Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 21

9

Araling Panlipunan
Ika-apat na Markahan – Ikatlong Linggo:
Sektor ng Agrikultura
Araling Panlipunan – Ikasiyam na Baitang
Alternative Delivery Mode
Ika-apat na Markahan – Ikatlong Linggo: Sektor ng Agrikultura
Unang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung itoay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ayang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto
o brandname, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit
sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales.
Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring
iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot
mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang ano mang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o
ilimbag sa anomang paraan walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon – Kagawaran ng Pangasinan 1


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat : Clarisse Joy P. Dela Cruz
Tagalapat : Lawrence A. Ocampo
Tagapamahala
Tagamasid Pampurok : Ellen L. Fernandez, EdD
Punongguro : Ellen L. Fernandez, EdD
Pandistritong Koponan ng kasiguruhan sa kalidad
Tagapangulo, Public Schools District Supervisor: Ellen L. Fernandez, EdD
Pangalawang Tagapangulo : Harry Lloyd D. Ferrer, EdD
Mga Kasama
LRMDS Division Trainer : Tracy Lee L. Dugay
District ICT Coordinator : Aiza D. Hermogeno
Pansangay na Tagapamanihala, OIC : Ely S. Ubaldo, CESO VI
Pangalawang Tagapamanihala : Marciano U. Soriano, Jr.,
EdD
Punong Tagamasid Pansangay, CID : Carmina C. Gutierrez, EdD
Tagamasid Pansangay, LRMDS : Michael E. Rame, EdD
Tagamasid Pansangay, Araling Panlipunan : Rustico P. Abalos Jr., EdD

Inilimbag sa Pilipinas ng Schools Division Office 1 Pangasinan


Department of Education – SDO Pangasinan 1
Office Address: Alvear St., East Capitol Ground, Lingayen, Pangasinan
Telefax: (075) 522-2202
E-mail Address: pangasinan1@deped.gov.ph
9
Araling Panlipunan

Ika-apat na Markahan – Ikatlong Linggo:


Sektor ng Agrikultura
Talaan ng Nilalaman

Mga Pahina
Paunang Salita ……………………………….…………………………. i

Alamin ……………………………………………………………………. ii

Pamantayang Pangnilalaman ………………………………………. iii

Pamantayang Pagganap ………………………………………….….. iii

Alamin …………………………………………………………………… p.1

Subukin …………………………………………………………………. p.1

Balikan ………………………………………………………………….. p. 3

Tuklasin …………………………………………………………………. p.4

Suriin ……………………………………………………………………. p. 5

Buod………………………………………………………………………. p. 7

Pagyamanin ……………………………………………………………. p. 8

Isaisip ……………………………………………………………………. p.9

Isagawa …………………………………………………………………… p.10

Tayahin ………………………………………………………………….. p.10

Karagdagang Gawain …………………………………………………. p.12

Susi ng Pagwawasto ……………………………… ………………….. p. 13

Sanggunian ……………………………….…………………………….. p.14


Paunang Salita

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 9 ng Modyul


para sa araling Sektor ng Agrikultura.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa pampublikong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa


mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan,
bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang
mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 9 modyul ukol sa Sektor ng


Agrikultura.

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin.


Sa pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.
Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng salid-
aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto. Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong
maunawaan.

i
Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang


kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung nakuha mo ang
lahat ng tamang sagot (100%), maaari mong laktawan ang
bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang matulungan


ang maiugnay ang kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa iyo sa


maraming paraan tulad ng isang kuwento, awitin, tula,
pambukas na suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay sa


aralin. Layunin nitong matulungan kang maunawaan ang
bagong konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang pagsasanay


upang mapagtibay ang iyong pang-unawa at mga
kasanayan sa paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa pagwawasto sa huling
bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang patlang


ng pangungusap o talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng mga gawaing makatutulong sa iyo


upang maisalin ang bagong kaalaman o kasanayan sa
tunay na sitwasyon o realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawaing naglalayong matasa o masukat ang antas


ng pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang kompetensiya.

Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong panibagong


Gawain gawain upang pagyamanin ang iyong kaalaman o
kasanayan sa natutuhang aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat


ng mga gawain sa modyul.

ii
Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:
Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa paglikha o paglinang
ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na
papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul
na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o
tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa
nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na
mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa
sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

Pamantayang Pangnilalaman

Ang mag-aaral ay may pag-unawa sa mga sektor ng ekonomiya at


mga patakarang pang-ekonomiya nito sa harap ng mga hamon at pwersa
tungo sa pambansang pagsulong at pag-unlad.

Pamantayan sa Pagganap
Ang mag-aaral ay aktibong nakikibahagi sa maayos na
pagpapatupad at pagpapabuti ng mga sektor ng ekonomiya at mga
patakarang pang-ekonomiya nito tungo sa pambansang pagsulong at pag-
unlad.

iii
Pinakamahalagang Kasanayan sa Pampagkatuto:
Nasusuri ang bahaging ginagampanan ng agrikultura, pangingisda at
paggugubat sa ekonomiya.

Mula sa araling ito, ikaw ay inaasahang makalinang ng mga sumusunod


na kasanayan:

1. Nabibigyang kahulugan ang agrikultura;


2. Natutukoy ang mga gawain sa sektor ng agrikultura at mga
kontribusyong ng sektor ng agrikultura sa ekonomiya ng bansa;
3. Naipaliliwanag ang kahalagahan ng sektor ng agrikultura.

Alamin

Sa nagdaang-aralin ay napalalim mo ang iyong kaalaman tungkol sa


Konsepto ng Palatandaan ng Pambansang Kaunlaran.

Subukin

I. Panuto: Basahing mabuti ang bawat aytem. Piliin ang


pinakatamang sagot at isulat sa isang sagutang papel.

1. Ano ang sektor na tumutugon sa pangunahing pangangailangan ng


tao at mga hilaw na sangkap na kailangan sa produksiyon?
A. Agrikultura
B. Impormal na Sektor
C. Industriya
D. Paglilingkod

2. Sinasabing malaking bahagdan ng mga Pilipino lalong-lalo na sa mga


probinsiya ang nakaasa sa agrikultura upang mabuhay. Alin sa
sumusunod ang hindi nabibilang sa sektor ng agrikultura?
A. Pagmamanupaktura C. Paggugubat
B. Pangingisda D. Paghahayupan

1
3. Bakit mahalaga ang sektor ng agrikultura sa pag-unlad ng bansa?
a. Sapagkat ang sektor ng agrikultura ang nagpapasok ng dolyar sa
bansa.
b. Sapagkat ito ang nagbibigay ng hanapbuhay sa maraming Pilipino.
c. Sapagkat lahat ng sektor ay umaasa sa agrikultura upang
matugunan ang pangangailangan sa pagkain at mga hilaw na
sangkap na kailangan sa produksiyon.
d. Lahat ng nabanggit

4. Ito ang may pinakamalaking naitala sa kabuuang produksiyon ng


pangisdaan na umabot sa Php92,289.9 bilyon noong 2012.
a. Komersyal na Pangingisda c. Aquaculture
b. Munisipal na Pangingisda d. Espesyal na Pangingisda

5. Ayon sa National Statistics Office (NSO) para sa taong 2012, ilang


porsiyento ng mga Pilipinong may trabaho ang nabibilang sa sektor ng
agrikultura?
a. 25% c. 50%
b. 32% d. 75%

II. TAMA O MALI.


Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Isulat ang tama kung
ang isinasaad sa bawat bilang ay tama at isulat ang mali kung ang
isinasaad ay mali.
__________1. Ang sektor ng agrikultura ang siyang pangunahing pinagkukunan
ng pagkain.
__________2. Ang bansang Pilipinas ay tinaguriang bansang agrikultural
sapagkat malaking bahagi nito ang ginagamit sa mga gawaing pang-
agrikultura.
__________3. Ang Pilipinas ay pinagkalooban ng mahigit 8, 100 isla sa buong
parte ng bansa.
__________4. Ang munisipal na uri ng pangingisda ay nagaganap sa loob ng 30
kilometro sakop ng munisipyo at gumagamit ng bangka na may kapasidad na
tatlong tonelada o mas mababa pa na hindi nangangailangan na gumamit ng
mga fishing vessel.
__________5. Sa sektor ng agrikultura nagmumula ang mga hilaw na material
na sitang ginagamit upang makabuo ang industriya ng isang bagong produkto.

