Tata Selo ukol sa palayok.
A. Humupa B. Lumakas C. Nagsimula D. Sumidhi
2. Ipagpalagay na lamang ni Tata Selo na ang malaking buwis na
ibinabayad ng kanyang anak ay sinakmal ng buwaya.
A. dinampot B. itinapon C. sinunog D. sinunggaban
3. Dati-rati nakikisaka lamang si Kabesang Tales hanggang sa magkaroon
siya ng sariling lupa..
A. nakikiisa B. nakikisama C. nakikinabang D. nakikitanim
4. Para kang palayok na bumabangga sa talyase kapag kinalaban mo
ang mga Kastila.
A. kaldero B. kawali C. kutsara D. mangkok
5. Ang nangyari kay Kabesang Tales ay nakarating hanggang sa
kanugnog bayan.
A. karatig B. kasama C. likuran D. malayo

Kabanata 4 – Kabesang Tales

Naging matanda na si Tandang Selo na umampon noon kay Basilio


sa gubat. Ang anak nitong si Kabesang Tales ay isa nang Kabesa de
Barangay. May tatlong anak: sina Lucia, Tano, at Juli. Namatay si Lucia
at ang kanyang asawa dahil sa sakit na malarya. Sina Tano at Juli na
lamang ang naiwan. Nakisama si Kabesang Tales na namumuhunan sa
bukid at nang makaipon ay nagbungkal ng lupa sa gubat. Nang
maipagtanong na walang may-ari sa naturang lupa ay ginawa niya itong
tubuhan.

Binalak din niyang pag-aralin sa kolehiyo si Juli upang makapantay


kay Basilio na kasintahan nito.
Nang umunlad ang bukid, inangkin ito ng mga prayle at pinagbayad
ng buwis si Kabesang Tales. Sa umpisa, magbabayad siya sa halagang 20
hanggang 30 piso taon-taon. Tinaasan ng mga pari ang taripa hanggang
sa umabot na ito ng 200 piso. At kung hindi siya makapagbabayad ay iba
na ang magsasaka. Nang di na kinaya ng Kabesa, nakipag-asunto ito sa
mga prayle.

10
Gumawa siya ng lahat na paraan at inubos ang kahuli-hulihang
sentimo sa pagtatanggol sa kaso. Ngunit natalo ang Kabesa dahil nasa
ilalim ng impluwensya ng mga prayle ang gobyerno.

Nang tuluyan nang hindi makabayad ng buwis si Kabesang Tales ay


ipinaglaban pa rin niya ang lupa sa pamamagitan ng pagbabantay dito. Sa
kanyang pagbabantay ay nagdala siya ng baril na kinumpiska ng prayle.
Sumunod ay itak naman ang kanyang dinala ngunit ipinagbawal itong
muli ng mga pari. Sa huli ay palakol na lamang ang dinala ni Kabesang
Tales sa pagbabantay. Kalaunan ay dinakip siya ng mga tulisan dahil may
perang nakita sa kanya at nakakapagbayad ng abogado para sa kaso niya.
Ipinatubos naman siya sa halagang 500.
Upang may maipantubos sa ama, ibinenta ni Juli ang kanyang mga
alahas liban sa bigay ng kanyang nobyo na isang laket na pagmamay-ari
ni Maria Clara. Kulang pa ng 200 ang perang pantubos. Kaya namasukan
siyang katulong sa tahanan ni Hermana Penchang.
Bisperas noon ng Pasko kaya kinabukasan ay maninilbihan na siya
bilang isang alila. Dahil sa pangyayaring ito, basing-sisiw niyang
tiningnan ang kanyang lolo habang nag-iiyak na parang bata. Naging
masalimuot naman ang naging panaginip ng dalaga ng gabing iyon.

1. Ano ang ugali ng mga Kastilang pari ang makikita sa korporasyon?


2. Bakit pinagbabayad ng buwis ang pamilya ni Tales?

Paghawan ng Sagabal - Kabanata 5


Piliin ang letrang hindi mapasali sa pangkat na nasa kahon.

