Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

PAGBABASA AT PANGANGALAP NG IMPORMASYON

Pangangalap ng impormasyon mula sa kapwa tao: maaring makapagpunla ng mga panibagong impormasyon
na magagamit ng mga mananaliksik sa pangangalap ng datos.

Isinusulong ng Sikolohiyang Pilipino bilang maka-Pilipinong pamamaraan na akma sa ating kultura:


pagtatanong-tanong, pakikipagkwentuhan. Pagdalaw-dalaw, pakikipag-umpukan, pakikiisa, pakikisangkot,
at pakikipanuluyan.

Pakikipanayam - pagkuha ng impormasyon sa isang kalahok na may awtoridad o di kaya ay may personal
na pagkaunawa sa paksa ng pananaliksik. Oasalitang diskurso sa isang tao o isang pangkat na may
kinalaman sa mga impormasyong nais makuha hinggil sa isang paksa. Binubuo ng tagatanong at tagasagot.

Uri ng Pakikipanayam:
A. Ekstrukturadong pakikipanayam - may nakahandang gabay na tanong na syang gagamitin.
B. Semi-estrukturadong pakikipanayam - mayroon ding gabay na tanong subalit pwede nyang baguhin ang
pagkakaayos nito.
C. Di-estrukturadong pakikipanayam - walang gabay na tanong ang pagsasagawa ng ganitong
pakikipanayam.

Pakikisangkot habang pakapa-kapa: isang eksplorasyon hinggil sa isang paksa sa konteksto


ng pamumuhay ng mga tao gamit ang pagmamasid, pagtatanong, pagsubok, pagdalaw,
pakilahok, pakikisangkot.

Pagtatanong-tanong: pasalitang diskurso na kung saan maaring magtanong sa mga bagay-


bagay na hindi personal. Ito rin ay ginagamit sa mga siyentipikong layunin tulad ng
marketing research, sikolohiya, kalusugan at medisina, at sosyolohiya.

Pakikipagkwentuhan: walang mahigpit na kalakaran sa ganitong pamamaraan, kundi ang


pagiging “malaya”.

Pagdalaw-dalaw: ang pagpunta punta at pakikipag-usap ng mga mananaliksik sa tagapabatid


upang sila ay makapagkilala ayon kay Gepigon at Francisco (1982).

Pakikipanuluyan: hindi lamang nakikitira sa isang bahay at nakikisangkot sa bahay, kundi


sya rin ay nagmamasid, nagtatanong-tanong, nakikipakwentuhan at nakikilahon sa mga
gawain ayon kay (San Juan at Soriaga, 1985).

Pagbabahay-bahay: ginagamit ang pamamaraang ito sa pagsasagawa ng survey pero ito ay


itinuturing ding etnograpikong pamamaraan ayon kay San Juan, et. al, 2018.

Pagmamasid: pagtatala ng mga impormasyong ginagawa ng isang tao o mga pangyayari sa


pamamagitan ng kanyang matalas na pag-oobserba gamit ang ilan sa ating senses.

Uri ng tagapagmasid ( GOLD 1958)

1. Ganap na tagapagmasid - hindi nakikilahok ang mananaliksik sa mga gawain at karanasan


ng mga tagapagbatid.
2. Ganap na kalahok - nakikilahok ang mananaliksik sa mga gawain at karanasan ng mga
tagapagbatid.
PAGBUBUOD AT PAG-UUGNAY NG IMPORMASYON

Katangian ng Pagbubuod:
1. Tinutukoy agad ang pangunahing ideya o punto kaugnay ng paksa.
2. Hindi inuulit ang mga salita ng may akda; bagkus ay gumagamit ng sariling pananalita
3. Mga 1/3 ng teksto o mas maikli pa dito ang buod

