Semi Final Coverage 1

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

MGA MAKRONG KASANAYAN

Upang ang tao ay mag-angkin ng isang mabisa at maaayos na paraan ng


pagpapahayag tungo sa isang matagumpay na pakikipagkomunikasyon, nararapat na paunlarin
niya ang mga kasanayang pangwika. Ang mga kasanayang pangwikang ito ang magiging
tuntungang kaalaman ng isang tao upang mabisa niyang maipahayag ang mensaheng nais
niyang ipaabot. Apat ang kasanayang pangwika, ang mga ito ay: PAKIKINIG, PAGSASALITA,
PAGBASA at PAGSULAT.

Batay sa pag-aaral, may mga nakalaang porsyento ang bawat makro ng komunikasyon
sa pang-araw-araw na takbo ng buhay ng isang indibidwal. Sa pakikinig, may 45 %, sa
pagsasalita 30 %, pagbasa 16 % at pagsulat 9 %.

Antas ng Pakikinig

Ang pakikinig ay isang kompleks na proseso. Ang proseso ng pakikinig ay nahahati sa


iba’t-ibang yugto ayon sa pagkakasunod-sunod ng mga ito.

Ang pakikinig ay mayroon ding mga antas o level. Ang mga ito ay ang sumusunod:

1. Appreciativ na Pakikinig – gamitin ito sa pakikinig upang maaaliw. Mahusay na


halimbawa nito ang pakikinig ng mga awit sa radyo o konsyerto.

2. Pakikinig na Diskriminatori – kritikal na pakikinig. Ginagamit ito para sa organisasyon at


analisis ng mga datos na napakinggan. Sa antas na ito, inuunawa at inaalala ng
tagapakinig ng mga informasyong kanyang napakinggan.

3. Mapanuring na Pakikinig – evalweytiv o selektiv ang pakikinig na ito. Mahalaga rito ang
konsentrasyon sa napakinggan. Bukod sa pag-unawa ng napakinggan, ang tagapakinig
ay bumubuo ng mga konsepto at gumagawa ng mga pagpapasya ng valyu sa antas na
ito.

4. Implayd na Pakikinig – sa antas na ito, tinutuklas ng isang tagapakinig ang mga


mensaheng nakatago sa likod ng mga salitang naririnig. Ang hindi sinasabi nang tuwiran
ay inaalam ng tagapakinig sa level na ito.

5. Internal na Pakikinig – pakikinig ito sa sarili. Ang pinagtutuunan ng pansin sa level na ito
ay ang mga privadong kaisipan ng isang individwal na pilit niyang inuunawa at sinusuri
sa antas na ito.

Proseso ng Pakikinig

Ang pakikinig ay isang kompleks na gawain. Dumaraan ito sa limang sunud-sunod na


proseso. Ang bawat isa ay hindi mangyayari kung wala ang isa. Ang mga ito ay:
1. Pagdinig sa tunog. Isa sa aktivong sensori ng tao ay ang sensoring pandinig. Ang
sensoring pandama at sensoring pantingin ay nahihintong gamitin ng tao sa oras na siya
ay tulog o di aktivong kumikilos. Ngunit ang sensoring pandinig at pang-amoy ay
nanatiling gumagana sa tao maging sa kanyang pagtulog. Lalo na ngang patuloy na
gumagana ang sensoring pandinig. Ang isang tao kahit sa kahimbinga ng kanyang
pagtulog ay nagigising kapag nakarinig ng tunog.

2. Pagkilala sa narinig na tunog. Ang pandinig at pagkilala sa tunog na naririnig ay


nangyayari sa tao ng halos ay magkasabay. Sa pagkarinig mo ng tunog sabay na
gagana rin ang iyong utak upang kilalanin ang tunog na narinig. Hindi ka uupo
sumandali matapos marinig ang tunog upang kilalanin ang tunog na narinig. Ang
langitngit ng pinto ng iyong tahanan sa hatinggabing lahat ng iyong kasambahay ay
payapa ng natutulog ay dagliang magbibigay sa iyo ng kaba at mangyayari na ang
ikatlong proseso ng pakikinig – ang pagbibigay mo na ng kahulugan sa napakinggang
tunog.

