Larawang Sanaysay

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

LARAWANG SANAYSAY

Ang larawang-sanaysay na tinatawag sa Ingles na pictorial essay o kaya ay Photo Essay na para sa iba ay mga
tinipong larawan na isinaayos nang mayy wastong pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari upang maglahad ng
konsepto.
“A photograph shouldn’t be just a picture, it should be a philosophy.”
- Amit Kalantri, isang nobelistang Indian

Mga anyo ng Larawang Sanaysay o Photo Essay


▪ Binubuo LAMANG ng mga larawan.
▪ Binubuo ng mga larawang may MAIIKLING TEKSTO.
▪ Binubuo ng PANGKALAHATANG TEKSTO at sinasamahan ng mga larawan.
▪ Ang mga larawan ang lumulutang sa anyong ito, hindi mga salita.

Kalakasan ng Larawang Sanaysay o Photo Essay


▪ Nagpapahayag ng damdamin at kaisipan sa serye ng larawan
▪ Ang mga larawan ang pangunahing nagkukwento samantalang ang teksto ay SUPORTA LAMANG.
▪ Inaayos ayon sa kronolohikal na pagkakasunod-sunod o ayon sa damdaming gustong ipahayag.
▪ Ngunit kadalasan ay nasasaayos ito ayon sa pagkakaugnay ng mga larawan.
▪ Ang mahalaga ay malinaw ang pahayag sa unang tingin palang.

Mga Dapat Tandaan sa Paggawa ng Larawang Sanaysay o Photo Essay


▪ Siguraduhing pamilyar ka sa paksa
▪ Alamin kung magiging interesado sa paksa ang magbabasa nito
▪ Malaya ang haba ng teksto sa paglalarawan
▪ Kailangang may kaisahan ang mga larawan
▪ Isaalang-alang ang consistency sa framing, komposisyon, anggulo, pag-iilaw, o kulay
TALUMPATI
Ito ay isang proseso o paraan ng pagpapahayag ng ideya o kaisipan paraang pasalitang tumatakalay sa
isang partikular na paksa. Ito ay karaniwang isinusulat upang bigkasin sa harap ng mga tagapakinig
ANO-ANO ANG MGA URI NG TALUMPATI?

BIGLAANG TALUMPATI (IMPROMPTU)


- Ang talumpating ito ay ibinibigay nang biglaan o walang paghahanda. Kaagad na ibinibigay ang paksa sa
oras ng pagsasalita.
MALUWAG (EXTEMPORANEOUS)
- Kung ang biglaang talumpati ay isinasagawa nang biglaan o walang paghahanda, sa talumpating ito,
nangbibigay ng ilang minuto para sa pagbuo ng ipahahayag na kaisipan batay sa ibinibigay bago ito
ipahayag.
MANUSKRITO
- Ang talumpating ito ay ginagamit sa mga kumbensyon, seminar, programa sa pagsasaliksik kaya pinag-
aaralan ito ng mabuti.
ISINAULONG TALUMPATI
- Ito ay kagaya rin ng manuskrito sapagkat ito ay mahusay ding pinag-aralan at sinabi nang maayos bago
bigkasin sa harap ng mga tagapakinig.

ANO-ANO ANG MGA URI NG TALUMPATI AYON SA LAYUNIN


• Talumpating nagbibigay ng Impormasyon o Kabatiran
- Ang layunin ng talumpating ito ay ipabatid sa mga nakikinig ang tungkol sa isang paksa, isyu, o
pangyayari.
• Talumpating Panglibang
- Layunin ng talumpating ito na magbigay ng kasiyahan sa mga nakikinig
• Talumpating Pampasigla
- Layunin ng talumpating ito na magbigay ng inspirasyon sa mga nakikinig.
• Talumpating Panghihikayat
- Pangunahing layunin ng talumpating ito hikayatin ang mga tagapakinig na tanggapin ang paniniwala ng
mananalumpati sa pamamagitan ng pagbibigay-katuwiran at mga patunay.

• Talumpati ng Pagbibigay-galang
- Layunin ng talumpating ito na tanggapin ang bagong kasapi ng kasama o organisasyon.
• Talumpati ng Papuri
- Layunin ng talumpating ito na magbigay ng pagkilala o pagpupugay sa isang tao o samahan.

You might also like