Hakbang sa Pagbubuod
1. Basahin, panuorin, o pakinggan muna nang pahapyaw ang teksto
2. Sa mga nakasulat episodyo ng isang pinanood o pinakinggan, tukuyin ang paksang pangungusap o
pinakatema
3. Pag-ugnay-ugnayin ang mga ideyang ito upang mabuo ang pinakapunto o tesis.
4. Isulat ang buod
5. Hwag maglalagay ng mga detalye, halimbawa, at ebidensya
6. Makatutulong ang paggamit ng mga signal word o mga salitang nagbibigay-transisyon sa mga ideya gaya
ng gayunpaman, kung ggayon, samakatuwid, gayundin, sa kabilang dako, bilang kongklusyon, bilang
pangwakas, at iba pa.
7. Hwag magsisingit ng mga opinyon

1. Hawig - paraphrase sa ingles. Inilalahad sa sariling pangungusap ang isang partikular o ispesipikong
ideya.
2. Lagom o Sipnosis - pagpapaikli ng mga pangunahing punto.

Hakbang sa Pagsulat ng Sipnosis


A. Basahin ang bawat kabanata
B. Isulat ang mga tema at simbolismo sa bawat kabanata
C. Igawa ng balangkas ang bawat kabanata
D. Gumawa ng isang hanggang dalawang pangungusap na buod, storyline, o tema
E. Gawan ng sinopsis ang bawat kabanata
F. Sundin ang kronolohiya ng istorya

Upang maging kapana-panabik ang pagkkuwento nang palagom:


A. Simulan ito sa oangunahing tauhan at ang kaniyang pinagdadaanan o problema
B. Maaring maglakip ng maikling diyalogo o sipi
C. Ilantad ang damdamin ng tauhan at mga dahilan kung bakit namomroblema siya.

3. Presi - salitang presi (precis) sa lumang Pranses na ibg sabihin ay pinaikli. Ito ang pinaikling buod ng
mahahalagang punto, pahayag, ideya, o impormasyon na naglalaman ng 3-4 na pangungusap.
Katangian ng Presi:
A. Malinaw ang paglalahad
B. Kompleto ang mga ideya
C. May kaisahan ang mga ideya
D. May pagkakaugnay-ugnay ang mga ideya
E. Siksik sa dalawa hanggang sa tatlong pangungusap ang pangkalahatang puntos

4. Sintesis - mula sa salitang griyego na “sytithenai”, “tayo - kasama”; “tithenal - ilagay; sama-samang
ilagay”. hindi dapat manermon kundi magbigay lamang ng impormasyon at wag maglagay ng opinyon.
HAKBANG SA PAGBUO NG SINTESIS
A. Introduksiyon
Pangalan ng may akda
Pamagat
Impormasyon tungkol sa may-akda, teksto, paksa
B. Katawan
1. Organisahin ang mga ideya upang masuri kung may magkakapareho
2. Suriin ang koneksiyon ng bawat isa sa paksa at pangunahing ideya
3. Simulan ang pangungusap o kataga ang bawat talata
4. Ibigay ang mga impormasyon mula sa iba-ibang batis o paksa o opinyon sa isang paksa
5. Gumamit ng angkop na transisyon at paksang pangungusap
6. Gawing impormatibo ang sintesis
7. Hwag maging masalita sa sintesis
8. Maging tapat sa teksto, kinapanayam o pinagkunan ng impormasyon

C. Kongklusyon
1. Introduksiyon ng koleksiyon ng mga artikulo sa libro o journal
2. Report ng pinag-usapan sa talk show, pulong, komperensiya o panel discussion
3. Rebyu ng mga literaturang pinagkunan ng impormasyon o ideya
4. Report ng isang dokumentaryo ukol sa isang paksa
5. Maikling rebyu ng mga sinulat ng isang may-akda kaugnay ng isang partikular na paksa

Abstrak - isang maikling buod ng pananaliksik, artikulo, tesis, disertasyon, rebyu, proceedings at papel.
Pananaliksik na naisumite sa komperensiya at iba pang gawain na may kaugnay sa disiplina upang mabilis
na matukoy ang layunin ng teksto.

MGA GAWAING PANGKOMUNIKASYON NG MGA PILIPINO

KOMUNIKASYON: ang nagbibigay buhay at nagpapadaloy sa ugnayan ng mga tao habang hinuhulma nila
ang kanilang lipunan at habang hinuhulma rin sila nito.

