Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Isang mapagpalang araw sa ating lahat.

Mga kapwa ko mag-aaral, nais kong malaman ninyo na ang ating


bansang Pilipinas, ang mahal nating bayan, ay kasalukuyang dumaranas ng pang-aapi ng mas malaki at
mas makapangyarihang bansa na nais angkinin ang mahahalagang isla na taglay ay yaman ng ating
bayan. Ang Pilipinas na dati nang inapi, inalipusta, yinurakan, at ikinulong ng mga dayuhan. Bagamat
nakaranas ang ating bayan ng sakit sa kamay ng mga banyaga. Ang ating mga bayani ay itinaas ang
bandera ng bayan, ang sagisag ng ating lakas. Sila ay nakipaglaban upang makamit ang nais nating
kasarinlan at kapayapaan. Inilaan nila ang kanilang buhay sa adhikang iyon. Inalay nila ang kanilang
pawis, dugo, at luha, upang hindi na dumanak ang dugo, hindi na tumulo ang pawis, at hindi na dumaloy
ang luha ng kanilang mga anak at magiging anak nito sa kanilang lupang sinilangan. Malasakit sa bayan,
iyon ang ipinakita ng ating mga bayani. Iyon ang nasyonalismo. At sa panahong ito, sa panggigipit ng
pulang bansa sa timog. Marapat lamang na tayo ay makibaka at maging handa na ipagtanggol ang atin
bansa.

You might also like