Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 19

8

Filipino 8
Ikaapat na Markahan – Modyul 10
Florante at Laura

Pag-aari ng Pamahalaan
HINDI IPINAGBIBIL
Learning Area- Filipino - Grade 8
Alternative Delivery Mode
Quarter 1 – Module 10: Leksyon 15: Radio Broadcasting

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pag takda ng kaukulang
bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng
produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisyon, pelikula atbp.)
na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon.
Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa
paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at may-akda ang
karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintuloy mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaring kopyahin o
ilimbag sa anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Kalihim: Leonor Magtolis Briones, PhD
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio. PhD

Development Team of the Module

Writer(s): Marichu B. Daque

Reviewer(s): Jesusa V. Sulayao, Girlie T. Sumastre

Illustrator(s): Loreto B. Demetillo Jr.

Layout Artist: Marichu B. Daque

Management Team

Chairperson: Jesnar Dems S. Torres, PhD, CESO VI


Schools Division Superintendent

Co- Conniebel C. Nistal, PhD


Chairperson: Assistant Schools Division Superintendent

Pablito B. Altubar, CID Chief

Members: Arlene A. Micu, EPS Filipino


Himaya B. Sinatao, LRMS Manager
Jay Michael A. Calipusan, PDO II
Mercy M. Caharian, Librarian II
Printed in the Philippines by
Department of Education – Division of Gingoog City
Office Address: Brgy. 23, NationalHighway, Gingoog City
Telefax: 088 328 0108/ 088328 0118
E-mail Address: gingoog.city@deped.gov.ph
8
Filipino
Ikaapat na Markahan – Modyul 10
Talaan ng mga Nilalaman
Paunang Salita..................................................................................................i
Alamin................................................................................................................i
Pangkalahatang Panuto..................................................................................ii
Mga Aykon ng Modyul..........................................................................................................ii
Panimulang Pagtataya...................................................................................iii
Leksiyon 15: Radio Broadcasting..................................................................1
(Lunsaran: Katapusan ng Florante at Laura)................................................1
Alamin...................................................................................................................................1
Subukin.................................................................................................................................1
Gawain 1: Hanapin Mo, Kahulugan Ko!.......................................................................1

Balikan..................................................................................................................................2
Gawain 2: Ibigay Mo, Katangian Ko!............................................................................2
Tuklasin................................................................................................................................2
Gawain 3: Ibigay Mo, Sagot Mo!..................................................................................5
Suriin....................................................................................................................................6
Pagyamanin..........................................................................................................................8
Gawain 4: Hanapin Mo, Sagot Ko!..............................................................................8
Isaisip...................................................................................................................................8
Gawain 5: Tama o Mali!.............................................................................................. 8
Isagawa................................................................................................................................9
Gawain 6: Buuin Mo, Napanood Mo!.......................................................................11
Tayahin...............................................................................................................................12
Gawain 7: Kilalanin Mo Ako!....................................................................................12
Karagdagang-gawain.........................................................................................................13
Gawain 8: Hambingan : Noon at Ngayon………………………………………………..13
Ibuod mo!............................................................................................................................13
Susing Sagot (Key to Answers)...................................................................15
Sanggunian....................................................................................................16
Alamin

Sa modyul na ito, inaasahan ang mga mag-aaral na matatamo ang sumusunod na


kasanayang pampagkatuto:
A. Nabibigyang pansin ang mga angkop na salitang dapat gamitin sa isang radio
broadcast; F8PT-IVi-j-38
B. Nailalapat sa isang radio broadcast ang mga kaalamang natutuhan sa napanood
na telebisyon na programang nagbabalita; F8PD-IVi-j-38
C. Naisusulat at naisasagawa ang isang makatotohanang radio broadcast na
naghahambing sa lipunang Pilipino sa panahong naisulat ang Florante at Laura
sa kasalukuyan. F8WG-IVi-j-40

i
Panimulang Pagtataya
Panuto: Piliin at bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Maraming bilang ng patalastas o iba pang elemento na hindi kasama sa mismong


programa na sunod sunod na pinapatugtog
A. Mixing B. Clutter
C. Playlist D. Band

2. Ang istasyon na eksklusibo lamang sa loob ng isang pamantasan o paaralan


A. Public Radio B. Community Radio
C. Commercial Radio D. Campus Radio

3. Mga istasyon sa radyo kung saan purong pagbabalita o paghahatid ng impormasyon


lamang ang mapapakinggan at walang mga patalastas mula sa iba't ibang ahensya
at mga produktong iniaalok
A. Public Radio B. Community Radio
C. Commercial Radio D. Campus Radio

