Ako si Nathaniel M. Buday ipinanganak noong may 24, 2003 at
kasalukuyang dalawampong taong gulang na nakatira sa lungsod ng kabacan. Ako ay anak nina kesaw buday at kebpo buday. Ako ay may anim na kapatid tatlong babae at tatlong lalaki at ako ang bunso. Masaya ang kinagisnan kong pamilya punong-puno ako nang pagmamahal at pangaral na hanggang ngayon ay dala-dala ko pa rin. Noong ako ay bata pa madalas akong tuksuin ng mga kaklase ko dahil sa aking mga suot at baon na minsan ay saging ang pinapabaon sa aming magkakapatid kapag wala pang pera. Humihiram lang din ako dati ng mg lumang bag para may magamit sa skwelahan dahil kakaunti lang kasi ang kinIkita ng aking mga magulang bilang isang tainance sa isang sakahan at sumasakto lang ito sa aming pang araw-araw. Ako ay namulat nang maaga sa reyalidad ng buhay na kapag ikaw ay mahirap, hindi ka masyado kikilalanin ng mga kadugo mo kaya palaging sinasabi sa amin ng aming mga magulang na “hanggat kaya pa namin kayong pag-aralin, mag-aral kayo” kaya noong hindi ako pumasa sa gusto kong kurso sa isang unibersidad parang gumuho ang aking mga pangarap sapagkat gusto ko talaga makapagtapos bilang isang nurse. Iyak ako nang iyak pero hindi nila ako hinusgahan at sinuportahan pa na ipagpatuloy ang gusto kong kurso. Noong ako ay isang koleheyo na, maraming pagbabago sa nakasanayan lalo na at ako ay nag-aaral sa malayo. Minsan nahihiya nalang ako manghingi ng baon sa kanila dahil sa mahal ng aming tuition fee kaya naman nagpapasalamat din ako sa aking mga kaibigan na handa akong saluhin kapag walang wala na. Nakakalungkot lang din na sa sobrang daming ginagawa ay nawawalan na ako ng panahon sa kanila at naiisip na dati ay sila ang inaantay kapag umuuwi ng bahay pero ngayon, sila na ang naghihintay saakin kung kailan ako makakauwi. Kaya naman ako ngayon ay nagpupursige upang makamit ang pangarap at makatulong sa aking mga magulang gayunpaman ako ay nalulungkot sapagkat habang ako ay papalapit sa aking mga pangarap ay tumatanda na rin ang aking mga magulang ang aking ina at ama ay parehonng senior citizen na at nais ko na kapag naabot ko na ang aking mga pangarap sa buhay ay nandyan parin sila sa aking tabi kasi gusto ko na iparanas ang buhay na hindi nila naranasan man lang. Ngayong malapit na ako makapag tapos ay lumalaki na rin ang babayarin at hindi na rin kaya pang saluhin ng aking mga kapatid sapagkat sila ay may kanya-kanya ng pamilya. Minsan umiiyak na lamang ako kapag umuutang ang aking ina sa kanyang mga kapatid na may kaya sa buhay at may naririnig pa itong hindi magandang mga salita at parang dinudurog ang puso ko kapag nakikita ko siyang umiyak dahil sa problema. Kaya mas lalo kong tinatapangan ang aking puso kasi hindi pwedeng masayang ang sakripisyo nila sa akin hindi ako mapapagod at susuko sa pag-aaral dahil hindi sumusuko at napapagod ang nagpapa-aral.