Sampung Mga BUGTONG

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 3

Sampung mga BUGTONG

May katawan ay walang bituka, may puwit ay walang paa, nakakagat tuwina. (Baso)
Hinila ko ang baging, natataranta ang matsing. (Kampana)
Hindi ampalaya, hindi apdo, napakapait sa tao. (Kasawian)
Kabayo ko sa kaingin, kundi sakyan ay di kakain. (Kudkuran)
Takbo roon, takbo rito, hibdi makaalis sa tayong ito. (Duyan)
Walang kampit, walang sundang, nakayayari ng bahay. (Gagamba)
May tiyan walang sikmura, ang bahay ay tila lungga, kung lumaba'y patihaya. (Gulok)
Mag-asawang magsinliyag, kung hindi magkalapat, mahuhulog ang mga anak.
(Hagdanan)
Butasi, butasi, butas din ang itinagpi. (Lambat)
Oo nga't bangka, tulis-tulis ang mukha. (Langka)

Sampung mga SALAWIKAIN


Ang mabuting halimbawa ay higit na
mabisa kaysa pahayag na dakila.
Ang lumalakad nang mabagal
kung matinik ay mababaw.
Ang lumalakad nang matulin
kung matinik ay malalim.
Walang malaking nakapupuwing
walang maliit na nakahihirin.
Ang mag-asawang walang bunga
parang kahoy na walang sanga.
Anuman ang tibay ng piling abaka
ay wala ring lakas kapag nag-iisa.
Kaibigan kung meron
kung wala’y sitsaron
Puri sa harap

LABRADA, Casey S.
sa likod paglibak.
Ang ampalaya kahit anong pait
sa nagkakagusto’y matamis.
Matabang man ang paninda
matamis naman ang anyaya.

Limang mga KASABIHAN


Ang taong nagigipit
sa patalim kumakapit
Ang batang matapat
pinagkakatiwalaan ng lahat.
Nasa dyos ang awa
nasa tao ang gawa.
Mansiyon man ang bahay mo
Asal ka namang hunyango.
Ang aral ay nakakalimutan sa gitna ng kalituhan
Ngunit ang natural na asal ay hinding-hindi mapag-iiwanan

Limang mga KAWIKAAN


Nalalasahan ng dila ang mga pagkain, naririnig ng tainga ang salitang dumarating.
Ngunit likas sa Diyos ang kaalaman at kapangyarihan, taglay niya'y karunungan at
katalinuhan.
Walang makakapagtayo muli ng kanyang giniba, sinumang ikulong niya'y walang
makakapagpalaya.
Inaalis niya sa mga pinuno ang taglay nilang dunong, ginagawa niyang hangal ang mga
hukom.
Sa dilim sila'y nangangapa, sa paglakad ay naliligaw, animo'y mga lasing, sa daan ay
sumusuray.

LABRADA, Casey S.
SANGGUNIAN
Mendoza, S. ((1997). Mga Bugtong (Tulong sa mga Mag-aaral) Elementarya, High
School, Kolehiyo. #31 Parian Center, Commonwealth Avenue Quezon City.
Batubalani, A.M. (1997). Kalipunan ng mga Sawikain, kasabihan at salawikain at mga
bugtong Pilipino. Loacan, Pub. House, Manila.
Tapiador, G., at Bastes, A. (2005). Magandang Balita Bibliya, 2005 (Ang mga aklat ng
Deuterocanonico ay naka-intersperse sa Lumang Tipan). Philippine Bible Society 890
United Nations Avenue 1000 Manila, Philippines.

LABRADA, Casey S.

You might also like