Professional Documents
Culture Documents
Ilide - Info Detailed Lesson Plan Araling Panlipunan 10 PR
Ilide - Info Detailed Lesson Plan Araling Panlipunan 10 PR
I. Layunin:
Pagkatapos ng 60 minutong talakayan, 80% ng mga mag- aaral ay inaasahang makatatamo ng
80% na tagumpay sa sumusunod;
a. Nakabubuo ng kongklusyon na ang kakapusan ay isang pangunahing suliraning panlipunan;
b. Nakapagmumungkahi ng mga paraan upang mapamahalaan ang kakapusan at;
c. Naipamamalas ang pagiging responsible sa lahat ng oras.
A. Panimulang Gawain
a. Panalangin
b. Pagbati
- Magandang umaga mga mag-aaral!
- Magandang umaga Ginoong JM!
- Magandang umaga kamag-aral!
f. Pagbabalik Aral
Ano ang Ekonomiks? - Ang Ekonomiks ay isang sangay ng
agham panlipunan na nag-aaral kung
paano tutugunan ang tila walang
katapusang pangangailangan at
kagustuhan ng tao gamit ang limitadong
pinagkukunang yaman.
Ano ang “Rational think at the Margin”? - Ang ibig sabihin nito ay sinusuri ng
isang indibidwal ang karagdagang
halaga, maging ito man ay gastos o
pakinabang na makukuha mula sa
gagawing desisyon.
A B C D E F G H I J K L M
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13
N O P Q R S T U V W X Y Z
K K P S N
11 1 11 1 3 8 6 1 1
Ito ang naganap kung may pansamantalang
pagkukulang sa supply ng isang produkto.
K U L N A
11 1 11 8 12 1 1 7 1 1
1. Paglalahad
( Video Clip )
- Panoorin nang mabuti ang video clip.
- Batay sa inyong napanood, ano ang inyong
sariling interpretasyon sa video? - Ang pinapahiwatig sa naturang video ay
tungkol sa mga taong naghihirap sa
kanilang pamumuhay, mga nagtapos na
mag-aaral na walang mahanapan na
trabaho ,lantarang kahirapan,
kakulangan at kakapusan ng ating
pinagkukunang yaman.
2. Gawain ( Jigsaw Strategy )
Panuto:
- Bumuo ng tatlong pangkat.
- Magkaroon ng makabuluhang talakayan tungkol
sa paksang nakatalaga sa isang pangkat.
- Gamitin ang mga tanong bilang gabay.
- Gawin ito sa loob ng 5 minuto.
- Maghanda para sa pag- uulat.
Batayang Panukat:
Kawastuhan ng nilalaman 10
Pag-uulat 10
Kooperasyon 5
Natapos sa takdang oras 5
30
UNANG PANGKAT
MGA PALATANDAAN NG KAKAPUSAN
Mga Gabay na tanong
Anu- ano ang mga palatandaan ng
kakapusan?
Bakit nagkaroon ng kakapusan?
Paano malulunasan ang kakapusan sa pang
araw araw na pamumuhay?
IKALAWANG PANGKAT
KAKAPUSAN BILANG SULIRANING
PANLIPUNAN
Mga gabay na tanong:
Bakit itinuturing na isang suliraning
panlipunan ang kakapusan?
Paano mapapatunayan na ang kakapusan ay
isang suluraning panlipunan?
Ano ang posibleng epekto ng kakapusan sa
ekonomiya, pamahalaan at mamamayan
IKATLONG PANGKAT
MGA PARAAN UPANG MAPAMAHALAAN
ANG KAKAPUSAN
Mga gabay na tanong:
Bilang isang responsableng mamamayan
paano ka makakatulong upang maiwasan
ang suliranin sa kakapusan?
Anu- anong paraan ang dapat gawin ng
pamahalaan para maibsan ang suliranin sa
kakapusan?
