Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 11

Filipino 7

Ikaapat na Markahan

Modyul 4 para sa Sariling Pagkatuto

Ib ong Adarna: Ang Gantimpala ng

Karapat -dapat (Buod ng Saknong 162-274)


Manunulat: Mary Ann A. Legaspi

Tagasuri: Carina S. Javier at Shirley H. Amorada / Editor: Leda L. Tolentino at Cindy C.


Macaso
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino 7 ng Modyul 4 para sa araling
Ibong Adarna: Ang Gantimpala Ng Karapat-Dapat (Buod Ng Saknong 162-274)!
Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga
edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa
Lokal na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg.
Victor Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan
ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

MgaTala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Baitang 7 Modyul 4 ukol sa Ibong Adarna: Ang


Gantimpala Ng Karapat-Dapat (Buod Ng Saknong 162-274)!
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.
Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng
silidaralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad
sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat
mong matutuhan pagkatapos mong makumpleto
ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at
mga dapat mo pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga naunang
paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t
ibang pagsasanay na dapat sagutin ng mga mag-
aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat bigyang-
halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong
mga pagpapahalaga.
PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga
mag-aaral.

MGA INAASAHAN
Matapos mong mapag-aralan ang modyul na ito,
inaasahang matatamo ang sumusunod:
KASANAYANG PAMPAGKATUTO
Nagmumungkahi ng mga angkop na solusyon sa mga suliraning narinig
mula sa akda.

LAYUNING PAMPAGKATUTO
A. nakikilalang mabuti ang katangian ng pangunahing tauhan na nais tularan
o isabuhay;
B. naiuugnay ang mga kaisipan batay sa tinalakay na bahagi ng akda; at
C. nakapagpapahayag ng mga posibleng solusyon, batay sa mga inilahad na
suliranin.

PAUNANG PAGSUBOK
Ang paunang pagsubok ay pagbabatayan ng iyong pag-unlad.
Ang dating kaalaman ay makatutulong upang iyong masagutan ang
bahaging ito.
PANUTO: Buuin ang pangungusap. Bilugan ang tamang sagot na nasa loob ng
panaklong.

1. Ayon sa takbo ng pangyayari, ang matandang ketongin at ang


ermitanyo ay (iisa, magkalayo, magkaibigan, magkaiba).

2. Sa bawat pagpapakasakit, may (hirap, sakripisyo, kabayaran,


tagumpay).

3. Si (Don Pedro, Don Diego, Don Juan, Don Fernando) ang napili ng
matandang ermitanyo na tulungan dahil sa kanyang busilak na puso.

4. Makatutulong ang patak ng (kalamansi, dayap, kahel, kamyas) na


ipatak sa sugat upang hindi siya makatulog sa oras na umawit na
ang Ibong Adarna.
5. Tuwing inaantok si Don Juan ay (hinihiwa, sinusulatan, kinikiliti,
pinupunasan) niya ang kanyang palad gamit ang labaha.

BALIK-ARAL

Bago ka magpatuloy sa panibagong aralin ay muli mong balikan


ang nakaraang aralin.
PANUTO: Isulat kung TAMA o MALI ang pahayag.
__________ 1. Si Don Pedro ang bunsong anak nina Haring Fernando at Reyna
Valeriana.
__________ 2. Nagkaroon ng malalang karamdaman ang hari dahil sa isang
masamang panaginip.
__________ 3. Naunang umalis sina Don Pedro at Don Diego at sila ay mabilis na
nakabalik.
__________ 4. Masama man sa kalooban ng Hari ay pinayagan niya ang kanyang bunsong
anak na umalis upang hanapin ang lunas sa kanyang karamdaman.
__________ 5. Sinasabing ang awit ng mahiwagang Ibong Adarna ang
makapagpapagaling sa karamdaman ng hari.

ARALIN
Sabi nila, “libre daw mangarap.” Ikaw, anong pinakahahangad
mong pangarap sa buhay? Isulat mo nga ito sa thingking balloon at
ipaliwanag mo kung bakit mo ito gustong makamit.