2 A. ikinabit
1
A. nabalam .
.
B. itinali C. binawala
B. nalayo C. naabala
D. isinabit
D. naantala

3 4
A. nabubulunan A. matalos
. .
B. nabibikig C. nakalulon B. malaman C. nagkasala

D. nababarahan D. nabatid

5 A. lumalaon
.
B. lumalala C. tumatanda

D. tumatagal

11
Kabanata 5 – Ang Noche Buena ng Isang Kutsero

Akmang inililibot sa gabi ang prusisyong pang-noche buena at


kasabay ng pag-uwi ni Basilio sa bayan ng San Diego. Nalimutan ng
kutserong si Sinong ang kanyang sedula kaya’t binugbog siya ng mga
guwardiya sibil sa nadaanang kuwartel. Pagkatapos ay napag-usapan nila
ang imahen ni Metusalem, ang pinaka-matandang taong nabuhay sa
mundo. Kasunod nito’y idinaan ang mga imahen ng tatlong Haring Mago.
Dahil naalala ni Sinong si Haring Melchor na kayumanggi ang balat.
Itinanong ng kutsero kay Basilio kung nakawala na ang kanang paa ni
Bernardo Carpio na naipit sa kabundukan ng San Mateo. Pinaniniwalaan
kasi na hari ng mga Pilipino si Bernardo Carpio na makapagpapalaya
diumano sa bayan. Pagkaraan ay nadaanan rin nila ang ilang mga
imahen, ang huli sa mga ito ay ang imahen ng birheng Maria na tila
malungkot. Minalas muli ang kutsero at nahuli dahil hindi niya
namalayang namatay na ang ilaw ng kanyang kalesa. Sa pagkakataong ito
ay dinala na sa presinto ang kutsero kaya bumaba na lamang si Basilio at
naglakad.
Sa paglalakad ni Basilio ay napansin niya na walang masyadong
parol na nakasabit. Karamihan sa mga bahay ay tahimik maliban sa
bahay ni Kapitan Basilio na pawang masasaya ang mga panauhin at
maraming handa. Nakita niya si Sinang sa sala samantalang ang kapitan
ay giliw na giliw na nakipag-usap sa krus, alperes, kura, at kay Simoun.
Nakarating din si Basilio sa bahay ni Kapitan Tiyago na siya niyang
tutuluyan. Pero iba’t ibang klase ng balita ang sinalubong sa kanya ng
katiwala. Ikinuwento nito kay Basilio ang tungkol sa mga pangyayari sa
bukid kung saan maraming namatay na hayop, katiwala at sa balitang
nadakip si Kabesang Tales, ang ama ng kanyang nobyang si Juli. Dahil
dito, labis siyang nasaktan at nawalan ng ganang kumain.

1. Anong ugali ang ipinamals ni Basilio nang kausapin ang katiwala


sa bahay?
2. Bakit nasabi ng kutsero na noong panahon ng santo ay walang
guwardiya sibil?

Paghawan ng Sagabal -- Kabanata 6


Ayusin ang mga letra sa loob ng ulap upang mabuo ang kahulugan
ng salita sa loob ng kahon. Isulat ang inyong sagot sa sagutang papel.

DAGPAADMALTIHA PAKISAM
NUNADSAN

D C.
C.
A
nagul sa kabila ng nagul
natunton ang ni G
pamimighati naging masigasig
a a
Basilio ang bahay P
ni Kapitan Tiago si Basilio sa
D. A kanyang D.pag-aaral
ni Kapitan Tiago
sumung A sumung
D aw
aw
M
E. E.
A
nagu 12 nagu
L
guna TI guna
w H w
A
HASABULAD HANAPANG