2
Balikan

Upang masukat kung gaano mo naunawaan ang nagdaang aralin.


Narito ang gawain na susubok sa iyong natutunan.

GAWAIN 1: GRAPHIC ORGANIZER


Panuto: Sa sagutang papel, itala ang mga salik na maaaring makatulong sa
pagsulong ng ekonomiya ng bansa. Ipaliwanag sa ibaba kung paano
makatutulong ang mga naitalang sagot sa pagsulong ng ekonomiya ng
Pilipinas.

Mga Salik
sa
Pagsulong
ng
Ekonomiya

Paliwanag:
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________.

3
Tuklasin

GAWAIN 2: KANTANG BAYAN – ALAM KO!


Panuto: Mag-isip ng limang bagay o anoman na pumapasok sa isip mo kapag
binabasa, naririnig, inaawit ang “Magtanim ay ‘Di Biro’?

Halina, halina, mga kaliyag, Magtanim ay di biro Kay-pagkasawing-palad


Tayo’y magsipag-unat-unat. Maghapong nakayuko Ng inianak sa hirap,
Magpanibago tayo ng lakas Di naman makatayo Ang bisig kung di iunat,
Para sa araw ng bukas Di naman makaupo Di kumita ng pilak.
5
(Braso ko’y namamanhid Bisig ko’y namamanhid Sa umagang pagkagising
Baywang ko’y Baywang ko’y Lahat ay iisipin
nangangawit. nangangawit. Kung saan may patanim
Binti ko’y namimintig Binti ko’y namimintig May masarap na pagkain.
Sa pagkababad sa tubig.) Sa pagkababad sa tubig.

Pinagkunan: Retrieved from http://tagaloglang.com/Filipino-Music/Tgalog-Folk-Songs/magtanim-ay-di-biro.html on January 13,


2015

Pamprosesong Tanong:
1. Bakit ang limang bagay na ito ang naisip mo kaugnay ng awiting “Magtanim ay
Di Biro”?

2. Ano ang nabubuo o pumapasok sa isipan mo habang inaawit ang “Magtanim ay


Di Biro”?

3. Anong sektor ng ekonomiya nabibilang ang tema ng awitin? Ipaliwanag.

4
Suriin

ANG SEKTOR NG AGRIKULTURA

Ang agrikultura ay isang agham, sining at gawain ng pagproprodyus ng


pagkain at hilaw na mga produkto, pagtanim at pag-aalaga ng hayop na
tumutugon sa pangangailangan ng tao.
Humigit kumulang na 7,100 isla ang bumubuo sa Pilipinas. Dahil sa lawak
at dami ng mga lupain, napabilang ang Pilipinas sa mga bansang agrikultural
dahil sa malaking bahagi nito ang ginagamit sa mga gawaing pang-agrikultura.

Malaking bahagi ng ekonomiya ay nakadepene sa sektor ng agrikultura.


Sinasabing ito ang nagtataguyod sa malaking bahagdan ng ekonomiya dahil ang
lahat ng sektor ay umaasa sa agrikultura upang matugunan ang pangangailangan
sa pagkain at mga hilaw na sangkap na kailangan sa produksiyon.

Sub-sektor ng Agrikultura
Nahahati ang sektor ng agrikultura sa mga sumusunod:

 PAGHAHALAMAN. Maraming mga pangunahing pananim ang bansa tulad


ng palay, mais,niyog, tubo, saging, pinya, kape, mangga, tabako, at abaka.
Ang mga pananim na ito ay karaniwang kinokonsumo sa loob at labas ng
bansa. Ayon sa National Statistical Coordination Board (NSCB), tinatayang
umabot ang kabuuang kita ng sekondaryang sektor na ito sa Php 797.731
bilyon noong 2012. Ito ay nagmula sa mga produktong palay, nmais, at iba
pang pangunahing pananim ng Pilipinas. Kasama rin dito ang produksiyon
ng gulay, halamang-gubat, at halamang mayaman sa hibla (fiber). Gayundin
ang mani, kamoteng kahoy, kamote, bawang, sibuyas, kamatis, repolyo,
talong, at kalamansi.