(Ang larawan ay mula sawww.dreamstime.com)


Naibigan mo ba ang panimulang gawain? ‘Di ba’t napakasarap
mangarap at abutin ang pangarap na ito? Ngunit paano nga ba
mapagtatagumpayan ang mga pangarap sa buhay?

Sa araling ito ay matutunghayan mo kung paano


mapagtatagumpayan ni Don Juan ang kanyang pinakahahangad na
lunas sa sakit ng kanyang amang hari at ang kaligtasan ng kanyang
mga kapatid.

IBONG ADARNA
ANG GANTIMPALA NG KARAPAT-DAPAT
(buod ng saknong 162-274)

Natagpuan ni Don Juan ang dampang tinutukoy ng matandang leproso.


Pinuntahan niya iyon at kinausap ang ermitanyong nakatira roon. Pinatuloy
ng ermitanyo si Don Juan at pinakain. Sinabi ng prinsipe ang kanyang
pakay.

Binigyan ng ermitanyo ng labaha at pitong dayap si Don Juan. Sinabi


niyang sa tuwing magbabago ng awit ang ibon ay hihiwain niya ang
kanyang palad at papatakan ito ng dayap. Pinaalam din ng matanda na
kailangang iwasan niyang mapatakan siya ng dumi nito upang hindi siya
maging bato. Kapag nakatulog na ang ibon, talian niya ang mga paa ng
gintong sintas.

Hindi nainip si Don Juan sa paghihintay sa pagdapo nito sa Piedras Platas,


umawit na ito. At tulad ng inaasahan, inantok si Don Juan. Agad nitong
dinukot ang labaha at hiniwa ang palad. Pagkatapos ay pinigaan niya ng
dayap ang kanyang sugat at dahil sa sobrang hapdi ay nawala ang antok ng
prinsipe. Pitong awit ang ginawa ng ibong adarna kaya‘t pito rin ang naging
sugat ni Don Juan.

Gaya ng inaasahan, ang ibon ay nagbawas subalit kaagad itong nailagan ni


Don Juan. Nahuli ni Don Juan at tinalian ng gintong sintas ang mga paa
nito. Nailigtas din ni Don Juan ang dalawa niyang kapatid at gayon na
lamang ang kaligayahan nila sa muli nilang pagkikita.

Ginamot ng ermitanyo ang mga sugat ni Don Juan at pagkatapos ay


nagkaroon sila ng salu-salo.

Masayang nagpaalam ang tatlo at sila’y binasbasan ng ermitanyo sa


kanilang paglalakbay pauwi ng Berbanya.
(halaw sa ILAW Pinagsanib na Wika at Panitikan Baitang 7 p.310 at 318)
MGA PAGSASANAY
Mapatutunayan mo ang iyong naunawaan sa binasang akda.
Sagutan mo ang sumusunod na gawain.

PAGSASANAY 1. TALASALITAAN
PANUTO: Punan ng nawawalang letra ang mga kahon para sa kasingkahulugan
ng salitang may salungguhit.

1. Habang naghihintay, siya’y nagmuymoy muna.

2. Napaghulo niyang malayo ang pinanggalingan ng ibon.

3. Dinukot ang labaha at binusbos ang palad niya.

4. Ganoon na lamang ang antak na naramdaman niya.

5. Hinintay niyang humimlay ang ibon.

PAGSASANAY 2. PAGSUSURI SA KATANGIAN NG PANGUNAHING


TAUHAN
A. PANUTO: Isa-isahin ang mga katangian na nagustuhan mo kay
Don Juan. Isulat sa kahon ang sagot.

(Ang larawan ay mula sa www.twitter.com)


mabait masunurin mainggitin maawain
traydor busilak ang puso mapagmahal
B. Sa mga katangian ni Don Juan na iyong itinala, alin sa mga
ito ang nais mo ring isabuhay at bakit? Isulat ang sagot sa
patlang.

Rubriks

5
- Nailahad ang sagot ng maayos at may wastong gramatika.
3
- Nailahad ang sagot ngunit hindi naisaalang -alang ang
wastong gramatika.
1
- Hindi nailahad at hindi wasto ang gramatika.

PAGSASANAY 3. PAGBIBIGAY SOLUSYON SA SULIRANIN


PANUTO: Itala ang naging solusyon sa mga sumusunod na suliranin mula sa
akda. Piliin ang letra ng tamang sagot mula sa Hanay B.