3. Pagbibigay-kahulugan sa tunog na napakinggan. Ang prosesong ito ng pakikinig ay


nakabatay sa dalawang unang proseso kaya nga masasabing mahigpit na nauugnay sa
mga ito. Ang prosesong ito ay higit na nangangailangan ng pag-aanalisa sa nakarinig ng
tunog upang ang tunog na narinig ay kanyang malapatan ng pagpapakahulugan. Ang
kabang iyong nadama ng marinig mo isang hatinggabi ang tunog na nakilala mong
langitngit ng binubuksang pinto ng iyong tahanan o silid ay bunga ng pagbibigay mo ng
kahulugan sa narinig at nakilalang tunog – may nakapasok na magnanakaw! Magiging
malinaw pa sa iyo ang pagpapakahulugan sa tunog na narinig sa pag-aalala mo ng
mahinang-mahina at dahan-dahan bukas ng pinto na di dating naririnig sa ganoong dis-
oras ng gabi. Ang mabilis na dating na ito ng paggunita sa dating narinig na tunog ay
ang pang-apat na proseso ng pakikinig.

4. Pag-alala sa tunog na napakinggan. Sa halos na magkakasabay na dating sa iyo ng


tatlong naunang proseso, ang pangatlong proseso na pagbibigay ng kahulugan sa tunog
na napakinggan ay lalong magiging malinaw sa pamamagitan ng pag-aalala sa tunog na
napakinggan. Gaya nga ng paliwanag na sa itaas, ang mabilis na dating sa iyong gunita
ng kakaibang tunog na iyon kaysa sa dati mo ng naririnig na langitngit ng pinto ay
makokomfirma ng iyong pagpapakahulugan – may magnanakaw nga na nakapasok sa
inyong tahanan. Kasunod na nito ang iyong magiging tugon na siyang panlimang
proseso.

5. Pagtugon. Matapos ang apat na proseso ng sabay-sabay na dumating sa iyong


kamalayan, ang iyong tugon sa narinig ang panghuling magaganap. Sa sitwasyong
ipinapakita, ano kaya ang iyong magiging tugon? Lalabas ka ba ng silid upang sinuhin
ang nakapasok na iyon? Mananatili na lamang sa silid? Ang kilos na isasagawa ang
iyong pagtugon sa narinig, nakilala, nabigyang-kahulugan at naalalang tunog.

Mga Uri ng Pakikinig

Ang pakikinig ng tao ay maaaring mauri sa lima. Ang bawat isa sa mga ito ay
kadalasang naisasagawa ayon sa hinihingi ng pagkakataon.
1. Pasiv (Passive) o Marginal na Pakikinig – ang pakikinig na ito ay pakikinig na ang
pinakikinggan ay di gaanong napagtutuunan ng pansin dahil sa ibang gawaing kanyang
isinasakatuparan kasabay ng gawaing pakikinig. Halimbawa nito ay ang pakikinig sa
radyo habang nakikipag-usap, nag-aaral o gumagawa ng isang bagay.

2. Atentiv (Attentive) na Pakikinig – pakikinig na taimtim at puno ng konsentrasyon ang


uring ito ng pakiking. Ginagawa ang pakikinig na ito kung ang layunin ng tagapakinig ay
makuha ang kawastuan ng pagkaunawa sa isyu, mensahe o ano mang bagay na
pinakikinggan. Halimbawa nito ay ang pakikinig ng tagapanayam sa kanyang
kinakapanayam na kinakailangang wala siyang napalampas na detalye ng kanilang pag-
uusap. Nangyayari rin ang uring ito sa mga pakikinig na ginagawa ng mga mag-aaral sa
kanilang mga guro habang ang huli ay nagdi-discuss ng aralin.

3. Pakikinig na analitikal (Analytical) o Pahusgang Pakikinig – layunin ng pakikinig na ito


ang magbigay ng reaksyon sa napakinggan, magtaya o mag-evalweyt kung sapat, valid,
mahalaga at karapat-dapat ang napakinggan. Ang pag-eevalweyt sa narinig na uring ito
ay ayon sa sa sariling karanasan o sa dati na niyang kaalaman. Halimbawa nito ay ang
pakikinig sa mga komentaryo na ang nakinig ay makapagbibigay ng komentaryo,
positivo o negativo man ito.

