Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

Krishalyn Audrey Mestiola

BSHM-3
“Panitikang Panlipunan”
Ang panitikang panlipunan ay isang pag-aaral na patungkol sa paggawa
ng panitikang Filipino na nakapokus sa ating Lipunan. Ito ay mga teksto na
literari dito sa ating bansang Pilipinas na tungkol sa mga iba’t ibang
kasaysayan nito. Kaugnay nito ang ang akdang Filipino na tungkol sa
kahirapan, malawak na agwat ng mayayaman at mahirap, reporma sa lupa,
globalisasyon, at madami pang iba

Ito ay mahalaga sa buhay nating mga Pilipino sapagkat ito ay tumatalakay


sa karanasan, kultura, at tradisyon ng mga Pilipino na sa mga estudyante ay
siyang makakapulot ng aral tungkol sa pangyayari ng ating kasaysayan sa
lipunan. Mahalaga ito dahil mas maiintindihan natin ang pagiging isang
Pilipino at isa din ito na magiging tulay sa nakaraan na maaaring magamit sa
kasalukuyan. Ito din ay sumasalamin sa mga emosyon natin na hindi nais
malaman, kaya dito ko masasabi na ang panitikan at lipunan ay napag iisa.

Ayon sa nabanggit ko, ay masasabi ko na talagang napakahalaga ng


Panitikang Panlipunan sa ating Pilipino at nararapat na dapat itong tinatalakay
dahil madami tayong mapupulot na aral tungkol dito. Lalo na sa katulad ko na
mag-aaral na kumukuha sa asignaturang ito ay masasabi ko na nagkaroon
ako ng dagdag kaalaman. Ang mga kaalamang ito ay ang aking mga nabanggit
at patunay na may natutunan ako.

You might also like