Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

Kathleen Joy C.

De Castro POSISYONG PAPEL


AeE 2201

Sabay sa Pag-angat

Sa kasalukuyang panahon, patuloy na


nagiging kontrobersyal ang debate tungkol sa
kahalagahan ng pag-aaral ng asignaturang
Filipino sa antas ng kolehiyo. Marahil nga
dahil sa patuloy na modernisasyon at
globalisasyon ay tila ba nagiging opsyon
nalang ang asignaturang Filipino. Ang wika
na bagaman ipinaglaban pa ng ating mga
pinuno ay tila nawawalan na ng puwang sa
ating mga puso.

Sa ganang akin, dapat lamang talaga na mayroon tayong asignaturang Filipino sa kahit ano
pa mang antas ng pag-aaral. Ito ay hindi na dapat pinagdedebatehan pa sapagkat tayo ay Filipino
at dapat ay isinisigaw natin ito. Marahil ang dahilan kung bakit ito pinag-iisipan ng iba ay dahil sa
tingin nila, sapat na ang pag-aaral sa Filipino mula elementarya hanggang edukasyong sekondarya.
Marahil din ikinukumpara nila ang ating bansa sa kolehiyo ng ibang bansa ngunit ang aking
mariing ipinaglalaban, mas pairalin natin ang ating pagka-Pilipino. Iba ang naging kasaysayan
natin sa naging kasaysayan nila. Kaya't dapat lang na pahalagahan natin ang meron tayo sapagkat
naniniwala ako na ito ang siyang kayamanan natin at dapat pang pagyamanin. Bagaman
mahalagang makipagsabayan sa pag unlad ng ibang bansa, dapat parin nating dalhin ang ating
pusong Pilipino at ito ay maipapakita natin sa paggamit ng ating sariling wika, pagka-unawa sa
ating salita at kaalaman sa mga kultura at kasaysayan ng ating bansa. Itong mga ito ay matututunan
lamang natin nang tama sa asignaturang Filipino. Katulad na lamang ngayon, nakikilala na ang
mga Pilipino sa iba't ibang larangan. May mga aktor na nagpaparangal at pinapalabas ito sa buong
mundo. Meron din mga pinay na sumali sa Korea upang maging mananayaw. At sa dami ng
lumahok mula pa sa ibat ibang bansa ay pinay ang unang nakapasok sa miyembro ng grupo. Kaya
ko nabanggit ang mga ito sapagkat ito ay ilan lamang sa mga pandaigdigang kompetisyon kung
saan sa mga panayam ay tila inaasahan nating gagamitin nila ang ating wika ngunit madalas ay
Ingles ang nagagamit nila at hindi masyado napapahalata na tayo ay Pilipino. Ang akin lamang
pinupunto ay kailangan makagawian ng Pilipino ang ating wika at hindi ito mawala sa ating
pamumuhay.

Ang panahon ngayon’y nagpapatunay na maraming kabataan na ang hindi gamay ang
tagalog at nakakalimot. Ito’y isang hudyat na dapat nating iangat ang ating wikang pambansa na
ating natututunan sa paaralan at unibersidad. Huwag nating iwanan ang ating wikang pambansa
bagkus ay isama natin ito sa ating pag-angat.

You might also like