4. Kritikal (Critical) o Mapanuring Pakikinig – pagkuha ng mensahe, mga pagpapahalagang


moral, pagpuna sa pagkakatulad at pagkakaiba ng napakinggan ang uring ito ng
pakikinig. Kalimitang ginagawa ito sa pakikinig ng mga awitin, mga sermon ng pari o
pastor, mga parabola at pabula.

5. Apresyativ (Appreciative) o Pagpapahalagang Pakikinig – ito ay pakikinig na ginagawa


ng tao para sa kanyang sariling kasiyahan. Ang halimbawa nito ay pakikinig ng musika
at mga kuwento.

Mga Salik na Nakaiimpluwensya sa Pakikinig

May pitong (7) salik na lubhang nakaiimpluwensya upang maging epektibo ang
pakikinig.

1. Oras/ Panahon
May tinatawag na oras de peligro na malaking hadlang sa pakikinig. Mula alas dose
ng tanghali hanggang mga alas dos ng hapon totoong nakakaantok lalo na at busog ang
mga tagapakinig sapagkat katatapos lamang kumain ng tanghalian.

2. Edad
Mainiping makinig ang mga bata ngunit mas mahusay ang kanilang memorya, kaya
mas madali nilang matandaan ang kanilang napakinggan at mabikis nilang nauulit ang
kanilang naririnig. Sa kabilang banda, mas matyagang makinig ang higit na nakatatanda
kaya higit ang kanilang kakayahan sa pag-unawa ng mga mensaheng pinapakinggan.

3. Kasarian
Kung kasarian ang pag-uusapan, mas mahaba ang pasensya ng mga babae
sapagkat pinag-uukulan nila ng pansin ang mga detalye ng mga ideya, kaisipan at
mensaheng ibig iparating ng tagapagsalita.
Samantala, ang mga lalaki naman ay madaling mabagot sa pakikinig lalo na at
paulit-ulit lamang ang sinasabi ng kanilang pinakikinggan. Mas ibig nila ang mga diretsong
pagpapahayag.

4. Tsanel
Ang tsanel ang sinasabing daluyan ng komunikasyon. Sa pamamagitan nito, ang
mensahe mula sa enkowder ay naipadadala sa dekowder.
Ang tsanel ng komunikasyon na nangangailangan ng pagsasalita, at pakikinig ay
ang telepono, radyo, cassette recorder, CD/ DVD player, cellphone at telebisyon. Ang mga
ito ay bunga ng pag-unlad ng syensya at teknolohiya.

5. Lugar/ Kapaligiran
Isang lugar na malinis, tahimik, maliwanag at malamig ang kailangang kapaligiran
upang efektibong makapakinig ang isang indibidwal. Malaki ang nagagawa ng kapaligiran at
sitwasyong kinaroroonan ng tagapakinig sa paraan ng kanyang pakikinig.

6. Kultura
May sagabal sa pag-unawa ng mga konseptong naririnig kung iba ang kultura ng
taong nakikinig. Ang mga konseptong maririnig ay mababatay sa sarili niyang kultura na
nagdedetermina ng kanyang pag-unawa sa narinig.

7. Konsepto sa Sarili
Maaaring ang taong may malawak na kaalaman ay magkaroon ng sagabal sa
pakikinig sapagkat mataas ang pananaw sa sarili, at dahil dito ang ilang maririnig ay
maaaring hindi paniwalaan o maunawaan dahilan sa taglay na konsepto sa sarili.

Mga Kasanayan sa Pakikinig

May ilang kasanayan na kailangang madevelop upang maunawaan ang napakikinggan.


Ito ay ang mga sumusunod:

1. Kasanayan sa Pagbubuod

Ang pagbubuod ay ang muling pagsasalaysay, paglalahad o pagsulat ng


anumang napakinggan sa paraang ang pinakamahalagang pangyayari o impormasyon
lamang ang sinasabi o isinusulat. Mas madali itong unawain kaysa orihinal dahil sa
paggamit ng mga simpleng pananalita, pati nan g mga tuwiran o di maligoy na
pangungusap. Hindi na kailangang isama pa ang mga detalye.

