Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 9

Pagbasa at

Pagsusuri ng
Teksto Tungo sa
Pananaliksik
Ikatlong Markahan - LAS 4
Ang Tekstong Persweysib
Mga Pangunahing mga Konsepto
Ang Tekstong Persuweysib
Layunin ng tekstong persuweysib ang manghikayat o
mangumbinsi sa babasa ng teksto. Hinihikayat din nito ang mambabasang
tanggapin ang posisyong pinaniniwalaan o ineendorso ng teksto. Ito rin ay
may subhetibong tono sapagkat malayang ipinahahayag ng manunulat ang
kanang paniniwala at pagkiling tungkol sa isang isyung may ilang panig.
Taglay nito ang personal na opinyon at paniniwala ng may akda ginagamit
din ito sa mga iskrip para sa patalastas propaganda para sa eleksiyon, at
pagrerekrut para sa isang samahan o networking.
Inilarawan ang Griyegong pilosopo na si Aristotle ang tatlong
paraan ng panghihikayat o pangungumbinsi. Ito ay ang sumusunod:
1. Ethos- Ito ay tumutukoy sa kredibilidad ng isang manunulat.
Dapat makumbinsi ng isang manunulat ang mambabasa na siya ay may
malawak na kaalaman at karanasan tungkol sa kanyang isinusulat,kung
hindi ay baka hindi sila makahikayat rito. Halimbawa, ang isang taong
nanghihikayat ng mga turista upang bisitahin ang isang isla sa Pilipinas
gayong hindi pa siya nakakapunta rito ay maaaring maging kaduda-duda.
Gayunman, may iba pang paraan upang magkaroon ng kredibilidad. Ang
istilo ng pagsulat ay mahalaga upang magkaroon ng kredibilidad. Dapat na
maisulat nang malinaw at wasto ang teksto upang lumabas
2. Pathos -tumutukoy ito sa gamit ng emosyon o damdamin upang
makahikayat. Ayon kay Aristotle, karamihan sa mga mambabasa ay
madaling madala ng kanilang emosyon. Halimbawa: ang
pagsasalaysay ng isang kuwentong makaaantig ng galit o awa ay
isang mabisang paraan upang mahikayat silang pumanig sa
manunulat.
3. Logos - tumutukoy sa gamit ng lohika upang
makumbinsi ang mambabasa. Kailangang mapatunayan ng
manunulat sa mga
mambabasa na batay sa mga impormasyon at datos ng kanyang inilatag
ang kaniyang pananaw o punto ang siyang dapat
paniwalaan.Halimbawa:Kung ano ang puno ay sya ring bunga.

2
ALAMIN NATIN!
Ang Propaganda Devices
May pitong propaganda devices na ginagamit ng ilang mga eksperto sa
panghihikayat na bumili ng isang produkto o iboto ang isang kandidato upang
mapansin o makapukaw ng atensiyon na may masusing pag-iisip.
1. Name-Calling - pagbibigay ng hindi magandang taguri sa isang
produkto o katunggaling politiko.
Halimbawa: pekeng sabon o bagitong kandidato.
2. Glittering Generalities - magaganda at nakasisilaw na pahayag ukol sa
isang produktong tumutugon sa mga paniniwala at
pagpapahalaga ng mambabasa.
Halimbawa: Mas makatitipid sa bagong . Ang inyong damit ay mas
magiging sa .
3. Transfer - paggamit ng sikat ng personalidad upang mailipat sa isang
produkto o tao ang kasikatan.
Halimbawa: Ipagpapatuloy ko ang sinimulan ni FPJ. -Grace Poe.
4. Testimonial - kapag ang sikat na personalidad ay tuwirang nag endorso ng
isang tao o produkto.
Halimbawa: Pag endorso ni Governonor Vilma Santos sa produktong Bear
Brand.
5. Plain Folks - ginagamit ito sa kampanya o komersyal kung saaan ang mga
kilalang o tanyag na tao ipinalalabas na ordinaryong taong nanghihikayat sa
boto o serbisyo.
Halimbawa: Si Susan Roces para sa Rite Med.
6. Card Stacking - Ipinakikita nito ang lahat ng magagandang katangian ng
produkto ngunit hindi binabanggit ang hindi magandang katangian.
Halimbawa: Ang instant noodles na ito ay nakapagbubuklod ng
pamilya,nakatitipid sa oras ,mura na masarap pa.(Ngunit hindi nito
sinasabing kakaunti lang ang sustansyang taglay,maraming tagong asin at
kung araw-araw itong kakainin ay maaaring magdulot ng sakit.)
7. Bandwagon - panghihikayat kung saan hinihimok ang lahat na gamitin
ang isang produkto o sumali sa isang pangkat dahil ang lahat ay sumali na.
Halimbawa: ABS CBN TV Plus ni Sarah Geronim

