Fidelis Noli Me Tangere Script

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 21

NOLI ME TANGERE

Play by

9 St. Fidelis

Based on the novel by Jose Rizal


CHARACTERS AND ACTORS

CHARACTERS
MARIA CLARA
CRISOSTOMO IBARRA
PADRE DAMASO
NAKAPASIANO/SIBILYAN
GINOONG LARUJA
PADRE SIBLIYA
TEYENTE GUEVERRA
KAPITAN TIAGO -
ALIPING NAMAMAHAY/KATULONG
DONYA (FOR ACT 2)
BISITA (ACT 2)
DON RAFAEL IBARRA
ARTILEYRO (ACT 3)
MGA BATANG NANUNUKSO (ACT 3)
TIA ISABEL
MGA LALAKING NAGHUHUKAY (ACT 4)
MATANDANG WARING
CRISPIN - Riley
BASILLIO - Erika
SAKRISTAN MAYOR
JOSE RIZAL

BACKGROUND CHARACTERS
MGA BISITA SA TAHANAN NI KAPITAN TIAGO
GUARDYA SIBIL
MAGGTUTURO NG LIBINGAN (ACT 4)
PADRE BURGOS
MGA PILIPINO (ACT 1)
ACT 1
SCENE 1

(Si Jose Rizal ay naka bilanggo sa kulungan sa Fort Santiago. Siya’y nagsusulat sa isang
lamesa ng kanyang huling tula, Ang Mi Ultimo Adios.)

(Ang ibang linya ay hango sa Mi Ultimo Adios)


Jose Rizal
Mamamatay akong sa aking pangmalas silahis ng langit ay nanganganinag ang pisgni ng araw ay muling
sisikat sa kabila nitong malamlam na ulap.

(Bg switches to the 3 priest/GOMBURZA na ginarote)

Padre Burgos
Wala kaming kasalanan!

Jose Rizal
Ang nakikilabang dumog sa digmaan inihahandog din ang kanilang buhay. kahit kahirapa'y hindi
gunamgunam sa kasawian man o pagtatagumpay.

(Bg switches to Filipinos battling with the Spaniards)

Pilipino
Ipaglaban ang bayan!

Jose Rizal
Kahit ang buhay na ito’y mapapahamak, patuloy pa rin ang paghihimagsik.

(Bg switches to Spaniards preparing to shoot Rizal)

Jose Rizal(
Sa mga dayuhan, ang bunga ng kasakiman, hindi niyo ako mapipigilan, wag niyo akong salingin, Noli
me Tangere.
(Once the dialogue ends, the Spaniards shoot Rizal)
ACT 2
ISANG SALO-SALO

(Ipapakita rito ang mga pangyayari sa Kabanata 1. Ang mga karakter ay nasa bahay na
ni Kapitan San Tiago.)

Aliping namamahay/Katulong:
Buenos dias minamahal naming mga bisita. Ikinagagalak kong papasukin kayo sa tahanan ni Kapitan
Tiyago.

(Ang isang Aliping namamahay ay nabanggaang isang Donya)

Donya

Mira lo que estás haciendo estúpido, hampas lupang indio!

(pumasok sa tahanan ang mga bisita)


(nag-uusap at pinagtatawanan ang mga tauhan sa bg)

Padre Damaso
Kakatapos lang ng aking panunungkulan sa bayan ng San Diego, 6,000 mamamayan ang naninirahan
noon at batid ko ang lihim ng bawat isa. At nang ako’y umalis, sino ang naghatid sa akin? Ang ilang
matandang babae at ilang hermano tercero!

Nakapaisano/Sibilyan
Ano ang iyong sinsabi Padre? Batid mong walang kinalaman iyan sa desestance ng tabako.

Padre Damaso
Hindi mo ako nauunawan? Nakakayamot ang bansang ito! Mali ang pagbabagong ginagawa ng mga
ministro at ibang-iba sa pamamalakad sa Madrid.

Nakapaisana/Sibilyan
Naniniwala ba kayo rito?

Padre Damaso
Kagaya ng paniniwala ko sa ebanghelyo, ang mga indio ay mga pabaya at kahihiyanyan sa lipunan.

Nakapasiano/Sibilyan
Paumanhin Padre Damaso, ngunit hindi ako sumasang-ayon sa iyo. Ang mga indio ba ay tunay na mga
pabaya o iyo’y pagtatakip lamang sa pamamahala ng mga sumakop?

