Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 22

CALBIGA WESTERN SAMAR COLLEGE

MODYUL 3:

FIL 103: ANG FILIPINO SA KURIKULUM NG BATAYANG


EDUKASYON
(SEMI - FINALS)

I. Layunin

Sa pagtatapos ng pagtalakay sa araling ito, inaasahan na ang mag-aaral ay:

1. Nailalahad ang iba’t ibang kahulugan ng Kurikulum.


2. Nasusuri ang iba’t ibang kahulugan at bahagi ng Kurikulum.
3. Nakagagawa ng mga pagsusuri sa mga layunin ng mga pagbabago sa
kurikulum.
4. Naiisa-isa ang mga Hakbang sa Proseso ng Paglinang ng Kurikulum

II. Panimulang Pagsusulit: (Ang panimulang pagsasanay ay nasa hiwalay na


papel, making sa iyong dalubturo ukol dito.)

III. Introduksyon:

ARALIN 3
ANG KURIKULUM
Ang aralin na ito ay nakatuon sa pagtalakay sa kabuuan ng paksa na
kurikulum. Saklaw nito ang mga sub-aralin na: (1) kahulugan ng Kurikulum (NESC);
(2) Bahagi ng kurikulum; (3) Paglinang ng Kurikulum; at (4) Mga Hakbang sa
Proseso ng Paglinang ng Kurikulum;

1
IV. Nilalaman:

Pangkalahatang Nilalaman
Maliwanag na pangangailangan para sa mga kasama sa
akademikong institusyon na maunaawaan bilang panimula ang esensya ng
kurikulum na integratibo naman sap ag-unawa sa kabuuang katuturan ng
edukasyon. Para sa dalubhasa sa larang ng pagtuturo maituturing na
proseso ang isang edukasyon na ang pangunahing naglalaan nito ay
lipunan na ang hangarin naman ay mapaunlad ang kanyang mamamayan.
At upang mapaunlad nang tiyak ang mamamayan sa tulong ng edukasyon,
kinakailangang mahusay na maihanda ang isang holistikong gawaing
pangkaalaman at pangkasanayan at gawaing pampagkatuto. Dito ngayon
pumapasok ang gampanin ng isang mahusay na kurikulum.

Sa pagpapakahulugan nina William B. Ragan at D.G. Sheperd, ang


kurikulum ay isang daluyang magpapadali kung saan ang paaralan ay may
resposibilidad sa paghahatid, pagsasalin at pagsasaayos ng mga
karanasang pampagkatuto. Sa pamamagitan ng kurikulum, integratibo ang
karanasan at karanasang pang-edukasyonal sa pagpapaunlad ng
sitwasyong panlipunan ng mag-aaral. Sa gayon, ang kurikulum ay isang
plano na mga gawaing pampaaralan at kasama pa rito ang sumusunod: (1)
ang mga dapat matutunan ng mga mag-aaral; (2) pamamaraan sa
pagtatasa at/o pagtataya ng/sa pagkatuto; (3) krayterya at/o
kuwalipikasyon upang mapabilang ang mag-aaral sa programa; at (4)
inobatibo at malikhaing mga kagamitan sa pampagtuturo. Ang curriculum
ay nagmula sa salitang Latin na curere aynangangahulugang ito run the
course of the race o magtabakbo ng isang kurso sapagkat ang kurikulum
ang nagsisilbing pundasyon ng mga paaralan sa pagtuturo at pagkatuto.

Maliban sa nabanggit may limang basikong kahulugan pa ang


kurikulum na maaaring bigyang konsiderasyon. Ito ay ang sumusunod:

1. Ang kurikulum ay maaaring bigyang kahulugan bilang isang


plano upang matamo ang mga adhikain. Ang plano ay
kinabibilangan ng mga magkakasunod na hakbangin.
Sinasalalayan ito ng sumusunod na pagpapakahulugan:
 J. Galen Saylor- defines curriculum as “a plan for
providing sets of learning opportunities for person to be

2
educated.
 David Pratt - Curriculum is an organized set of formal
education and/ortraining intentions.
 John Wiles and Joseph Bondi - view curriculum as a
four-step plan involving purpose, design, implementation,
and assessment.
2. Ang Kurikulum ay maaaring bigyan ng malawak nitong
pagpapakahulugan na sumasaklaw sa kabuuang karanasan ng
mag-aaral. S apamamagitan ng kahulugang ito maituturing na
anumang naisaplano sa loob at labas ng akademikong
institusyon ay bahagi ng kurikulum. Ang pagpapakahulugang ito
ay sinasalalayan ng sumusunod na pagpapakahulugan:
 Hollis Caswell and Doak Campbell - view curriculum as
“all the experiences children have under the guidance of
teachers.
 Gene Shepherd and William Ragan - The curriculum
consists of the ongoing experiences of children under the
guidance of the school.
 Collin Marsh and George Willis - views curriculum as all
the “experiences in the classroom that are planned and
enacted.
3. Ang Kurikulum ay isang sistema ng/sa pakikipag-ugnayan sa mga tao.
4. Ang kurikulum ay maaaring bigyang kahulugan bilang isang
sangay ng pag-aaral na nagtataglay ng sarili nitong mga
pundasyon, domayn ng kaalaman, pananaliksik, teorya,
prinsipyo, at dalubhasa.
5. Ang kurikulum ay maaaring bigyang kahulugan batay sa paksa
(matematika, agham, Ingkles, Kasaysayan at iba pang katulad
nito) o sa nilalaman (sa kung paani isinasaayos at inaasimila ang
mga impormasyon).

Bahagi ng Kurikulum

1. AIM - Balak o Pakay, Paglalahad o pagpapaliwanag ng


pangkalahatang layunin ng kurikulum. Napakaloob dito ang mga
tagapakinig (audience) gayundin ang mga paksa.

2. RASYONALE - Makatwirang Paliwanag, Mapaghimok na


pagtatalo, dahil dito ipinaliliwanag kung bakit gustong
magmungkahi at ang mga paggamit ng oras at mga
pinagkukunan para sa kurikulum

3. HANGARIN AT LAYUNIN - Talaan ng mga maaaring bunga ng

3
mga matutuhan ng mga mag-aaral batay sa magiging
partisipasyon sa kurikulum. Napakaloob din sa bahaging ito ang
pagpapaliwanag kung paano makatutulong ang kurikulum sa
bansa at sa lipunan.

4. MAG-AARAL AT MGA PANGUNAhiNG KAILANGAN -


Nagpapaliwanag kung sino ang makikinabang sa binu[bu]ong
kurikulum at mga pangunang kaalaman at kakayahan para sa
mabisang kurikulum.

5. MGA KAGAMITAN - Tala ng mga kakailanganing kagamitan


para sa matagumpay na pagtuturo ng mga asignatura sa
kurikulum. Nakapaloob dito ang mga aklat at ibang babasahin
kabilang ang mga artikulo at journal, mga pananaliksik at iba
pang karaniwang kagamitan kasama rin ang mga pangunahing
website mula sa internet na maaaring maging batayan sa
talakayan.

