Professional Documents
Culture Documents
Fil 106 Fil 108
Fil 106 Fil 108
1. INTERAKSYONAL
Nagpapakita ng grupo ng mga tao na nakikipag-usap sa isa’t isa at napapalitan ng
impormasyon.
HALIMBAWA:
Kumusta? Hi o Hello
Magandang araw, Magandang gabi, o Magandang umaga!
2. INSTRUMENTAL
Ginagamit sa pagtugon sa mga pangangailanagn.
HALIMBAWA:
Paki-abot mo naman ang folder na nasa ibabaw ng mesa.
3. REGULATORI
May kakayahang maka-impluwensiya at mag control sa pag-uugali ng iba.
HALIMBAWA:
Pagbibigay ng direksyon
Paalala o babala
Pag ayon at pagtutol
4. PERSONAL
Gamit ng wika para ipahayag ang katauhan ng isang tao, alam ng bawat isa na bahagi ng
kanyang katauhan ang wika
HALIMBAWA:
Pagsigaw
Pagrekomenda
Pagmumura
Pagpapahayag ng galit
Paghingi ng paumanhin
5. IMADYINATIB/IMAHINATIBO/PAGKAMALIKHAIN
Ginagamit ito sa pagpapahayag ng imahinasyon sa malikhaing paraan.
HALIMBAWA:
Pagbabasa ng obra tulad ng tula, dula, kuwento, nobel at iba pa.
BARYASYON NG WIKA
Ang dayalekto ay wika ng tao noong antutong magsalita, Ito ang wikang ginagamit sa tahanan
ng isang pamilya, ang limitadong pook o pamayanan.
Nagkakaroon ng pagbabago ang wika batay sa ibat ibang sitwasyon gaya ng pook, antas ng buhay,
propesyon o pinagaralan at lipunang ginagalawan o kinabibilangan.
1. ISTANDARD NA DAYALEKO
Ang wikang ginagamit ay katanggap-tanggap sa lahat ng antas ng lipunan sa mga pormal na
usapan, sa paarlan, unibersidad, pamamahayag o broadcast o anumang pagpupulong.
2. IDYOLEK
Nagpapakilala ng kakayahan ng nagsasalita bunga ng kaalaman, karanasan o pag-aaral,
paraam ng pagsasalita o uri ng wikang ginamit, timbre ng boses o kwaliti ng boses o
paboritong ekspresyon ng pagsasalita.
HALIMBAWA:
ano, alright, okay, actually, by the way, as a matter of fact.
3. DAYALEKTONG PAMPOOK
Ang mga salita ay nagkakaiba iba dahil sa pook na pinagmulan.
HALIMBAWA:
BATANGAS BULAKAN
Mabanas Mainit
Malibag Marumi
Amargoso Ampalaya
4. DAYALEKTONG PAMANAHON
Ang wika ay nagbabago sa paglipas ng panahon.
HALIMBAWA:
Pinipintuho - Minamahal
Kaisang dibdi - Mag-asawa
Marikit - Maganda
Iniirog - Iniibig
1. SALITA-SA-SALITA
Word-for-word translation
HALIMBAWA:
John gave me an apple - juan nagbigay sa akin mansanas.
2. LITERAL
Sa metodong ito, ang estruktura ng SL ang sinusunod at hindi ang natural at mas madulas na
daloy ng TL, at kadalasan ding ang pangunahing katuturan (primary sense) ng salita ang
ibinibigay na panumbas, hindi ang salitang may pinakamalapit na kahulugan sa orihinal.
HALIMBAWA:
My father is a fox farmer. That is, he raised silver foxes, in pens; and in the fall and early
winter, when their fur was prime, he killed them and skinned them. - Ang tatay ko ay isang
magsasaka ng lobo. Iyon, siya ay nagpapalaki ng mga lobong pilak; at sa taglagas at
maagang taglamig, kung ang kanilang balahibo ay pinakamataas, siya ay punapatay sila at
binabalatan sila.
3. ADAPSYON
Ito ang itinuturing na pinakamalayang anyo ng salin dahil may pagkakataon na malayo na ito
sa orihinal.