Padre Damaso
Tanongin mo si Ginoong Laruja. Siya ang makakapagpatunay na ang mga Indio ay likas na mga
mangmang.

Ginoong Laruja
Tunay ang binaggit ni Padre Damaso. Tunay nga na walang hihigit pa sa kamangmangan at
pagkawalang utang na loob ng mga Indio.

Nakapasiano/Sibilyan
Mag-ingat kayo sa inyong mga sinasabi sapagkat nasa ilalim tayo ng isang Indio, si Kapitan Tiago

Padre Damaso
Matagal ng hindi kinakilala ni Tiago ang kanyang sarili bilang Indio.. Wala dapat tayong ikatakot.

(Nagsalita si Padre Siblya upang huminahon ang usapan)

Padre Sibyla
Padre Damaso, sa 20 taon niyo sa bayan ng San Diego, hindi ba kayo nasiyahan doon?

Padre Damaso
Hindi! Pinanigan ng pamahalaan ang mga ereheng indio at iyon ang nagiging sanhi ng kapahamakan.

Padre Damaso
Kapag kura’y nagpahukay ng isang bangkay ng isang erehe, ang hari’y walang karapatan maiklam o
magparusa.
Tenyente
Bawiin ninyo ang iyong sinabi! Batid mong ang Heneral ay kinakatawanan ng Hari. Kung hindi mo
iyan babawiin, makakarating ito sa Heneral.

Padre Damaso
(tumawa) Wala ng makakapagiba sa pinapaniwalaan ng isang prayle!

(umalis ang tiyente)


(Dumating si Kapitan Tiago)

Kapitan Tiago: Magandang gabi sa lahat, narito na pala si Don Crisostomo, ang ating
pinakahihintay na bisita!

Crisostomo Ibarra: (Magalang na yumuko sa mga bisita) Magandang gabi po sa inyong lahat!
Ako ay lubos na nagagalak na makita kayong muli matapos ang aking pag-aaral sa Europa.

(Inabot ni Crisostomo Ibarra ang kanyang kamay sa mga panauhin. Isa-isang nakipag kamay sa
kaniya, maliban kay Padre Damaso na tumangging hawakan ang kanyang kamay at biglang
tumalikod.)

Padre Damaso: (Sarcastic) Ah, ang mga kabataang nag-aaral sa Europa? Umaasa kang magdala ng
pagbabago ngunit tandaan mo Ibarra, hindi lahat ng natutunan sa ibang bansa ay angkop dito.

(Tinawag ni Kapitan Tiago ang mga katulong para ihain ang mga pagkain.)

Kapitan Tiago: Ihain na ang mga pagkain, madali! Siguraduhing masarap at sapat para sa ating mga
panauhin.

Tinyente Guevarra: (Pabulong kay Ibarra) Crisostomo, mayroon akong mahalagang sasabihin sa yo
tungkol sa iyong ama. Ngunit hindi ito ang tamang lugar at oras, mag-usap tayo sa ibang pagkakataon.

Crisostomo Ibarra: (Nababahala, mahinang sagot) Opo Tinyente, ako ay naghihintay at handang
makinig sa iyong sasabihin.
(Ang mga bisita ay kumakain habang patuloy ang pag-uusap. May namumuong tensyon sa pagitan ni
Padre Damaso at Crisostomo Ibarra.)

Padre Damaso: (Sabay subo ng pagkain, may diin) Pero Ibarra, hindi ba’t ang pag-aaral sa Europa ay
magpapalaya sa atin sa tunay na diwa ng pagka-Pilipino? Dapat tayong maging maingat sa pagtanggap
ng mga banyagang ideya.

Crisostomo Ibarra: (Mahinahon na sagot pero matatag) Padre, naniniwala ako na ang kaalaman ay
walang hanggan. Ang mahalaga ay kung paano natin ito gagamitin para sa kabutihan ng ating bayan.
Hindi ba’t dapat tayong maging bukas sa pag-unlad?

Padre Damaso: (Tinapik ang mesa) Bata ka pa, marami ka pang dapat matutunan! Hindi lahat ng
kinang ay ginto, Ibarra. Ang mga tradisyong ating pinanghahawakan ay may malalim na ugat sa ating
kultura.

