Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 6

6

Araling Panlipunan
Quarter 4 – Week 6:
Mga Pangunahing Suliranin at
Hamong Kinaharap ng mga
Pilipino mula 1986 hanggang sa
Kasalukuyan
PAMANTAYAN SA PAGKATUTO:
Nasusuri ang mga pangunahing suliranin at hamong kinaharap ng
mga Pilipino mula 1986 hanggang sa kasalukuyan

LAYUNIN:
1. Natatalakay ang mga pangunahing suliranin at hamong kinaharap ng
mga Pilipino mula 1986 hanggang sa kasalukuyan
2. Nakakabuo ng pahayag hinggil sa suliranin sa kasalukuyan
3. Nabibigyang halaga ang pagkakaroon ng positibong pananaw sa mga
isyu o ideya.

PAKSANG-ARALIN

Matapos ang mapayapang rebolusyon sa EDSA ay nanungkulan


na si Pangulong Corazon Aquino sa bansa. Itinatag niya ang
pansamantalang rebolusyonaryong pamahalaan dahil ang People Power na
naganap ay pagpapahayag ng di pagkilala ng mga tao sa umiiral na
Konstitusyon ng 1973.

Pamahalaan ni Pangulong Corazon Aquino (Pebrero 1986 – Hunyo


1992)

Ang mga hakbang na ginawa ni Pangulong Aquino upang maisaayos


ang pamamalakad sa pamahalaan ay ang muling pag-aayos ng
pamahalaan. Binuwag niya ang Batasang Pambansa at pinalitan ang mga
opisyal at kawani ng dating pamahalaan. Humirang siya ng mga Officer -in-
Charge (OIC) sa bawat sangay upang mamahala habang isinasaayos ng
Presidential Commission on Govenrment Reorganization (PCGR) kung paano
pamamahalaan ang bansa.

1
Ang sumusunod ay ilan sa mga suliraning sinikap niyang bigyang-
lunas.

1. Pagdami ng rebelde
2. Paglabag sa Karapatang Pantao
3. Pagbawi sa Ninakaw na Kayamanan

Ilan lamang ito sa mga suliraning kinaharap ni Pangulong Aquino na


sinikap niyang matugunan.

Pamamahala ni Pangulong Fidel Ramos (Hunyo 1992 – Hunyo


1998)

Nanumpa si Fidel V. Ramos noong Hulyo 27, 1992 bilang Pangulo ng


Pilipinas. Kasama niyang nanungkulan si Joseph Estrada bilang
Pangalawang Pangulo.

Marami ring suliranin na kinaharap si Pangulong Ramos sa panahon


ng kanyang panunungkulan. Ilan dito ay ang mga sumusunod:

1. Pagbaba ng halaga ng piso at pagbaba ng interes ng Treasury Bills


2. Mga brownout na naganap bunga ng bagsak ng ekonomiya
3. Mataas ng bilang ng mga kabataang hindi nag-aaral

Pamamahala ni Pangulong Josepeh Estrada (Hunyo 1998 – Enero 2001)

Inihayag na Pangulo ng Republika ng Pilipinas si Joseph Ejercito


Estrada noong Mayo 11, 1998 at nanungkulan siya noong Hunyo 30 ng
nasabi ring taon.

Sa kabila ng pagsisikap ng pamahalaan na maitaguyod ang


kaunlaran ng bansa, hindi naiwasa ang mga balakid na humadlang sa
pagpapatupad nito.

Ang pambansang suliranin ay hamon sa pagpapaunlad ng isang


matatag na pamahalaan. Ang sumusunod ay mga suliraning kinaharap ng
pamahalaang Estrada sa loob ng dalawang taon pa lamang niyang
panunungkulan.

2
1. Digmaan sa Mindanao na nagbunsod sa paghina ng ating
ekonomiya.
2. Pagbaba ng antas ng implasyon na nagbunga ng pagbagsak ng
piso.
3. Jueteng scandal na kinasangkutan ng Pangulo.
4. Isyu ng katiwalian at pagtanggap ng suhol laban sa Pangulo.
5. Pagiging sangkot ng Pangulo sa BW shares at iba pa.