kilalang paham nangalap ng


ng mga propesor mga mag-aaral
AN

Kabanata 6 – Si Basilio

Tumunog ang kampana para sa misa de gallo nang magpasyang


umalis nang tahimik si Basilio sa bahay ni Kapitan Tiyago saka nagtungo
sa gubat ng mga Ibarra. Anibersaryo kasi ng pagpanaw ANng kanyang ina sa
mismong gubat na iyon. Ipinagdasal niya ang kaluluwa ng kanyang ina at
C.
inalala ang mga pangyayari labing-tatlong taon na ang nakararaan.
Naalala niya na may isang
nagulalalaki na sugatan. Inutusan siyang maghakot
ng kahoy na ipansusunog D. sa kanyang ina at sa lalaki. May isa ring lalaki
na tumulong sa kanya sa paglilibing sa lalaking sugatan pati na rin sa
sumungaw
kanyang ina. Pagkaraan ng mga pangyayaring iyon ay umalis na si Basilio
E.
sa gubat at lumuwas sa Maynila. Sa sobrang hirap at gutom ay ninais na
niyang magpasagasa nagugu
sa mga karwaheng dumadaan. C. Sakto namang
naw
dumaan ang karwahe ni Kapitan Tiyago na lulan nagul din si Tiya Isabel.
Kapapasok pa lamang ni Maria Clara noon sa kumbentoaat pauwi na sana
nang madaanan nila si Basilio. Isinama si Basilio ni Kapitan Tiyago at
D.
naging katulong siya sa bahay nito. Wala siyang sahod ngunit ang kapalit
ng kanyang paninilbihan ay pinag-aral naman ngsumunga Kapitan si Basilio sa
San Juan de Letran. w
Sa unang taon ng kanyang pag-aaral ay wala E. siyang nabibigkas
kundi ang pangalan niya at ang salitang “adsum” o narito
nagugpo. Minamaliit
din siya doon dahil sa kanyang luma at gulanit unaw na kasuotan.
Gayunpaman ay lagi siyang nagsasaulo ng leksiyon. Nagkaroon ng isang
gurong Dominiko si Basilio. Minsan ay tinawag niya ang binata upang
lituhin ito sa pagtatanong ng leksiyon. Subalit sinagot siya ni Basilio nang
tuloy-tuloy at walang kagatol-gatol. Dahil dito’y tinawag siyang loro ng
propesor sa gitna ng katuwaan ng klase. Nang minsang bigyan muli ng
guro si Basilio ng katanungan ay nasagot niya muli ang mga ito. Sa
pagkakataong ito ay wala ang inaasahang katatawanan.
Dahil dito’y napahiya ang Dominiko at sumama ang loob kay
Basilio. Nagkaroon pa sila ng alitan at hamunan sa labanang gagamitan
ng sable at baston. Natutuwa namang iniharap siya ng mga mag-aaral sa
kanilang propesor. Mula noon ay nakilala na at nakatuwaan si Basilio.
Siya ay nagkaroon ng markang sobresaliente. Dahil masikap sa pag-aaral
Hinikayat siya ni Kapitan Tiyago na lumipat sa Ateneo Municipal.
Nasusuklam kasi si Kapitan Tiyago sa mga prayle mula nang
magmongha si Maria Clara. Doon ay pinili ni Basilio ang pag-aaral ng
medisina dahil ito rin naman ang kanyang hilig. Sa kanyang ikatlong taon
ay marunong nang manggamot ang binata kaya nakapag-ipon na siya at
nakapagbihis na siya nang maayos. Kumikita na siya sa paggamot at sa

13
loob ng dalawang buwan ay magiging ganap na siyang doktor. Naisip
niyang babalik na siya sa bayan at pakasalan si Juli.

1. Anong uri ng kolehiyo mayroon sa panahon ng pag-aaral ni Basilio?


2. Bakit palihim ang pagdalaw ni Basilio sa puntod ng kanyang ina?

Paghawan ng Sagabal- - Kabanata 7


Hanapin sa larawang mansanas ang salitang pupuno sa patlang
upang mabuo ang diwa ng pangungusap. Isulat lamang ang letra ng
tamang sagot sa sagutang papel.

paggalang sinulsulan
natuklasan
mang-aapi
durog-durog

1. Kailanman ay di ako susuko sa mga dayuhang _____________ ng


ating bansa.
2. Ang pagtatanggol ko sa aking mga kababayan ay hindi matitinag
kahit ________________ pa ang aking katawan.
3. Nag-alala ang aking kaibigan sa ________________ na lihim.
4. Buong ___________ na sumagot ang nasasakdal sa kagalang-galang
na hukom.
5. Si Basilio ay _____________ ni Simoun na sumama sa paghihimagsik.

