Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 21

4

Araling Panlipunan
Ikaapat na Markahan – Modyul 7:
Pagpapahalaga ng Mamamayan sa
Pagtataguyod ng Pambansang Kaunlaran

i
Araling Panlipunan – Ikaapat na Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikaapat na Markahan – Modyul 7: Pagpapahalaga ng Mamamayan sa Pagtataguyod ng
Pambansang Kaunlaran
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa
modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Carmela A. Macapagong
Editor: Gemma J. Sabandal
Tagasuri: Josephine T. Sardan
Nieves S. Asonio
Tagaguhit:
Tagalapat: James B. Caramonte
Tagapamahala: Senen Priscillo P. Paulin, CESO V Rosela R. Abiera
Joelyza M. Arcilla EdD Maricel S. Rasid
Marcelo K. Palispis EdD Elmar L. Cabrera
Nilita L. Ragay EdD
Carmelita A. Alcala EdD

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education –Region VII Schools Division of Negros Oriental

Office Address: Kagawasan, Ave., Daro, Dumaguete City, Negros Oriental


Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117
E-mail Address: negros.oriental@deped.gov.ph

ii
Alamin
Panimula
Ang modyul na ito ay ginawa upang matututunan ang mga paksang
dapat mong pag-aaralan habang wala ka sa paaralan.
Sa katapusan ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

Most Essential Learning Competency (MELC)


Nasusuri ang bahaging ginagampanan ng mga mamamayan sa
pagtataguyod ng kaunlaran ng bansa.

Mga Layunin

K - Nakikilala ang iba-ibang gawain ng mga mamamayan na


nakatutulong sa pambansang kaunlaran.
S - Naisusulat ang bawat tungkulin ng mga mamamayan tungo sa
ikauunlad ng bansa.
A - Nakapagpapahalaga sa mga gawaing nagtataguyod sa
pambansang kaunlaran.

1
Subukin

Panuto: Iguhit ang masayang mukha kung ang larawan ay


nagpapahayag ng kasaganaan at kaginhawaan. Ang malungkot na
mukha naman kung ang ipinapahayag sa larawan ay kakulangan.
Gawin ito sa iyong kuwaderno.

___________________ 1.

https://images.app.goo.gl/MsjccjNLrJcuBvjr7

___________________ 2.

https://images.app.goo.gl/1umc5PTyH8urDWUGA

___________________ 3.

https://images.app.goo.gl/V2HAsLR9kKs9if9q7

2
__________________ 4.

https://images.app.goo.gl/36hXu4uKcELUvhD38

__________________ 5.

https://images.app.goo.gl/6dPtMyeKg8ngmsGp7

__________________ 6.

https://images.app.goo.gl/92fwEQ6vEvcwLnU1A

__________________ 7.

https://images.app.goo.gl/WMUUWRZvPMFrokdc7

3
_________________ 8.

https://images.app.goo.gl/BiY4B3CdKLXdsXKE9)

_________________ 9.

https://images.app.goo.gl/nTd987ybTrpn8hYt6

_________________ 10.

https://images.app.goo.gl/fRLfP3Mr5pwtqLvF6

4
Balikan

Panuto: Piliin sa kahon ang mga salitang nagpapahayag ng gawaing


pansibikong inilalarawan sa bawat pahayag. Isulat ang tamang sagot sa
iyong kuwaderno.

Kalikasan Pampalakasan

Kalusugan Edukasyon

_______1. Pagsasagawa ng paligsahan sa pagpipinta ng mga batang

lansangan.
_______2. Pagsasagawa ng libreng operasyon para sa mga may biyak
sa labi.
_______3. Pagbubuo ng liga para sa palaro sa inyong barangay.
_______4. Pagpunta sa komunidad ng mga Mangyan upang maranasan
ang pang araw-araw nilang pamumuhay at makatulong sa
kanila sa larangan ng edukasyon upang matututo.
_______5. Pagsama sa pagtatanim ng maliliit na puno sa nakakalbong
bundok.
_______6. Pagsasagawa ng medical mission.
_______7. Pagsasagawa ng seminar para sa mga magsasaka.
_______8. Pagtatapon ng basura sa tamang lalagyanan para maging
malinis ang kapaligiran.
_______9. Pagsasali sa grupo ng nagbibisikleta.
_______10. Pagsasagawa ng seminar ukol sa panghahanap-buhay.

