Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 7

Teorya ng Pagbasa

Teoryang bottom-up - kinakailangan munang unawain ng mambabasa ang teksto bago


makapagbigay ng reaksyon
Teoryang top-down - mayroon nang "stock knowledge" ang mambabasa tungkol sa
kaniyang babasahin
Teoryang interaktib - kombinasyon ng teoryang bottom-up at teoryang top-down, sa
paggamit ng dalawang paraan, nagkakaroon ng interaksyon ang mambabasa at ang teksto
Teoryang iskema - may kalayaan ang mambabasa magbigay ng sariling kahulugan sa
teksto, nakabatay sa karanasan ng mambabasa, nakakaimpluwensya ang "prior knowledge"
o nakaimbak na karanasan sa ating pag-unawa

Antas ng Pagbasa
Primarya - pinakamababang antas, tiyak na datos (ano, saan, kailan, paano, bakit) o ang
plot, setting, mga karakter
Mapagsiyasat - naunawaan ng mambabasa ang buong teksto at nakakapagbigay ng
impresyon nito, maaaring gamitin ang skimming sa antas na ito
Analitikal - mapanuri o kritikal na pagbasa
Sintopikal - nakakapagbuo ng sariling pananaw o perspektibo ang mambabasa

Kaibahan ng Analitikal at Sintopikal


Analitikal - malalimang pag-unawa ng teksto
Sintopikal - nakakagawa ng sariling pananaw base sa paghambing sa akdang binasa sa
sariling perspektibo (personal)

Anapora at Katapora
Anapora: panghalip na ginagamit sa hulihan bilang pananda sa pangngalang ginamit sa
unahan
halimbawa: Napakaganda ni Joy ng Red Velvet, siya rin ay mahusay kumanta.
Katapora: panghalip na ginagamit sa unahan bilang pananda sa pangngalang gagamitin sa
hulihan
halimbawa: Siya ay napakaganda at napakagaling umawit, kaya idolo ko 'yan si Joy.
Tekstong Impormatibo
• uri ng basahing di piksyon, naglalayong magbigay impormasyon o magpaliwanag nang
malinaw at walang pagkiling sa anumang paksa

Tekstong Deskriptibo
• malikhaing paglalahad, maaaring obhetibo o subhetibo
• may dalawang uri, karaniwan at masining
• ang karaniwang paglalarawan ay naglalarawan ayon sa pangkalahatang pagtinging
halimbawa: Maganda si Mina from TWICE

• ang masining na paglalarawan ay nagbibigay ng buhay na larawan batay sa damdamin ng


may-akda, karinawang ginagamitan ng pang-uri, tayutay, pang-abay, at mga idyoma
halimbawa: Ang mga mata ni Mina'y tila tala sa kalangitanp, nagniningning at binibigyang
liwanag ang aking buhay na kay tamlay.

Uri ng Tayutay
Pagtutulad (simile) - paghahambing gamit ang mga salitang "tila", "kagaya ng", "katulad
ng" etc.
halimbawa: Tila anghel ang kagwapuhan ni Wonwoo.

Pagwawangis (metaphor) - paghahambing ngunit walang ginagamit na mga salita di


katulad ng pagtutulad
halimbawa: Ikaw ang liwanag sa aking madilim na buhay. (huie naunsa?!)

Pagmamalabis (hyperbole) - pinapalabis o pinagkukulang ang paglalarawan sa totoong


sitwasyon
halimbawa: Gutom na gutom na ako parang kaya ko yatang kumain ng isang kabayo!
Mas maliit pa sa mani 'yang kokote mo!

Pagsasatao (personification) - pagbibigay ng malataong katangian sa mga bagay


halimbawa: Umiyak ang langit.

Onomatopoeia - mga salitang naglalarawan sa tunog ng bagay


halimbawa: Meowwww, ang sabi ng pusa kong si Luna.
Tekstong Naratibo
• pagsasalaysay ng mga pangyayari sa isang kuwento
• may iba't ibang pananaw
unang panauhan (1st person POV)
ikalawang panauhan - mistulang kinakausap ng manunulat ang mga tauhan
ikatlong panauhan - walang koneksyon ang tagapagsalaysay sa kuwento

