4TH Summative Test in ESP 10

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

ST.

MARK COLLEGE
Sta. Barbara, Baliuag, Bulacan
Tel. 308 – 9069

4 th Summative Test
ESP 10
Iskor
Pangalan: ______________________________ Petsa: ________________
Baitang at Pangkat:_______________________ Guro:Mrs.Lilibeth H. Dionisio
I-Panuto:Basahin at unawain ang bawat tanong.Isulat ang tamang sagot sa
patlang.
_______________1. Sa pamamagitan nito ay naisasakatuparan ng tao ang kaniyang
layunin.Ito din ang pinakadakilang kaloob ng Diyos sa tao.
_______________2. Ito ay naging normal na lamang at naging basehan ng mga
kabataan sa pagiging cool,o matanggap ng mga barkada.
_______________3. Humihina ang resistensiya ng katawan ng taong labis na
gumagamit nito.
_______________4. Kinikilala nito ang likas na karapatan at dignidad ng tao na
mabuhay mula sa konsepto hanggang kamatayan
_______________5. Ito ay tumutukoy sa pagpapasya at pagpili batay sa sariling
paniniwala,kagustuhan at iniisip na tama.
_______________6. Ito ay galing sa salitang Griyego na ang ibig sabihin ay mabuting
kamatayan.
_______________7. Ito ay pag-alis ng isang fetus o sanggol sa sinapupunan ng ina.
_______________8. Ito ay sadyang pagkitil ng sariling buhay na naaayon sa sariling
kagustuhan.
_______________9. Natural na pangyayari at hindi ginagamitan ng medical o artipisyal
na pamamaraan.
______________10. Pag-opera o pagpapainom ng mga gamot ay nagwawakas ang
buhay ng sanggol sa sinapupunan.
______________11. Ito ay sagrado at biyaya ng Diyos sa iyo at sa lahat nang
nagtataglay nito.
______________12. Ito ay pagtigil sa pagbibigay ng gamot at mga medikal na serbisyo
______________13. Ginagawa ito sa pamamagitan ng paggamit ng gamot na
nakakapagdulot ng kamatayan sa isang tao.
______________14. Sila ang nagbuwis ng buhay dugo at pawis upang makamit natin
ang ating Kalayaan.
______________15. Ito ay nararamdaman at naipadarama lalo na kung tuwing may
patimpalak at tayo ay kasapi at may naiambag sa iyong mga kasamahan.

II- Ibigay ang mga hinihingi


1-2 Dalawang Uri ng Aborsiyon
1-2 Dalawang magkasalungat na ibinunga ng aborsiyon
1-2 Dalawang uri ng Euthanasia
1-5 Mga isyung lumabag sa paggalang sa buhay ng tao
Magbigay ng mga halimbawa ng mga kultura at tradisyon ng mga Pilipino
1-10

You might also like