HANAY A HANAY B

1. Ang pagkakaroon ng A. Pinuntahan niya ang matandang


matindi at ‘di maipaliwanag na ermitanyo na tinutukoy ng may
karamdaman ni Haring leproso na makakatulong sa kanya
Fernando. upang mahuli ang Ibong Adarna.

2. Sina Don Pedro at Don B. Isang mahiwagang Ibong


Adarna
Diego ay naging bato ang makapagbibigay lunas sa
matapos maiputan ng karamdaman ng hari.
Ibong Adarna

3. Makalipas ang tatlong taon C. Hinihiwa niya ang kanyang


ay hindi pa din nakababalik ang pinapatakan ng dayap upang hindi
dalawang prinsipe. makatulog.

palad at

4. Walang ideya si Don Juan D. Agad na sumunod si Don Juan


kung paano makikita at upang hanapin ang lunas sa sakit ng
mahuhuli ang Ibong hari at hanapin ang mga nawawalang
Adarna, kapatid.
5. Hindi dapat makatulog E. Binuhusan ni Don Juan ng
si Don Juan habang mahiwang tubig ang mga kapatid na
umaawit ang Ibong Adarna. naging bato upang manumbalik sa
dating anyo.

PAGLALAHAT

PANUTO: Iugnay ang sumusunod na kaisipan ayon sa napag-aralang bahagi ng


akda. Humanap ng patunay mula sa bahaging tinalakay.

Nakasalalay sa iyong sarili ang iyong kabiguan o tagumpay.

Rubriks sa paglalahad ng impormasyon

5 - Naiugnay nang mahusay, naitala ang mga patunay mula sa


akda,magkakaugnay ang ideya at wasto ang gamit ng mga salita
4 - Naiugnay nang maayos, may mga patunay, kaunting mali sa pagbabaybay ng
mga salita.
3 - Nakapag-ugnay mula sa akda ngunit magulo ang pagkakabuo ng
mga pangungusap.
2 - Di gaanong naiugnay nang maayos, hindi gaanong tugma ang mga
patunay mula sa akda at di gaanong magkakaugnay ang ideya.
1 - Hindi naiugnay nang maayos at hindi tugma ang patunay.

PAGPAPAHALAGA
Gumamit si Don Juan ng mga pananggalang upang mapaglabanan
ang antok na dulot ng awit ng Ibong Adarna. Ikaw, ano-ano ang ginagamit
mong pananggalang upang mapaglabanan ang mga tukso tulad ng
masamang bisyo, impluwensiya ng barkada, pagbubulakbol at iba pang
nakasisira sa iyong pag-aaral at kinabukasan.
PANUTO: Isulat ang mga “pananggalang” mo sa bawat espayo. Bigyan ng
maikling paliwanag ang bawat isa.

Rubriks

5 - Nakapagbigay ng apat na pananggalan at naipaliwanag ang mga ito. 4 -


Nakapagbigay ng tatlong pananggalan at naipaliwanag ang mga ito.
3 - Nakapagbigay ng dalawang pananggalan at naipaliwanag ang mga
ito.
2 - Nakapagbigay ng apat na pananggalan ngunit hindi naipaliwanag
ang mga ito.
1 - Hindi kumpleto at hindi naipaliwanag

PANAPOS NA PAGSUSULIT

Ngayon, nasapit mo na ang huling bahagi ng modyul na ito. Bilang


pagtatapos, sagutin mo ang gawaing ito.
PANUTO: Isaayos ang bilin ng ermitanyo kay Don Juan upang mahuli ang Ibong
Adarna. Lagyan ng letrang A hanggang E ang patlang.

_________1. Pigaan ng dayap ang palad na sinugatan.


_________2. Itali ng gintong sintas ang Adarna kapag ito’y aalpas.
_________3. Sugatan ang palad ng labaha sa bawat kantang mapakinggan sa ibon.
_________4. Iwasang mapatakan ng dumi ng Ibong Adarna kapag ito ay nagbawas
na.
_________5. Dalhin ang labaha’t pitong dayap na hinog.

You might also like