4. Ginagamit sa pagitan ng balita at ng patalastas.


A. Teaser B. Transmitter
C. Billboard D. Bumper

5. Isang nakakairitang tunog na nililikha ng pagtatangkang palakasin ang ispiker sa


paglalapit dito ng mikropono
A. Frequency B. Interference
C. Feedback D. Acoustics

6. Ang taong naririnig sa radyo na may trabahong magbasa ng script o mga anunsyo.
A. Announcer B. DJ
C. Host D. Reporter

7. Ipinababatid sa mga tagapakinig kung anong produkto ng sponsor ang naghatid ng


balita
A. Teaser B. Transmitter
C. Billboard D. Bumper
8. Ito ay isang pamamaraan ng pagsasahimpapawid ng mga impomasyon o balita sa
pamamagitan ng paggamit ng mga waves.
A. Radio Broadcasting B. TV Broadcasting
C. Live Streaming D. Broadcasting

9. Ito ay ang mga istasyong naglalahad ng kasalukuyang balita o mahahalagang


pangyayari sa loob ng isang komunidad.
A. Public Radio B. Community Radio
C. Commercial Radio D. Campus Radio

10. Ginagamit upang ma-stimulate ang pag-iisip ng mga tagapakinig upang manatili sa
pinakikinggang palatuntunan
A. Teaser B. Transmitter
C. Billboard D. Bumper
ii
Leksiyon 15: Radio Broadcasting
Aralin
(Lunsaran: Katapusan ng Florante at
10 Laura)

Alamin

Gusto mo bang malaman ang kahihinatnan ng mga tauhan sa wakas ng


tulang pasalaysay na ito? Kung gusto mo, atin ng simulan.
Ang modyul na ito ay naglalaman ng isang aralin tungkol sa Leksyon 15: Katapusan
ng Florante at Laura. Sa araling ito ay matututunan natin na ang taong nagnanais ng
masama sa kapwa,kahit umani man ng yaman ay magiging balewala sapagkat hindi
tutulutan ng Diyos na lumikha na mangibabaw ang masama. At matutunan mo rin ang
tungkol sa Radio Broadcasting.

Tuklasin
Ihanda ang sarili na tumuklas ng isang bago at makabuluhang aralin. Hayaang
mahasa ang iyong kaalaman. Kung kaya simulan na natin ang pag-aaral.

Panuto: Basahing maigi ang tula sa ibaba at unawain, pagkatapos ay sagutin ang
Gawain 3.

Leksyon 15:
Katapusa ng Florante at Laura
375
377
"Di lubhang nalaon noong pag-alis mo,
"Di kaginsa-ginsa, palasyo'y nakubkob
O, sintang Florante sa Albanyong Reyno,
ng magulong baya't baluting soldados;
narinig sa baya'y isang piping gulo
O, araw na lubhang kakila-kilabot!
na umalingawngaw hanggang sa palasyo.
araw na sinumpa ng galit ng Diyos!