6. PLANONG PAMPAGTUTURO - Nagsasaad ng/sa mga gawaing


kukunin ng mag- aaral at ang pagkasunod-sunod nito.
Napakaloob din sa bahaging ito ang maaaring gawain ng guro sa
klase. Estratehiya, metodo,dulog istilo ng pagtuturo.

7. PLANO PARA SA PAGTATAYA AT EBALWASYON – bahagi na


binubuo ng mga kahingian at pagsusulit na nakabatay sa layunin upang
makuha ang kinakailangang

Ang Paglinang ng Kurikulum

Ang pagdesinyo ng kurikulum ay nagsisilbing batayan ng isang


bansa sa kalidad ngedukasyon. Ito ay masiguro na ang mga mag-aaral ng
isang bansa ay matutugunanang kaukulang kaalaman at ng mga mag-
aaral sa bawat antas, samakatuwid, angtagagawa ng disenyo ng kurikulum
ay laging iniisip ang pangangailangan ng mgamag-aaral at ang angkop ng
kurikulum para sa kanila.

Pangangailan ding alamin at isasaalang-alang natin ang mga


dimensyon sa pagdidisenyo ng kurikulum, mga hakbang sa pagdedesinyo
at proseso ng paglinangng kurikulum.

Iba’t ibang Dimensyon sa Pagdesinyo ng Kurikulum. (1) SCOPE o


SAKLAW (Tyler in Ornstein 2004)- Tumutukoy ang saklaw sa lahat ng

4
nilalaman, paksa, pagkatuto at pag-organisa ngkabuuang pagpaplano. Ito
ay hindi lamang nakapokus sa pangkaisipang nilalamankundi maging sa
pandamdamin at pangkasanayang nilalaman. Limitado, malawak,simple ay
ilan lamang sa mga salitang makapaglalarawan ng scope o saklaw. Dito
kailangan ang desisyon ng mga guro. Binubuo ito ng mga bahagi na
nahahati samga yunit, sub-yunits, mga kabanata at sub- chapters. Sa
paghahati ng nilalamanmaaaring gamitin ang pamamaraang pabuod o
pasaklaw (deductive or inductive); (2) SEQUECE- Ang nilalaman ay may
pagkakasunod-sunod na antas o lebel. Ayon kina Smith,Stanley at Shore,
1957 sila ay nagbigay ng ilang prinsipyo hinggil sa sequence
opagkakasunod-sunod.(a) SIMPLE TO COMPLEX LEARNING - Ang mga
nilalaman ay nakaayos ssimula sa pinakasimple patungo
sapinakamahirap. Halimbawa nito, sa Matematika – addition muna bago
multiplication.Sa Filipino, talakayin muna ang mga letra bago salita, salita
bago mga parirala atparirala bago mga pangungusap; (b).
PREREQUISITE LEARNING- Nangangahulugang kinakailangang may
dating kaalaman bago dumako sa susunodna pagkatuto. Halimbawa, sa
Professional Education- hindi mo makukuha angAssessment of Learning
2 kung hindi mo pa pinag-aralan ang Assessment ofLearning 1; (3)
WHOLE TO PART LEARNING- Batay sa Gestalt theory. Ang kahulugan ay
mas mainam maintindihan kung angnilalaman ay mula sa kabuuan.
Halimbawa nito, pagpapakitang- turo (demo teaching) muna bago ituro ang
nilalamang ng banghay-aralin o paggawa ng banghay- aralin; (4)
CHRONOLOGICAL LEARNING- Ang pagkakasunod-sunod ng mga
pangyayari ay isa sa mga pinagbabatayan ngpagkakasunod-sunod ng mga
nilalaman. Ito ay madalas na naihahanay sa pag-aaralng kasaysayan at
pangyayari sa lipunan. Ang panahon ay may mahalaganggampanin
dito. Maaaring magsimula sa kasalukuyan papunta sa nakaraan o
umpisasa nakaraang panahon papunta sa kasalukuyan.

Ayon naman kina Posner at Rudnitsky, nagbigay rin sila ng


sumusnod na prinsipyo: (1) WORLD-RELATED SEQUENCE: (a) SPACE o
Espasyo- Halimbawa: malapit patungo sa malayo o pataas patungo sa
ibaba; (b) TIME o Oras- Halimbawa: Ituro muna ang pinakaunang naging
presidente ng Pilipinas hanggangsa kasalukuyan; (c) Physical Attribute-
Halimbawa: ituro muna ang tatlong pulo ng Pilipinas bago ang mga rehiyon
nito; (2) CONCEPT-RELATED SEQUENCE:
(a) CLASS RELATION- Halimbawa: Bago malaman ang uri ng mammals,
kailangan munang ituro sa mgamag-aaral kung ano ang ibig sabihin ng
mammals: (b) PROPOSITIONAL RELATIONS- Halimbawa: Kailngan
munang ituro ang mga batas sa equal protection bago pag-aralan ang
Supreme Court Decisions; (3) INQUIRY-RELATED SEQUENCE-
Tumutukoy sa siyentipikong pamamaraan ng inquiry; (4). LEARNING-

5
RELATED SEQUENCE- Nakabatay sa sikolohiya ng pagkatuto at kung
paano ang tao natuto: (a) EMPERICAL PREREQUISITE – nakabata sa
emperikal na pag-aaral na kung saanang prerequisite ay kailngan bago
matutuhan ang sunod na lebel; (b) FAMILIARITY – kailangang mayroong
pamilyaridad ang mga mag-aaral sa mgapaksang tinalaky; (c)
DIFFICULTY – kailangang matukoy kung saan nahihirapan ang mga mag-
aaral samga paksang tinalakay; (d) INTEREST – nakikita ang interes ng
mga mag-aaral sa pagtalakay ng mga paksa; (3) CONTINUITY. May
kinalaman sa Spiral Curriculum ni Gerome Bruner. -Ang pagkatuto at pag-
unlad ay nagiging pangmatagalan o permanente. Ang mganatutunan ng
mga mag-aaral, ang kanilang mga kasanayan ay lalong nalilinang -
Halimbawa: ang ilang araln sa agham na nasa elementarya ay
ipinagpapatuloyhanggang sa mataas na antas subalit may iba’t ibang antas
ng kahirapan; (4). INTEGRATION. Ang lahat ng bagay ay magkakaugnay-
ugnay. Ang nilalaman, mga paksa oasignatura ay may kaugnayan at
sumasalamin sa totoong mga sitwasyon sa buhay; (5) ARTICULATION.
Maaaring gawin nang pahalang o pababa. - Sa vertical articulation, ang
nilalaman ay nakahanay at sumusunod sa antas o lebel.Ang horizontal
articulation naman ay nangyayari kapag ang ugnayan ng mga ito
aynangyayari sa iisa at parehong panahon; at (6) BALANCE. Nasusukat
ang disenyo ng kurikulum kung ito ba epektibo o makabuluhan
sapamamagitan ng tamang pagbalanse ng nilalaman, panahon at iba pang
elementonito

