Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 9

NASAAN

KA
LAURA?
Saknong 136-138
136 Nang magtagumpay na ang gererong bantog
sa nangakalabang mabangis na hayop,
luha'y tumutulong kinalag ang gapos
ng kaawa-awang iniwan ang loob.

137 Halos nabibihay sa habag ang dibdib,


dugo'y nang matingnang nunukal sa gitgit;
sa pagkalag niyang maliksi'y nainip
sa siga-sigalot na madlang bilibid.

138 Kaya ang ginawa'y inagapayanan,


katawang malatang parang bagong bangkay,
at minsang pinatid ng espadang tangan,
walang awang lubid na lubhang matibay.
139-141
139 Umupo't kinalong na naghihimutok,
katawang sa dusa hininga'y natulog;
hinaplos ang mukha't dibdib ay tinutop,
nasa ng gerero'y pagsaulang-loob.

140 Doon sa pagtitig sa pagkalungayngay,


ng kaniyang kalong na kalumbay-lumbay,
ninilay niya at pinagtatakhan
ang dikit ng kiyas at kinasapitan.

141 Namamangha naman ang magandang kiyas,


kasing-isa't ayon sa bayaning tikas;
mawiwili disin ang iminamalas
na mata, kundangan sa malaking habag.
142-144
142 Gulung-gulong lubha ang kanyang loob,
ngunit napayapa nang anyong kumilos
itong abang kandong na kalunos-lunos,
nagising ang buhay na nakakatulog.

143 Sa pagkalungayngay mata'y idinilat,


himutok ang unang bati sa liwanag;
sinundan ng taghoy na kahabag-habag;
Nasaan ka, Laura, sa ganitong hirap?

144 Halina, giliw ko't gapos ko'y kalagin,


kung mamatay ako'y gunitain mo rin;
pumikit na muli't napatid ang daing,
sa may kandong naman takot na sagutin.
145-146
145 Ipinanganganib ay baka mabigla,
magtuloy mapatid hiningang mahina;
hinintay na lubos niyang mapayapa
ang loob ng kandong na lipos-dalita.
Pagkatapos patayin ang mga
leon, agad kinalagan ni Aladin
si Florante na sa sandaling
iyon ay wala pang ulirat. Nang
magkamalay, ang naging
bukambibig ay ang kanyang
sinisintang si Laura.
136 – Lumuha si Aladin habang inalis niya ang
mga lubid ni Florante. Hinimatay si Florante.
137 – Naawa si Aladin habang nakita niyang
umagos yung dugo duon sa mga sugat ni
Florante.
138 – Pinutol ni Aladin ang mga lubid gamit
ang kanyang espada, para mabilis.
139 – Sinubukan ni Aladin na bigyan malay-tao
si Florante.
140 – Nung makita niya ang mukha ni Florante, inisip ni Aladin na magkahawig ang kanilang
mga sitwasyon.
141 – Napansin din ni Aladin ang tikas ni Florante. Magkatulad silang dalawa.
142 – Nakahinga nang maluwag si Aladin nung makita niyang nagising si Florante
143 – Mahinang dumilat si Florante. HInahanap niya si Laura.
144 – Hiniling ni Florante na huwag siyang kalimutan ni Laura. Pumikit si Florante. Si Aladin
naman ay nanahimik.
145 – Ayaw ni Aladin na mabigla si Florante at baka ito tuluyang mamatay. Naghintay muna si
Aladin.
146 – Nang magising muli si Florante, nagulat siya na andun siya sa Moro. Sinubukan ni
Floranteng bumangon, ngunit hindi pa niya kaya. Galit siyang napahiga.
MARAMING SALAMAT SA PAKIKINIG!!

KUNG KAYO AY MAY KATANUNGANG MAARI KAYONG MAG TAAS NG KAMAY

You might also like