Kabanata 7 – Si Simoun

Pabalik na sana si Basilio nang may natanaw siyang liwanag na


paparating at makarinig ng yabag. Nagkubli siya sa puno ng baliti at sa
kabilang dako ng punong kanyang pinagtaguan ay tumigil ang taong
dumating. Nasindak siya sa kanyang natuklasan. Nagsimula itong
maghukay gamit ang asarol. Nakilala siya ni Basilio. Ang taong dumating
ay ang mag-aalahas na si Simoun. Siya rin ang taong tumulong sa
paglilibing sa kanyang ina at sa lalaking sugatan labing-tatlong taon na
ang lumipas. Lumabas sa pinagtataguan si Basilio at lumapit kay Simoun
upang tumulong sa paghuhukay. Ngunit tinutukan siya ng baril ni
Simoun at itinanong kung siya daw ba ay nakikilala nito.
Tumugon si Basilio at sinabi na nakikilala siya nito. Siya diumano
ang taong tumulong sa kanya labing-tatlong taon na ang nakalilipas.
Inaakala ng lahat na siyang patay na ngunit kinilala siya ni Basilio na ang
lalaking kausap ay walang iba kundi si Ibarra. Ani Simoun, malaking
sikreto ang nalalaman mo, kaya di niya pagsisihan na patayin ito dahil
ayaw niyang malaman ang kanyang planong paghihiganti. Ngunit dahil sa
halos pareho ang sinapit nilang dalawa at uhaw din sa katarungan ay

14
dapat daw silang magtulungan. Inamin ni Simoun na siya nga si Ibarra at
ikinuwento na nilibot niya ang buong daigdig upang magpayaman. Sa
kanyang pagbabalik ay matagumpay niyang mapabagsak ang
pamahalaang sumira sa kanyang buhay. Siya raw ay bumalik upang
gisingin ang damdamin ng bayan sa paghihimagsik laban sa
pagmamalabis ng pamahalaan at simbahan. Di rin sang-ayon si Ibarra sa
plano nina Basilio na pagtatayo ng paraalan ng Wikang Kastila at sa
paghingi nilang gawing lalawigan ng Espanya ang Pilipinas at bigyan ng
pantay na karapatan ang mga Kastila at Pilipino. Ayon kay Simoun,
magbibigay lamang daw ito ng daan sa Pilipinas sa pagiging bayang
walang sariling pagkukuro, walang kalayaan at pati kapintasan ay hiram
dahil sa pagpipilit manghiram ng wika. Katuwiran naman ni Basilio, ang
kastila umano ay isang wikang magbubuklod-buklod sa mga pulo ng
Pilipinas.
Bagay na pinabulaanan ni Simoun. Kailanman ay di raw magiging
wikang pangkalahatan sa bayang ito ang wikang Kastila. Iilan lamang daw
ang nakapagsasalita ng Kastila at ang iilang ay mawawalan ng sariling
kakayahan, magpapailalim sa ibang utak, at paaalipin.

Tinuligsa ni Simoun ang mga pangkat na naghahangad luminang sa


wikang Kastila at di sa kaalamang magsalita o sumulat sa sarili nilang
wika pati ang mga nagpapanggap na di sila maalam magsalita at
umunawa ng sariling wika. Dagdag pa ni Simoun, mabuti raw kung ayaw
silang turuan ng mga Kastila ng kanilang wika. Mas maigi umano na
paunlarin ang isang katutubong wikain nang mawala ang pagtatangi-tangi
at magkaroon ng mga layuning pambansa. Dapat din ay huwag hayaang
magpalagay ang Kastila na sila ang panginoon dito at sila’y bahagi ng
bayang ito kundi sila’y mga mang-aapi at dayuhan. Sa gayon daw ay mas
matatamo nina Basilio ang tunay na paglaya.
Inamin ni Simoun na ito ang dahilan kung bakit hinayaan niyang
mabuhay si Basilio, Isagani at Makaraig na binalak niyang patayin dahil
baka maging hadlang ang mga ito sa pinaplano niyang paghihiganti.
Paliwanag naman ni Basilio, di daw siya isang pulitiko. Napalagda lamang
siya sa kahilingang tungkol sa paaralan dahil inaakala niyang iyon ang
mabuti. Ngunit sa panggagamot daw talaga ang hilig niya. Sa
kasalukuyang kalagayan daw ng lipunan ay hindi makapanggagamot
nang mahusay si Basilio ayon kay Simoun dahil mas dapat umanong
unahing gamutin ang sakit ng bayan. Ngunit para kay Basilio, kaya nga
daw niya pinili ang siyensiya ay upang makapaglingkod sa bayan.
Kalaunan ay nauwi sa kadakilaan ng karunungan ang pag-uusap nina
Basilio at Simoun. Napansin ni Simoun na tila hindi naantig ang kalooban
ni Basilio kaya tinuya niya ito. Ani Simoun, wala namang ginagawa si
Basilio kundi tangisan ang bangkay ng kanyang ina na parang isang
babae. Sinulsulan ni Simoun si Basilio na tutulungan daw niya sa
paghihiganti.
Ngunit ano naman daw ang mapapala niya sa paghihiganti kung
hindi naman daw mabubuhay ang kanyang ina at kapatid kahit gawin
niya ito, sagot ni Basilio.