5
Tuklasin

Paano maitataguyod ng
mga mamamayan ang Anu-ano ang katangian
kaunlaran ng bansa? ng isang maunlad na bansa?

https://tinyurl.com/9wrwtctk

Suriin

Ang Kaunlaran ng bansa ay nakabatay sa kasaganaan ng mga


mamamayang bumubuo nito. Itinuturing na maunlad ang isang bansa
kung pantay-pantay ang pagturing sa mamamayan at maayos ang
pagpapatakbo ng lipunan. Kung pantay ang turing sa lahat, walang
aabuso sa karapatan at kapangyarihan. Wala ring mapag-iiwanan ng mga
yaman at benepisyo na kadalasang sanhi ng krimen na malaking hadlang
sa pagbabago at pag-unlad. Kaalinsabay nito, ang kaunlaran ng bansa ay
maibabatay sa kakayahan nitong guminhawa ang pamumuhay mula sa
kahirapan tungo sa kasarinlan ng bawat isa.

6
Isa pang katangian ng maunlad na bansa ay ang pagkakaroon ng
angkop at sapat na serbisyong panlipunan. Liban sa edukasyon,
pabahay, kalusugan, seguridad, komunikasyon at transportasyon,
mahusay rin na nakapagtalaga ang pamahalaan ng mga ahensiyang
tutugon sa pangmabilisan at natatanging pangangailangan ng mga
mamamayan sa isang takdang panahon. Maunlad ang bansa kung ang
mga serbisyong ito ay naipatutupad at naipaaabot sa nakararaming bilang
ng mamamayan.
Sa isang banda, itinataguyod ng mamamayan ang maunlad na lipunan
sa pamamagitan ng iba-ibang gawain.

https://images.app.goo.gl/8mG5idmbyeWFqUdz5

Paglinang ng sariling katalinuhan at kakayahan.Katulad ng nabanggit,


binubuo ang lipunan ng mga indibiduwal. Makabubuting linangin ng bawat
isa ang sariling galing at talento hindi lamang para sa bayan.

(https://images.app.goo.gl/Pi8nJzPxB54QRvgk8)

Pagiging produktibo. Maging malikhain at maabilidad upang


matustusan ang sariling pangangailangan at makatulong sa iba. Hindi
kailangang umamot palagi ng awa, mamalimos, o umasa sa iba upang
makamit ang kasaganahan. Kung ang bawat isa ay marunong humanap
ng sariling pagkakakitaan, magiging madali ang pag-unlad ng bayan.

7
(https://images.app.goo.gl/ReXsK7rPoqcbDARk9)

Pagmamahal sa bansa at kapwa Pilipino. Ang pagtutulungan ay susi


sa kaunlaran. Kung ang bawat Pilipino ay susuporta sa isa’t isa at hindi
maglalamangan, magiging masagana ang ating bayan. Isa sa
pinakakonkretong halimbawa nito ang pagtangkilik sa mga produktong
Pilipino. Liban sa malaki ang maitutulong nito sa pagbawas sa kahirapan,
nakapagbigay-kita at trabaho pa ito para sa ating mga kababayan.

(https://images.app.goo.gl/ZreeBdsmHdxGw9Hj8)

Pagtulong sa pagtigil ng katiwalian at maling gawain sa pamahalaan.


Pinamamahalaan at pinamumunuan ng mga kabilang sa pamahalaan ang
kabang bayan, polisya, at iba pang mga batayang serbisyo para sa bayan.
Marapat lamang na tiyaking tapat at mahusay ang ating mga pinuno nang
sa gayon ay magiging maayos ang takbo ng ating lipunan.

(https://images.app.goo.gl/SWAUC4X3UqgQqJ347)

8
Pagsunod sa mga batas. Binuo ang mga batas upang pangalagaan ang
ating kapakanan, buhay at ari-arian. Kung hindi igagalang ang batas,
magugulo ang kaayusan sa ating bayan. Maging ang seguridad sa
payapa at matiwasay na buhay ay maitataya. Marapat na sundin ito sa
ikatatahimik, sagana, at maayos na paninirahan sa ating bayan.