 PAGHAHAYUPAN. Ang paghahayupan naman ay binubuo ng pag-


aalaga ng kalabaw, baka, kambing, baboy, manok, pato at iba pa. Ang
paghahayupan ay nakatutulong sa pag-supply ng ating mga
pangangailangan sa karne at iba pang pagkain. Ang paghahayupan ay
gawaing pangkabuhayang kinabibilangan ng ating mga tagapag-alaga ng
hayop. Mayroon ding mga pribadong korporasyon na nasa ganitong
hanapbuhay.

 PANGINGISDA. Itinuturing ang Pilipinas bilang isa sa mga pinakamalaking


tagatustos ng isda sa buong mundo. Isa sa pinakamalalaking daungan ng
mga huling isda ay matatagpuan sa ating bansa. Samantala, ang
pangingisda ay nauuri sa tatlo - komersiyal, munisipal at aquaculture. Ang
komersyal na pangingisda ay tumutukoy sa uri ng pangingisdang
gumagamit ng mga bangka na may kapasidad na hihigit sa tatlong tonelada
para sa mga gawaing pangkalakalan o pagnenegosyo. Sakop ng operasyon
ay 15 kilometro sa labas ng nasasakupan ng pamahalaang bayan.
5
Ang munisipal na pangingisda ay nagaganap sa loob ng 15 kilometro sakop
ng munisipyo at gumagamit ng bangka na may kapasidad na tatlong
tonelada o mas mababa pa na hindi nangangailangan na gumamit ng mga
fishing vessel. Ang pangisdang aquaculture naman ay tumutukoy sa pag-
aalaga at paglinang ng mga isda at iba pang uri nito mula sa iba’t ibang uri
ng tubig pangisdaan - fresh (tabang), brackish (maalat-alat) at marine
(maalat) (BOI, 2011). Sa mga ito, ang aquaculture ang pinakamalaki ang
naitala sa kabuuang produksiyon ng pangisdaan na umabot sa Php92,289.9
bilyon noong 2012. Kasunod nito ang pangisdaang munisipal na may
Php79,527.4 bilyon at komersyal na may Php65,894.2 bilyon. Bahagi din ng
gawaing pangingisda ay ang panghuhuli ng hipon, sugpo, at pag-aalaga ng
mga damong dagat na ginagamit sa paggawa ng gulaman.
 PAGGUGUBAT. Ang paggugubat ay isang pangunahing pang-ekonomikong
gawain sa sektor ng agrikultura. Patuloy na nililinang ang ating mga
kagubatan bagamat tayo ay nahaharap sa suliranin ng pagkaubos ng mga
yaman nito. Mahalaga itong pinagkukunan ng plywood, tabla, troso, at
veneer. Bukod sa mga nabanggit na produkto, pinagkakakitaan din ang
rattan, nipa, anahaw, kawayan, pulot-pukyutan at dagta ng almaciga.

Kahalagahan ng Agrikultura
Ang pag-unlad ng isang bansa ay nakabatay sa laki at taas ng kita ng mga
sektor ng ekonomiya. Mahalagang mapagtuunan ng pansin ng pamahalaan ang
lahat ng sektor, partikular ang agrikultura sapagkat dito nagmumula ang mga
pagkain na tumutugon sa pangangailangan ng mamamayan.

Dahil dito, ang agrikulura ay nararapat na bigyang-pansin upang mapalakas at


maging katuwang ng pamahalaan sa pagkakamit ng kaunlaran ayon sa
sumusunod na kahalagahan:
1. Ang agrikultura ay pangunahing pinagmumulan ng pagkain. Ang lupain ng
Pilipinas ay akma na tamnan ng mga produktong tulad ng palay, mais, tubo,
patatas, at iba pa. Mayroon ding inaaning mga prutas tulad ng mangga, pinya,
kopra, at saging. Mainam din ang temperatura dito bilang lokasyon sa pag aalaga
ng mga hayop na ginagamit sa mga pang-araw-araw na pangangailangan ng mga
tao. Mayroon ding sapat na mapagkukunan ng mga pagkaing mula sa katubigan.
Ang agrikultura ay isang napakahalagang sektor sa bansa dahil ito ang
pinagmumulan ng mga pagkain ng mamamayan.