15
Ngunit tinugon siya ni Simoun na ang pagpapaumanhin ay di laging
kabaitan, ito’y kasalanan kung nagbibigay-daan sa pang-aapi. “Walang
mang-aalipin kung walang magpapaalipin.”
Saka ipinaalala ni Simoun na sa pag-aaral ni Basilio ay maaaring
danasin nito ang dinanas ni Ibarra. Nagtaka si Basilio. Siya na raw ang
inapi ay siya pa ang kamumuhian.
Sinabi ni Simoun, likas sa tao ang mamuhi sa kanyang inaapi.
Ngunit di naman daw sila pinakikialaman ni Basilio kaya pabayaan daw
nila siyang makagawa at mabuhay.
Tinugon naman ni Simoun si Basilio at sinabing magkakaanak din
ito ng mababait na alipin at ang mga damdaming mabuti o masama ay
mamamana ng kanyang magiging anak.
Dagdag pa ni Simoun, walang hangad si Basilio kundi isang
munting tahanan, kaunting kaginhawahan, isang asawa, isang dakot na
bigas, mithiin rin ng marami sa Pilipinas, at kung iyan ay ibigay sa kanila,
ituturing nilang sila’y mapalad na.
Matapos sabihing di niya pinagbabawalan si Basilio sa
pagbubunyag ng kanyang lihim ay sinabing kung may kailangan si Basilio
ay magsadya lamang ito sa kanyang tanggapan sa Escolta.
Nagpasalamat naman si Basilio at iniwanan si Simoun na nag-iisip.
Di raw kaya niya napaniwala si Basilio sa paghihiganti o may balak din
itong maghiganti ngunit naglilihim lamang at nais sarilinin o sadyang wala
nang hangad na maghiganti?
Ngunit lalong nagliliyab sa loob ni Simoun ang matinding nasa na
makapaghiganti.

1. Bakit hindi binaril ni Simoun si Basilio gayong may pagkakataon siya?


2. Paano nakilala ni Basilio na si Simoun at si Ibarra ay iisa?

Matapos mong mabasa ang akda, alam kong handa ka nang


isagawa ang mga gawain na makatutulong sa iyo upang masagot ang
tanong na: Paano ka naapektuhan ng akdang iyong nabasa?

Lebel ng Iyong Pag-unawa


Kabanata 1
Sagutin ang mga gabay na tanong.
1. Gamit ang Venn Diagram, ibigay ang naging paghahambing ni Rizal
sa Bapor Tabo at sa pamahalaang umiiral noon.

A Pamahalaan noon C
Bapor Tabo
Pagkakatulad

16
2. Alin sa mga pangyayari ang makatotohanan at di-makatotohanan sa
mga panukalang ibinigay nina Simoun, Don Custodio at Donya
Victorina?
PANGYAYARI

MAKATOTOHANAN DI-MAKATOTOHANAN

Kabanata 2

1. Sino-sino ang mga lulan o mga pasahero ng Bapor Tabo? Batay sa


kalagayan ng lipunan?
2. Ipaliwanag ang pahayag na ito, “Ang tubig ay nakakapatay ng apoy.
Ang tubig ay maaaring makapuksa ng sangkatauhan o lumunod ng
mundo kapag naging dagat.”

Kabanata 3

1. Bakit biglang napunta ang usapan sa alamat sa ibabaw ng


kubyerta?
2. Ano ang representasyon ni Donya Geronima sa lipunan?