(https://images.app.goo.gl/D3HjKuJpH8G5rSJn9)

Pangangalaga sa kapaligiran at pamanang lahi. Inihandog ng


kalikasan ang lahat ng batayang pangangailangan upang mabuhay ang
tao. Marapat lamang na pangalagaan ito sa pamamagitan ng pagtitipid,
pagpigil sa polusyon, paghihiwalay ng basura, at pagre-recycle. Ang ating
pamanang lahi ay ating pagkakakilanlan at tayo ay tagataguyod ng
pambansang dangal at kasaysayan. Marapat na kilalanin at ingatan ito
hanggang sa sumunod na mga salinlahi.

(https://images.app.goo.gl/jQ8RVRBgycp2iFma7)

Pag-iingat sa mga pampublikong gamit at lugar. Pangalagaan ang


mga gusali at imprastruktura tulad ng mga kalsada at tulay, paliparan at
ospital na galing sa pagsisikap sa trabaho at pagpupunyagi sa kabuhayan
ng mga Pilipino. Bilang mga paraan sa pag-unlad ng ekonomiya at
kabuhayan, pag-ingatan ang mga ito at iwasan ang maling paggamit at
kapabayaan.

9
Pagyamanin

Gawain A

Panuto: Gumuhit ng isang punong kahoy. Piliin


at isulat ang mga pangungusap na nagsasaad
ng pagiging maunlad ng isang bansa. Gawin ito
sa iyong kuwaderno.

https://images.app.goo.gl/TPmGc2nPYwww3wh78

1. May mga nakatapos sa pag-aaral na umalis ng bansa upang


manilbihan sa ibang bansa.
2. Marami ang bilang ng hindi nakababasa at nakasusulat.
3. Ang mga 15 taong gulang na kabataan pababa ay pinagtatrabaho.
4. Masaya ang nakararaming mamamayan na nanunungkulan sa
pamahalaan.
5. Sapat at makatwiran ang kinikita ng mga tao.
6. Laganap ang rebelyon at krimen sa mga lalawigan.
7. Maraming dayuhan ang dumadalaw at namumuhunan sa ating
bansa.
8. Naaabuso ang mga likas na yaman.

10
9. Hindi nakikinig sa pangulo ng bansa at hindi sinusunod ang mga
batas.
10. Walang krimen na naitala sa loob ng mga lalawigan.

Gawain B
Panuto: Isulat ang tsek (/) kung tama ang isinasaad ng bawat bilang at
ekis (x) kung hindi. Gawin ito sa sagutang kuwaderno.
_________1. May tungkulin ang bawat mamamayan.
_________2. Mapapaunlad ang bansa sa pagsasali sa mga samahang
volunteer works sa paglilinis ng basura sa mga kalye at
tabing- dagat.
_________3. Lumiliban at nagpapasawalang- bahala si Renzo sa pag-
aaral.
_________4. Makinig at sumunod sa pambansang batas.
_________5. Si Ana ay nakatira sa ilalim ng tulay at nangangalkal ng
mga basura upang maibenta.

Isaisip

Ang maunlad na bansa ay


nangangahulugan ng pagkamit ng kasaganaan ng
mga mamamayang bumubuo ng bansa.

Ang kaunlaran ay nakabatay rin sa


panlipunang kagalingan tulad ng kalayaan ng
mamamayang pumili at magpasya para sa sarili,
maabot ng mga batayang serbisyo, matamasa ang
pagkakapantay-pantay, at maranasan ang
katarungang panlipunan.

11
Ang mga ginagampanan ng mga mamamayan
bilang bahagi ng lipunan ay mahalagang
kontribusyon sa pag-unlad ng isang bansa.

Kinakailangang mapaunlad ng mamamayan


ang kaniyang sarili upang maging kapaki-
pakinabang na bahagi ng lipunan. Kailangang
linangin ang sariling katalinuhan at kakayahan,
maging produktibo, sumunod sa batas, bantayan
ang katiwalian sa pamahalaan, pangalagaan ang
kalikasan at ingatan ang mga pampublikong gamit
at lugar.

Isagawa

Panuto: Sagutin ang tanong. Gawin ito sa iyong kuwaderno.

Bilang isang mamamayan,


paano mo mapapaunlad
ang iyong sarili upang
maging kapaki-pakinabang
sa lipunan?