Mga Hakbang sa Proseso ng Paglinang ng Kurikulum

1. Ang mga guro, magulang, tagapamahala ng paaralan


(administrator) at maging ang mga mag-aaral ay may kinalaman sa
pagdesenyo ng kurikulum.
2. Ang mithiin, tunguhin, misyon at bisyon ng paaralan ay kailangang
pag-aralang mabutiat dapat maging batayan din ito sa pagdesenyo
ng kurikulum.
3. Ang pangangailangan at interes ng mga mag-aaral sa
pangkalahatan pati na rin sa komunidad, sa kabuuan ay kailangan
laging isaisip.
4. Ang mga alternatibong kagamitan sa pagdedesenyo ng kurikulum
tulad ng gastos, paghahati ng klase (class schedule), laki ng klase,
pasilidad (facilities) pati na rin ang personalidad ng mga
tagapamahala ng paaralan ay kailangang malaman ang mabuti at
di-mabuting epekto nito.
5. Ang pagdedesenyo ng kurikulum ay kailangang nakaangkla sa
kognitibo, pandama,kakayahan, konsepto at kinalabasan ng
pagkatuto ng mga mag-aaral

6
ARALIN 4
SCHOOL OF THOUGHTS AT PAGLINANG NG
KURIKULUM SA PILIPINAS

Sa araling ito na may paksang School of Thoughts sa Paglinang ng


Kurikulum ay tatalakayin ang sumusunod na sub-paksa: (1) Essentialist
School; (2) Progressivists School; (3) Ang Kurikulum Bago Dumating ang
mga Kastila; (4) Ang Kurikulum sa Panahon ng mga Kastila;
(5) Kurikulum sa Panahon ng mga Amerikano; (6) Ang Kurikulum sa
Panahon ng Komonwelt; (7) Ang Kurikulum sa Panahon ng mga Hapones;
(8) Ang Kurikulum sa Panahon ng Kalayaan; at (9) Ang Kurikulum sa
Panahon ng Republika ng Pilipinas; (10) Mga Salik sa Paglinang ng
Kurikulum;
(11) Ang PROCEED at ang Bagong Kurikulum sa Paaralang Elementarya
(NESC); (12) Ang SEDP (Secondary Education Development Program);
(13) Mga Kasanayan sa Filipino sa SEDP Kurikulum; (14) Ang mga
Komponents at Katangian ng Asignaturang Filipino sa Kurikulum ng 1989;
(15) Ang Mother Tongue Based Multilingual Education Curriculum (2012);
at (16) Ang K- 12 Curriculum

Panglakahatang Layunin

Sa katapusan ng aralin na ito, inaasahan na:

1. Nakapaglalarawan sa School of Thoughts sa paglinang ng kurikulum.


2. Nakapaglalahad ng mga katangian ng Kurikulm sa pagdaan ng
panahon
3. Nakapaghahambing sa iba’t iba’t ibang kurikulum sa Pilipinas.
4. Nakagagawa ng isang pananaliksik kaugnay sa mga
batayang teorya sa pagbabago ng kurikulum sa bawat
panahon.
5. Naihahambing ang bawat kapanahunan ng kurikulum.
6. Nakapagtatalakay at nakapag-iisa-isa sa mga pagbabagong
nagaganap sa kurikulum
7. Nakagagawa ng mga pagsusuri sa mga layunin ng mga pagbabago
sa kurikulum.

7
Pangkalahatang Kaalaman

Sa pagbuo at paglinang ng kurikulum sa mundo at sa Pilipinas


(partikular) dalawang pangunahing kaisipan ang sinasabing may malaking
impluwensya sa pagbalangkas nito. Ito ay ang Essentialism at
Progressivist. Ang Essentialist ay nabibilang sa tradisyonal na pagtanaw
sa edukasyon habang ang progressivist naman ay nasa kontemporanyong
oryentasyon. (tingnan ang pagkakaiba ng dalawa sa talahanayan)

Tradisyon Kontemporany
Kategorya
al o
Essentialism Progressivist
Oryentasyon Teoretikal Teoretikal
Pagyabong,
Direksyon sa Panahon Pinanatili ang nirerekonstrak ang
Kahalagahan ng kasalukuyan, binabago
Nakaraan ang lipunan, hinuhulma
ang
hinaharap
Halagahang Nababago,
Fixed, Absolute,
Pang- Subhektibo,
Obhektibo
Edukasyon Relatibo

Nakatuon sa
Prosesong Pang- Nakapokus sa Pagtuturo
aktibong
edukasyon
pansariling
pagkatuto
Nakikilahok sa pagtugon
Nagsasanay, Nakatuon
Intelektwal na Pokus sa mga suliranin, may
sa pagdidisiplina ng
gampaning panlipunan
kaisipan
Para sa Lahat ay may pantay-
Paksain
pansariling pantay na halaga
kapakinabangan
Binubuo ng tatlong
3Rs, Sining, Agham
Kurikulum R (Pagbasa,
at Bokasyonal
Pagsulat at
Matematika)
Kognitbong
Pagkatuto Exploratory, Pagtuklas
Pagkatuto,
Disiplina

8
Heterogeneous,
Pagpapangkat Homogeneous
dibersidad ng/sa
Kultura
Nagpapamahagi, Nagpapadaloy,
guro
lektura, Nangingibabaw naggagabay, gumagabay
sa pagtuturo sa pagbabago
Nakikilahok sa pagtuklas
Tumatanggap ng
Mag-aaral ng
kaalaman,
kaalaman, bumubuo ng
pasibo
kaalaman
Sosyal Direksyon, control, Indibidwalismo
restraint

Paglinang ng Kurilum sa Pilipinas

Ang bawat panahon sa Kasaysayan ng Pilipinas ay kakikitaan ng Iba’t


ibang tuon ng Kurikulum.

1. Panahon Bago Dumating ang Kastila. Pinagtutuunang pansin ang


mga pagiging pinuno upang makatulong sa pag-unlad. Sa ilalim
lamang ng puno nagtuturo ang mga tribo, nakaupo lamangang mga
bata sa lupa at gumagamit lamang sila ng makikinis na batosa
pagsulat. Pangangaso para sa mga lalaki at mga gawaing-bahay
para sa mga babae. Ang edukasyon ay kolektibong responsibilidad
ng pamayanan o barangay. Ang mga magulang at nakatatanda sa
barangay ang nangangasiwa sapagtuturo sa mga bata. Ang mga
kasanayan sa produksiyon tulad ng paghahabi, pangingisda
atpangangaso ay pangunahing binibigyang pansin. Mahalaga ang
pangangalaga noon sa mga produkto dahil ito lamang ang
pinagkukuhanan nila ng kabuhayan at pinagkakakitaan. Hindi nila
gaanong binibigyan ng kaukulang pansin ang pag-aaral.