Pamamaraan ng Narasyon
Diyalogo: sa halip na direktang pagsalaysay ay maroong nagaganap na pag-uusap ng mga
karakter
Forreshadowing: nagbibigay ng pahiwayig o "hint" sa kung ano ang susunod na
mangyayari sa kuwento
Plot Twist: tahasang pagbabago ng direksyon ng kuwento
Ellipsis: pagtanggal o pag-alis ng iilang yugto o bahagi ng kuwento kung saan hinahayaan
ang mambabasa na magbigay ng kanilang sariling naratibo
Comic Book Death: pinapatay ang isang mahalagang karakter ngunit kalaunan ay lilitaw ito
upang magbigay kalinawan sa kuwento
Reverse Chronology: nagsisimula sa dulo ang kuwento patungo sa panimula
In Media Res: nagsisimula sa kalagitnaan ang pagkukuwento, karaniwang may nagaganap
na flashback
Deus Ex Machina: ang solusyon sa isang problema ay ang interbensyon ng isang
absolutong kamay o karakter

Plot Diagram
- panimula
- tunggalian
- kasukdulan
- kakalasan
- wakas

Mga Tauhan
tauhang bilog: isang tauhang may multidimensyonal na personalidad
tauhang lapad: isang tauhang nagtataglay ng iisa o dalawang katangian lamang
Tekstong Persuweysib
• tekstong panghikayat na naglalayong kumbinsihin ang mambabasa na tangkilikin ang
isang bagay o kaisipan
• subhetibo ang tono
• kung sa tekstong argumentatibo ay inaalam ang dalawang panig, hindi na ito kinakailangan
sa tekstong persuweysib dahil ang iyong layunin dito ay kumbinsi ang mambabasang
tangkilikin ang iyong panig

Tatlong Paraan ng Panghihikayat at Pagungumbinsi


Ethos - tumutukoy sa kredibilidad ng manunulat
halimbawa: Gamitin mo itong toothpaste na ito dahil inirekomenda ito ng mga dentista
Pathos - tumutukoy sa paggamit ng emosyon at damdamin sa pangumbinsi
halimbawa: Magbigay ka ng donasyon sa organisasyong ito upang matulungan mo ang mga
batang nangangailangan, kawawa naman sila, wala nang makain.
Logos - tumutukoy sa paggamit lohika upang makumbinsi ang mambabasa

Propaganda Devices
Transfer - paggamit ng isang sikat na tao upang malipat ang kasikatan nito sa isang bagay
halimbawa: pagkuha ng OPPO sa Seventeen BSS (BooSeokSoon) bilang kanilang bagong
ambassador, BTS meal ng McDonalds

Testimonial - paggamit ng isang sikat na tao na siyang gagamit ng produkto at sasabihing


maganda ito
halimbawa: patalastas ng Ariel kung saan naroon si Kris Aquino na nagsasabing totoo
ngang nakakapagtanggal ng dumi ang kanilang sabon

Bandwagon - panghikayat base sa ideya na marami ang taong tumatangkilik dito

Glittering Generalities - paggamit ng mga "slogan"


halimbawa: McDonalds "Love ko 'to" , Jollibee "Crispylicious, Juicylicious, Best-tasting
Jollibee Chickenjoy"

Name-calling - paninira sa kakompetensiya sa pamamaraan ng pag-insulto


Card stacking - paglalahad ng lahat ng magagandang katangian ng isang bagay ngunit
hindi kasama ang hindi kaaya-aya nitong katangian
halimbawa: mga patalastas ng del monte pineapple juice kung saan inilalahad ang mga
magagandang dulot nito sa katawan

Plain folks - paggamit ng imahe ng karaniwang tao upang maging "relatable"


halimbawa: isang patalastas ng nescafe kung saan ang kuwento ay tungkol sa isang sekyu
na nakapagtapos ng pag-aaral habang pinapaaral ang kaniyang mga anak

Tekstong Argumentatibo
• obehetibo ang tono
• tekstong nangungumbinsi batay sa datos o makatotohanang impormasyon
• inaalam ang dalawang panig upang makapagbigay ng obhetibong pananaw

Elemento ng Pangangatwiran
Proposisyon: ito ang pinagtatalunang paksa
Argumento: ito ang paglalatag ng mga dahilan at ebidensya upang mangatwiran sa isang
panig

Mga Lihis na Pangangatwiran


Argumentum ad hominem (argumento laban sa karakter)
halimbawa: Bakit naman ako maniniwala sa isang taong dalawang beses inulit ang ikaanim
na baitang?

