Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

9-Darwin

SOLEIL- BUHAY NI SISA

“Kabanata 14: Tasyo, Baliw o Pilosopo”


Tagapagsalay: Isang matandang lalaki ang malimit makitag palibut-libot. Waring walang tiyak na
patutunguhan. Siya ay si Don Anastacio na mas kilala bilang “Pilosopo Tasyo”. O kilala ng mga
mang mang na “Mang Tasyo” o “Baliw”. Siya ay pinag-aral ng kanyang ina sa Colegio De San
Jose ngunit sa sobrang katalinuha’y pinatigil siya sa kadahilang baka malimutan niya na ang
Diyos. At sa halip na mag pari’y sya ay nag-asawa ngunit maaga siyang nabalo at naulila. Balik
siya sa pagbabasa ng aklat hanggang sa napabayaan niya ang kaniyang mga mana.8

Tagapagsalaysay: Pagtungo sa simbahan, Nakita ni Mang Tasyo ang dalawang sakristan. Isang
sampung taong gulang at ang isa naman ay walo.

Pilosopo Tasyo: Sasama ba kayo sa akin? Paghahanda kayo ng masarap na hapunan ng inyong
ina.
Basilio: Ayaw po kaming paalisin ng Sakristan Mayor, pagtapos daw po ng ikawalo at saka pa po
kami makakauwi. Iniiitay rin po namin ang sahod upang may magasta si ina (sisa).
Tagapagsalaysay: Patungo sa kampanaryo ang mag kapatid upang dupikalin ang kampana para
sa mga kaluluwa kaya’t nagbilin si Mang Tasyo sa kanila.
Pilosopo Tasyo: Mag-iingat kayo wag kayong lalapit sa kampana pag kumidlat.

“Kabanata 15: Ang Dalawang Sakristan”


*Umuulan*
Tagapagsalaysay:Ang magkapatid ay nasa kampanaryo. Ang maliit ay si Crispin na matatakutin,
at ang malaki ay si Basilio. Sumasaliw sa sigwa ang malungkot na plegarya ng kampanang
pumapaimbulog sa himpapawid.
*TUMUNOG AND KAMPANA*

Crispin: Bayaran mo na, kaka iyong sinasabi nilang ninakaw ko. Bayaran mo na kaka.
Basilyo: Crispin, Kapag binayaran yon, walang kakainin si inang.
Basilio: Dalawang piso lamang ang sasahurin ko sa buwang ito. Sabi ng Sakristan Mayor and
dalawang onsa daw na sabing ninakaw po ay katumbas ng “tatlong put dalawa”
Crispin: mabuting nangang ninakaw ko iyon. Ang sabi ng kura papatayin nya daw ako sa palo
kapag hindi ko nailabas ang ginto. Kung talagang ninakaw ko iyon ay nailabad ko.
Tagapagsalaysay: Napaiyak si Crispin, isinabi sa kapatid na umuwi mag isa upang sabihin sa ina
na sya’y may sakit.
Nag dalawang awa si basilio sa kapatid.
Ipinaalala nya na meroong pagkain na inihanda ang kanilang ina ayon kay Mang tasyo.
Basilio: kung maniniwala si inang, ikaw na ang bahalang mag sabi sa sakristan mayor
*umakyat/pumunta ang sakristan mayor*
Sakristan Mayor: Mga pasaway na bata! Kahit kalian kayo, wala na kayong magawang tama sa
simbahan! Ikaw Basilio! Magmumulta ka ng kalahati dahil sa hindi magandang tunog ng
kampana!
Sakristan mayor: At ikaw Crispin! Hindi ka uuwi hangga't hindi mo inilalabas ang dalawang
onsang gintong ninakaw mo! Kahit kailan mga wala kayong galang! Pati simbahan
pinagnanakawan ninyo!
*kinaladkad si crispin ng sakristan mayor at sinaktan*
Crispin: Aray ko po, tama na po! (namimilipit na at naiiyak sa sakit) Basilio: (umiiyak) Tama na
po! Maawa na kayo!
Sakristan Mayor: Huwag mo akong pigilan! (sinampal at natumba si Basilio)
Crispin: (umiiyak) Kaka, huwag mo akong iwan! Huwag mo akong iwan!
Basilio: Crispin!
Tagapagsalaysay: Wala nang nagawa pa si Basilio para sa kapatid. Tanging mga hambalos, impit
na sigaw, at daing na lamang ang kanyang narinig. Pagkatapos noon ay nakabibinging
katahimikan
Tagapagsalaysay: nangatal si basilio at pinagpawisan sa sobrang takot. Ngunit ang mga pinto ay
ng bawat silid ay nakalapat. Bawat bintanay may salang bakal.
Tagapagsalaysay: Inakyat ni Basilio ang kinabibitinan na mga kampana. Kinalag niya ang lubid
at muling nanaog. Pinagbuhol niya ang mga lubid, itinali sa palavavanan at buong ingat na
naghugos sa gitna na kadiliman.
“Kabanata 16: Si Sisa”