2. Ang Kurikulum sa Panahon ng Kastila. Malaki ang naging gampanin


ng pagdating ng iba’t ibang misyonero ditto sa Pilipinas pagdating
sa sistema ng edukasyon sa Pilipinas. Nagingpangunahin nga
nilang layunin ang pagpapalaganap ng Kristiyanismo sa bansa.
Itinuro dito ang relihiyong Kristiyanismo, wikangEspanyol, pagsulat,
pagbasa, aritmetika, musika, sining at paggawa. Ipinasasauloang
aralin sa mga mag-aaral maging ang mga dasal. May mga
paaralang bokasyonal na naitatag din layunin nitong ituro ang iba’t
ibang karunungan tulad ng pananahi, paglililok, sining sa pagpipinta
at pagdaragat. Nagbukas ng mga paaralang normal para sa mga
lalaki at babae na nais maging guro. nahahati ito sa dalawang uri:

9
(a) Dominikano- pinamunuan ang Unibersidad de Sto. Tomas;
samantalang (b.) Heswita- naman ang namuno sa Ateneo Municipal
deManila.

3. Ang Kurikulum sa Panahon ng Amerikano. Maraming mga


pampublikong paaralan ang naitayo upang maraming mga Pilipino
ang makapag-aral. Ang wikang Ingles ang ginamit na panturo sa
mga paaralan at binigyang-diinang kulturang Amerikano sa leksiyon.
Sa pamamagitan ng Act 74 na nilagdaan ni Pangulong
Mckinleynoong Enero 1901 ay nailatag ang istruktura ng edukasyon
sabansa sa ilalim ng pangangasiwa ng mga Amerikano. ang naging
pokus ng pagtuturo sa mga paaralan atbinigyang-diin ang
demokratikong pamumuhay at hindi ang relihiyon. Binalangkas ang
istruktura ng edukasyon na umaakma samalapyudal na katangian
ng ekonomiya ng Pilipinas at pantustos sapang-ekonomiyang
pangangailangan ng Amerika. Naging kasangkapan ng pananakop
ang edukasyong pangwika at pampanitikan noong panahon ng
kolonyalismong Amerikano. Iba’t ibang pangunahing sanggunian
ang ginamit niya sa saliksik tulad ng mga opisyal na kurso sa pag-
aaral (courses of study), planong leksiyon ng mga guro, ulat ng
Direktor ng Bureau of Education at iba pang opisyales, at iba pang
kagamitan sa pagtuturo. Tinipon din niya ang mga teksto, teksbuk,
at reader na itinakda at ipinabasa sa mga mag-aaral sa elementarya
at hay-iskul sa apat na dekada ng pananakop ng mga

4. Ang Kurikulum sa Panahon ng Hapon. Noong 1942, nilikha ang


Commission of Education, Health, and Public Welfare sa bisa ng
Military Order No. 2 ng pamahalaang Hapones. Bahagi ng simulain
nito ang mgasumusunod: (1) Pagpapaintindi sa mga mamamayan
ng kalagayan ng Pilipinas bilangkasapi ng Greater East Asia Co-
Prosperity Sphere; (2) Pagsupil sa mga kaisaipang Kanluraning
nag-uugnay sa mga Pilipinoat sa mga bansa sa Kanluran, particular
sa mga bansang Britanya at ang Estados Unidos; (3)
Pagpapayabong ng kultura ng bagong Pilipino ayon sa kamalayan
ng pagigigng Oryental o Asyano; (4) Pagtuturo ng wikang Nihonggo;
(5) Pagkakaloob ng edukasyong elementarya at bokasyunal; at (6)
Pagtataguyod ng pagmamahal sa paggawa.

5. Ang Kurikulum sa Ikatlong Republika. ang pangunahing suliraning


hinarap ng bansa ayang rehabilitasyon o pagbibigay tatag ng
pamumuhay ng mga Pilipino sapagkatmalaking pinsala ang nagawa
nito. Sa edukasyon, nagkaroon ng suliranin sa mgagusaling

10
pampaaralan gayundin sa mga kinakailangang kagamitan dito.
Ipinagpatuloy ang maka-amerikanong sistema ng edukasyon. Itinuro
pa rinang mga kaisipang pandemokrasya at Ingles pa rin ang
wikang panturo. Ipinakilala ang mga paaralang pampamayanan
upang maiangkop sapanahon ng kahirapan. Ipinaturo ang katangi-
tanging nagawa ng mga bayani.

6. Ang Kurikulum sa Panahon ng Martial Law at ng 1986 Rebolusyon.


Ipinatupad sa panahon na ito ang bilingual education, population
education at family planning, taxation at land reform, at
pagpapatibay ng/sa pagpapahalagang Pilipino.

7. Ang Kurikulum Matapos ang Martial Law at Rebolusyon. Naging


bahagi ng kurikulum ang computer at makabagong teknolohiya.
Binigyang-diin ang pagpapaunlad ng wikang bernakular, wikang
ingles, inclusive education, special education, makabagong
pamamaraan sa pagtuturo gaya ng multiple intelligences, learning
styles at mga katulad nito.

Ang PROCEED at ang Bagong Kurikulum sa Paaralang Elementarya (NESC)

Iminungkahi na noo’y Direktor ng Kawanihan ng Edukasyong Pang-


elementarya Dr. Minda C. Saturia ang pagbabago ng kurikulum sa
Paaralang Elementarya sa pag-aakalang tutugon ito sa suliranin ng
paaralan. Ito ay ang sampung taon programa para sa Komprehensibong
Edukasyong Pang-elementarya o kinilala sa tawag na Program for a
Comprehensive Elementary Education o PROCEED.

Ang PROCEED bilang programang pang-edukasyon ay naglalaman


ng siyam (9) na pangunahing component. Ito ay ang sumusunod: (1)
Misyon at Pagpapahalaga (Mission and Values); (2) Paglinang ng
Kurikulum ( Curriculum Development); (3) Pagpapaunlad at Kagalingang
Pangguro (Teacher Development and Welfare); (4) Pagpapabuti ng mga
Kagamitan (Facilities Development); (5) Paghahanda ng mga Kagamitang
Pampagtuturo (Instructional Materials Development); (6) Pamamahala
(Management); (7) Pananalapi (Financing); (8) Edukasyong
Pangkalusugan (School Based Health Education); at (9) Edukasyon Bago
Mag- elementarya (Pre-Elementary Education).