Crisostomo Ibarra: Nirerespeto ko po ang iyong opinyon, Padre. Pero naniniwala akong kailangan
din natin tumugon sa pagbabago kung ito ay makakabuti sa lahat.

(Sa gitna ng tensiyon, lumapit si Kapitan Tinong, isang panauhin, kay Ibarra na nakangiti.)

Aliping namamahay/Katulong: Mga senor ata senora, handa na ang hapunan

(Ang lahat ay tumungo sa hapagkainan)


Padre Damaso: (Sinagi ang upuan na nakaharang at siniko ang isang kadete)
Everyone: (Pinupuri ang mga pagkain na inihain ni Kapitan Tiago)
Padre Damaso at Padre Sibyla: (Lumapit sa isang upuan at pinag-agaw

Padre Damaso
Ay sige na! Huwag na mag-atubiling na umupo. Mas nararapat na ikaw ang umupo rito dahil ikaw ang
kasulukuyang kura ng pook.

(Umupo na si Padre Sibyla)


(Nagkatinginan si Padre Sibyla at ang Tenyente)
Padre Sibyla
Tenyente kayo na ho ang umupo rito sapagkat wala naman tayo sa Simbahan at nasa Lipunan tayo.

Tenyent
Ay hindi na, ngunit salamat sa iyong mabait na kilos.

Ibarra
O Kapitan Tiago bakit nakatindig pa po kayo diyan. Halika na at samahan niyo po kami

(Inihanda na ang Tinola)


(Puro upo at sabaw at isang talop na leeg at makunat na pakpak ang napunta kay Padre Damaso)
(Hito at pitso sa iba)

Padre Damaso: (Nakita niya na mas maganda ang mga nakuha ng iba lalo na yung kay Ibarra na
puno ng lamang-loob kaya nainis ito lalo)
Padre Damaso: (Humigop, ibinagsak ang kutsara, at itinulak ang pinggan)

Bisita
Namamangha kami sayo sa marahil na halos nalibot mo na ang buong Europa at gayundin sa
kakayahan mong magsalita ng iba’t ibang wika.

Ibarra
Ako ay nananais pa rin na lubos pa makilala ang bansa na nabibisita ko

Padre Damaso
Nako iho! Dapat batid mong malaman na hindi dapat aksayin ang salapi sa napakaliit na bagay.

(Nagkatinginan si Padre Damaso at Ibarra ng matagal)

Ibarra
Kinakailangan ko na po umalis. Kapitan Tiago, maraming salamat po sa mga inihain niyo para sa amin.

Kapitan Tiago
Maari bang wag ka muna umalis? Sapagkat darating na si Maria Clara, maging ang bagong Kura ng San
Diego.

Ibarra
Patawad, ngunit may iba pa akong kailangan patunguhan na hindi maaring ipagbukas. Labis akong
nagpapasalamat sa inyo.

(Umalis na si Ibarra)

Padre Damaso
Puro kayabangan ang tinig at ipinapakita ng bagong dating na binata na iyon. Dapat ipinagbabawal ng
gobyerno ang pagpapadala sa Europa ng kabtaang Indio
ACT 3
EREHE AT SUBERSIBO

(Umalis si Ibarra sa kanilang pagtitipon. Bahagyang naibsan ng lamig ng gabi ang alalahanin
sa kanyang isipan. Siya ay marahang naglalakad habang pinagmamasdan ang nakakamangha at
magandang paligid ng San Diego hanggang sa ito’y nakarating sa gawing liwasan ng Binondo.
Maya maya’y, nilapitan siya ni Tenyente Guevarra na tila ang magsasabi ng lihim na naganap
sa kanyang ama.)

Crisostomo Ibarra: Pitong taon ang nakalipas nang ako’y nagpakadalubhasa sa Europa, tila’y
napakaganda parin ng bayan ng San Diego. Ngunit, saan ako pupunta ngayon?

(Nagpatuloy sa paglalakad si Ibarra hanggat siya’y makarating sa gawing Liwasan ng Binondo)

Crisostomo Ibarra: (pagod) Sa aking tuloy-tuloy na paglalakad, ngayon ko lamang napansin na


nakarating na ang aking sarili sa Liwasan ng Binondo. Labis na walang pagbabago na naganap sa
lugar na ito! Nandirito pa rin ang parehong mga bahay, daanan, tindahan, mga tao, gusali, pati na
rin ang sira sa bangketa sa kanto ng San Jacinto at Sacristia.