2. Pinagkukunan ng materyal para makabuo ng bagong produkto. Nagmumula


sa sektor na ito ang mga hilaw na materyal mula sa kagubatan, kabukiran, at
karagatan na maaaring gamitin sa produksiyon. Halimbawa, ang puno na
pinagmumulan ng goma ay gamit para sa paggawa ng gulong; bulak at halamang
mayaman sa hibla para sa tela at sinulid; kahoy para sa mga muwebles; at dahon
at ugat para sa pagkain, kemikal, o gamot.

3. Pinagkukunan ng kitang panlabas. Isang mahalagang pinagkukunan ng dolyar


ng Pilipinas ay mula sa mga produktong agrikultural na naibebenta sa
pandaigdigang pamilihan. Kabilang sa mga iniluluwas ng bansa na pinagmumulan
ng kitang dolyar ang kopra, hipon, prutas, abaka, at iba pang mga hilaw na
sangkap na ginagamit sa pagbuo ng iba’t ibang produkto.

6
4. Pangunahing nagbibigay ng trabaho sa mga Pilipino. Ayon sa National
Statistics Office (NSO) para sa taong 2012, 32% ng mga Pilipinong may trabaho ay
nabibilang sa sektor ng agrikultura. Karaniwan silang nagtatrabaho bilang mga
magsasaka, mangingisda, minero, o tagapag-alaga sa paghahayupan.

5. Pinagkukunan ng sobrang manggagawa mula sa sektor agrikultural patungo


sa sektor ng industriya at paglilingkod. Sa patuloy na pag-unlad ng teknolohiya
na ginagamit sa agrikultura at ang patuloy na pagliit ng lupa para sa pagtatanim
dahil sa paglaki ng populasyon, ang mga sobrang manggagawa ay
pinakikinabangan ng sektor industriya at paglilingkod batay sa laki ng demand sa
mga ito.

Buod

Sa pangkalahatan, ipinakikita nito na ang sektor ng agrikultura ay isang


mahalagang tagapagtaguyod ng ekonomiya ng bansa. Katuwang ito ng pamahalaan
sa pagpapalakas at pagtugon sa mga pangunahing pangangailangan ng
mamamayan mula sa mga pagkain hanggang sa mga sangkap ng produksiyon. Ang
kasiguraduhang sapat ang kalakasang pisikal at kasaganaan sa bawat tahanan ay
maaaring may positibong epekto sa isang bansa. Samantala, kung hihigit sa
pangangailangan ng bayan ang magagawa, maaari itong maging mga produkto na
ikakalakal sa labas ng bansa. Sa gayon, ang sektor ay magiging isang matibay na
sandigan ng bayan upang makamit ang inaasam nitong kaunlaran.

7
Pagyamanin

Gawain 3: MATCH AND ORDER


Panuto: Ayusin ang mga ginulong letra sa Hanay B upang mabuo ang
terminong hinihingi sa Hanay A. Isulat ang sa letra at ang terminong nabuo sa
sagutang papel.
Hanay A Hanay B

_______________1. Ito ay isang agham, a. BPAUTGAUGG


sining at gawain ng pagproprodyus ng
pagkain at hilaw na mga produkto,
pagtanim at pag-aalaga ng hayop na
tumutugon sa pangangailangan ng tao.

_______________2. Ito ang tawag sa mga b.DAANGIGSNP QLTURUECUAA


kasangkapan na nagmula sa sektor ng
agrikultura na ginagamit sa paggawa o
pagbuo ng isang produkto.

_______________3. Ito ay isang pangunahing c. IALHW AN AANGSKP


pang-ekonomikong gawain sa sektor ng
agrikultura.