Kabanata 4

1. Ano ang ugali ng mga Kastilang pari ang makikita sa korporasyon?


2. Bakit mahirap ang maging kabesa de baranggay?

Kabanata 5

1. Ano ang alamat ng Hari ng Indiyo ayon sa kutsero?


2. Paano inilalarawan ang mga guwardiya sibil sa panahong ito?

17
Kabanata 6

1. Anong uri ng kolehiyo mayroon sa panahon ng pag-aaral ni Basilio?


2. Kailan napatunayan ni Basilio na karapat-dapat siyang estudyante
ng kolehiyo?

Kabanata 7

1. Ano ang pananaw ng mga estudyante tulad ni Basilio sa pagtatag ng


Akademya ng Wikang Kastila?
2. Ano ang pananaw ni Simoun taliwas sa pananaw ng mga kabataan?

Gawin Natin
Ang iyong dati nang kaalaman sa nobela, uri at elemento nito.
Makatutulong ang pagbasa nito upang lubos mong maunawaan ang
tungkol sa akda. Halina’t simulan.
Alam mo ba na...

ang El Filibusterismo ay napabilang sa nobela dahil may mahabang


makathang pampanitikan na naglalahad ng mga pangyayari na
pinaghahabi sa isang mahusay na pagbabalangkas na ang
pinakapangunahing sangkap ay ang pagkakalabas ng hangarin ng bayani
sa dako at ng hangarin ng katunggali sa kabila ng isang masining na
pagsasalaysay ng maraming pangyayaring magkasunod at
magkakaugnay. Ang mga pangyayaring ito ay may kanya-kanyang
tungkuling ginagampanan sa pagbuo ng isang matibay at kawili-wiling
balangkas na siyang pinakabuod ng nobela. Ito’y binubuo ng mga
kabanata.
Layunin ng nobela….
ay upang mapukaw ang rebolusyonaryong damdamin ng mga
Pilipino. Makikita ito sa tema ng rebolusyon na pinalano ng isang tauhan
ng akda na si Simoun. Ang El Filibusterismo ay itinuturing na kasunod ng
Noli Me Tangere, na siyang mas malumanay at nagpapakita ng pag-asa ng
reporma sa kung papaano pinamumunuan ng mga Kastila ang Pilipinas.
Ang galit ay nakakapag-udyok na magawa nang mabubuti o masasamang
gawain. Dapat marunong kang kontrolin ang sarili kapag ikaw ay nagagalit.
Tulad ni Simoun dahil sa galit nya sa Espanyol ay nagpaplano ito na
gumawa ng himagsikan. Ito ay nagtuturo sa atin tungkol sa
Diskriminasyon. Tayo ay dapat magtulungan ano man ang ating estado sa
buhay. Pagmamahal sa kapwa at sa bayan.

18
Punan ng angkop na sagot ang pahayag.

Hindi dapat maghari ang galit


dahil _______________________
______________________________________.

Sanayin Natin

A. Matamang basahin at unawaing mabuti ang mga kaisipang inihahatid


pangungusap. Bigyang kahulugan ang mga matalinghagang pahayag na
ginamit sa binasang nobela.
1. Biglang sumusulak ang dugo ni Placido nang talikuran ni Padre
Millon ang klase.
A. nabibighani C. natatakot
B. nagagalit D. natutuwa

2. Basang-sisiw na tiningnan ni Huli ang kanyang lolo Selo para


mamasukan kay Hermana Penchang.
A. Kaawa-awa C. Kasindak-sindak
B. kalungkot-lungkot D. kasiya-siya

3. Nakasasama sa tao ang hawakan sa ilong at hindi gumagamit ng


talas na pag-iisip.
A. sumalungat C. suwail
B. sunud-sunuran D. sumuway

4. Butas ang bulsa ni Kabesang Tales nang paalisin siya sa lupang


sinaka.
A. Nakahiga sa salapi C. Maraming pera
B. Nahulog ng barya D. Walang pera

19
5. Ang asawa at anak ni Kabesang Tales ay binawian ng buhay dahil
sa paghawan ng lupang sinasaka.
A. nabuhay C. nagugulat
B. nagkasakit D. namatay
B. Tukuyin ang tauhan sa akda sa pamamagitan ng pagtunton sa mga
pangyayari, tunggaliang naganap, pagtiyak sa tagpuan at wakas.
1. “Ang tubig ay matabang at maiinom ngunit lumulunod sa alak at
serbesa at pumapatay ng apoy na kapag pinainit ay sumusulak at
nagiging malawak na dagat at gumugunaw ng santinakpan.”
A. Basilio C. Macaraig
B. Isagani D. Simoun