Sa ilalim ng nabanggit na programang pang-edukasyon, naghain ng


isang bagong kurikulum para sa Paaralang Elementarya na tinawag
naman na New Elementary School Curriculum (NESC). Ang mungkahing
kurikulum na nabanggit ay naglayong gampanan ng paaralan ang ilang

11
tinukoy na misyon nito gaya ng sumusunod: matulungan ang bawat
mamamayan sa pagtatamo ng mga batayang kahandaan sa ikapagiging
mulat, may disiplina, Makabayan, may pananalig s aDiyos, malikhain,
versatile, at kapaki-pakinabang na mamamayan ng isang pamayanang
Pambansa. Binigyang- tuon ang paglinang sa kaisipang Makabayan
(sense of nationhood) sa pamamagitan ng pagtatamo ng mga batayang
kasanayan sa Sining ng Komunikasyon (Ingles at Filipino), Matematika at
Araling Panlipunan (Sibika) at Kalingan (Civic and Culture) na kinilala noon
sa tawag na batayang edukasyong Elementarya.

Ang bunga ay itinuturing na higit na mahalaga kaysa aralin. Ang


pokus nito ay 4Hs sa Ingles. Ito ay ang Head (ulo) o nakatuon sa
intelektwal; Heart (puso) o pagpapahalaga (values); Hands (kamay) o
batayang kasanayan sa paggawa; at Health (kalusugan) o kagalingang
pisikal at mental. Sa gayon, ang binibigyang diin sa NESC ay ang
pagkatuto ng makatutulong sa paglinang ng apat na H (head, Heart, Hands
and Health).

Ang kurikulum ay binuo rin ng tatlong (3) Sab-Siklo: Sab-Siklong


Batayan (Baitang I at II); Sab-siklo s apagsasanay at pagpapsidhi (Baitang
III at IV); at Sab-siklo sa pagsasanay, pagpapasidhi at pagsasagawa
(Baitang V at VI). Nilayon ng mga sab-siklong ito na sa unang kapantayan
ng edukasyon na matamong lubusan ang 100% ng mag-aaral ang
minimum na mahalagang kasanayan sa ilalim ng NESC.

Mga Kasanayan sa Filipino sa SEDP Kurikulum

Upang matugunan ang pangangailangan na maipagpatuloy ang


pagkalinang ng mga mag-aaral na pinasimulan ng nagkaroon ng
implementasyon ng Program for a Comprehensive Elementary Education o
PROCEED sinundan ito ng pagbuo ng programang pansekondarya na
tinawag naming Secondary Education Development Program (SEPD).
Pinasimulan ito ng dating kalihim na si Dr. Lourdes Quisumbing. Ang mga
asignaturang pinag-aralan sa SEDP ay may apat na pung (40) minutong
inilaan maliban nalang sa Science and Technology at Home Economics na
may isang oras. Nilayon ng programang ito na mapabuti ang uri ng
edukasyong pansekondarya sa bansa, mapalawak ang access ng mga
mamamayan sa may uring edukasyong pansekondarya at maitaguyod
ang pagkapantay-pantay sa mga alokasyon ng mga mapagkukunan
(resources) lalo na sa mga kapantayang lokal.

Sa ilalim ng SEDP kurikulum nakapaloob dito na linangin ang mga


kakayahan sa paggamit ng Filipino sa tulong ng mga tinuturing pambalarila
upang matamo ang kasanayang makro. Sa loob ng SEDP Kurikulum
12
tinuon nito ang paglinang sa sumusunod na kasanayan sa wika at/o
panitikan: (1) Pakikinig- dito naiintindihan ng mag-aaral ang isang paksa
kung siya ay nakapokus sa pakikinig; (2) Pagsasalita- naibabahagi ang
kaalaman tungkol sa isang bagay; (3) Pagbasa- nauunawaan ang
nilalaman ng teksto kapag naiibahagi niya ang knyang sarilingopinion
tungkol sa isang paksa; (4) Pagsulat- maipahayag ang sariling ideya,
kaisipan at damdamin; (5) Paggawa ng mga tala- magaling gumawa ng
mga tala o noted details; at (6) Kasanayang Pansanggunian- mahilig
magbasa ng mga aklat, dyaryo at magazines na maaaring kapulutan ng
aral.

Matapos ito ay muling nagkaroon ng rebisyon ang kurikulum noong


1973 sa ilalim ng Revised Secondary Education Kurikulum o RSAC at muli
itong nagkaroon ng pagbabago noong 1989 sa ilalim ng New Secondary
Education Curriculum (NSEC).

Ang mga Komponents at Katangian ng Asignaturang Filipino sa Kurikulum ng


1989

1. Wika
a. Magkahiwalay na ituturo ang wika at panitikang Filipino sa loob ng
apatnapung minutong pagkaklase;
b. Gagamitin ang pagdulog nosyonal/functional o ang estratehiyang
komunikatibo;
c. Bibigyang-diin sa pagtuturo ang tunay na gamit ng wika
(use/function) sa tulong lamang ng mga kaalaman at tuntuning
pambalarila, ayon sa konteksto ng hangarin, sitwasyon at
pangangailangan.
d. Gagamitin ang dulog na learner-centered sa pagtuturo at ang
konsentrasyong pagtuturo at pag-aaral ay pagkakaroon ng
kakayahan sa komunikasyon lalo na sa pakikipagtalastasan.

2. Panitikan
a. Maingat na binalangkas ang papaunlad (spiral progression) ang
mga ituturong anyo/uri ng panitikan kasama ang mga akda mula sa
iba’t ibang lalawigan/rehiyon.
b. Ginagamit ang mga akda bilang bukod sa babasahin o paksang
aralin upang magkaroon ng lubusang kasanayan (mastery) ang
mga mag-aaral sa iba’t ibang sangay ng panitikan.
c. Kaalinsabay ng pagtatamo ng mga kasanayang pampanitikan,
matutuhan din kung paano ang pagsulat ng pinapaksang anyo o
uri ng panitikan.
d. Ituturi ito nang ihiwalay upang lumawak ang kaisipan-karanasan
ng mga mag-aaral upang magkaroon ng damdmain at malasakit
13
sa sariling literature
3. Halagahang Pangkatauhan
4. Palatuntunang Pampamahalaan
5. Mga Pag-aaral/ Pananaliksik
6. Pagsasaling-wika

Ang Mother Tongue Based Multilingual Education Curriculum (2012)