(Habang si Ibarra ay tuluyang naglalakad, siya ay biglang nakaramdam ng isang kamay na


pumatong sa kanyang balikat)

Tenyente Guevarra: Buenas Noches, ginoong Don Crisostomo Ibarra!

Crisostomo Ibarra: (nagulat ng bahagya at lumingon) Oh! Buenas Noches Tenyente. Bakit
kayo’y nandirito? Kayo ba’y inutusan ng prayle na hulihin ako?

Tenyente Guevarra: Hindi Senor, huwag kayo mag alala. Gusto ko lamang kayo sabihan na
mag-ingat sa iyong mga kilos at sinasabi, lalo na kay Padre Damaso! Ang nangyari sa iyong
ama’y isang halimbawang hindi na dapat maulit pa.

Crisostomo Ibarra: Ika’y tila may alam tungkol sa nangyari sa aking pumanaw na ama? Maari
po bang sabihin ninyo saakin ang kanyang naging kapalaran, Tenyente? Ako’y labis na
naguguluhan kung bakit nangyari ang biglang pagpanaw ng aking ama.

Tenyente Guevarra: Akala ko’y alam na ninyo?

Crisostomo Ibarra: Ika’y tila nagkakamali Tenyente, subalit ako’y walang kaalam-alam
tungkol sa pangyayari na naganap sa aking pumanaw na ama. Pakiusap, sabihin ninyo sa akin
ang pangyayaring naganap.
Tenyente Guevarra: Gaya ng alam ng lahat, ang iyong ama’y namatay sa loob ng bilangguan.

Crisostomo Ibarra: (nagulat ito na may kasamang galit) Ang aking ama ay nabilanggo??
Imposible, ang aking ama ay isang marangal at mabuti na tao. Sa anong dahilan siya’y
ipinakulong?? Nakakatiyak ba talaga kayo Tenyente, na kilala ninyo ang aking ama?

Tenyente Guevarra: Ikaw ay labis na nagsasabi ng makatotohanan ginoo, ang iyong ama ay
tunay na napakabait at naasahan na kaibigan. Ngunit, ang iyong ama ay nagkaroon ng isang
matindi at walang awa na kaaway. Ang taong iyon ay ang dahilan ng pagkawasak at pagkamatay
ng iyong ama na si Don Rafael!

Crisostomo Ibarra: (galit) At sino ang walang hiyang tao na tinutukoy ninyo, Tenyente??

Tenyente Guevarra: Ang taong iyon, ay walang iba kundi ang dating kura ng iyong bayan na si
Padre Damaso. Siya ang naging dahilan kung bakit nawasak ang pagkatao at responsable sa
pagkamatay ng iyong ama.

Crisostomo Ibarra: (nagulat at parang naluluha) Ngunit, nang ako’y umalis, sila ay tila isang
matalik na magkaibigan.

Tenyente Guevarra: Hindi ko rin lubos na maintindihan kung paano nagsimula ang kanilang
alitan, ginoo. Ngunit, ako’y meroong kutob na posibleng iyon ang dahilan.

Crisostomo Ibarra: At ano ang iyong kutob, Tenyente?

Tenyente Guevarra: Ang iyong ama ay marunong makisama sa mga lingkod gobyerno, isang
bagay na minasama ng kura.

Crisostomo Ibarra: At iyon ang dahilan kung bakit nakulong ang aking ama?

Tenyente Guevarra: Makinig ka, iho. Ibabahagi at ikkwento ko saiyo ang lahat ng nangyari sa
iyong ama.

ANG KWENTO…..

Tenyente Guevarra: Noong panahong iyon ay may isang artilerya na na-dismiss at naalis sa
hukbo dahil sa masamang asal. Ginawa siyang kolektor ng buwis sa mga iba’t ibang gusali o
sasakyan. Kilala ang dating artilyero sa kanyang kalupitan at kamangmangan.
Tenyente Guevarra: Isang araw, ang artilyero ay tinukso ng mga bata at sumigaw ng ba, be, bi,
bo, bu. Hinabol niya ang mga bata at nang maabutan niya ang mga ito, ito’y hinampas niya gamit
ang kanyang tungkod. Ang batang natamaan sa ulo ay nahulog nang dumaan ang iyong ama.
Hinawakan niya sa braso ang lalaki upang ito’y pigilan, at saka siya isinumpa.