3. Pagtatalakay
Pag-uulat
Pagpapaliwang ng guro
4. Pagsusuri
Kung sakaling hindi malulunasan ang
kakapusan, ano ang magiging epekto nito sa - Kung sakaling hindi malulunasan ang
ekonomiya? kakapusan ito ay makakaepekto ng
malaki sa ating ekonomiya
magkakaroon ng limitadong suplay na
magbunga ng pagtaas ng presyo ng
bilihin.
Paano mo mapapatunayan na ang bunga ng - Makikita na ang kahirapan ang bunga
kahirapan ay ang kakapusan? ng kakapusan sa pamamagitan ng
bilang ng mga taong nagugutom dahil
sa limitadong supply at mga mahal na
mga bilihin.
Bakit pangunahing suliranin ang kakapusan? - Masasabing ang kakapusan ay
suliraning panlipunan dahil maaari itong
magdulot ng sigalot at kahirapan sa
mamamayan.
5. Paghahalaw
Paano maibsan ang suliranin sa kakapusan? - Maiibsan ang suliranin sa kakapusan sa
pamamagitan ng pagkakaroon ng
matalinong desisyon sa paggamit ng
pinagkukunang yaman at maging
responsableng mamamayan.
Ano ang iyong maimumungkahi sa
pamahalaan para masolusyunan ang suliranin - Bilang isang responsableng
sa kakapusan? mamamayan imumungkahi ko sa
pamahalaan na mgakaroon ng mga
programa na magpoprotekta sa mga
likas na yaman. Imumungkahi ko din na
magkaroon ang pamahalaan ng mga
symposium at seminar tungkol sa
isyong ito.
6. Pagpapahalagang Moral
Bilang isang mamamayan paano ka
makakatulong sa pag solusyon sa - Bilang isang mamamayan ako ay
problemang kakapusan? makakatulong sa pag solusyon sa
problema sa kakapusan sa
pamamagitan ng pagiging isang
responsableng tao.
C. Pangwakas na Gawain
Paglalapat
( Pagsasadula )
Panuto:
Sa parehas na grupo -
Maghanda para sa gagawing
tahas
Gamitin ang batayang panukat
bilang gabay.
Puntos Deskripsyon
5 Lubhang malinaw at nauunawaan ang
pagsasadula.
4 Malinaw at nauunawaan ang
pagsasadula.
3 Hindi gaanong malinaw at nauunawaan
pagsasadula
2 Malabo at hindi maunawaan ang
pagsasadula.
1 Walang isinagawang pagsasadula.
Gawain I
- Magsadula tungkol sa epekto ng kakapusan sa
mamamayan.
Gawain II
- Magpakita ng dula na ngabibigay mungkahi
para masulusyunan ang suliranin sa
kakapusan.
Gawain III
- Magtanghal ng isang dula na nagsasaad na ng
kakapusan ang pangunahing suliraning
panlipunan.
Panuto: Panuto: Basahin ang mga katanungan. Piliin ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.
1. Bakit nagkakaroon ng kakapusan?
A. Dahil nagkakaroon ng matalino at responsableng pagdesisyon.
B. Dahil sa hindi kasapatan na pinagkukunang yaman ng tao at upang matugunan ang
pangangailangan nito.
C. Dahil sa mga bagyo at iba pang uri ng kalamidad na puminsala sa mga pinagkukunang
yaman
D. Nagpapataas ng pagkakataong kumita ang mga negosyante.
3. Alin sa mga sumusunod ang maaaring mangyari kung hindi maibsan ang kakapusan?
A. Maaaring tumaas ang kita ng mga negosyante.
B. Maaari itong magdulot ng pagkasira sa kalikasan.
C. Maaari itong magdulot ng kagutuman sa mga mamamayan.
D. Magbibigay ito ng trabaho sa mga tao.
4. Kung sakaling lumala ang problema sa kakapusan, ano kaya ang epekto nito sa lipunan?
A. Magbukas ito ng opurtunidad sa ibang negosyante.
B. Magkaroon ng suliraning sa kahirapan at kapayapaan
C. Magbibigay ito ng magandang epekto sa lipunan dahil nagtataasan ang mga presyo.
D. Makakabayad ng malaking buwis ang mga malalaking negosyante