Kasaysayan NG Tacloban

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

KAGAMITAN SA PAGBASA

Baitang 7

KASAYSAYAN NG TACLOBAN
Ang Tacloban ay kabisera ng lalawigan ng Leyte. Ang Leyte ay matatagpuan sa Rehiyon 8 ng
Pilipinas na bahagi ng Silangang Visayas.
Ang Tacloban ay unang nakilala bilang Kankabatok, na ang ibig sabihin ay “pag-aari ng mga
Kabatok." Kabatok ang tawag sa mga unang naninirahan dito. Mayaman sa yamang tubig ang lugar
na ito. May ginagamit silang isang uri ng basket na panghuli sa mga isda at alimango. Ang tawag
nila dito ay “Taklub." Kapag may mga darayo sa lugar, ang sinasabi nila ay pupunta sila sa
“tarakluban." Pagtagal ay tinawag din itong Tacloban.
Ang Tacloban ay nakilala dahil sa ginampanang papel nito noong Ikalawang Digmaang
Pandaigdig. Dito naganap ang tanyag na pagbabalik ni General Macarthur. Naganap ito sa
baybayin ng “White Beach” ng Tacloban. Dito rin nagtayo ng base militar ang pwersa ng mga
Amerikano at ang bayang ito ay ang unang napalaya mula sa mga puwersa ng mga Hapon. Naging
pansamantala itong kapital ng Pilipinas habang ang Maynila ay nasa kapangyarihan pa ng mga
Hapon.
Sa syudad na ito nanggaling ang dating Unang Ginang ng Pilipinas na si Imelda Romualdez
Marcos. Ang Pamilya Romualdez ay isa sa mga kilalang pamilyang politiko sa lugar. Ang pangalan
ng paliparan sa Tacloban ay Romualdez airport.
Kakaunti lang ang nakakaalam kung kailan naging munisipalidad ang Tacloban dahil ang
mga dokumentong nakapagpapatunay rito ay nasira ng bagyo. Pero marami ang naniniwala na ang
Tacloban ay opisyal na na-iproklamang munisipalidad noong 1770.

Mga Tanong:
1. Saan matatagpuan ang Tacloban?
a. sa Kanlurang Visayas
b. sa Silangang Visayas
c. sa Hilagang Visayas
d. sa Timog Visayas
2. Sino ang kilalang tao na dumako sa Tacloban noong Ikalawang Digmaang
pandaigdig?
a. Imelda Marcos
b. Emilio Aguinaldo
c. Imelda Romualdez
d. Douglas MacArthur
3. Sino ang pangulo ng Pilipinas na nakapangasawa ng isang taga-Tacloban?
a. Pangulong Gloria Arroyo
b. Pangulong Fidel Ramos
c. Pangulong Ferdinand Marcos
d. Pangulong Diosdado Macapagal
4. Bakit naging kabisera ng Pilipinas ang Tacloban?
a. Marami ang may ayaw sa Maynila.
b. Maraming tanyag na tao sa Tacloban.
c. Ang Maynila ay sinasakop pa ng mga Hapon.
d. Maraming makapangyarihang politiko sa Tacloban.
5. Bakit kaya unang napalaya mula sa puwersa ng Hapon ang Tacloban?
a. Takot ang mga Hapon sa mga taga-Tacloban.
b. Kilala kasi ang mga taga-Tacloban na matatapang.
c. Walang maraming sundalong Hapon sa Tacloban.
d. Mayroong base militar ng mga Amerikano ang Tacloban.
6. Bakit kaya pinangalanang Romualdez airport ang paliparan sa Tacloban?
a. Malaki ang naitulong ng Romualdez sa lugar.
b. Malaki ang pamilya ng Romualdez sa Tacloban.
c. Maraming Romualdez ang nasa lokal na gobyerno.
d. Marami sa Romualdez ang madalas sumakay sa eroplano.
7. Ano ang layunin ng sumulat ng seleksyon?
a. Nais nitong hikayatin ang mambabasa na bumisita sa Tacloban.
b. Gusto nitong ipaalam ang pinagmulan at naganap sa Tacloban.
c. Hangad nitong maghatid ng aliw sa mambabasa.
d. Hatid nito ang isang mabuting halimbawa
PAGTATASA

Pangalan: _________________________________________
Baitang at Pangkat: __________________

Types of Miscues Number of Miscues


(Uri ng Mali) (Bilang ng salitang mali ang basa)
Una Ikalawa Ikatlo Ikaapat
1. Mispronunciation
(Maling Bigkas)
2. Omission
(Pagkakaltas)
3. Susbtitution
(Pagpapalit)
4. Insertion
(Pagsisingit)
5. Repetition
(Pag-uulit)
6. Transposition
(Pagpapalit ng
lugar)
7. Reversal
(Paglilipat)
Number of Words in the
Passage
Oral Reading Score
Antas ng Pagbasa

PARAAN NG PAGBABASA tsek (/) o ekis (X)


Una Ikalawa Ikatlo Ikaapat
Nagbabasa nang paisa-isang
salita
Walang damdamin, walang
pagbabago ang tono
Hindi madaling marinig ang
boses
Hindi pinapansin ang bantas
Itinuturo ang bawat salita
Bahagya o walang paraan ng
pagsusuri

Ibang puna

You might also like