Mga bata: ba, be, bi, bo, bu! (nagtawanan)

Artilyero: Halika kayong mga mangmang na bata! Magsisi kayo!

(tumakbo ang mga bata)


(Hinampas ng aritilyero ang mga bata)
(Umiiyak ang mga bata sa sakit)

Tenyente Guevarra: Habang sila’y nag-aaway, ang iyong ama ay hindi sinasadyang maihagis sa
malayo ang artilyero, bilang resulta, natamaan ng bato ang ulo ng artilyero. Nagsuka ito at
biglaang namatay. Nahuli ni Padre Damaso ang iyong ama at pagkatapos, ay ipinakulong niya
ito.

Don Rafael Ibarra: Itigil mo yan!

(tinulak niya ang artilyero)


(namatay ang artilyero)

Padre Damaso: Ikulong niyo siya!

Don Rafael Ibarra: Ipinagtatanggol ko lang ang mga bata, bakit ako makukulong?

(kinuha siya ng mga guardya sibil)


(nagwala si Don Rafael Ibarra habang nasa kamay ng mga guardya)

Crisostomo Ibarra: (surprised look)

Tenyente Guevarra: Nabilanggo ang iyong ama. Siya ay inakusahan ng pagiging isang
filibusterista at erehe. Siya’y inakuso rin na nagbabasa ng El Correa de Ultramar.

Crisostomo Ibarra: (Naluluha) Ngunit Tenyente, ano ang iyong nagawa upang ipagtanggol ang
aking ama?
Tenyente Guevarra: Sinubukan ko siyang tulungan, ako’y naghanap ng mga abogado na
magpapalaya sa iyong ama sa pagkakakulong. Ngunit, ito’y hindi nagtagumpay dahil silang lahat
ay tumanggi dahil sa takot. Lumapit rin ako sa Capitan Heneral, ngunit ako’y hindi man lang
pinagbigyan.

Crisostomo Ibarra: Maaring nag-iingat lamang ito, upang hindi magalit ang mga prayle rito.

Tenyente Guevarra: Ang iyong Ama ay minahal at iginalang ng marami. Ngunit, marami ding
mga tao ang may tinatagong galit rito. Si Don Rafael ay inakusahan ng pandarambong ng mga
lupain at ginawang magbayad ng pinsala. Pagkatapos ay inakusahan rin siya na kasabwat sa mga
tulisan.

Crisostomo Ibarra: Hindi ko maunawaan Tenyente…Ano ba ang naging dahilan at pangyayari


sa pagkamatay ng aking ama?

Tenyente Guevarra: Nung malapit na siyang makalaya, lumala ang kanyang kalusugan dahil sa
pagiging confinement. Dahil sa pagkalala nito, ang iyong ama ay......namatay sa loob ng
kulungan.

Crisostomo Ibarra: (naluluha) Saan nakalibing ang aking ama?

Tenyente Guevarra: Tanongin mo na lamang si Kapitan Tiyago para sa mga mahahalagang


detalye. Kailangan ko nang bumalik sa kwaderno. Pasensya na kaibigan, at paalam.

Crisostomo Ibarra: Paalam, Tenyente.

(Pumasok na sa kwartel si Tenyente Guevarra at sumakay naman sa kalesa si Ibarra. Si Ibarra


ay nagpahatid na sa Fonda de lala)

(Sakay ng kalesa, dumating si Ibarra sa Fonda de Lala. Kaagad na nagtuloy si Ibarra sa


kanyang silid na nakaharap sa ilog.
Naupo sa isang silya at tumitig sa bukas ng bintana. )

Crisostomo Ibarra: Saan kaya nanggaling yung tugtog na iyon??

( Nakita ni Ibarra na maliwanag ang ilaw sa bahay sa ibayo ng ilog at naririnig niya ang masasayang
tugtugin ng gitara.)
Crisostomo Ibarra: Mi corazón( mahal ko)…..

( Nanunuot sa pandinig ni Ibarra ang himig ng tugtugin ng biyulin. Natatanaw din niya ang isang
marilag na babae, na may magandang hubog ng katawan at nakadamit-Pilipina. Namasid sana ni
Ibarra sa pagdiriwang ang magandang pangitain.)