12
_________________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________________

Tayahin

A. Panuto: Basahin ang isinasaad ng bawat pangungusap. Isulat lamang


ang titik ng tamang sagot sa iyong kuwaderno.
1. Iwasan ang maling paggamit at kapabayaan ng mga gusali at
imprastruktura tulad ng mga kalsada at tulay, paliparan at ospital.
A. Pangangalaga sa kapaligiran at pamanang lahi.
B. Pagiging produktibo.
C. Pag-iingat sa mga pampublikong gamit at lugar.
D. Pagsunod sa mga batas.

2. Suportahan at pagtangkilik sa mga produktong Pilipino.


A. Pagtulong sa pagpigil sa katiwalian at maling gawain sa
pamahalaan.
B. Paglinang ng sariling katalinuhan at kakayahan.
C. Pangangalaga sa kapaligiran at pamanang lahi.
D. Pagmamahal sa bansa at kapuwa Pilipino.

3. Pangangalagaan ang ating kapakanan, buhay at ari-arian.


A. Pagsunod sa batas.
B. Pagiging produktibo.
C. Pagmamahal sa bansa at kapuwa Pilipino.
D. Paglinang ng sariling katalinuhan at kakayahan.

4. Batay sa kasaganaan ng mga mamamayang bumubuo at pantay-


pantay ang pagturing sa mamamayan at maayos ang pagpapatakbo
ng lipunan.
A. Kaunlaran ng bansa.
B. Kagalingan pansibiko.
C. Serbisyong panlipunan.
D. Katiwalian sa pamahalaan

13
5. Itoý batayan ng ating mga pangangailangan upang mabubuhay ang
tao dapat itoý pangalagaan sa pamamagitan ng pagtitipid, pagpigil sa
polusyon,paghihiwalay ng mga basura at pagre-recycle upang itoý
masusunod at magagamit ng mga salinlahi.
A. Pag-iingat sa mga pampublikong gamit at lugar.
B. Pangangalaga sa kapaligiran at pamanang lahi.
C. Pagtulong sa pagtigil sa katiwalian at maling gawain sa
pamahalaan.
D. Paglinang ng sariling katalinuhan at kakayahan.

B. Panuto: Basahin at unawaing mabuti kung ano ang ipinapahayag ng


bawat bilang.

6. Si Andrew ay sampung taong gulang at nasa ika-apat na baitang.Nakita


niya ang kanyang mga kaibigan na sinusulatan ang dingding ng
kanilang silid-aralan. Nilapitan niya ang mga ito at sinabihan niyang
huwag sulatan dahil madudumihan at pangit tingnan. Anong gawain
ang kanyang ipinapakita?
A. Pag-iingat sa mga pampublikong gamit at lugar.
B. Pagtulong sa pagtigil sa katiwalian at maling gawain sa
pamahalaan
C. Paglinang ng sariling katalinuhan at kakayahan.
D. Pagmamahal sa bansa at kapuwa Pilipino.

7. Si Mang Nardo ay isang magaling na pintor at tinuturuan ang mga


batang nasa lansangang hindi nakapag-aral. Anong gawain ang
kanyang ipinapakita?
A. Pagiging produktibo.
B. Pagsunod sa batas.
C. Pagmamahal sa bansa at kapwa Pilipino
D. Paglinang ng sariling katalinuhan at kakayahan.

8. Masayang nakapagbigay - tulong trabaho si Aling Nena na isang


mayamang negosyanteng Pilipino sa kanyang kapwa.Tinutulungan
niya ang mga pamilyang walang trabaho upang matustusan ang
pangangailangan sa araw-araw.
A. Pagtulong sa pagtigil sa katiwalian at maling gawain sa
pamahalaan.
B. Pag-iingat sa mga pampublikong gamit at lugar.
C. Pagmamahal sa bansa at kapwa Pilipino.
D. Paglinang ng sariling katalinuhan at kakayahan.
14
9. Nakasuot ng face mask at face shield si Bb. Luningning habang
papasok sa trabaho dahil ipinag-uutos ni Pangulong Duterte na bawal
lumabas ng bahay na walang suot na face mask at face shield.
A. Pagiging produktibo.
B. Pagmamahal sa bansa at kapwa Pilipino.
C. Pagsunod sa mga batas
D. Pagtulong sa pagtigil sa katiwalian at maling gawain sa
pamahalaan.