HALIMBAWA:
Quera sera sera! Whatever will be, will be The future’s not ours to see Que sera sera! - Ay
sirang-sira! Ano ang mangyayari Di makikita ang bukas Ay sirang sira!
4. MALAYA
Ito ay malaya at walang kontrol. At parang hindi na isang salin.
HALIMBAWA:
For the last twenty years since he is borrowed into this one-room apartment near Baclaran
Church, Francisco Buda often strolled to the seawall and down the stone breakwater which
stretched from a sandy bar into the murky and oiltinted ba. - Mayroon nang dalawampung
siyang tumira sa isang apartment na malapit sa simbahan ng Baclaran. Si Francisco Buda ay
mahilig maglibang sa breakwater na mabuhangin at malangis.
5. MATAPAT
Sinisikap ibigay ang eksaktong kahulugan ng orihinal habang sinusundan namana ang
estrukturang gramatikal ng SL.
HALIMBAWA:
When Miss Emily Grierson died, our whole town went ot her funeral: the men through a sort of
respectful affection for a fallen monument, the women mostly out of curiosity to see the inside
of her house, which no one save and old manservant. - Nang mamatay si Bb. Grierson, ang
buong bayan ay pumunta sa kanyang libing: ang mga kalalakihan, upang magpakita ng isang
uri ng magalang na pagmamahak sa isang nabuwal na monumento, ang kababaihan, dahil sa
pag-uusyoso upang makita ang loob ng kanyang bahay, na walang ibang nakikita kundi isng
matandang utusang lalaki.
6. IDYOMATIKO
Ang mensahe ng orihinal ay isinasalin sa parang magiging madulas at natural na daloy ng TL.
HALIMBAWA:
The boy had running nose. - Tumutulo ang ilong ng bata (hindi tumatakbo).
SIKOLOHIYA - Ito ang sangay ng agham na ipinapaliwanag ang takbo ng pag-iisip ng tao at kung
paano ito nakakaapekto sa kanilang beheyvyor.
1. Saling-angkat/Direct Borrowing
Panghihiram ng mga ideya o salita mula sa wika ng ibang kulturang banyaga at ang paggamit
sa mga ideya at salitang ito ayon sa orihinal nitong kahulugan at ispeling.
HALIMBAWA:
persepsyon - mula sa Latin perception
amnesya - mula sa Ingles na amnesia
2. Saling-Paimbabaw/Surface Assimilation
Naiiba ang ispeling at pagbigkas ngunit nananatili ang orihinal nitong kahulugan.
HALIMBAWA:
bolpen - mula sa ballpen
suggestment - mula sa suggestion
3. Saling-Panggramatika/Grammatical Translation
Pag-iiba sa ispeling, pagbigkas, “stressing” sa mga pantig, at pag-iiba ng posisyon kapag ang
katawagang pansikolohiya ay dalawa o higit pa.
HALIMBAWA:
reaksyong abnormal - abnormal reaction
Inter-aksyong sosyal - social interaction
4. Saling-Hiram/Loan Translation
Direktang pagsasaling ng isang salitang banyaga sa sariling wika.
HALIMBAWA:
alon ng tunog - para sa sound waves
alon ng utak - para sa brain waves
5. Saling-Likha/Word Invention
Paglikha ng bagong salita.
HALIMBAWA:
sari-gawa (sariling gawa)
Punlay (punla ng buhay) para sa “sperm”
6. Saling-Daglat/Accronyms /Abbreviation
Pagpapaikli ng mga salita at paggamit ng akronim.
HALIMBAWA:
PMA - Philippine Military Academy
NPA - New People’s Army
7. Saling-Tapat/Parallel Translation
Pagiging tapat sa orihinal na ideya o kahulugan.
HALIMBAWA:
“aso” para sa “dog”
“panaderya” para sa “bakery”
9. Saling-Sanib/Amalgamated Translation
Bihira nating ibahin ang anyo ng mga salitang galing sa iba’t ibang katutubong wika ng Pilipinas
o di kaya’y wikang banyaga.
HALIMBAWA:
“gahum” (Cebuano) para sa hegemony
“hinupang” (Hiligaynon) para sa adolescence