Pamamahala ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo


(Enero 2001 – Hunyo 2010)

Si Pangulong Arroyo ay isang ekonomista, mamamahayag, guro, at


nagsilbi bilang senador noong 1992.

Aniya susundan niya ang yapak ng kanyang yumaong ama at


ipauubaya sa Diyos ang paggabay sa kanya.

Mga Suliraning Kinaharap ng Pamahalaang Arroyo

Bagama’t naging agresibo ang mga program ani Pangulong Arroyo,


nakaranas din ng mga suliranin ang kanyang panunungkulan tulad ng mga
sumusunod:

1. krisis pampulitika
2. malaking kakulangan sa pondo na nagmula sa dating pamahalaan
3. kriminalidad
4. pabagu-bagong estado ng pandaigdigang kalakalan
5. terorismo at korapsyon

Sa loob ng tatlo’t kalahating taon mula 2001 hanggang 2004,


pinagtuunan ng pansin ni Pangulong Arroyo ang binalangkas na layunin ng
kanyang pamahalaan tulad ng pgbibigay ng pabahay, edukasyon,
programang pangkalusugan, modernisasyon ng agrikultura upang masiguro
ang produksyon, pagpapanumbalik ng pambansang katatagan ng
ekonomiya, at ang pagpapanumbalik ng tiwala ng mamumuhunan sa ating
bansa.

3
PAGSUSULIT
I. Panuto: Basahing mabuti ang mga pangungusap. Suriin kung kaninong
pamamahala ang mga sumusunod na suliranin.
1. Jueteng scandal na kinasangkutan ng Pangulo
_____________________________________________________________________
2. Pagbawi sa ninakaw na kayamanan
_____________________________________________________________________
3. Pagiging sangkot ng Pangulo sa BW shares
_____________________________________________________________________
4. Pagbaba ng halaga ng piso at pagbaba ng interes ng Treasury Bills
_____________________________________________________________________
5. Paglabag sa Karapatang Pantao
_____________________________________________________________________
6. pabagu-bagong estado ng pandaigdigang kalakalan
_____________________________________________________________________
7. terorismo at korapsyon
_____________________________________________________________________
8. Mataas ng bilang ng mga kabataang hindi nag-aaral
_____________________________________________________________________
9. Digmaan sa Mindanao na nagbunsod sa paghina ng ating ekonomiya
_____________________________________________________________________
10. Isyu ng katiwalian at pagtanggap ng suhol laban sa Pangulo
_____________________________________________________________________

4
II. Panuto: Ipaliwanag.
Kung ikaw ang tatanungin, anong suliranin sa kasalukuyan ang
una mong bibigyang lunas kung ikaw ay nahalal na pangulo ng
Pilipinas? Bakit?
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________

Sanggunian
Department of Education. 2020. "Araling Panlipunan 6 MELC." In Most
Essential Learning Cmpetencies.
Emmanuel Franco Calairo, PH D. 2006. Panahon, Kasaysayan, at Lipunan
(Ikalawang Edisyon). Diwa Learning Systems Inc.

Gabay sa Pagwawasto
PAGSUSULIT
I.
1. Pamamahala ni Pangulong Josepeh Estrada
2. Pamahalaan ni Pangulong Corazon Aquino
3. Pamamahala ni Pangulong Josepeh Estrada
4. Pamamahala ni Pangulong Fidel Ramos
5. Pamahalaan ni Pangulong Corazon Aquino
6. Pamamahala ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo
7. Pamamahala ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo
8. Pamamahala ni Pangulong Fidel Ramos
9. Pamamahala ni Pangulong Josepeh Estrada
10.Pamamahala ni Pangulong Josepeh Estrada

II. Ipaliwanag: (Iba-iba ang sagot)

Inihanda ni:
ROSETTE JANE L. LEPON
Manunulat

You might also like