Nilagdaan na noon ay Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino ang


batas na R. A. 10533 (Enhanced Basic Education Act of 2013) o mas
kilalabilang K-12 Curriculum. Ayon kina Estrada at Gargantiel (2013), ang
batas naito ay nagsasaad na ang mga mag-aaral ay kailangang
sumailalim sa mga baitang mula Kinder hanggang Grade 12 sa kanilang
pag-aaral ng batayang edukasyon. Ang mga antas na ito ay binubuo ng
pitong (7) taon sa primary education kasama ang Kindergarten, apat (4) na
taon sa Junior High School at dalawang (2) taon sa Senior High School na
may kabuuang labing-tatlong (13) taon. Kaangkla din sa batas na ito ay
ang pagpapatupad ng sistemang Mother Tongue-Based Multilingual
Education (MTB-MLE). Ang MTB-MLE ay ang paggamit ng mga mag-aaral
ng kanilang unang wika (L1) bilang wikang panturo mula Kindergarten
hanggang ikatlong baitang. Isa ang Pilipinas sa may maraming wikang
ginagamit bilang dialekto ng wika ng mga Filipino na kung saan mayroong
humigit kumulang 181 na wika na naging sanhi ng pagkakaroon ng
problema ng Kagawaran ng Edukasyon sa pagpaptupad ng nasabing
sistema. Ayon kay Director Paraluman Giron ng DepEd Region IV-A
maging ang isa sa mga masugid na tagatangkilik ng MTB-MLE, saunang
taong pag-aaral ng mga bata mahalagang gamitin ang unang wika upang
masanay sila sa mas malawak na pag-iisip. Binigyang diin din ni Giron,
kung gagamitin ang unang wika sa pagtuturo sa mga bata masasanay sila
sa pagsasagotat pagtatanong ng “bakit” na siyang susi sa mas malalim na
pagkaunawa. (PIA Achieve News Reader, 2010)

Ang MTB-MLE ay edukasyong pormal o di-pormal na ang unang


wika (mother tongue) ng mag-aaral at iba pang wika ay ginagamit sa loob
ng silid-aralan. Ipinalalagay na ang mag-aaral ay natututo sa simula ng
kanilang edukasyon gamit ang wikang kanilang higit nauunawaan (unang
wika/mother tongue) at nalilinang ang matatag na pundasyon ng pagkatuto
gamit ang kanilang unang wika bago ang kanilang matuto ng iba pang mga
wika. Ipinakita sa mga pananaliksik ang katotohanan na ang mga batang
may matatag na pundasyon sa kanilang unang wika ay nakabubuo nang

14
higit na mataas na literasiya (maaaring tingnan ang pag-aaral nina Diane
Dekker sa kaso ng Lubuagan). Higit na naibabahagi ng mag-aaral ang
kanilang kaalaman sa iba’t ibang mga wika. Ayon kay Kalihim Mona
Valisno ng Kagawaran ngEdukasyon, layunin ng MTB-MLE na
makapaghubog ng “lifelong learners” na bihasa sa paggamit ng unang
wika, ng pambansang wika, at iba pang salita kagaya ng Ingles.

Bago ang implementasyon nito noong 2012 nagkaroon na nang


Kautusan noong ang Kagawaran ng Edukasyon sa bisa ng Kautusan
Bilang 74, Serye 2009 na may pamagat na Institutionalizing Mother
Tongue Based Multilingual Education na nilagdaan na noon ay Kalihim
Jesli Lapuz.

Ang K-12 Kurikulum

Ang K to 12 Program ng pamahalaan ng/sa ay tumutukoy sa


pagkakaroon ng mandatory o required na kindergarten at karagdagang 2
taon sa dating 10-year Basic Education Cycle. Kung noon, pagkatapos ng
anim na taon sa elementarya at apat na taon sa hayskul (kabuuang 10
taon) ay maaari nang makapagkolehiyo ang mga estudyante. Sa ilalim ng
K to 12, bago makapagkolehiyo, kailangan pa nilang dumaan sa
karagdagang 2 taon pagkatapos ng apat na taon sa mataas na paaralan
(high school/sekondarya). Sa bagong sistema, tinatawag na senior high
school o junior college ang karagdagang 2 taon. Ang apat na taon ng
mataas na paaralan sa lumang sistema ay tinatawag namang junior high
school. Sa kabuuan, Grade 1-12 ang opisyal na tawag sa 12 taon ng Basic
Education sa ilalim ng Kto12.

Nagsimula noong School Year 2011-2012 ang pagkakaroon ng


kindergarten sa mga pampublikong paaralan. Noong taong-aralan 2012-
2013 ay sinimulan na ang implementasyon ng K to12 kurikulum sa unang
baitang at ikapitong (unang taon sa junior high school). Unti-unting
ipinatupad ang K to 12 curriculum hanggang sa makapagtapos ang unang
hanay ng senior high school noong taong-aralan 2017-2018. Batay sa
plano ng gobyerno, noong taong-aralan 2018-
2019 pa nagsimulang kumuha ng bachelor’s degree sa
kolehiyo/unibersidad ang unang hanay ng senior high school na dumaan
sa Kto12.

Nagbunsod ang pagbabagong ito sa programang pang-edukasyon


ng Pilipinas dahil ayon sa pagtataya ng mga ahensya ng pamahalaan
mababa raw ang kalidad ng edukasyon sa Pilipinas at sa pamamagitan
daw ng Kto12 ay mapatataas ang kalidad ng edukasyon sa bansa.

15
Tinatanaw rin na sa buong Southeast Asia, ang Pilipinas na lang ang may
10-year Basic Education Cycle (ang ibang bansa ay may 11-12 taon sa
Basic Education Cycle). Sa buong mundo, ang Pilipinas ang isa sa 3 bansa
na may 10-year Basic Education Cycle. Sa lumang sistema, matapos
makumpleto ang apat na taon sa mataas na paaralan tinataya na di pa rin
handa para magtrabaho ang mga estudyante (masyado pang bata para
makapagnegosyo at iba pa). Hindi rin [daw] handang magkolehiyo ang
maraming nagtatapos sa mataas na paaralan sa lumang sistema. Dahil sa
lumang 10-year Basic Education Cycle ay hindi kinikilala ng ibang bansa
ang mga propesyunal na nagtatapos sa Pilipinas. Sa Amerika, kailangan
ang labing dalawang (12) taon ng basikong edukasyon (basic education)
para sa mga inhinyero. Sa Europa naman, kailangan ng labing dalawang
(12) taon ng basikong edukasyon para sa mga gustong mag-aral sa mga
unibersidad at para sa mga gustong magtrabaho bilang propesyunal.

Sa ngayon, ang Pilipinas ay ang tanging bansa sa Asya at kabilang


sa tatlong natitirang mga bansa sa mundo na gumagamit ng isang 10-
taong pangunahing siklo ng edukasyon. Ayon sa isang pagtatanghal na
ginawa ng South East Asian Ministro of Education Organization (SEAMEO-
INNOTECH) sa Karagdagang Taon sa Philippine Basic Education (2010),
ang data ng paghahambing sa tagal ng Pangunahing at Pre-University
Education sa Asya ay nagpapakita na ang Pilipinas ay nagbigay ng 10 taon
hindi lamang para sa pangunahing siklo ng edukasyon kundi pati na rin
para sa edukasyon ng pre-unibersidad samantalang ang lahat ng iba pang
mga bansa ay mayroon ding 11 o 12 taon sa kanilang pangunahing siklo
ng edukasyon.