Tagapagsalaysay: Tahimik ang bayan sa gitna ng kadiliman. Payapa silang nag situlog upang
pagsapit ng umaga ay magsipagsimba upang magtamo ng indulhensiya.

Tagapagsalaysay: Ngunit si Sisa ay gising pa ng gabing iyon. Nakatira si sisa na ina nina basilio
at crispin sa labas ng bayan

Tagapagsalaysay: Ang kanyang asawa’y isang lalaking walang pakialam sa buhay, palabuy-
laboy, at sugaro. Bihira itong umuwi sakanilang bahay. Nilustay niya ang kaunting alanas ni Sisa
para sa pagsusugal at nang maubos na ito'y sinasaktan pa ang asawa.

*Nag hahanda ng pagkain si Sisa para sa mga anak*

Sisa: Naku! Sigurado akong matutuwa ang mga anak ko sa inihanda kong ulam. Nakikita ko
nang gutom na gutom sina Crispin at Basilio mula sa simbahan. Siguradong magugustuhan ni
Crispin ang isdang tuyo na pinakapaborito niya habang pinipigaan ng kamatis! At, buti na lang
nakahingi ako kay Pilosopo Tasyo ng tapang baboy-ramo at hita ng patong bundok. Siguradong
maglalaway si Basilio kapag nakita ito!

Tagapagsalaysay: Habang naghahanda si Sisa ay siya namang pagdating ng kanyang asawa na si


Pedro.

Pedro: Nagugutom ako, Sisa. Aba, ang sarap ng hinain mo ah.


(uupo si Pedro at magsisimulang kumain)

Sisa: Pero, Pedro sa mga......

Tagapagsalaysay: Bago pa matapos ni Sisa ang sinsasabi ay nakain na ng kanyang sugapang


asawa ang ulam. Pakiramdam niya ay siya ang kinakain nito. Wala na lang siyang magawa kundi
ang pigilan ang luha.

Pedro: Aalis nako.

Sisa: Hindi mo man lang ba hihintayin ang pagdating ng mga anak mo?
Alam ko ay susweldo si Basilio ngayong araw.

Pedro: Ah, ganun ba? Ipagtabi mo ako ng isang piso sa sasahuring kuwalta ni Basilio.
*umalis*

Tagapagsalaysay: Wala nang nagawa pa si Sisa. Sobra ang kalungkutan niya kaya't pinasaya na
lamang niya ang sarili sa pagkanta. Nagluto na lamang siya ng natirang tatlo pang isdang tuyo,
dahil alam niya na uuwi ang kanyang mga anak na gutom na gutom sapagkat malayo pa ang
pinanggalingan.

Tagapagsalaysay: inip na inip na si Sisa sa paghihintay sa mga anak. Upang aliwin ang
sarili ay di miminsan siyang umawit ng mahina.
*mayat maya ay kumatok si Basilio*

Basilio: Inang! Buksan mo ang Pinto! Inang! Pagbuksan mo ako!

Tagapagsalaysay:Nanginig sa takot si Sisa nang marinig ang tinig ng kanyang anak na


parang humahangos. At mas lalo pa siyang natakot noong makita niya ang anak na
tigmak ng dugo ang mukha.