_______________4. Ito tumutukoy sa uri ng d. GUAAKIRTULR


pangingisdang gumagamit ng mga bangka
na may kapasidad na hihigit sa tatlong
tonelada para sa mga gawaing
pangkalakalan o pagnenegosyo.

_______________5. Ito ay tumutukoy sa pag- e. RMEASOYKL


aalaga at paglinang ng mga isda at iba pang
uri nito mula sa iba’t ibang uri ng tubig
pangisdaan.

8
Isaisip

Gawain 4: BUUIN MO AKO


Panuto: Bigyan ng katumbas na salita ang bawat letra sa salitang
AGRIKULTURA gamit ang mga konsepto at kahalagahan nito na natalakay sa
aralin.
A-

G-

R-

I-

K-

U-

L-

T-

U-

R-

A-

Pamprosesong Tanong:

1. Ipaliwanag ang nabuong konsepto.


2. Ipaliwanag ang papel na ginagampanan ng agrikultura sa pagkamit ng
pambansang kaunlaran.

9
Isagawa

Gawain 5: KILALA KO ANG SEKTOR NA ITO!

Panuto: Balikan ang mga konseptong natalakay sa aralin. Kumuha ng


dalawang bagay sa loob ng tahanan na sa iyong palagay ay maglalarawan o
nagmula sa sektor ng agrikultura. Talakayin ang mga bagay na napili at ang
kaugnayan nito sa sektor.
Mga bagay na napili Kaugnayan nito sa sektor ng agrikultura

Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang naging batayan mo sa napiling bagay.

2.Para sa iyo, ano ang kahalagahan ng sektor ng agrikultura, pangingisda at


paggugubat sa buong bansa upang matugunan ang pangangailangan ang bawat
isa? Patunayan.

Tayahin

I. Panuto: Basahing mabuti ang bawat aytem. Piliin ang pinakatamang


sagot at isulat sa isang sagutang papel.

1. Ito ang may pinakamalaking naitala sa kabuuang produksiyon ng


pangisdaan na umabot sa Php92,289.9 bilyon noong 2012.
a. Komersyal na Pangingisda c. Aquaculture
b. Munisipal na Pangingisda d. Espesyal na Pangingisda

2. Sinasabing malaking bahagdan ng mga Pilipino lalong-lalo na sa mga


probinsiya ang nakaasa sa agrikultura upang mabuhay. Alin sa
sumusunod ang hindi nabibilang sa sektor ng agrikultura?
A. Pagmamanupaktura C. Paggugubat
B. Pangingisda D. Paghahayupan

10
3. Bakit mahalaga ang sektor ng agrikultura sa pag-unlad ng bansa?
a. Sapagkat ang sektor ng agrikultura ang nagpapasok ng dolyar sa
bansa.
b. Sapagkat ito ang nagbibigay ng hanapbuhay sa maraming Pilipino.
c. Sapagkat lahat ng sektor ay umaasa sa agrikultura upang
matugunan ang pangangailangan sa pagkain at mga hilaw na
sangkap na kailangan sa produksiyon.
d. Lahat ng nabanggit

4. Ayon sa National Statistics Office (NSO) para sa taong 2012, ilang


porsiyento ng mga Pilipinong may trabaho ang nabibilang sa sektor ng
agrikultura?
a. 25% c. 50%
b. 32% d. 75%

5. Ano ang sektor na tumutugon sa pangunahing pangangailangan ng


tao at mga hilaw na sangkap na kailangan sa produksiyon?
a. Agrikultura c. Industriya
b. Impormal na Sektor d. Paglilingkod

II. TAMA O MALI.


Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Isulat ang tama kung
ang isinasaad sa bawat bilang ay tama at isulat ang mali kung ang
isinasaad ay mali.

__________1. Ang Pilipinas ay pinagkalooban ng mahigit 8, 100 isla sa buong


parte ng bansa.
__________2. Ang munisipal na uri ng pangingisda ay nagaganap sa loob ng 30
kilometro sakop ng munisipyo at gumagamit ng bangka na may kapasidad na
tatlong tonelada o mas mababa pa na hindi nangangailangan na gumamit ng
mga fishing vessel.
__________3. Ang sektor ng agrikultura ang siyang pangunahing pinagkukunan
ng pagkain.
__________4. Sa sektor ng agrikultura nagmumula ang mga hilaw na material
na sitang ginagamit upang makabuo ang industriya ng isang bagong produkto.
__________5. Ang bansang Pilipinas ay tinaguriang bansang agrikultural
sapagkat malaking bahagi nito ang ginagamit sa mga gawaing pang-
agrikultura.