WIKA: daluyan, tagapagpahayag at impokan-kuhanan ng isang kultura na umiiral at nagkakahugis sa


proseso ng komunikasyon ng mga taong patuloy ang pakikipag-ugnayan at pakikisalamuha sa isa’t isa.

Nasa KULTURANG PILIPINO ang ating kahiligan sa pakikisalamuha at pagiging bukas sa pagbuo ng
mga relasyon sa kapuwa.

Magamit at mapagpayaman sa pagsulong ng bayan: Masusing pagkilatis sa mga katangian, katuturan,


kalakasan at kahinaan ng bawat gawing komunikasyon

TSISMISAN (Istoryahan ng buhay-buhay ng mga kababayan): tinuturing na isang pagbabahaginan ng


impormasyon ang katotohanan ay di-tiyak. Uri ng pag-uusap ng dalawa o higit pang magkakilala o
makapaglayang-loob.

TSISMIS:
- maaring totoo
- bahagyang totoo
- binaluktot na katotohanan
- dinadagdagan o binawasang katotohanan
- sariling interpretasyon sa nakita o narining
- pawing haka-haka
- sadyang di-totoo
- inimbentong kwento

NAGMULA SA:
1) Obserbasyon ng unang tao o grupong nakakita sa itsinitsismis,
2) Imbentong pahayag ng isang naglalayong makapanirang-uri sa kapuwa
3) Pabrikadong teksto ng nagmamanipula o nanlilinlang sa isang grupo o madla.

“ Kapag may usok, malamang na may apoy”

Ang tsismisan ay bahagi parin ng daynamiks ng interaksyon ng mga Pilipino sa kapuwa at maaring
nakapagbigay sa mga magkakausap ng sikolohikal na koneksiyon at kultural na ugnayan sa lipunang
ginagalawan.

Ayon sa mga sangkot sa social marketing, ito rin ay pwedeng gamitin para takamin ang mga tao hinggil sa
isang bahaging teknolohiyang panlipinang maar ilako para mapakinabangan ng maramiing.

UMPUKAN (Usapan, Katuwaan, at iba pa sa malapitang samuhaan): impormal na paglalapit ng tatlo o higit
pang magkakakilala para mag-usap nang magkakaharap. Sa pangkalahatan, ito ay hindi planado o
nagaganap na lang sa bugso ng pagkakataon.

- ang paksa sa usapan ay hindi rin planado o pinagisipang mabuti


- pwedeng tungkol sa buhay-buhay ng mga tao sa komunidad
- magkakaparehonh interes ng mga nag-uumpukan
- mga bagong mukha at pangyayari sa paligid

Kagaya ng tsismis, wala tiyak p planadong daloy ang pag-uusapan. Subalit hindi kagaya sa tsismis, ito ay
pwedeng dumako rin sa:
- seryosong talakayan
-mainit na pagtatalo
- masayang biruan
-malokong kantiyawan
- maging sa laro o kantahan.

Sa pananaliksik, maaring gamitin ang ito bilang dulog sa pagtatanong-tanong at pakikipag-kwentuhan

TALAKAYAN ( Masinsinang palitan at talaban ng kaalaman): pagpapalitan ng kaalaman o ideya sa pagitan


ng dalawa o higit pang kalahok na nakatuon sa tukoy na paksa. Maaring pormal o impormal at pwedeng
harapan o mediated o ginamitan ng anumang midya.

PORMAL NA TALAKAYAN: karaniwang nagaganap sa mga itinakdang pagpupulong at sa mga palabas sa


telebisyon at programa sa radyo kung saan pinipili ang mga kalahok.
- may itninatalagang tagapagpadaloy (facilitator) na tiyak sa kaayusan ng daloy ng diskusyon.

IMPORMAL NA TALAKAYAN: madalas nangyayari sa umpukan, at minsan sa tsismisan o di-sinasadyang


pagkikita ay may posibilidad na hindi lahat ng kalahok ay mapipili.
- ang mga kalahok mismo ang kusang nagmamaneho sa diskusyon.
- may mga pagkakataong nagkakainitan kung saan mahalaga na may kalmadng kalahok na nagsisilbing taga-
awat o tagapagpalamig (neutralizer).