Ang mga marka ng nakamit ay nagtatampok ng hindi magandang


pagganap ng aming mga mag-aaral sa pambansang pagsusuri. Ang mga
resulta ng National Achievement Test (NAT) para sa grade 6 noong SY
2009-2010 ay nagpakita lamang ng isang 69.21% na rate ng pagpasa
habang ang mga resulta ng NAT para sa high school ay nasa isang
mababang 46.38%. Bukod dito, ang mga pang-internasyonal na mga
pagsubok sa 2003 ng Trending sa pag-aaral ng International Mathematics
and Science (TIMSS) ay nagpapakita na ang Pilipinas ay nasa ika-34 sa
38 na bansa sa HS Math at ika-43 sa labas ng 46 na bansa sa HS II
Science. Bukod dito, ang Pilipinas ay nagraranggo sa pinakamababang
noong 2008 kahit na sa mga paaralang high school na sumali sa
kategoryang Advanced Mathematics.

Ang kasalukuyang kurikulum ay inilarawan bilang kongreso.


Nangangahulugan ito na ang mga mag-aaral ay hindi nakakakuha ng sapat
na oras upang maisagawa ang mga gawain dahil ang kurikulum ay
idinisenyo upang maituro sa isang tagal ng 12 taon at hindi 10 taon. Ang

16
mas malinaw na resulta nito ay ang katunayan na ang karamihan sa mga
mag-aaral sa high school ay nagtapos nang walang kahandaan na kumuha
ng mas mataas na edukasyon o trabaho. Ang mga mag-aaral na ito ay
hindi nilagyan ng mga pangunahing kasanayan o kakayahang
kinakailangan sa trabaho. Bukod dito, ang maikling panahon ng aming
pangunahing programa sa edukasyon ay naglalagay ng mga Pilipino na
interesado na magtrabaho o mag-aral sa ibang bansa sa kawalan. Ito ay
dahil nakikita ng ibang mga bansa ang aming 10-taong programa na hindi
kumpleto, kung gayon, ay nagiging sanhi ng mga nagtapos na Pilipino na
hindi maituring na mga propesyonal sa ibang bansa.

Ipapakita ng mga record na simula pa noong 1925, may mga


pagsisikap na mapagbuti ang pangunahing kurikulum ng edukasyon at
mga rekomendasyon na naipasa mula noon. Sa gayon, ang ideyang ito ng
pagdaragdag ng mga taon sa kasalukuyang kurikulum ay hindi bago.

Ang K-12 Kurikulum ay nagpapakita ng "holistically binuo na mga


mag-aaral na may mga kasanayan sa ika-21 siglo" (Deped Primer, 2011).
Sa pangunahing pangunahing programa ng edukasyon na ito ay
"kumpletong pag-unlad ng tao sa bawat nagtapos" (DepEd discussion
paper, p.6). Ito ay nangangahulugang nangangahulugan na ang bawat
mag-aaral ay magkaroon ng pag- unawa sa mundo sa paligid niya at isang
pagnanasa sa pag-aaral ng mahabang buhay habang tinutugunan ang
mga pangunahing pangangailangan sa pagkatuto ng mag-aaral: sa pang-
araw- araw na buhay ”(p. 6). Bilang karagdagan sa ito, ang bawat
nagtatapos ay inaasahang magkakaroon ng paggalang sa karapatang
pantao at nais nilang maging " Maka-Diyos, Maka- tao, Makabansa, Maka-
kalikasan " (p.6)

Tinutukoy ng primer ng DepEd (2011) ang mga benepisyo sa mga


indibidwal at pamilya:

1. Isang decongested na pang-akademikong gawaing pang-


akademiko, na nagbibigay ng mga mag-aaral ng mas maraming
oras upang makabisado ang mga kakayahan at para sa mga
aktibidad na co-kurso at pakikilahok sa komunidad, sa gayon,
pinapayagan ang isang mas holistic na pag-unlad; Ang mga
nagtapos ay magkakaroon ng mga kakayahan at kasanayan na
nauugnay sa merkado ng trabaho at sila ay magiging handa para
sa mas mataas na edukasyon;
3. Ang K-12 ay abot-kayang;
4. Ang potensyal na taunang kita ng isang graduate ng K-12 ay

17
mas mataas kumpara sa mga kita ng isang 10-taong high school
graduate;
5. Ang mga magtatapos ay makikilala sa ibang bansa.

Ang mga benepisyo ng kurikulum ng K-12 para sa lipunan at ekonomiya ay:

1. Makakatulong ito sa paglago ng ekonomiya. Ipinapakita ng mga


pag-aaral na ang mga pagpapabuti sa kalidad ng edukasyon ay
nagdaragdag ng paglago ng GDP. Ayon sa DepEd (2010), ang
mga pag-aaral sa bansa ay sumasalamin na ang isang
karagdagang taon ng paaralan ay nagdaragdag ng mga kita ng
7.5% at na ang mga pagpapabuti sa kalidad ng edukasyon ay
magbibigay-daan sa paglago ng GDP sa pamamagitan ng 2-
2.2%. Mapapabilis nito ang pagkilala sa mga nagtapos at mga
propesyonal sa Filipino sa ibang mga bansa
3. Ang isang mas mahusay na edukasyong lipunan ay nagbibigay
ng isang mahusay na pundasyon para sa pangmatagalang
sosyo-ekonomikong pag-unlad.

Bunga ng implementasyon ng programang K-12 naging malawak


ang epektong dinu[nai]dulot nito sa mga Kolehiyo/ Unibersidad/
Pamantasan gayundin sa mga kurso. Hanggang ngayon, wala pang
malinaw na detalye hinggil dito. May nagsasabing iikli ang bilang ng taon
ng kolehiyo/unibersidad dahil ang ibang General Education subjects (gaya
ng Filipino, English at History) ay isinama/inilipat/ ibinaba na sa senior high
school. May nagsasabing ganoon pa rin ang bilang ng taon ng
kolehiyo/unibersidad pero mababawasan ng ilang General Education
subjects ang kukunin ng mga estudyante.

18
V. MGA GAWAIN:

Pangalan: ___________________________
Kurso/Taon: ________________________
Petsa ng Pagsusumiti:

PANGKALAHATANG GAWAIN:
ISULAT ANG IYONG MGA SAGOT SA PAPEL. KUNAN ITO NG LARAWAN AT
IPASA SA FACEBOOK ACCOUNT NG IYONG DALUBTURO.
Gawain

1. Pangatwiran, alin ang higit na angkop na school of thoughts sa kalagayan ng


Pilipinas?
2. Paano nalilinang ang isang kurikulum sa isang kurso?
3. Manaliksik (online) ng mga halimbawa ng kurilkulum at suriin kung
nakatutugon ito sa mga inilalahad sa araling ito.
4. Gumawa ng pagsusuri sa mga dahilan ng mabilis na pagbabago ng
programang pang- edukasyon sa PIlipinas. Ilahad ang nilalaman ng
bawat pagbabago.
5. Paano nakaapekto ang kalagayang pang-edukasyon ng mga karatig
bansa sa Asya at mula sa Kanluran sa pagbalangkas at
implementasyon ng pamahalaan sa programang pang-edukasyon
sa Pilipinas.