(Sa sinapit ng ama, gulong-gulo ang isip ni Ibarra. Iba ang nasa isipan niya. Ang una ay isang
matandang lalaki naghihirap ,naghihingalo, at nagbibigkas ng isang pangalan sa bilangguan
-–Nasisinag niya ang kanyang ama. Mula sa labas naririnig ang kalansing ng kadena at panaghoy.
Ang ikalawa ay isang binata ang humahalakhak, sumisigaw, nagdidilig ng alak sa mga bulaklak sa
saliw ng tawanan at palakpakan ng mga lasing nang kasamahan kung saan nakikita ni Ibarra ang
kanyang sarili sa binata. Kung hindi lamang gulo ang kanyang iniisip, marahil ay nakuha na niya ang
kanyang teleskopyo at natuksong sipatin ang magagandang tanawin sa kabilang ibayo.)

(Nakapatay na ang mga ilaw sa katapat na bahay. Huminto na ang tugtugan at ang mga kaingayan
ngunit napakikinggan pa ni Ibarra ang nakalulunos na sigaw ng ama.)
ACT 4
SUYUAN SA ASOTEA

(Nagtatahi si Maria kasama ang kaniyang Tia Isabel, nang siya’y pa lingon-lingon sa bintana
inaasahang si Ibarra ang kaniyang masisilayan)

Kapitan Tiago: Akala mo ba na si Crisostomo na yung sakay nang nadaan na karwaheno?

Maria: No papa, hindi naman po siya ang aking iniisip.

Kapitan Tiago: Kilalang kilala kita, aking anak. Di mo ako maaring paglihiman, batid ko na kanina
mo pa siya hinihintay.

Tia Isabel: Wag mo na tuksuin primo, kita mo nga at ayan oh? Namumutla na.

Kapitan Tiago: Tama ang maykatwiran ang doktor. Marahil na kailangan mo ng sariwang hangin.
Ibig niyo bang mag bakasyon sa Malabon? O sa San Diego?

(Napatingin bigla si Maria sa kaniyang papa, mata na puno nang kasiyahan)

Kapitan Tiago: Bumalik kayo sa biyateryo, kunin mo lahat ng gamit mo doon. Hindi na kayo babalik
dun, mag bakasyon kay sa Malabon, wala na kasi ang iyong ninong sa San Diego. Di na siya ang kura
doon.

(Noong narinig yun ni Maria siya ay napa tingin kay Tia Isabel halos maluha na sa narinig na sinabi
ng kaniyang ama)

Tia: Isabel: Mas mainam na sa San Diego nalang kaya, primo. Tamang-tama malapit na ang undas at
ang kapistahan doon. Tiyak na maaliw ang anak mo doon.

Kapitan Tiago: Haz lo que quieras!

(Napangiti si Maria, habang si kapitan Tiago naman ay tumanaw sa bintana. Parating na ang
kalesang sinasakyan ni Ibarra, siya ay bumaba at tumanaw sa bintana nila Maria)
Kapitan Tiago: Naririto na ang iyong hinihintay iha.

(Tumanaw si Maria sa kanilang bintana at nakita niya si Ibarra)

Kapitan Tiago: Crisostomo! Halika at tumaas ka dito.

(Nung nakita niyang paakyat na si Ibarra sa kanilang tahanan, dali-daling tumakbo si Maria sa
kaniyang kwarto at nagpaganda)

Tia Isabel: Ang mga dalaga ba naman, hele hele bago quiere.

(Nagpakita na si Maria at muli sila nag kita ni Ibarra)

*Move na tayo sa balcony*

Crisostomo: Maria, ano at napaka tahimik mo? Hindi mo man lang ba ako tatanungin kung anong
nangyari sakin sa pitong taon na pagkawala?

Maria: Batid ko na madami ka nang bansang napasyalan, at higit ng iyong raming taong nakilala, at sa
mga taong iyong nakakausap. Naalala mo pa ba ako? Lalo na at batid kong maraming maririkit na
kababaihan doon sa Europa.

Crisostomo: Marami? Oo, ngunit maari ko bang malimot ang pinaka marikit sa lahat ng mga dalaga?
Papano kita malilimot? Kung lagi kitang naalala na kailan man di mag wawaglit saking isipan. Maria,
kahit hindi kita nakasama ang iyong wangis ang aking nakikita sa lahat ng lugar na aking
napupuntahan. Baka ako nga sinta, ang iyong nakalimutan na.