378
376
"Sigawang malakas niyong bayang gulo:
"Ngunit di mangyaring mawatas-watasan
'mamatay, mamatay ang Haring Linceo
ang bakit at hulo ng bulung-bulungan;
na nagmanukalang gutumin ang reyno't
parang isang sakit na mahulaan
lagyan ng estangke ang kakani't trigo.'
ng medikong pantas ang dahil at saan.
379
"Ito'y kay Adolfong kagagawang lahat
1
at nang magkagulo yaong bayang bulag; "Sa banta ko'y siyang tantong
sa ngalan ng hari ay isinambulat nakatanggap
gayong ordeng mula sa dibdib na sukab ng sa iyo'y aking padalang kalatas,
kaya't nang dumating sa Albanyang
380 Syudad,
"Noon di'y hinugot sa tronong luklukan lobong nagugutom ang kahalintulad.
ang ama kong hari at pinapugutan;
may matuwid bagang makapanlulumay 389
sa sukab na puso't nagugulong bayan? "Nang walang magawa ang Konde Adolfo
ay kusang tumawag ng kapuwa lilo;
381 dumating ang gabi umalis sa reyno
"Sa araw ring yao'y naputlan ng ulo at ako'y dinalang gapos sa kabayo.
ang tapat na loob na mga konseho;
at hindi pumurol ang tabak ng lilo 390
hanggang may mabait na mahal sa reyno. "Kapagdating dito ako'y dinadahas
at ibig ilugso ang puri kong ingat;
382 mana'y isang tunod na kung saan buhat,
"Umakyat sa trono ang kondeng malupit pumako sa dibdib ni Adolfong sukab..."
at pinagbalaan ako nang mahigpit,
na kung di tumanggap sa haing pag-ibig, 391
dustang kamataya'y aking masasapit. Sagot Flerida: "Nang dito'y sumapit
ay may napakinggang binibining boses
383 na pakiramdam ko'y binibigyang-sakit,
"Sa pagnanasa kong siya'y magantihan nahambal ang aking mahabaging dibdib.
at sulatan kita sa Etolyang Bayan,
pinilit ang pusong huwag ipamalay 392
sa lilo-ang aking kaayawa't suklam. "Nang paghanapin ko'y ikaw ang nataos,
pinipilit niyong taong balakiyot;
384 hindi ko nabata't bininit sa busog
"Limang buwang singkad ang hininging ang isang palasong sa lilo'y tumapos..."
taning,
ang kaniyang sinta'y bago ko tanggapin; 393
ngunit ipinasyang tunay sa panimdim Di pa napapatid itong pangungusap,
ang magpatiwakal kundi ka dumating. si Minandro'y siyang pagdating sa gubat;
dala'y ehersito't si Adolfong hanap,
385
"Niyari ang sulat at ibinigay ko nakita'y katoto... laking tuwa't galak
sa tapat na lingkod nang dalhin sa iyo;
di nag-isang buwa'y siyang pagdating mo't 394
nahulog sa kamay ni Adolfong lilo. Yaong ehersitong mula sa Etolya,
386 ang unang nawika sa gayong ligaya:
"Sa takot sa iyo niyong palamara "Biba si Floranteng Hari sa Albanya...
kung ikaw'y magbalik na may hukbong Mabuhay, mabuhay ang Prinsesa Laura!"
dala,
nang mag-isang muwi ay pinadalhan 395
ka ng may selyong sulat at sa haring Dinala sa reynong ipinagdiriwang
pirma. sampu ni Aladi't ni Fleridang hirang,
kapuwa tumanggap na mangabinyagan;
387 magkakasing sinta'y naraos nakasal.
"Matanto ko ito'y sa malaking lumbay
gayak na ang puso na magpatiwakal 396
ay siyang pagdating ni Minandro naman, Namatay sa bunying Sultan Ali-Adab,
kinubkob ng hukbo ang Albanyong nuwi si Aladin sa Persyang Syudad;
Bayan. ang Duke Florante sa trono'y naakyat
sa siping ni Laurang minumutyang liyag.
388
2
397

sa kapayapaan ang reyno'y nauwi;


dito nakabangon ang nalulugami
at napasatuwa ang nagpipighati.

398
Kaya nga'y nagtaas ang kamay sa langit,
sa pasasalamat sa bayang tangkilik;
ang hari't ang reyna'y walang naiisip
kundi ang magsabog ng awa sa kabig.

399
Nagkasama silang lubhang mahinusay
hanggang sa nasapit ang payapang bayan...
Tigil, aking Musa't kusa kang lumagay
sa yapak ni SELYA'T dalhin yaring Ay!... AY!

Gawain 3: Ibigay Mo, Sagot Mo!


Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan at isulat sa patlang.
1. Ilarawan ang pag-iibigan nina Florante at Laura.Saan ito maihalintulad? Patunayan
___________________________________________________________________
_________________________________________________________
___________________________________________________________________
_________________________________________________________

2. Ano ang iyong naging reaksyon sa wakas ng Florante at Laura? Bakit?


___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
_______________________________________________

Suriin

Alam mo ba na ang broadcasting ay nakakatulong sapagkat madadagdagan ang


kaalaman ng mga manonod at makikinig. Ito rin ay nakapagbibigay ng impormasyon lalo na
sa mga napapanahong isyu at balita sa ating bansa. May mga ginagamit na angkop na
salita o paraan sa pagbabahagi ng impormasyon upang hindi maguluhan ang
tagapakinig/tagapanood at mabigyan sila ng makatotohanang balita. Basahin at unawain ng
mabuti ang impormasyong nakasulat sa ibaba.Ito ay magbibigay sa iyo ng mga kaalaman
ukol sa radio broadcasting at mga uri nito at kung ano-ano ang isaalang-alang sa paggawa
ng radio iskrip. Pagkatapos mong basahin ay sagutin ang Gawain 4.

3
Ang Radio Broadcasting ay isang pamamaraan ng pagsasahimpapawid ng mga
impomasyon o balita sa pamamagitan ng paggamit ng mga waves sa pamamagitan ng
paggamit ng radyo. Ang layunin nito ay ang pagpapalaganap ng impormasyon sa mas
nakakaraming makikinig.

Mga Uri ng Radio Broadcasting

1. Public Radio o Pampublikong Radyo - Mga istasyon sa radyo kung saan purong
pagbabalita o paghahatid ng impormasyon lamang ang mapapakinggan at walang
mga palatastas mula sa iba't ibang ahensya at mga produktong iniaalok. Ito ay may
layunin na magbigay ng pansin sa mga nakikinig na mamamayan. Kadalasan ito ang
nagiging mamamaraan ng mga namumuno sa bansa upang makapaghatid ng
impormasyon sa kanyang mga nasasakupan.
2. Commercial Radio o Radyong Pangkomersyo - Ang layunin ng mga istasyong ito
ay upang ilahad ang mga impormasyon ukol sa mga inaalok o binebentang produkto
na naghihikayat sa mga nakikinig upang bumili. Ito rin ay maituturing na pag-aari ng
mga pribadong ahensya na naglalayon upang kumita
3. Community Radio o Pangkomunidad na Radyo - Ito ay ang mga istasyong
naglalahad ng kasalukuyang balita o mahahalagang pangyayari sa loob ng isang
komunidad.
4. Campus Radio o Radyo ng mga Estudyante - Ang istasyon na eksklusibo lamang
sa loob ng isang pamantasan o paaralan. Ito ay naghahayag ng mga kasalukuyang
kaganapan sa loob ng kampus gayundin ang mga mahahalagang anunsyo mula sa
mga namumuno ng eskwelahan.

MAHAHALAGANG TERMINO SA RADIO BROADCASTING

Iskrip - taguri sa manuskrito ng isang audio-visual material na ginagamit sa broadcasting.


Ito ay isang transisyon lamang sa pakikipagkomunikasyon sa pamamagitan ng radio
Mensahe - ang nilalaman ng iskrip
Acoustics - kalidad ng tunog sa isang lugar
Airwaves – midyum na dinadaanan ng signal ng radyo o telebisyon na kilala ring spectrum
AM - nangangahulugang amplitude modulation, tumutukoy sa standard radio band
Amplifier - kakayahang baguhin ang lakas ng tunog
Analog - isang uri ng waveform signal na diretso o tuwid
Announcer - ang taong naririnig sa radyo na may trabahong magbasa ng script o mga
anunsyo.
Backtiming - ito ang pagkalkula ng oras bago marinig ang boses sa isang kanta
Band - lawak ng naaabot ng pagbobroadcast
Clutter - lubhang maraming bilang ng patalastas o iba pang elemento na hindi kasama sa
mismong programa na sunod sunod na pinapatugtog
Feedback - isang nakakairitang tunog na nililikha ng pagtatangkang palakasin ang ispiker
sa paglalapit dito ng mikropono
FM - isang paraan ng paglalagay ng datos sa isang alternating current
Frequency - ang teknikal na kahulugan nito ay ang electromagnetic wave frequency
4
Interference - tunog na tila may naggigisa dahil sa pagbobroadcast ng dalawang estasyon
ng radyo sa iisang band
Mixing - ito ang pagtitimpla at pagtiyak ng tamang balanse ng tunog
Open mic - isang mikroponong nakabukas sa partikular na oras
Playlist - opisyal na talaan ng mga kantang patutugtugin ng isang estasyon sa isang
takdang araw o linggo
Queue - hanay ng mga patalastas na pinagsunod-sunod
Sign-on - ang oras na ang estasyon ng radyo ay nagsisimula sa pagbobroadcast nito.
Sound byte - kapirasong boses ng isang tao na kinuha mula sa isang interbyu na isinasama
sa isang balita
Transmitter - ang pinanggagalingan o tagalikha ng signal sa isang transmission medium
Voiceovers - isang teknik pamproduksiyon na pinagsasalita ang isang tao na maaaring live
o inirekord
Bumper - ginagamit sa pagitan ng balita at ng patalastas. Ipinababatid nito sa tagapakinig
na may pagitan o break ngunit may mga balitang kasunod.
Billboard – maririnig matapos ng balita.Ipinababatid sa mga tagapakinig kung anong
produkto ng sponsor ang naghatid ng balita
Teaser ay ginagamit na upang ma-stimulate ang pag-iisip ng mga tagapakinig upang
manatili sa pinakikinggang palatuntunan