VI. Pangwakas na Pagsusulit: (Ang pangwakas na pagsusulit ay nasa hiwalay


na papel,

19
making sa panutong ibibigay ng dalubturo.)

VII. MGA SANGGUNIAN:


An act enhancing the philippine basic education system by strengthening its curriculum and
increasing the number of years for basic education, appropriating funds therefor and for
other purposes. https://www.officialgazette.gov.ph/2013/05/15/republic-act-no-10533/

Bauzon, Prisciliano. (2001). Foundations of Curriculum Development and Management.


Manila: National Book Store Inc.

Belvez, Paz. (2000). Ang Sining at Agham ng Pagtuturo. Manila: Rex Book Store Inc.

Demeterio III, Feorillo Petronillo A. (2010) Ang Kautusan ng Departamento ng Edukasyon


Bilang 74, Serye 2009: Isang pagsusuri sa Katatagan ng Programang Edukasyon sa Unang
Wika (MLE) ng Filipinas. Manila: Malay Journal, De La Salle University, 23(1), 31-52

DepEd Order No. 37, s. 2003, “Revised Implementing Guidelines of the 2003 Secondary
Education Curriculum Effective School 2003-2004”.
http://komfil.gov.ph/archives
/category/balita/sari-sari
file:///C:/Users/Randy%20Sagun/Downloads/EbalwasyonngChedGeneralEducationCurriculu
ms aProgramangFilipinosaIlangPilingKolehiyoatUnibersidadsaRehiyon2.pdf

Historikal na Pagsusuri sa Edukasyong Pilipino. Inihanda ng National Union of Students of


the Philippines. http://digitalpadepa.com /kurikulumindex.htm
http://uis.unesco.org/en/glossary-term/basic-education https://www.deped.gov.ph/wp-
content/uploads/2019/01/Mother-Tongue-CG.pdf
https://www.officialgazette.gov.ph/2013/09/04/mga-tuntunin-at-mga-regulasyong-
pampatupad- ng-batas-sa-pinagbuting-batayang-edukasyon-ng-2013/

Isang Batas Na Nagpapaloob Ng Isang Balangkas Ng Pamamahala Para Sa Batayang


Edukasyon, Nagtatatag Ng Awtoridad At Pananagutan, Nagpapalit Ng Pangalan Ng
Kagawaran Ng Edukasyon, Kultura, At Palakasan Bilang Kagawaran Ng Edukasyon, At
Para Sa Iba Pang Layunin. https://www.officialgazette.gov.ph/2001/08/11/batas-republika-
blg-9155/

K to 12 Curriculum. http://www.mcu.edu.ph/stag/wp-content/uploads/2013/12/MCU_-the_-
K_to_- 12_-Curriculum.pdf.http://www.gov.ph/k-12/

K12 Educational System in the Philippines - A Policy


Paper.
http://www.academia.edu/1525168/K12_Educational_System_in_the_Philippines_-
_A_Policy_Paper

20
Mayos, Norma S., Gutierrez, J. C., Tica-a, P. F. (2008). Ang Guro ng Milenyo: Mga
Kagamitang Panturo sa Filipino. Jimcy Publishing Hoouse

Mga Update sa DepEd. Nakuha mula sa http://www.deped.gov.ph/Kagawaran ng


Edukasyon. (2010). Briefer sa pinahusay na k12 pangunahing programa sa edukasyon.
Nakuha mula sa http://www.gov.ph/2010/11/02/briefer-on-the-enhanced-k12-basic-
education-program/

Nolasco, Ricardo Ma Duran, Datar, F. A. at Azurin, A. M. (Eds.). (2010) Starting Where the
Children Are: A Collection of Essays on Mother Tongue-Based Multilingual Education and
Languages Issues in the Philippines. Quezon City: 170+ Talaytayan MLE Inc.
Paquito B. Badayos. Metolohiya sa Pagkatuto at Pagtuturo ng/sa Filipino. Mutya Publishing
Inc., 2008.

Patrocinio V. Villafuerte at Rolando A. Bernales. Pagkatuto at pagtuturo ng/sa Filipino mga


Teorya at Praktika. Mutya Publishing Inc., 2008.

Philippine Professional Standards for Teachers.


https://www.deped.gov.ph/wp- content/uploads/2017/08/DO_s2017_042-1.pdf

Policy Guidelines on K-12 Basic Education Program.


https://www.deped.gov.ph/wp-
content/uploads/2019/08/DO_s2019_021.pdf

Quismundo, T. (2011, Oktubre 7) Nabasa ng DepEd ang K +12 curricula


para sa susunod na taon. Philippine Daily Inquirer. Nakuha mula sa
http://multilingualphilippines.com/?p=5350

Republic Act No. 7836: An Act to Strengthen the Regulation and Supervision
of the Practice of Teaching in the Philippines and Prescribing a Licensure
Examination for Teachers and for other Purposes.
https://www.prc.gov.ph/uploaded/documents/PROFESSIONAL
%20TEACHERS- LAW1.PDF

San Juan, David Michael M. (2008) Makabayang Pagsusuri sa


Kasalukuyang Kurikulum ng Sistema ng Edukasyon sa Pilipinas.
https://www.researchgate.net/publication/323334865_Makabayang_Pagsusu
ri_sa_Kasalukuyan g_Kurikulum_ng_Sistema_ng_Edukasyon_sa_Pilipinas

San Juan, David Michael M. Globalisasyon, K to 12, Bagong General


Education Curriculum (GEC), at Wikang Filipino:
Kamalayan, Ekonomya, at Edukasyon sa Pilipinas

21
https://www.academia.edu/10024658/Globalisasyon_K_to_12_Bagong_Gen
eral_Education_Cu
rriculum_GEC_at_Wikang_Filipino_Kamalayan_Ekonomya_at_Edukasyon_s
a_Pilipinas

Taneo, R. A. (2010) Imbentaryo ng Lapit o Dulog at Estratehiya o


Pammaraan
https://www.academia.edu/36575829/Imbentaryo_ng_Lapit_o_Dulog_at_Estr
atehiya_o_Pamam araan

Tarun, Jaine Z. (2010). Ebalwasyon ng CHED General Education Curriculum


sa Programang Filipino sa Ilang Piling Kolehiyo at Unibersidad sa Rehiyon 2,
Journal of Research, 19(2), 24-35

Tarun, Jaine Z. (2010). Wikang Filipino Bilang Akademik na Kurso at


Akademik na Disiplina. Journal of Research, 12(2), 30-34
file:///C:/Users/Randy%20Sagun/Downloads/WikangFilipinoBilangAkademikn
aKursoatAkademik naDisiplina.pdf

Why does the Philippines Need the K-12 Education System?


http://cianeko.hubpages.com/hub/The-Implementation-o-the-K-12-Program-
in-the-Philippine- Basic-Education-Curriculum

22

You might also like