“Kabanata 17: Si Basilio”

Sisa: Anak ko!, Ano ang nangyari saiyo!

Basilio: Huwag kayong matatakot Inang. Naiwan si Crispin sa kumbento. Nagtanan ako
sa kumbento, Inang. Nang Kaladkarin ng sacristan mayo si crispin, sinabayan ko ng
talilis.

Sisa: Sa kumbento? Nanatili siya sa kumbento?

Sisa: Ngunit bakit ka nasugatan, anak ko? Mayroon ka bang pagkahulog?

Basilio:Ako po'y tumakas sa kumbento. Ngayon lamang ako pinauwi ng Sakristan Mayor
dahil hindi daw ako makauuwi kundi alas-diyes ng gabi. Bawal nang maglakad ng alas-
nuwebe kaya't noong nakasalubong ko ang mga guardia civil sa bayan at sinigawan
ako ng "quien vive" ay nagtatakbo ako. Pinaputukan po nila ako at isang punglo ang
dumaplis sa aking noo.

Sisa: Diyos ko! Salamat at iyong iniligtas siya!

Sisa: Halika anak at gamutin natin ang sugat mo.

Tagapagsalaysay: Hinugasan ni Sisa ang sugat ng anak at nilagyan ng pampahilom.


Hiniling ni Basilio sa ina na ilihim ang nangyari sa kanya. Pinakain na niya ang anak ng
iniluto niyang tuyong isda.
Sisa: Bakit nanatili si Crispin?

Tagapagsalaysay: Si Basilio ay nag-aalinlangan ng ilang sandali, nauugnay niya ang


kuwento ng mgapiraso ng ginto, gayunpaman, tungkol sa mga pagpapahirap na
kanilang sinakop sa kanyang kabataangkapatid.

Sisa: *umiiyak* Ang aking magandang Crispin! Upang akusahan ang aking magandang
Crispin! Ito ay dahil kami ay dukha! Wala ka pa bang pananghalian? Narito ang bigas at
isda.

Basilio: Hindi ko gusto ang anumang bagay, isang basong tubig nalamang po.

Sisa: Oo. Alam ko na hindi mo gusto ang tuyo na isda. Naghanda ako ng ibang bagay,
ngunit dumating ang iyong ama.

Basilio: Dumating si Ama?

Sisa: Dumating siya ngunit nung dumating ang iyong ama’y inubos lahat. Kaawa-awa
kong mga anak.

*hinawakan ni Basilio ang muka ni Sisa*

Basilio: Hindi ba mas maganda na tayo nalamang tatlo ang magsama-sama?, Kayo, si
Crispin at saka ako?

Tagapagsalaysay: Isang malalim na buntong-hininga ang namulas sa mga labi ni Sisa


upang hindi na lumawig ang usapan nila tungkol sa ama. Nanalangin si Basilio at
nahigang kasiping ng kanyang ina

*Nanaginip si Basilio na Sinasaktan si Crispin ng kura at Sakristan Mayor*

Basilio: Crispin!

Sisa: Diyos ko, anak. anong nangyari sa iyo? May problema ba?

Basilio: Inay, ayoko na pong magsakristan. Sunduin niyo na po si Crispin bukas sa


kumbento at kunin ang aking huling sahod. Ipakikiusap ko po kay Don Ibarra na
tanggapin akong tagapastol ng hayop nila. Paaralin niyo po si Crispin kay Pilosopo
Tasyo. Mabait si Don Crisostomo. Baka bigyan pa po niya ako ng gatas na gustong-
gusto ni Crispin o kaya ay isang batang kalabaw. Pag malaki na ako ay magsasaka ako
at mag-aararo. Di ba mainam iyon, Inang? Pumayag na kayo, huwag nyo na po akong
gawing sacristan
Sisa: Oo,anak. Sige na, tumahan ka na.

tagapagsalaysay: Napaluha si Sisa dahil sa daming balak ng kanyang anak ay hindi


kasama ang kanilang ama.

