Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
Region VIII (Eastern Visayas)
Division of Leyte
District of Palo III

IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT SA FILIPINO I

Pangalan:
Baitang/Seksyon:
Petsa: Iskor:

I. Basahin nang mabuti ang mga tanong at bilugan ang titik ng iyong sagot.

1. Ano ang wastong baybay ng larawang nasa kanan?


A. eroplano B. iroplano C. eruplano D. iroplanu

2. Ano ang maaring susunod na pangyayari sa maikling kwentong babasahin na


nasa loob ng kahon?
Araw ng sabado at abala si nanay. Naglalaba, naglilinis at
nagluluto siya. Naiwan niya ang kaniyang sinaing at nagdilig ng
mga halaman sa bakuran. Maya-maya ay may naamoy siya
mula sa kanyang kusina.

A. Magpapatuloy siya sa kanyang pagdidilig.


B. Nasusunog ang kanyang sinaing.
C. Walang mangyayari sa sinaing.
D. Hindi papansinin ni nanay ang sinaing.
Aklat
3. Ano ang paksa ng tulang nasa kahon? Ako ay aklat maraming
nakasulat,
Ako’y pangalagaan, Laging pag-
A. nakasulat B. aklat ingatan,
C. kinabukasan D. mag-aaral Sa kinabukasan mo,
Ako’y maaasahan.
Halaman ay mahalaga,
sa tao, hayop at paligid.
4. Ano ang paksa ng tulang nasa kahon? Naglilinis ng hangin,
A. tao B. hayop Pagkain dito’y makukuha rin.
C. halaman D. paligid

Page 1 of 5
5. Ang sumusunod ay halimbawa isang pangungusap, MALIBAN sa isa.
A. Mahusay kumanta si Rhoda.
B. Masarap ang nilutong ulam ni nanay.
C. Wow ! Ang ganda ng mga bulaklak.
D. may pusa

6. Anong damdamin ang ipinahihiwatig ng pangungusap?


Naku ! Nabasag ko ang plorera.
A. masaya B. nagagalit
C. nababahala D. naghihinayang

7. Ano kaya ang naramdaman ng bata nang masira


ang kanyang bisikleta batay sa binasang kwento sa ibaba?

May pasalubong sa akin si Kuya Pedring. Isa itong bisikleta. Mabilis


tumakbo ang bisikleta. Ngunit hindi ko ito iniingatan. Lagi ko itong iniiwan sa
daan. Iba’t ibang bata ang sumasakay rito. Di nagtagal ay nasira ito. Wala na akong
magamit na bisikleta patungo sa paaralan.

A. natuwa B. nanghinayang
C. nagulat D. natakot

8. Ang mga sumusunod ang may tamang kasarian ng pangngalan, MALIBAN


sa isa.
A. Panlalaki- Jonas, Angelo, at Ricky
B. Pambabae- Marina, Edna, at Sofia
C. Di-Tiyak- guro, Joan, at kaibigan
D. Walang kasarian- lapis, bola, at papel

9.Anong kasarian ng pangngalan ang reyna, ninang, at lola ?

A. Di-tiyak B. Pambabae
C. Panlalaki D. Walang kasarian
10. Mula sa napakinggang kwento, sa iyong pananaw, huwaran ba ang pamilya
sa kuwento?
“Ang Aming Mag-anak”

Ang aming mag-anak ay laging masaya.

Maligaya kami nina ate at kuya.


Page 2 of 5
Mahal kaming lahat ni ama’t ina.

Mayroon ba kayong ganitong pamilya?


Kahit sa paggawa’y pagod ang katawan,

A. pwede na B. opo C. hindi D. ewan

11. Anong salita ang mabubuo kung ang salitang baso ay papalitan ng ibang
titik sa hulihan?
A. paso B. kaso C. basa D. maso

12. Ano ang angkop na salitang panlarawan batay


sa larawan?
A. matamis B. maasim
C. mapait D. maalat

13. Ano ang ibig sabihin ng babalang nasa kanan?


A. maaring tumawid
B. pumila ng maayos
C. bawal tumawid
D. madulas ang sahig

14. Tungkol saan ang tekstong napakinggan?


Maganda si Lorna

Marami ang humahanga at nagagandahan kay Lorna. Sino nga ba ang di mabibighani sa kanyang ganda.
Ang kanyang mga buhok ay tulad ng langit sa gabi. Ang kanyang mga labi ay kasing pula ng presa. Marami ang
naiinggit sa kanyang kutis na sing puti ng labanos. Para sa mga tao si Lorna ay isang bulaklak. Mabango at di
nakakasawang pagmasdan. Ang kanyang mga mata ay parang mga bituin sa langit. Nangingislap sa tuwing
titingnan.

Di lang maganda si Lorna mabait din siya. Siya ay may pusong mamon para sa lahat, matatanda, bata at
maging may kapansanan.

Marami ang nagnanais na manligaw kay Lorna ngunit marami ang natatakot sa ama nito dahil si Mang
Mateo ay leon sa bagsik.
Page 3 of 5
A. kabaitan ni Lorna B. Kagandahan ni Lorna
B. buhok ni Lorna D. damit ni Lorna

II. Sumulat ng salitang makapaglalarawan ng:

15. tao-

16. hayop-

17. lugar-

18. bagay-

III. Sumulat ng simpleng pangungusap gamit ang salitang pamalit sa ngalan ng


tawo:

19. ako

20. tayo

Inihanda ni:

CRISLYN E. PLACIGO

Page 4 of 5
Guro

Iwinasto ni:

MARICEL V. AMESCUA MAED


MT-II

Inaprobahan ni:

JENNIFER A. AVILA PhD


Principal II

Page 5 of 5

You might also like