3
(Sinipi mula sa aklat ni Alma M. Dayag, PLUMA)

GAWAIN 1. Sagutin ang mga sumusunod na katanungan. Isulat ang sagot sa


sagutang papel.
A. Ibigay ang kahulugan ng mga sumusunod na salita:
1. persuweysib
2. endorso
3. kredibilidad
4. eksperto
5. subhetibo

GAWAIN 2. Basahin at unawain ang teksto. Sagutin ang sumusunod na tanong


sa sagutang papel
Filipino, ang Pambansang Wika Dapat pang Ipaglaban ni Antonio Contreras (Bahagi
lamang)

Dahil dito, hindi dapat kinatatakutan ng mga aktibistang rehiyonalista


ang Filipino na siya raw bubura at lulusaw sa kanilang mga identidad. Ang
pangambang ito ay isang hungkag na pangamba.
Mabubura lamang ang kaakuhan kung ito ay hahayaan. At hindi
nangangahulugan na dahil ginagamit mo ang isang wika ay mawawala na
ang iyong pagkatao. Kung may malay ka dito at may control ka dito, hindi ito
mabubura. Ito dapat ang pinagkakaabalahan ng mga aktibistang
rehiyonalista, ang pagyamaninj ang kani-kanilang mga wika, kultura at
kamalayan, kasabay ng pagtangkilik sa pagpalaganap ng isang wikang
pambansang sa ngayon ay maaaring ang dominanteng hulmahan ay ang
Tagalog, subalit bukas sa pagpasok ng iba pang mga wika upang ito ay
mapagyaman at mapayabong.
At ito rin ang dahilan kung bakit dapat ipagpatuloy na ipagtanggol ang
Wikang Filipino at panatilihing buhay ang kamalayang iugnay ito sa ating
paghubog ng ating mga ba’t ibang identidad. Ito lamang ang sisiguro na hindi
malulusaw ang wika ng mga Pilipino sa mukha ng talamak na pagtangkilik sa
Ingles.

Dapat pa ngang makipagtulungan ang mga aktibistang rehiyonalista sa


labang ito dahil sa iisang panig lang lahat tayo. Malinaw na kapag mawalan
ng lugar ang wikang Filipino sa pagbubuo ng kamalayang pambansa,

4
mawawalan din ng lugar ang mga wikang rehiyon na makapag-ambag sa
kabuoan ng kamalayang ito. Sa isang sistemang global, mawawala at
lalamunin tayo sa ating pagkawatak- watak.
Sa kalaunan, hindi nman talaga ang Ingles ang kaaway. Hindi dahil
ginagamit ang Ingles ay mabubura na ang Filipino.

Ang kaaway ay ang pwersang nananahan sa puso at isipan ng


maraming Pilipino, na ang iba ay may mga hawak pa nga na posisyon sa
pamahalaan man o sa pamantasan na lumilikha ng mga balakid at pumipigil
sa pagpapanatili ng Filipino sa kamalayan ng Pilipino. Ito ang mga taong
pinipilit papiliin ang Pilipino na mag-Ingles o mag-Filipino, samanatalang ang
nararapat ay palawakin ang kamalayang Filipino sa mga Pilipino upang kahit
matatas tayong magsalita ng Ingles ay mananatili tayong mataas magsalita sa
Filipino at kung anumang rehiyonal nating mga wika.

Sagutin ang mga sumusunod na tanong.


1. Ano ang ipinaglalaban ng may-akda?
2. Ano ang nais niyang mangyari?
3. Sino ang inaasahan niyang babasa ng teksto?
4. Anong paraan ng panghihikayat ang kanyang ginamit?Patunayan ang iyong sagot.
5. Ano-anong dahilan ang kanyang inilatag upang makumbinsiang
mambabasa na ipaglaban ang wikang Pambansa?