Kabanata 18: Mga Kaluluwang Naghihirap

Sisa: Tao po, magandang araw po.

Kusinera: (mataray) Sino kayo?

Sisa: Ako po si Sisa, ang ina ng sakristan na si Crispin. May dala ho akong mga gulay
para sa Kura. (iaabot ang basket)

Kusinera: (hahawakan at susuriin ang mga gulay) O, sige. Ilagay mo na lang diyan.

Sisa: Saan ho?

Kusinera:Kahit saan diyan.

Sisa: Maaari ko ho bang makausap ang kura?

Kusinera: May sakit ang Kura.

Sisa: Si Crispin po ba ay nasa sakristiya?

Kusinera: Huwag ka nang magkaila. Alam ng lahat na si Crispin ay nasa inyo nang
bahay.

Sisa: Si Basilio ho ay nasa bahay ngunit si Crispin ay naiwan dito. Ibig ko sanang
makausap ang aking anak.

Kusinera: Naiwan nga ngunit tumakas din pagkatapos magnakaw ng maraming bagay.
Baka nga hinahanap na siya ng mga guardia civil sa inyo, eh. Alam mo, napakabuti
mong asawa ngunit masasama naman ang mga anak mo tulad ng kanilang ama. Lalo
na yung maliit? Naku! Baka higitan pa niya ang ama niya.

Sisa: Nakikiusap po ako, gusto ko lamang pong makausap ang Kura tungkol sa aking
anak.
Kusinera: Hindi mo ba naintindihan? May sakit ang Kura!

*napaupo sa iyak si Sisa*

Tagapagsalaysay: Kinakailangang ipagtulakan pa si Sisa bago napababa sa hagdanan.


Tinakpan ng pamindong ang mukha at pinigil ang paghikbi. Matuling lumayo na wari’y
may nais gawin.

Kabanata 21: Ang Kasaysayan ng Isang Ina

Tagapagsalaysay: Si Sisa ay lakad-takbong wari’y nagmamadaling umuwi sa kaniyang munting tahanan.


Ito’y higit na nagtataka kung bakit nangyari ang mga bagay na ito sa kaniya.
Maya-maya’y Nakita niya ang dalwang guwardiya sibil sa kanilang bakuran, nagpanggap ito na di niya
ito nakita ngunit siya ay nakita parin ng mga ito.

Guwardiya sibil 1: Ikaw ay magtapat! Kung hindi ay igagapos ka namin sa bahay at babarilin!
Hinahanap naming ang iyong anak. Ang Malaki ay nakatakas ngunit ang maliit ay saan mo dinala?

Sisa: mga ginoo, si crispin ay matagal ko nag hindi nakikita. Sinubukan ko siyang dalawin sa kumbento
ngunit ang sinabi lamang sakin—(nagsilita bigla ang guwardiya sibi 2)

Guwardiya sibil 2: kung gayun ang ibigay mo na lang ang salapi at hindi ka na namin huhulihin.

Sisa: ang mga anak ko po’y kahit naghihirap ay di kayang magnakaw.

Guwardiya sibil 1: kung gayun ay sumama ka samin sa kuwartel!

Tagapagsalaysay: siya ay nasa gitna ng dalawang kawal habang naglalakad. Ang natangis na sisa ay
nagtaklob ng pamandung sa mukha at naglalakad habang nakapikit sa labis na pagkaapi.
Bawat tingin sa kaniya ay nakakasugat sa kaniyag damdamin kaya patuloy itong lumakad ng nakatungo.
Si sisa ang nasa isang sulok, walang kibo at halos mabaliw dahil sa lalim ng iniisip. Tanghali na nang
dumating ang alperes at naisip agad nito na ipawalang-bahala ang bintang ng kura kay sisa.

Alperes: ayan ay kagagawan lamang ng kura. Kung talagang hilig niya mabalik ang pera’y hihingin nya
na ito kay San Antonio.

Tagapagsalaysay: Nang makauwi si sisa ay nagikot-ikot na parang di alam ang pupuntahan. Nang
makita niya ang pilas ng baro ni basilio na nakasabit sa ding ding ay pinagmasdan niya ito ngunit di
napansin ang bahid ng dugo dito.
Kinabukasa’y Nakita siyang pagala-gala, umaawit at nakikipag-usap sa lahat ng nilikha.