https://brainly.ph/question/506060
https://brainly.ph/question/1089929
https://quizlet.com/246496132/mahahalagang-termino-sa-radio-broadcasting-flash-cards/

Pagyamanin

Dahil natapos mo ng basahin ang mga impormasyon ay alam ko na masasagutan


mo ang mga tanong sa ibaba.

Gawain 4: Hanapin Mo, Sagot Ko!

Panuto: Bigyang pansin ang mga angkop na salita na ginagamit sa radio broadcast.Hanapin
sa loob ng kahon at isulat sa patlang ang sagot sa mga katanungan sa ibaba.

Teaser Sign-on Airwaves Backtiming

Bumper Open mic Sound byte


5
AM Iskrip Voiceover Announcer

Billboard Acoustic Feedback Queue


__________________1. Hanay ng mga patalastas na pinagsunod-sunod.
__________________2. Kalidad ng tunog sa isang lugar
__________________3.Manuskrito ng isang audio-visual material na ginagamit sa
broadcasting.
__________________4. Ang oras na ang estasyon ay nagsisimula na sa pagbobroadcast.
__________________5. Boses ng isang tao na kinuha mula sa isang interbyu na isinasama
sa isang balita.
__________________6. Teknik na pinagsasalita ang tao na maaring live o inirekord.
__________________7. Ang naatasang magbasa ng iskrip o anunsyo.
__________________8. Isang mikroponong nakabukas sa partikular na oras
__________________9. Midyum na dinadaanan ng signal ng radyo o telebisyon.
__________________10. Tumutukoy sa standard radio band.

Isaisip

Gawain 5: Tama o Mali

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga pahayag sa ibaba. Tukuyin kung ito ay tama
o mali. Isulat ang TAMA kung ang pahayag ay tama at MALI kung mali ang pahayag. Isulat
ang iyong sagot sa iyong sagutang papel.

______________ 1. Dapat may sinusunod na oras ang pag eere ng balita.


______________ 2. Kinakailangang magsaliksik tungkol sa paksang ibabalita.
______________ 3. Campus radio ang tawag sa istasyong ekslusibo sa isang pamantasan.
______________ 4. Commercial radio ang tawag kung saan purong balita ang
mapapakinggan.
______________ 5. Layunin ng radio broadcasting ay maipalaganap ang impormasyon sa
mas nakararaming nakikinig.
______________ 6. Kailangang gumamit ng terminong madaling maintindihan.
______________ 7. Gumamit ng malalaking letra sa pagsulat ng diyalogo.
______________ 8. Ang pampublikong radyo ay purong mga patalastas mula sa iba’t ibang
ahensya.
______________ 9. Pangkomunidad na radio ang istasyon kung saan nagbabalita ng mga
pangyayari sa isang komunidad.
______________10. Dapat maging maingat sa pagpapahayag ng balita

6
Isagawa
Performance Task
Magaling at nasagutan mo ang mga naunang gawain. Sa ibaba ay may
mababasa kang isang halimbawa ng radio iskrip na maaari mong maging gabay sa
pasagawa ng Gawain 6.
RADIO SCRIPT TAGALOG
97. 1 MSC FM
Local Loud and Proud