10. Pinapahalagahan ni Kapitana ang mga tao sa kanyang barangay kaya


naglalagay ng cctv sa mga kalye at di mataong lugar para malaman
ang mga maling gawain.
A. Pag-iingat sa mga pampublikong gamit at lugar.
B. Pangangalaga sa kapaligiran at pamanang lahi.
C. Pagmamahal sa bansa at kapwa Pilipino.
D. Pagtulong sa pagtigil sa katiwalian at maling gawain sa
pamahalaan.

Karagdagang
Gawain

Ano ang maaari mong gawin


upang maging bahagi ka ng
pag-unlad ng bansa?

15
Rubrik sa Pagmamarka
Pamantayan Puntos
Tumpak ang naipahayag na kaisipan o ideya ukol sa paksa 5
Naipahayag ang kaisipan o ideya ukol sa paksa 4
Di-gaanong naipahayag ang kaisipan ukol sa paksa 3
Naipahayag ngunit malayo sa paksa 2
Walang nabuong kaisipan o ideya 1

Susi sa Pagwawasto
Gawain A

4. Masaya ang nakararaming


mamamayan na nanunungkulan sa
pamahalaan.
5. Sapat at makatwiran ang kinikita ng
mga tao.
7. Maraming dayuhan ang dumadalaw at
namumuhunan sa ating bansa.
10. Walang kremin na naitala sa loob ng
isang buwan.

16
SUBUKIN

1.
2.

BALIKAN 3.
4.
1.Pampalakasan
2.Kalusugan 5.
3.Pampalakasan 6.
4.Edukasyon 7.
5. Kalikasan 8.
6.Kalusugan
7.Kalusugan 9.
8.Kalikasan 10.
9.Pampalakasan
10.Edukasyon

GAWAIN B.
1./
2./
3.X
4./
5.X

ISAGAWA TAYAHIN
*Makilahok sa mga parograma sa 1.C
lipunan tulad ng tree planting.
*Magbahagi ng kaunting tulong lalo
2.D
na sa mga matatanda. 3.A
*Sumunod sa mga batas 4.A
*magbahagi ng kaalaman na 5.B
natutunan sa klase 6.A
*magtatapon ng basura sa tamang 7.D
lalagyan.
(tanggapin ang ibang sagot ng
8.C
mga mag-aaral kung malapit sa 9.C
sago tang binibigay) 10.D

17
Sanggunian

Aklat

Teachers Guide
1. Most Essential Learning Competencies (MELC)
2. Araling Panlipunan 4 TG pp. 173-177
3. Araling Panlipunan 4 TGpp. 166-168
Internet/Mga Larawan

https://images.app.goo.gl/MsjccjNLrJcuBvjr7
https://images.app.goo.gl/1umc5PTyH8urDWUGA )
https://images.app.goo.gl/V2HAsLR9kKs9if9q7
https://images.app.goo.gl/36hXu4uKcELUvhD38
https://images.app.goo.gl/6dPtMyeKg8ngmsGp7
https://images.app.goo.gl/92fwEQ6vEvcwLnU1A
https://images.app.goo.gl/WMUUWRZvPMFrokdc7
https://images.app.goo.gl/BiY4B3CdKLXdsXKE9
https://images.app.goo.gl/nTd987ybTrpn8hYt6
https://images.app.goo.gl/8mG5idmbyeWFqUdz5
https://images.app.goo.gl/Pi8nJzPxB54QRvgk8
(https://images.app.goo.gl/ReXsK7rPoqcbDARk9
https://images.app.goo.gl/ZreeBdsmHdxGw9Hj8
https://images.app.goo.gl/SWAUC4X3UqgQqJ347
https://images.app.goo.gl/D3HjKuJpH8G5rSJn9
https://images.app.goo.gl/jQ8RVRBgycp2iFma7
https://images.app.goo.gl/TPmGc2nPYwww3wh78

18
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Schools Division of Negros Oriental


Kagawasan, Avenue, Daro, Dumaguete City, Negros Oriental

Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117


Email Address: negros.oriental@deped.gov.ph
Website: lrmds.depednodis.ne

You might also like