Maria: Parati kang nasa isipan ko, mahal ko. Kahit palaging sinasabi sakin ng ninong na kasalanan daw,
na isip-isipin ka. Ngunit batid lamang niya na maka ilang ulit narin akong maka basa-basa sa iyong mga
liham, na sa ganon ay maramdaman ko na kailan man ay hindi mo ako kinalimutan.

Crisostomo: Gaano kahalaga sayo ang iyong ninong?

Maria: Kasing halaga ni papa, naka rating nga saakin na nagkaroon daw kayo ng alitan?

Crisostomo: Mabigat ang loob sakin ng kura


Maria: Intindihin mo nalang siya mahal ko, matanda na ang ninong kaya medjo bugnutin na

Tia Isabel: Senor Ibarra, ipagpaumanhin ninyo senor. Ngunit dumating na ang inyong sundo.

Crisostomo: Oh siya may mga kailangan pa akong pananagutan. Maria, kailangan ko na umuwi sa
bayan namin ngayon din kailangan ko dalawin at tingnan ang bangkay ni papa.

Maria: Kung ganoon ay hindi na kita mapipigilan pa, mag ingat ka.

Crisostomo: Mag papaalam na po ako Tia.

Tia Isabel: Bueno, sasamahan na kita palabas.

(Nang paalis na si Ibarra hindi mapigilan ni Maria ang kanyang lungkot at luha na makikita niyang
mawawalay sakanya agad si Ibarra)
ACT 5
KABANATA 12: ARAW NG MGA PATAY

Sa dulo ng isang makipot na landas sa dakong kanluran ng San Diego, ay naroon ang libingan ng mga
patay. Makipot ang landas patungo rito, masukal ang buong libingan at pinaggugubatan ng mga damo
at halamang gumagapang na tanging palamuti ng mga bangkay na nahihimlay roon. Sa gitna nito, ay
makikita ang malaking krus na nakatuntong sa bato.

May dalawang lalaki na naghuhukay ng paglilibangan sa tabi ng wari’y matitibag nang pader.
Mabagal na naghuhukay ang tigapaglibing habang ang kasama naman ay balisa at alalang-alala.

(present)

Lalaking kasama ng naghuhukay: (nakatingin lamang sa kanyang kasama)

Lalaking naghuhukay: Napakaselan mo naman! Kung ikaw ang nakasama ko noon sa paghuhukay
ng isang bangkay na 20 na araw pa lamang nakalibing, lalo’t kang mandidiri! Higit na malakas pa
naman ang ulan noon at madilim pa ang gabi na halos wala ka talagang makita.

Lalaking naghuhukay: Nang pasan ko ang kabaong, ay bigla na lamang natanggal ang pako at ataul
nito! Ito’y nalaglag na halos ang bangkay ay…..napaka-baho…..pasan ko…. at-

Lalaking kasama ng naghuhukay: Bakit mo naman kasi hinukay ang nanahimik na bangkay ng
taong iyon?

Lalaking naghuhukay: Aba, malay ko ba! Kahit tanongin ko ang aking sarili, hindi ko rin alam kung
bakit, samantala iyon lamang ay isang utos na ipinagawa sa akin.

Lalaking kasama ng naghuhukay: Kung gayon, ano ang iyong ginawa sa bangkay na iyon ????

Lalaking naghuhukay: Kung hindi lamang kita kilala ay hindi ko sasabihin sa iyo ang aking ginawa.
Pasalamat ka at kilala kita!

Lalaking kasama ng naghuhukay: Oo na, dali na’t sabihin mo na sa akin!


Lalaking naghuhukay: Iniutos lamang sa akin ng malaking kura na ilibing ko sa libingan ang mga
Tsino. Ngunit, dahil sa bigat ng ataul at sa layo ng sementeryong pagdadalhan ay…..

(flashback pagtapos niya anohin ung bangkay ng mga tsino)

Matandang waring: Ginoo, nakita mo ba ang maputing bungong may buong ngipin na inilagay sa
paanan ng krus?

(ito’y dumukot ng salapi sa kanyang bulsa)

Matandang waring: Ibibigay ko ito sa iyo at mas malaki pa ang babayaran ko kapag sinabi mo kung
nasaan ito.

Lalaking kasama ng naghuhukay: Wala ito roon. Kung wala ito, wala talaga ito. Kung gusto mo, iba
ang ibibigay ko sa iyo.