Title of the Program: Radyo Balita Ngayon


Type of Program: News Program
Date of Airing: 05, Oktubre, 2012
Time Airing: 11:30 a.m – 12:30 p.m
Hosts/Scripwriters: Nasra S. Saez

STATION I.D: MSC FM 97.1 SONG


PROGRAM I.D: RADYO BALITA NGAYON SONG

Announcer 1:
Narito na naman po ang RADYO BALITA NGAYON upang maghatid ng mga sariwa
at mainit na balita ngayong tanghali. Maya maya lang ay makakapanayam po natin si dating
comelec chairman Benjamin Abalos Junior dahil sa kinukuwestiyon ng comelec ang
kanyang paglaya.

Announcer 1:
Samantala isa na namang binatilyo ang natagpuang patay sa report ni Joan Manalo.
Insert Audio Reported by Joan Manalo.
JOAN MANALO: Agad na binawian ng buhay ang desisais anyos na binatilyo na si
Ryan Yap ng Navotas City makaraang barilin sa mukha ng malapitan ng hindi pa
nakikilalang suspek kahapon ng madaling araw.Ayon sa mga Navotas Police, naganap ang
pagpatay sa kanto ng Lapu Lapu Avenue at Road Ten sa North Bay Boulevard North
dakong alas dos ng madaling araw.Naisugod pa ang biktimang si Ryan Yap sa Tondo
General ngunit dahil sa tama ng baril sa mukha ay hindi na din ito nabuhay.Tinawag pa
umano ng salarin si Yap at sandaling nag-usap bago ito pinaputukan ng baril sa mukha.
Agad na tumakas ang salarin makaraan ang pamamaril.Ngayon ay patuloy pa din ang
imbestigasyon sa malagim na sinapit ng biktima. Ito ang pinakahuling detalye. Rose.

Announcer 1:
Samantala sa kapapasok lamang pong balita sa ulat ni Cherry Lasac.

INSERT LIVE AUDIO.

CHERRY ON PHONE:
Nash sa kapapasok lamang na balita nahuli na ang tatlong holdaper ng Tambunting
Pawnshop.Matapos na matagumpay na nanloob sa Metro Point Mall nitong nakaraang
huwebes lamang. Ang mga kinikilalang sina Mangulamas at mga kasamahang sina Danny
Talib at Alex Demalin. Ayon kay Pasay Police Chief Senior Superintendent Melchor Reyes
sa kanilang record dati nang sangkot si Mangulamas sa panloloob ng mga sanglaan ng
establisimyento. Nabatid na noong ika siyam ng Oktubre taong dalawang libo at anim,
naaresto si Mangulamas at kasamahan na sina Danny Talib at Alex Demalin dahil sa
pagnanakaw rin sa mga alahas ng Lucky Dragon Jewelry Shop sa Baclaran LRT Mall.
Nakalaya naman ang tatlong salarin makaraang maglatag ng piyansa sa kanilang kaso at
hindi na dumalo sa pagdinig sa korte. Dahil sa naturang lead magiging epektibo na ang
paghahanap ng binuong Tracking Team ng Pasay Police. Nagpakalat ng mga sketches sa
7
iba’t ibang lugar ng Bus Terminal, paliparan at pier upang mapigilan ang pagtakas ng mga
ito. Handang magbigay ang pulisya ng seguridad sa makapagtuturo at lulutang na testigo
para sa agarang pagdakip sa mga suspek. Ito ang kabuoang detalye.

Announcer 1:
Sa pagbabalik po ng RADYO BALITA NGAYON makakapanayam nap o natin si
dating Chairman Abalos makalipas ang ilang paalala.

CROSSFADE TO: INSERT COMMERCIAL BREAK

CUT TO:

Announcer 1:
Nagbabalik po ang RADYO BALITA NGAYON. Ngayon po ay nasa kabilang linya na
si Ginoong Abalos Junior. Sir good afternoon po. May gusto lamang kaming malinawan kung
bakit kukuwestiyunin ng Comelec ang maaga ninyong paglaya? Ano po ang masasabi niyo
ukol dito?