2. “Binungkal ko’t tinamnam ang lupang ito. Di ko maibibigay ito,


kundi sa sinumang didilig muna ng dugo ng kanyang asawa at
anak.”
A. Basilio C. Prayle
B. Kabesang Tales D. Tata Selo

3. “Kapitan, alam ba ninyo kung saang dako ng lawa napatay ang isang
nagngangalang Guevarra, Navarra, o Ibarra?”
A. Basilio C. Placido
B. Ben Zayb D. Simoun

4. “Magbabayad ako ng abogado. Kung mananalo ako sa usapin ay


mapauwi ko siya, ngunit kung hindi ay kalilimutan kong ako’y may
isa pang anak.”
A. Basilio C. Macaraig
B. Kabesang Tales D. Placido Penitente
5. “Tulungan ninyo kaming maging malaya sa pag-aaral at huwag
hadlangan ang karunungan.”
A. Basilio C. Placido
B. Isagani D. Simoun

Tandaan Natin
Kaisipan Ko, Mabubuo Mo
Punan ng angkop na kaisipan ang patlang upang mabuo ang
sariling kaaalaman tungkol sa kaalamang natamo mula sa mga araling
nabasa sa unahan.

1. Napagtanto ko na ang mga panukala sa pagtutuwid ng


Ilog Pasig ay
_________________________________________________________
________________________________________________________ .
2. .

20
2. Masasalamin sa mga tauhang na sakay ng Bapor Tabo na
________________________________________________________________________
__________________________________________________________.

3. Naunawaan ko na ang kahalagahan ng pagsulat ng El Filibusterismo ay

_________________________________________________________________________________.

Suriin Natin
A. Punan ng wastong sagot ang patlang upang mabuo ang diwa ng
pahayag. Sipiin/kunin ang sagot sa loob ng kahon. Isulat lamang ang
letra ng tamang sagot.

A. Mulatong Amerikano C. daong E.Simoun


B. Macaraig D. Basilio

1. Bukod sa pangalang Bapor Tabo ito ay tinatawag ding ___________


ng pamahalaan.
2. Si Simoun ay tinatawag na _________________ .
3. Ang panukalang Yankee ay tumutukoy sa isang mayamang mag-
aalahas na si _______________.
4. _______________, ang may-ari ng bahay na gagawing na gagawing
paaralan.
5. Si ____________ ay inutusan ni Kapitan Tiyago sa bayan ng San
Diego.
B. Basahin at unawaing mabuti at tukuyin kung kanino galing ang
pahayag na ginagamit sa pangungusap.
1. “Kapag ito ay isinagawa, pagmumulan ito ng pag-aalsa ng mga tao.”
A. Ben Zayb C. Donya Victorina
B. Don Custodio D. Simoun
2. “Kaya tamad ang mga Pilipino ay dahil palainom ng tubig at hindi ng
serbesa.”
A. Basilio C. Padre Camorra
B. Isagani D. Padre Irene
3. “Ang tubig ay lumulunod sa alak at sa serbesa na pumapatay ng
apoy; na kapag pinainit ay sumusulak; nagiging malawak na
karagatan at gumugunaw ng santinakpan.”
A. Basilio C. Padre Camorra
B. Isagani D. Padre Irene
4. “Kung wala raw ang alamat ay walang kuwenta sa kanya ang

21
alinmang pook.”
A. Ben Zayb C. Donya Victorina
B. Don Custodio D. Simoun
5. “May labintatlong taon nap o ngayon, ginoo, na kayo’y naghahandog
sa akin ng isang pagdamay sa dakila.”
A. Basilio C. Padre Sibyla
B. Ben Zayb D. Simoun

Payabungin Natin

“Manood Ako…Sisiyasatin ko”


Palawakin mo ang iyong kaalaman sa pamamagitan ng panonood ng
video clip sa panyayaring naganap noon sa pagkasulat ng nobelang El
Filibusterismo at iugnay sa kasalukuyang pangyayari. Sumulat ng isang
talata na binubuo ng tatlong pangungusap tungkol sa damdaming
nakapaloob sa pinanood at alinmang social media. Sikaping gumamit ng
mga salita o pahayag na naglalahad ng opinyon. Isulat sa isang buong
papel.