Matandang waring: Katulad ka ng hinuhukay mo. Di mo alam ang iyong itinatapon at di mo rin
alam ang iyong nilalaman.

(Umalis ang matanda sa libingan, nagmumukmok)

(Parami na nang parami ang mga tao sa libingan na naghahanap ng libing, nagtatalo, nagsisiluhod,
nagsisindi ng kandila, nagdadasal, nananangis…Samantala, natapos na sa paghuhukay ang lalaking
naghuhukay at nagbabantay ng paligid)

Crisostomo: Nasaan ho iyon manong?

(Huminto sa tapat ng sementeryo ang isang karwahe. Bumaba mula rito sina Ibarra at ang kanyang
kasamang matandang utusan. Hinanap nila ang mga palatandaang sinasabi ng matanda kung saan
nakalibing si Don Rafael.)
ACT 6
KABANATA 15: SI CRISPIN AT SI BASILIO

(Sa loob ng Simbahan ng San Diego, sa kampanaryo ay matutunghayan ang


pagmamalupit sa magkapatid na Sakristan)

Basilio: (Nagmamadaling pumasok, hingal at natatakot) Crispin! Nasan ka?

Crispin: (Umiiyak) Kuya, hindi ako makakaalis. Ang dalawang onsa na nawawala ay ibinibintang na
ninakaw ko daw.

Basilio: (lumapit at sinuyo ang kapatid) Pero alam naman nilang wala tayong kinukupit kailanman.
Isang sakristan lang tayo, mga bata pa at walang alam.

Crispin: (Yumakay kay Basilio) Pero galit na galit sa akin ang Sakristan Mayor. Sabi nya, hindi daw
ako makakauwi pag di ko nilabas ang pera. Sana, ninakaw ko na lang talaga yung pera na yon, tapos
binigay ko kay Nanay para may pambili tayo ng pagkain. Kaysa naman pagbintangan ako nang hindi
ko talaga ginawa.

Basilio: (Nag-aalala ang tinig) Tsk, hindi na tama ito Crispin. Kawawa ka naman. Tatakas tayo sa
lugar na ito, sasama ka sa akin. Poprotektahan kita.

(Biglang dadating ang Sakristan Maytor…)

Sakristan Mayor: (Galit na galit) Aha, san kayo pupunta ha? Crispin, ilabas mo na ang onsa!
Nasaan na ang onsa?

Basilio: (Matapang na sumagot sa sakristan) Hindi magnanakaw ang kapatid ko! Hindi totoo ang
mga binibintang nyo sa kanya! Sinungaling kayo!

Sakristan Mayor: (Lumapit kay Crispin) Bata ka, ikaw ay magbabayad sa iyong kasalanan! Hindi ka
makaalis sa simbahang ito hanggang hindi mo sinosoli ang onsa! At ikaw Basilio, wag mo nang
pagtakpan ang kapatid mo! Mga walang modo!
Crispin: (natatakot, nagtago sa likod ni Basilio) Hindi po ako magnanakaw!. Ang langit ang saksi sa
aking pagsasabi ng totoo.

Basilio: (ipinagtatanggol si Crispin) Hinding-hindi nyo sya dapat saktan! Ang liit pa ng kapatid ko
para paluin nyo! Ang Diyos ang maghuhusga sa kalupitan nyo!

Sakristan Mayor: (nagtaas ng kamay para paluin si Crispin) Sige, magdasal ka na sa Diyos mo!

Basilio: (Sinangga ang kamay ng Sakristan at pinigil ang pagpalo kay Crispin) Tama na, aalis na
lamang po kami!

Sakristan Mayor: (Galit na galit, hinatak si Crispin sa likod ni Basilio. Kinaladkad si Crispin.)

Crispin: (Iyak ng iyak habang kinakaladkad ng Sakristan) Kuya saklolo, tulungan mo ako!

Basilio: (Walang nagawa dahil malakas ang Sakristan. Umiiyak habang pinapanood ang pagkaladkad
sa kanyang kapatid.) Diyos ko, tulungan nyo po ang kapatid ko!

(Nagpahid sya ng luha, at tumakas sa simbahan gamit ang kinalas na lubid ng kampana na itinali sa
poste ng barandilya at nagpadausdos pababa sa gitna ng dilim.)

You might also like