BENJAMIN ABALOS JUNIOR ON PHONE:


“Ang sa akin lang naman ay nirerespeto lang naman po ng inyong lingkod ang
naging desisyon ni Judge Jesus Mupas. Kung may mga katanungan pa man sila hinggil sa
aking paglaya ay marapat na sila na ang tanungin. ”

Announcer 1:
Ngayon ay nalaman na po natin ang saloobin ni dating Chairman Abalos Junior. Sir
maraming salamat po at nakapanayam ka namin dito sa RADYO BALITA NGAYON.

BENJAMIN ABALOS JUNIOR ON PHONE:


Walang anuman Nash. Maraming salamat din sa paanyaya.

Announcer 1:
Muli po si Ginoong Benjamin Abalos Junior. Samantala bangkay ng isang lalaki ang
natagpuang nakasako sa tapat ng isang supermarket sa Tondo, Manila kahapon ng umaga.
Pinaniniwalaang may dalawang araw nang patay bago itinapon ang bangkay. Kinilala ng
mga magulang ang biktimang si Erbin Liwanag Y Jalinao alyas “Bulol”, dalawampung taong
gulang, walang trabaho at residente ng Number 2057 Dagupan EXIT Tondo. Ayon kay PO3
Charles John Duran ng Police District Homicide Section dakong alas tres y media ng
madaling araw natagpuan ang katawan nito. Isang tawag ang natanggap ng Manila District
Station Seven hinggil sa umanoy natagpuang bangkay ng biktimang si Erbin. Ngayon ay
nakalagak ang labi ng biktima sa Cruz Funeral Morgue.

INSERT RADYO BALITA NGAYON SONG

CUT TO:

Announcer 1:
Oras po natin ay alas onse singkuwenta ng tanghali. At yan po ang mga balitang
itinatampok sa araw na ito. Ang RADYO BALITA NGAYON na maaasahan at walang sino
mang kinikilingan. Muli, magandang tanghali.

CUT TO:
INSERT CBB STATION I.D MSC F.M SONG:

https://ilikekagome.wordpress.com/2012/10/10/radio-script-tagalog/
Gawain 6: Buuin Mo, Napanood Mo!

8
Panuto: Manood sa telebisyon ng programang nagbabalita.Bumuo o sumulat ng isang radio
iskrip. Ilapat ang mga kaalamang natutunan sa napanood. Sundin ang pamantayan sa
ibaba.

Pamantayan 10 Puntos 7 Puntos 5 Puntos 1-2 Puntos


Ang nabuong Ang nabuong
Ang nabuong Ang nabuong
Kaugnayan sa radio iskrip ay radio iskrip ay
radio iskrip radio iskrip ay
paksa talagang bahagyang
ay angkop sa hindi angkop sa
angkop sa angkop sa
paksa paksa
paksa paksa
Ang nabuong
Ang nabuong
Ang nabuong radio iskrip radio Ang nabuong
Pagkamalikhain radio iskrip ay
radio iskrip iskrip ay radio iskrip ay
talagang
ay kakitaan bahagyang hindi kakitaan ng
kakitaan ng
ng kawilihan kakitaan ng kawilihan
kawilihan
kawilihan
Ang nabuong Ang nabuong Ang nabuong
Ang nabuong
radio iskrip ay radio iskrip radio iskrip ay
Orihinalidad radio iskrip ay
talagang ay kakitaan bahagyang
hindi kakitaan ng
kakitaan ng ng kakitaan ng
orihinalidad
orihinalidad orihinalidad orihinalidad
Ang radio
Ang radio iskrip iskrip nabuo Ang radio iskrip
Ang radio iskrip
Gramatika nabuo ay ay nabuo ay
nabuo ay hindi
talagang organisado, bahagyang
organisado,
organisado, maingat na organisado,
maingat na
maingat na naisulat, maingat na
naisulat, wasto at
naisulat, wasto wasto at naisulat, wasto
maingat ang
at maingat ang maingat ang at maingat ang
wikang ginamit.
wikang ginamit. wikang wikang ginamit.
ginamit.
Kabuoang Marka

9
Lagumang Pagsusulit
Panuto: Piliin at bilugan ang letra na angkop sa diwang ipinahayag ng pangngusap.

1. Ito ay isang pamamaraan ng pagsasahimpapawid ng mga impomasyon o balita sa


pamamagitan ng paggamit ng mga waves.
A. Radio Broadcasting B. TV Broadcasting
C. Live Streaming D. Broadcasting