RUBRIK PARA SA PAGWAWASTO

Pamantayan 5 3 2
Nilalaman Napakaayos at Nagpahayag ng 1 Hindi mainam
napakalinaw ang hanggang 2 ang kaisipang
kaisipang kaisipan ang ipinahayag
naipahayag. May nabanggit sa tungkol sa
3 at higit pang nilalaman. nilalaman.
kaisipan ang
nabanggit tungkol
sa nilalaman.

Pagkamalikhain Naging malikhain Di-gaanong Walang


/Pagkamasining at malinaw ang naiakma sa kaugnayan ang
salitang ginamit. katotohanan mga ginamit na
kaisipan
Kabuuan 10

22
Pagnilayan Natin

“Opinyon Mo, Sagot Ko”

1. Kung ikaw ay isa sa mga sakay ng Bapor Tabo, anong panukala ang
maaari mong ibigay?

2. Bilang Pilipino, paano ka naapektuhan ng pagmamahal at


pagtatanggol ni Basilio at mga kasamahang nagnanais na
magkakaroon ng Akademya ng Wikang Kastila?

3. Kung makita mo si Basilio na nagtutungo sa kagubatang iyon. Ano


ang iyong gagawin at bakit ?

Masayang pagbati para sa matagumpay na paggawa ng


araling ito. Kung may mga bahagi ng aralin na hindi mo masyadong
naunawaan, maaari mo itong balikan o magtanong ka sa iyong
magulang o kaya ay sumangguni sa iyong guro upang ikaw ay
matulungan. Nawa’y patuloy kang magpunyagi habang tatahakin
mo naman ang landas patungo sa susunod na aralin.

23
24
Payabungin Natin Suriin Natin (B) Suriin Natin (A)
Nasa guro ang 1. B 6. C
pagpapasya 2. C 7. A
3. B 8. E
Pagnilayan Natin
4. D 9. B
Nasa guro ang
5. A 10. D
pagpapasya
Tandaan Natin Sanayin Natin (B) Sanayin Natin (A)
1. A 1. B
Nasa guro ang 2. B 2. A
pagpapasya 3. B 3. B
4. B 4. D
5. B 5. D
Lebel ng Pag-nawa Paghawan ng Sagabal Paghawan ng Sagabal
Kabanata I- VII Kabanata VII Kabanata VI
1. mapang-api 1. nasundan
Nasa guro ang 2. durog-durog 2. pagdadalamhati
pagpapasya 3. natuklasan 3. masikap
4. paggalang 4. dalubhasa
5. sinulsulan 5. naghanap
Paghawan ng Sagabal Paghawan ng Sagabal Paghawan ng Sagabal
Kabanata V Kabanata IV Kabanata III
1. B 1. A C1.
2. C 2. D E2.
3. C 3. D D3.
4. C 4. B B4.
5. B 5. B A5.
Paghawan ng Sagabal Paghawan ng Sagabal Anticipation Guide
Kabanata II Kabanata I 1. / 6. /
1. pabulyaw-pasigaw 1.kubyerta 2. X 7. /
2. henyo-pantas 2.panukala 3. X 8. /
3.putik 4. / 9. /
3. wasakin-lansagin
5. / 10. /
4. mungkahi-panukala 4.lumalaban
5. humahati-tumatapyas 5.nasusuklam
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Ang Pinaikling Bersiyon El Filibusterismo ni Jose Rizal, 2009


Filipino K to 12 Gabay Pangkurikulum sa Filipino. Department
of Education, 2016

K to 12 Most Essential Learning Competencies for Filipino Grade


10. Department of Education Curriculum and Instruction
Strand, 2020

El Fibusterismo
Dinisenyo batay sa kurikulum ng K – 12 ni Roselyn T. Salum et
al

25
Para sa katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Kagawaran ng Edukasyon – Sangay ng Lungsod ng Tagum

Tanggapan - Energy Park Apokon, Tagum City, 8100

Telefax: (084) 216-3504

Sulatroniko: tagum.city@deped.gov.ph

26

You might also like