Tagapagsalaysay: siya ay nasa gitna ng dalawang kawal habang naglalakad. Ang


natangis na sisa ay nagtaklob ng pamandung sa mukha at naglalakad habang nakapikit
sa labis na pagkaapi. Bawat tingin sa kaniya ay nakakasugat sa kaniyag damdamin
kaya patuloy itong lumakad ng nakatungo. Si sisa ang nasa isang sulok, walang kibo at
halos mabaliw dahil sa lalim ng iniisip. Tanghali na nang dumating ang alperes at naisip
agad nito na ipawalang-bahala ang bintang ng kura kay sisa.

Alperes: ayan ay kagagawan lamang ng kura. Kung talagang hilig niya mabalik ang
pera’y hihingin nya na ito kay San Antonio.

Tagapagsalaysay : Nang makauwi si sisa ay nagikot-ikot na parang di alam ang


pupuntahan. Nang makita niya ang pilas ng baro ni basilio na nakasabit sa ding ding ay
pinagmasdan niya ito ngunit di napansin ang bahid ng dugo dito. Kinabukasa’y Nakita
siyang pagala-gala, umaawit at nakikipag-usap sa lahat ng nilikha.

KABANATA 63(NOCHEBUENA)
Tagapagsanaysay: Isang dampa na yari sa mga sanga ng kahoy ang nakatayo sa libis ng isang
bundok. Sa dampang ito namamahay angisang mag-anak na nabubuhay sa pangangaso
at pangangahoy.Isang matandang lalaki ang nakaupo sa lilim ng isang puno at gumagawa ng
walis. Sa isang tabi naman ay isang dalagangnag-aayos ng mga gulay, dayap at itlog ng manok
sa isang bilao. Sa kabilang daka ay isang batang lalaki at isang batangbabae ang naglalaro sa
harap ng isang batang patpatin, malungkot at may malamlam na mata. Ang batang ito ay si
Basilio, na anak ni Sisa at kapatid ni Crispin.Ipinaganda ng matanda ang mga walis sa dalaga
upang may maibili ng mga kakailanganin ng mga kapatid sa nalalapit sapasko at pagkatapos ay
tananong ni Basilio.

MATANDA:Ano ang ibig mo?

BASILIO:Inkong, mahigit na po bang isang buwan na ako’y maysakit?

MATANDA:Magdadalawang buwan na mula nang matagpuan ka naming walang malay. Akala


namin ay hindi ka na mabubuhay.”

BASILIO:Diyos na po sana ang bahalang gumanda sa inyong mga kabuhayan. Kami po ay


maralita lamang at ang ibig ko po sanangmaging pamasko ay makita ko ang aking ina at kapatid
na marahil naghihinagpis sa paghahanap sa akin.

MATANDA:Ngunit malayo ang inyong bayan, at hindi ka pa lubusang magaling. Gagabihin ka


bago mo marating iyon.
BASILIO:Hindi ko po iindahin ang pagod. Ang nais ko po ay makasalo ang aking mga
magulang at kapatid. Isang isda po angpinagsaluhan namin noong nakaraang Pasko. Ngayon po
siguro’y umiiyak na ang aking ina sa paghahanap.

MATANDA: Anak, baka hindi ka na makarating sa bayan nang buhay. Manok at pindang na
baboy-ramo ang hahapunan natin ngayon. Darating mula sa bukid ang aking anak at ikaw ay
hahanapin.

BASILIO:Kayo po’y maraming anak, at ang sa aking ina’y dadalawa pom lamang. Baka po
iniisip ng aking ina na ako’y patay na,kaya’t ibig ko po siyang handugan ng pamasko ngayon ng
isang anak.(Napaluha ang matanda sa sinabi ni Basilio.)

MATANDA:Sige, anak, lumakad ka at bigyan mo ang aginaldo ang iyong ina. Patnubayan ka
nawa ng Diyos.

You might also like