2. Kasanayan sa Pagtatala (Note Taking)

Kinakailangan ang pagtatala sa mahahalagang detalye mula sa lektyur ng guro


maging sa mga dinadaluhang seminar o kumperensya at pakikinig sa talumpati ng isang
lecturer o panauhing tagapagsalita ng isang mahalagang gawain o palatuntunan.
3. Kasanayan sa Pagbabalangkas

Tinatawag din itong kalansay ng mga pangunahing paksa o kaisipan ng


napakinggan o nabasang akda. Maingay na nakahanay ang mga paksa na ayon sa
kahalagahan nito. Maaaring gumamit ng balangkas na: a.) papaksa (topic outline), b.)
papangungusap (sentence outline) o, c.) patalata (paragraph outline).

4. Kasanayan sa Pagsunod sa Napakinggang Panuto/ Direksyon

Madalas na napakikinggan natin ang mga paglalahad na nagpapaliwanag kung


paano ang paggawa ng isang bagay o pagpunta sa isang lugar. Hindi lamang layunin
nito na masunod ang anumang napakinggang panuto o direksyon kundi maragdagan din
ang ating kaalaman.
Ang panuto sa paggawa ng bagay ay dapat ibigay sa malinaw at kawili-wiling
paraan upang ito’y higit na maging mabisa.

5. Kasanayan sa Pagsusunud-sunod ng mga Pangyayari

Mahalaga ang kasanayang ito sapagkat sa pamamagitan nito, nabibigyan ng


ebalwasyon o pagtataya ng tagapakinig kung ano ang pagkakasunud-sunod ng mga
pangyayari sa napakinggang kwento, dula, talambuhay at iba pa.

PAGSASALITA

Maituturing na pinakamahalagang kasanayang pangwika ang pagsasalita. Ito ang unang


natutuhan ng isang bata simula noong siya’y dalawang taong gulang.

Ang pagsasalita ay pag-uusap ng dalawa o higit pang bilang ng mga tao: ang
nagsasalita at ang kinakausap. Sa pamamagitan ng pagbigkas ng isinaayos na makahulugang
mga tunog ay naihahatid ng nagsasalita sa kanyang kinakausap ang isang mensahe. Maaaring
ang mensahe ay nagtatanong, nag-uutos, nagtuturo at iba pang kaisipang nais niyang
ipahayag. Ang nagsasalita ang tagapaghatid ng mensahe at ang kinakausap naman ang
tumatanggap ng mensahe.

Mga Pangangailangan sa Mabisang Pagsasalita

Ang mabisang komunikasyon ay nakasalalay nang malaki sa mga partisipant nito. Kung
gayon, malaki ang influwensya ng mabisang pagsasalita sa efektivong proseso ng
komunikasyon.

1. Kaalaman – “You cannot say what you do not know.” Kung gayon, upang maging isang
efektivong tagapagsalita, kailangang may sapat na kaalaman hinggil sa iba’t-ibang
bagay.

2. Kasanayan – ang pagsasalita ay isa sa apat na makrong kasanayan. Kung gayon,


katulad ng iba pang kasanayang pangkomunikasyon, ang pagsasalita ay isang
kasanayang maaaring linangin.
3. Tiwala sa Sarili – isa ring mahalagang pangangailangn ang pagkakaroon ng tiwala sa
sarili ng isang tagapagsalita. Ang isang taong walang tiwala sa sarili ay karaniwang
nagiging kimi o hindi palakibo.

Mga Kasangkapan ng Isang Nagsasalita

1. Tinig – ito ang pinakamahalagang puhunan ng isang nagsasalita. Sa maraming


pagkakataon, kinakailangan ang tinig ay maging mapanghikayat at nakakaakit
pakinggan.

2. Bigkas – napakahalagang maging wasto ang bigkas ng isang nagsasalita. Kailangang


maging matatas at malinaw ang bigkas niya sa mga salita.

3. Tindig – sa isang tagapagsalita, lalo na sa mga pagtitipon o sa mga timpalak-


pambigkasan, napakahalaga ng tindig. Kinakailangang may tikas, ‘ika nga, mula ulo
hanggan paa. Hindi magiging kapani-paniwala ang isang mambibigkas kung siya’y
parang nanghihina o kung siya’y mukhang sakitin.