Argumentum ad baculum (paggamit ng puwersa o pananakot)


halimbawa: Ang tanging paraan upang maisalba ang iyong kaluluwa ay ang pagsali sa
aming relihiyon at pagsumite ng iyong sarili sa aming diyos.

Argumentum ad misericordiam (paghingi ng awa o simpatya)


halimbawa: Ma'am, sana po ipasa niyo po ako, may sakit po kasi ang aking tiyahin kaya
hindi ko magawa ang aking takdang aralin, baka mas lalo pa pong lumala ang kaniyang
sakit kapag malaman niyang babagsak ako.

Argumentum ad numeram (batay sa dami ng naniniwala)


halimbawa: Maraaming naniniwala sa Tallano Gold kaya totoo 'yon.
Argumentum ad ignorantiam (batay sa kawalan ng sapat na ebidensya)
halimbawa: Wala pa naman talagang makakapagsabi na masama ang paggamit ng AI.

Cum hoc ergo Propter hoc (batay sa pagkakaugnay ng pangyayari) (causation)


halimbawa: Sinesuwerte ako kapag dala ko ang photocard ni Wonwoo, sa tuwing dala ko ito
ay ang daming magandang nangyayari saakin.

Post hoc ergo Propter hoc (batay sa pagkakasunodsunod ng pangyayari) (correlation)


halimbawa: May Going Seventeen episode ngayong araw, ibig sabihin ay Miyerkules
ngayon. (context: kada miyerkules ipinapalabas ang mga episode ng Going Seventeen
hahaha, kumbaga sa pilipinong context, alam mong Linggo na’t Gabi kasi mayroong KMJS)
Tumilaok ang manok, ibig sabihin ay umaga na.

Non Sequitur (Walang Kaugnayan)


Halimbawa: Panget pangsulat yung ballpen na 'yan, hindi kasi lila ang kulay.
Ayaw ko sa kantang 'yan, pangit kasi ang cover art ng album.

Paikot-ikot na Pangatwiran (Circular Reasoning)


halimbawa: Hindi ako nakapasok sa paaralan sapagkat hindi ko kinaya makapasok noong
araw na 'yon.

Padalos-dalos na Paglalahat (Hasty Generalization)


halimbawa: Matalino yung klaseng 'yan dahil yung pinsan ko ay matalino at nandyan siya sa
klaseng 'yan.

Tekstong Prosidyural
• Inilalahad ang serye ng mga hakbang sa pagbuo ng isang gawain upang makamit ang
isang layunin

Apat na Nilalaman
Layunin: Kalalabasan o kahahantungan ng proyekto
Halimbawa: Paggawa ng Cheesecake

Kagamitan: Mga materyales na gagamitin upang makamit ang layunin


Halimbawa: Cheese tsaka cake (joke)
Creamcheese, itlog, asukal, vanilla, parchment paper, cake pan
Metodo: Serye ng mga hakbang o proseso
Halimbawa: Una ay ilagay ang creamcheese sa isang bowl

Ebalwasyon: Pagsukat kung tama nga ba ang prosidyur na isinagawa


Halimbawa: Titikman natin ang cheesecake upang makita kung tama ba ang ating
isinagawang proseso

Pagsulat ng Reaksiyong Papel


• balanseng paghuhusga
• isang paglalantad o pagbibigay ng opinyon ukol sa materyal na sinuri

Katangian ng Reaksiyong Papel


Malinaw: dapat ay agad na mauunawaan ng mambabasa
- alam na agad ng mambabasa kung ano ang pakay ng iyong isinulat

Tiyak: dapat ay mapaninindigan ang mga impormasyong inilahad


- masasagot ang mga tanong "paano?" at "bakit?"

Magkakaugnay: maayos na daloy ng kaisipan


- hindi malilito ang mambabasa sa kung anong parte na ito ng teksto

Pagbibigay-diin: hindi dapat matatakpan ang pangunahing ideya


- mayroong diin o "emphasis" ang mga mahalagang parte o impormasyon

Pagkilala sa mga Datos


Direktang Sipi o quotation - tuwirang pagkopya galing sa may-akda o sanggunian
Paraphrasing - paglahad ng ideya na nanggaling sa may-akda o sanggunian gamit ang
sariling pag-intindi
Pagbubuod o summary - isinasagawa upang maglahad ng kabuoang ideya mula sa
maraming sanggunian

You might also like