GAWAIN 3.
A. Gumawa ng isang poster na nanghihikayat sa publiko upang sundin ang
health protocol upang maiwasan ang heatstroke dulot ng napakainit na
panahon (1short bondpaper)
BATAYAN LAGPAS SA NAKATUGON PAPALAPIT NANGANGAILANGAN
INAASAHAN SA INAASAHAN SA PA NG
1O 8 INAASAHAN PAGPAPABUTI
6 4

Estilo at Tiyak ang paggamit ng mga Ang wikang Tama ang Ang mga
pagpili ng salita at maingat ang ginamit ay wika: ang pangungusap at
salita pagpili ng tonong gagamitin partikular, at estilo ay salita ay maraming
tiyak ang paiba iba. mali. Nawala ang
nagamit na Maayos ang kaayusan ng
tono pahayag pagkakasunod ng
ngunit di mga salita
orihinal

5
Organisasyon Ang pagdevelop ng mga Mainam ang KInakitaan ng Ang organisasyong
punto ay natural, at ang naipakitang organisayon nang pagpapakita ng
lahat ng mga ideya ay pagdevelop ng bagama’t may pangkatang gawain
magkakaugnay sa isa’t isa. paghatid ng ilan kasapi ng ay hindi kinakitaan
Naganyak ang lahat ng mga mensahe , grupo na ng maayos na daloy
mag- aaral na nakatunghay marami ang walang
sa ipineresentang naganyak at naiambag sa
Gawain kainaman ang gawain
bilang ng
nahikayat na
mag-aaral

Nilalaman at mga Naimpluwesiyaha n ang Napasang- ayon May ilang Kakaunti ang bilang
ideya kaisipan, saloobin at ang madami sa mag-aaral na ng nahikayat na
damdamin, paniniwala, bilang ng klase nakumbinsi mag-aaral at hindi
motibasyon at naisin dahil , nagkaroon ng at nagkaroon nabigyan linaw ang
sa sapat na ebidensya motibasyon at ng motibasyon nilalaman at ideya
o katibayang inilahad sa nakuha ang na nais ipabatid
paksa paniniwala dahil
sa nakitang mga
patunay sa
gawain

Pagtataya
I. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga tanong. Isulat ang titik ng
tamang sagot.
1. Ang layunin ng tekstong ito na manghikayat o mangumbinsi.
a. Argumentatibo b. Persuweysib c. Prosidyural d. Impormatibo
2. Ito ay paraan ng panghihikayat na tumutukoy sa gamit ng emosyon o
damdamin upang makahikayat ng mga mambabasa.
a. Ethos b. Pathos c. Logos d. Kredibilidad
3. Ito ay paraan ng pangungumbinsi na tumutukoy sa kredibilidad ng
isang manunulat upang makapangumbinsi.
a. Ethos b. Pathos c. Logos d. Kredibilidad
4. Ito ay paraan ng pangungumbinsi na tumutukoy sa paggamit ng lohika
upang makumbinsi ang mambabasa.
a. Ethos b. Pathos c. Logos d. Kredibilidad
5. Ito ay ginagamit ng ilang mga eksperto sa panghihikayat na bumili ng
isang produkto o iboto ang isang kandidato upang mapansin o makapukaw

6
ng atensiyon na may masusing pag-iisip.
a. Tekstong Deskriptibo c. Propaganda Devise
b. Tekstong Persweysib d. Paraan ng Panghihikayat
6. Siya ay isang griyegong pilosopo na nagpakilala ng tatlong paraan
ng panghihikayat.
a. Aristotle b. Gleason c. Eugene d. Hymes
7. Ang propaganda device na nagbibigay ng hindi magandang taguri sa
isang produkto o tao upang hindi tangkilikin.
a. Gliterring Generalities c. Name Transfer
b. Name Calling d. Testimonial8
8. Gumagamit ng magaganda at nakakasilaw na pahayag sa
produkto na tumutugon sa mga paniniwala at pagpapahalaga ng
mambabasa.
a. Bandwagon c. Gliterring Generalities
b. Card Stalking d. Transfer
9. “Ang softdrinks na ito ay nakapapawi ng uhaw sa mainit na panahon”.
Anong uri ng propaganda device ang ginamit sa pahayag?
a. Transfer b. Card Stalking c. Bandwagon d.Name Calling
10. Pag-endorso ni Senator Manny Pacquio sa Alaxan bilang pantanggal ng
sakit ng katawan..Anong uri ito ng propaganda device?
a. Transfer b. Plain Folks c. Bandwagond. Testimonial
B. Lagyan ng tsek ( / ) kung ang pahayag ay nagpapamalas ng
kalikasan ng Tekstong Persweysib at ( X ) kung hindi.

11.Naglalayong mangumbinsi o manghikayat


12. May obhetibong tono
13.Taglay nito ang personal na opinyon ng may-akda.
14. Isinusulat ang tekstong ito upang mabago ang takbo ng isip ng
mambabasa o makumbinsi sa punto ng manunulat.
15.Inilalarawan ng tekstong ito ang mga bagay at pangyayari na
nakapaloob sa isang akda.

7
8
9

You might also like