4. Kumpas – ang kumpas ng kamay ay importante rin sa pagsasalita. Kung wala nito, ang
nagsasalita ay magmumukhang tuod o robot. Ngunit ang kumpas ng kamay ay
kailangang maging angkop sa diwa ng salita o mga salitang binabanggit.

5. Kilos – sa pagsasalita, ang ibang bahagi ng katawan ay maaari ring gumalaw. Ang mga
mata, balikat, paa at ulo – ang pagkilos ng mga ito ay maaaring makatulong o makasira
sa isang nagsasalita.

PAGBABASA

Ang pagbasa ay isa sa apat na kasanayang pangwika, kasama ito ng pakikinig,


pagsasalita at pagsulat. Sa pamamagitan nito, nakikilala at nakukuha ang mga ideya at kaisipan
sa mga nakalimbag na simbolo. Ito ay proseso ng pag-unawa sa mga mensaheng nais ibahagi
ng may-akda sa babasa ng kanyang isinulat. Ang gawaing ito ay isang mental na hakbangin
tungo sa pagkilala, pagpapakahulugan at pagtataya sa mga isinulat ng may-akda.

Mga Uri ng Pagbasa

Ang pagbasa ay mauuri ayon sa layunin at paraan. Sa layunin, masasabing ang mga ito
ay masusi at masaklaw samantalang sa paraan, maaaring ito ay tahimik na pagbasa (silent
reading), pasalitang pagbasa (oral reading), mabagal na pagbasa at mabilis na pagbasa.

Narito ang mga aytem na dapat isaalang-alang sa bawat uri ng pagbasa:

1. Masusing Pagbasa – ito ay isang mapanuri at kritikal na pagbasa. Ang emphasis nito
ay nakatuon sa pag-aaral sa mga nilalaman at istraktura ng texto. Ang mga tiyak na
detalye sa akda ay maingat na sinusuri at binibigyan ng wastong interpretasyon.
Pumapasok dito ang pagbibigay ng sariling reaksyon at paghatol sa kaisipang nabasa at
natutuhan sab aha-bahagi ng akdang nabasa.
2. Masaklaw na Pagbasa – hindi ito pagbasa sa baha-bahagi ng texto kundi isang pag-
aaral sa kabuuan nito. Nakatuon ang pag-unawa sa pangkalahatang nilalaman ng
binabasa at hindi sa mga tiyak o ispisifikong detalye ng akda. Inaalam dito ang bird’s
eye view ng isang texto.

3. Pasalitang Pagbasa (Oral Reading) – pagbasa ito sa isang texto na inangkupan ng


wastong pagbigkas sa mga salita at sapat na lakas ng tinig upang sapat na marinig at
maunawaan ng mga tagapakinig. Bukod sa pag-unawa, ang fokus nito ay sanayin ang
mga mag-aaral sa wastong paggamit ng tinig at pagbigkas ng tama. Maituturing na isa
ring gawaing micro ito sa kasanayan sa pagsasalita.

4. Tahimik na Pagbasa (Silent Reading) – mata lamang ang gumagana sa uri ng


pagbasang ito. Walang puwang dito ang paggamit ng bibig kaya walang tunog ng salita
ang nalilikha ng bumabasa ng texto. Dito ay walang interaksyon ang bumabasa at
nakikinig dahil ito ay pansariling pagbabasa. Ito ay paraan ng pagbabasa na angkop sa
mga silid-aklatan ng mga paaralan, kolehiyo at pamantasan.

5. Mabagal na Pagbasa – hindi ito undertime-pressure na pagbasa. Binibigyan dito ng


guro ang mga mag-aaral ng sapat na panahon upang maisa-isang basahin at
mapagtutuunan ng pansin ang mga salitang bumubuo ng texto. Ipinahihiwatig dito na
mahalagang-mahalaga na pag-ukulan ng interes ang mga salita sa akda. Angkop ito sa
pag-aaral ng ugnayan ng mga salita sa gramatikang Filipino. Ang mabagal na pagbasa
ay ang unang bilis sa pagbasa na tinatawag na study speed. Angkop din ito sa mga
mahihirap na seleksyong babasahin.

6. Mabilis na Pagbasa – ito ay tinutukoy sa Ingles na scanning at skimming na ginagamit


na paraan sa pagkuha at pagpili ng pangunahin at tiyak na detalye o kaisipan sa akdang
binabasa.

You might also like