LAYON NG TALAKAYAN:
pagbusisi sa isyu o mga isyung kinakaharap ng isang tao, grupo, buong pamayanan, o buong bansa para
makahalaw ng aral:
- magkaroon ng linaw at pagkakaunawaan
- maresolba ang isa o magkakawing na mga problema
- makagawa o makapagmungkahi ng desisyon at aksiyon.

PAGBABAHAY-BAHAY (Pakikipag-kapuwa sa kanyang taha’t kaligiran): pagdalaw o pagpunta ng isang


tao o grupo sa mga bahay sa isang pamayanan para:
- maghatid ng mahalagang impormasyon
- magturo ng isang teknolohiya
- komonsulta sa mga miyembro ng pamilya hinggil sa isyu ng programa
- mangumbinsi sa pagsali o sa isang produkto
- kaisipan o samahan
- manghimok na tumangkilik sa isang produkto, kaisipan, gawain o adbokasiya

Madalas isinasagawa ng mga ahensiya ng pamahalaan, pribadong institusyon, o non-government


organization na may tiyak na layong panlipunan sa nangangailangan ng kontribusyon, pagkakaisa, at
pakikipagtulungan ng mga residente ng isang komunidad.

Ang harapan at impormal na dulog nito sa pakikisalamuhang may tiyak na layon. Ito ay akma sa kulturang
Pilipino dahil sanay tayo sa personal at impormal na interaksyon. Ngunit, limitado ang bahay-bahay,
lalo na sa mga lugar kung saan malalayo ang agwat sa pagitan ng mga bahay.

KASAMA SA MGA GUMAGAMIT NG PAGBABAHAY-BAHAY:


1) mga politico para mangampanya tuwing eleksiyon;
2) mga nahalal na lider o kinatawan nila mula sa mga local na pamahalaan para sa komonsulta hinggil sa
mga programang pangkaunlaran at humingj ng suporta sa pet project;
3) mga kinatawan ng ahensiya ng gobyerno para magbahagi ng kaalaman sa bagong teknolohiyang
pangkabuhayan o pangkalusugan;
4) mga organisadong grupo sa loob ng pmayanan para mag-organisa ng mga grupong pansibiko,
manghimok sa mga tao na lumahok sa mga proyektong pangkaunlaran, atbp.
5) mga grupong panrelihyon na nagsasagawa ng katekismo o nanganagaral ng salita ng Diyos;
6) mga pribadong institusyon para magsulong ng mga proyektong bahagi ng kanilang corporate social
responsibility (CSR) at magpakilala at mag-alok ng mga produkto; at
7) mga mananaliksik na nagpapasagot ng mga talatanungan, nakikipagpanayam o nakikipagkuwentuhan.

PULONG-BAYAN (Marubdob na usapang pampamayanan): pagtitipon ng isang grupo ng mga mamayan sa


itinakdang oras at lunan upang pag-usapan nang masinsinan ang mga isyu, kabahalaan, problema,
programa, at iba pang usaping pampamayanan. Isinasagawa ito madalas kapag, may programang
pinaplano o isasakatuparan, may mga problemang kailangang lutasin, at may mga batas na
ipatutupad sa isang komunidad.

LAYON NG PULONG BAYAN:


- pagkonsulta sa mga mamamayan
- paghimok sa kanila na sumuporta o sumama
- pagplano kasama sila
- paggawa ng isang desisyon na binalangkas nila
- pagmomobilisa sa kanila hinggil sa isang isyu o problema
- gawain o programang panlipunan

Ang pabilog o paikot na kaayusan ng pulong konseho ng mga nakatatanda ay kumakatawan sa kanilang
balanse at pantay-pantay na kapangyarihan bilang mga hukom at pinuno ng mamamayan. Bagama’t
hindi kasali sa mga pulong, ang mga kabataan naman ay pinapayagang mag obserba sa gilid upang may
matutuhan at makasunod sila sa mga tradisyon na ipagpapatuloy nila kapag sila na ang namumuno sa
pamayanan.