2. Ang istasyon na eksklusibo lamang sa loob ng isang pamantasan o paaralan


A. Public Radio B. Community Radio
C. Commercial Radio D. Campus Radio

3. Ginagamit sa pagitan ng balita at ng patalastas.


A. Teaser B. Transmitter
C. Billboard D. Bumper

4. Isang nakakairitang tunog na nililikha ng pagtatangkang palakasin ang ispiker sa


paglalapit dito ng mikropono.
A. Frequency B. Interference
C. Feedback D. Acoustics

5. Ipinababatid sa mga tagapakinig kung anong produkto ng sponsor ang naghatid ng


balita
A. Teaser B. Transmitter
C. Billboard D. Bumper

6. Mga istasyon sa radyo kung saan purong pagbabalita o paghahatid ng impormasyon


lamang ang mapapakinggan at walang mga patalastas mula sa iba't ibang ahensya
at mga produktong iniaalok
A. Public Radio B. Community Radio
C. Commercial Radio D. Campus Radio

7. Ginagamit upang ma-stimulate ang pag-iisip ng mga tagapakinig upang manatili sa


pinakikinggang palatuntunan
A. Teaser B. Transmitter
C. Billboard D. Bumper

8. Ito ay ang mga istasyong naglalahad ng kasalukuyang balita o mahahalagang


pangyayari sa loob ng isang komunidad.
A. Public Radio B. Community Radio
C. Commercial Radio D. Campus Radio

9. Maraming bilang ng patalastas o iba pang elemento na hindi kasama sa mismong


programa na sunod sunod na pinapatugtog.
A. Mixing B. Clutter
C. Playlist D. Band
10. Ang taong naririnig sa radyo na may trabahong magbasa ng script o mga anunsyo.
A. Announcer B. DJ
C. Host D. Reporter

10
Susing Sagot (Key to Answers)

Panimulang Pagtataya
1. B Gawain 4
2. D
3. A 1. Queue Gawain 8
4. D 2. Acoustic
3. Iskrip Lagumang Pagtataya
5. C
6. A 4. Sign-on
1. A
7. C 5. Sound byte
2. D
8. A 6. Voiceover
3. D
9. B 7. Announcer
4. C
10. A 8. Open mic
5. C
9. Airwaves
6. A
Gawain 1 10. AM
7. A
8. B
1. C Gawain 5 9. B
2. D 10. A
3. A 1. Tama
4. B 2. Tama
3. Tama
Gawain 2 4. Mali
Posibleng Sagot 5. Tama
6. Tama
 Mapagmahal 7. Mali
 Matapang 8. Mali
 Mabait 9. Tama
 Matulungin 10. Tama

Gawain 3 Gawain 6
Posibleng Sagot
1. Nais ng mga tao na Gawain 7
paalisin si Haring 1. Laura
Linceo dahil sa 2. Adolfo
kagagawan ni 3. Flerida
Adolfo. Pinaniwala 4. Minandro
nito ang mga tao na 5. Duke Briseo
nais ng hari na 6. Aladin
gutumin ang mga 7. Haring Linceo
tao. 8. Florante
2. Masaya dahil 9. Sultan Ali-Adab
nagkaroon ng 10. Minandro
magandang 11. Campus Radio
katapusan ang mga 12. Iskrip
paghihirap na 13. Mensahe
dinaranas ng mga 14. Radio Broadcasting
pangunahing tauhan 15. Commercial Radio
sa Florante at Laura.

11
Sanggunian

Guimarie, Aida M. (Florante at Laura ni Francisco


Balagtas) Amos Books Inc. 2006 pahina 125 – 128
https://brainly.ph/question/506060
https://brainly.ph/question/1089929
https://quizlet.com/246496132/mahahalagang-termino-
sa-radio-broadcasting-flash-cards/
https://ilikekagome.wordpress.com/2012/10/10/radio-
script-tagalog/

12
For inquiries or feedback, please write or call:
Department of Education — Division of Gingoog City
Brgy. 23, National Highway, Gingoog City
Telefax: 088-328-0108 / 088328-0118
E-mail Address: gingoog.city@deped.gov.ph
13

You might also like