11
Karagdagang Gawain

Paggawa ng Poster Slogan

Panuto: Gamit ang short o long coupon bond, gumawa ng isang poster slogan
na nagpapakita ng papel na ginagampanan ng sektor ng agrikultura,
pangingisa at paggugubat sa pag-unlad ng ekonomiya ng bansa. Mayroong
nakahandang gabay na rubriks upang maging gabay sa paggawa.

RUBRIK SA PAGMAMARKA NG POSTER SLOGAN

Pamantayan Lubos na Mahusa-husay (3) Hindi gaanong mahusay Kailangan pa


mahusay (4) (2) ng ibayong
pagsasanay
(1)
Makatotohanan Makatotohanan Hindi gaanong May mga bahagi na hindi Hindi
ang pahayag Makatotohana n makatotohanan sa kapanipaniwala
ang pahayag pahayag ang pahayag
Makabuluhan Makabuluhan Makabuluhan ang Hindi gaanong Hindi
ang mensahe karamihan sa makabuluhan ang makabuluhan
mensahe mensahe ang mensahe
Malinaw Lubhang Malinaw at Hindi gaanong Malinaw at Malabo at hindi
malinaw at nauunawaan ang nauunawaan ang nauunawaan
nauunawaan paglalahad ng paglalahad ng gawain ang paglalahad
ang paglalahad gawain ng gawain
ng gawain
Wasto ang datos Wasto ang mga May ilang mali sa Malabo ang mga ibinigay Mali ang
datos mga datos na mga ginawang datos
datos
Malikhain Malikhain at May pagkamalikhai May kakulangan sa Malaki ang
masining ang n at masining ang pagiging malikhain at kakulangan sa
paglalahad paglalahad masining ang paglalahad pagiging
malikhain at
masining ang
paglalahad

12
Susi sa Pagwawasto

Isagawa
Tuklasin Balikan
Iba’t iba ang inaasahang
sagot mula sa mga mag- Iba’t iba ang inaasahang Iba’t iba ang inaasahang
aaral. sagot mula sa mga mag- sagot mula sa mga mag-
aaral. aaral.

Panghuling Pagsusulit Panimulang Pagsusulit


I I.

1. C 1. A
Pagyamanin 2. A 2. A
3. D 3. D
1. D. Agrikultura 4. B 4. C
2. C. Hilaw na Sangkap 5. A 5. B
3. A. Paggugubat II. II.
4. E. Komersyal 1. MALI 1. TAMA
5. B. Pangisdang 2. MALI 2. TAMA
Aquaculture 3. TAMA 3. MALI
4. TAMA 4. MALI
5. TAMA 5. TAMA

13
Sanggunian
A. Mga Aklat

 Imperial, Consuelo M., et al., Workteks sa Araling Panlipunan Kayamanan


(Ekonomiks), Binagong Edisyon, Nicanor Reyes, Sr., St. Sampaloc, Manila:
REX Book Store, Inc., 2018

 Kagawaran ng Edukasyon, Republika ng Pilipinas. Ekonomiks, Araling


Panlipunan Modyul para sa Mag-aaral, Unang Edisyon, Pasig City: Vibal
Group, Inc.,2015

B. Iba pang Sanggunian

 http://tagaloglang.com/Filipino-Music/Tgalog-Folk-Songs/magtanim-ay-di-
biro.html on January 13, 2015
 https://www.scribd.com/presentation/447602021/ARALIN-2-SEKTOR-NG-
AGRIKULTURA
 https://www.slideshare.net/joanandres104/ibat-ibang-sektor-ng-
agrikultura
 Department of Education, Division of Pangasinan II, Canarvacanan,
Binalonan, Pangasinan, 2430. Email : http://depedpang2.ph, First Edition
2020

14

You might also like