KOMUNIKASYING DI-BERBAL (Pagpapahiwatigan sa mayamang kalinangan): paraan ng pagbabatid ng


kahulugan o mensahe sa pamamagitan ng samot-saring bagay maliban sa salita. Malaking bahagi ng
anumang komunikasyon ng mga tao ay mga di-berbal na pahiwatig. Talamak din sa midya ang mga di-
berbal na pahiwating, hindi lamang dahil sa tampok sa maraming midya ang mukha at katawan ng tao, kundi
dahil ang kahulugan ng berbal na mensahe ay hinuhubog din ng mismong uri at katangian ng midya
kung saan ito nakapaloob.
Maobserbahan sa mga taong kalahok sa pakikisalamuha mula sa mga bahagi ng katawan ng mga kalahok
hanggang sa espasyo sa pagitan ng mga nakikisalamuha. Mula sa:
- paggalaw ng isang bahagi ng katawan
- kombinasyon ng mga galaw
- panahon ng pagsasalamuha
- pook at kaligiran ng pagsasalamuha
- kasuotan at borloloy sa katawan
- iba pang simbolismo gaya ng kulay

Di-berbal na senyales sa pamamagitan ng mga bahagi ng katawan ang pinakamakulay at pinakaginagamit


dito. Inisa-isa ni Maggay (2002) ang mga kahulugan ng maraming katangian at galaw ng mga bahagi sa
katawan:

- Paggalaw ng mata
-Pagtaas ng kilay
-Pagkunot ng noo
-Pagnguso
- Pagngisi
- Pagkuyakoy ng mga hita habang nakaupo
- Pagkagat ng labi
- Panlalaki ng mata
- Tindig
- Paraan ng paglalakad
- Pagdadala sa sarili
- Postura
- Panahon ng pagsasalamuha
- Pananamit o kasuotan

MGA EKSPRESYONG LOCAL (Tanda ng matingkad, masigla, at makulay na ugnaya’t kwentuhan): mga
salita o pariralang masasambit ng mga Pilipino dahil sa bugso ng damdamin kagaya ng galit, yamot, gulat,
pagkabigla, pagkataranta, takot, dismaya, tuwa, o galak. May mga ekspresyon din na pagbati,
pagpapasalamat o pagpapaalam sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas.

Sa talastasang Pilipino, ang mga local na ekspresyon ang nagpapaigting at nagbibigay-kulay sa mga kwento
ng buhay at sumasalamin sa kamalayan at damdamin ng mga Pilipino.

Dahil tigib ng mga indirektanng pahiwatig ang talastasang Pilipino, ang kahulugan ng marami sa mga
local na ekspresiyon ay hindi literal. Bagkus, ito ay kadalasang nakadepende sa iba’t ibang konteksto
ng pag-uusap. Halimbawa, ang salitang “grabe”.

KOMUNIKASYON AT WIKANG FILIPINO (Magkatahing puwersa ng pag-uugnayan, pagkakaunawaan,


at kaunlaran): Ang pag-iral ng iba’t ibang gawing pangkomunikasyon sa lipunang Pilipino ay tanda ng
mayamang tradisyon ng malalim na pakikipag-ugnayan at marubdob na pakikisalamuha ng mga
Pilipino sa kapuwa. Walang nag-iisa o natatanging kagawian na pinakamainam sa lahat dahil bawat
isa ay may silbi at halaga sa kulturang Pilipino.

Sa ibang kultura, ang sinasabi sa isang di-inaasahang pagkakasalubong ay kung ano lang ang dapat sabihin.
Bukas at makuwento rin tayo sa kapwa, kaya nga marami sa atin ang nagpapaskil ng kung ano-anong
impormasyon at pangyayari sa ating buhay sa ating Facebook timeline.

Tunay na mainam na ikinonsidera sa pormal at di-pormal na edukasyon ang mga gawaing Pilipino at ang
pambansang wika upang mas maging matatag ang ugnayan ng mga iskolar at masa. Sa gayon, ang
edukasyong Pilipino at mga eksperto ay hindi malalayo o mahihiwalay sa kanyang bayan at mga kababayan.
Kailangan ding gamitin ang sariling wika sa pag-aaral ng lipunang Pilipino dahil ang wika ang
kinapapalooban at kumakatawan sa kultura.

You might also like