Professional Documents
Culture Documents
Ang Larawan
Ang Larawan
Ang Larawan
PAMAGAT NG PELIKULA
Ang Larawan
Loy Arcenas
V. Buod ng Pelikula
Ang pelikulang ito ay tungkol sa dalawang magkapatid na sina Candida at Paula Marasigan na
nagmamay-ari ng isang malaking bahay sa Intramuros Maynila noong panahon ng pre-WWII. Sila ay anak
ng isang sikat na pintor na si Don Lorenzo Marasigan; marami siyang nilikhang sining kung saan
ipinapakita rito ang kaniyang talino at pagmamahal sa kaniyang mga obra. Ang ugat ng kuwento ng
pelikula ay naka-sentro sa huling obra na ginawa ni Don Lorenzo na ipinamana niya sa kaniyang mga
anak dahil nararamdaman na niya na siya ay mamamatay dahil sa nangyaring aksidenteng pagkakahulog
niya sa hagdan. Sa kabila ng nangyaring ito, isang taon na hindi lumabas si Don Lorenzo sa kaniyang
kuwarto.
Makikita rito ang suliraning kinakaharap ng magkapatid na Candida at Paula; sila ay nagkaroon ng
problema pagdating sa pinansyal at sosyal na pangangailangan kung saan nahihirapan silang suportahan
ang kanilang pang-araw-araw na pamumuhay. Naghihirap sila at nahihirapan silang panindigan ang
kanilang pagiging aristokrata sa gitna ng isang nagbabagong lipunan. Sa kabila nito, hindi nila magawang
ibenta ang huling obra ng kanilang ama kahit pa ito ay pinag-iinteresan ng bilhin ng mga mayayamang
tao pati na rin ang mga dayuhan. Ang larawan kasing ito ay sumisimbolo sa kanilang nakaraan at
lipunang kinabibilangan.
Dumating naman sa eksena si Tony Javier, isang kritiko at manunulat na nagtatanghal sa teatro upang
mangupahan kina Candida at Paula; subalit ang pakay lamang ni Javier ay kuhanin ang loob ng
magkapatid upang tulungan silang ibenta ang ginawang obra ng kanilang ama sa mga amerikano.
Napamahal siya sa pamilya at nagkaroon din siya ng relasyon kay Paula. Nangako si Candida sa mga lihim
na hinding-hindi ipagtatakpan ang mga kaganapan sa kanilang buhay, ngunit hindi niya ito natupad. Kaya
nagkaroon sila ng hidwaan ng kapatid nang malaman ito ni Paula.
Ipinakilala rin sa pelikula ang kapatid nina Paula at Candida na sina Perla at Manolo na puro kasakiman
lang ang alam. Gusto nilang ibenta ang tinitirahang bahay ng magkapatid pati na ang obra ng kanilang
ama. Gayong dalaga nga sina Paula at Candida, pinag-usapan din nilang ampunin ang mga ito. Subalit
hindi sila nagwagi sa kanilang pinaplano, bagkus ay nagkaroon sila ng hidwaan sa kanilang dalawa.
Tinulungan ng iba pang tauhan ang dalawang magkapatid; ang ninong ni Candida na si Don Aristeo, ang
kanilang mga tiyo at tiya Don Perico at Donya Irene, kaibigan ng kanilang ama na si Don Miguel at Don
Alvaro, pati na rin si Bitoy. Sa huli, nanatili pa rin sa bahay ang dalawang magkapatid at hindi ito
naibenta. Makikita rin sa huli na lumabas na sa kaniyang kuwarto si Don Lorenzo makalipas ang isang
taon.
Nagpapakita ng matinding kritika sa lipunan at sa kultura ng pagkiling sa dayuhan. Ipinapahayag nito ang
mga suliranin ng mga Pilipino noon at ng kanilang patuloy na pakikipagbaka para sa kanilang mga
pangarap at pagkakakilanlan. Tinalakay rin ng pelikula ang tema ng pag-ibig, sakripisyo, at pagtanggap sa
kabiguan.
Si Gino Gonzales ang lumikha ng disenyong pamproduksuon sa pelikulang ito. Ipinakita dito ang
magandang disenyong pamproduksyon na naglalarawan ng atmospera ng Filipinas noong 1941. Ito ang
mga sumusunod:
Disenyong Pamproduksuon:
Binigyang-buhay ng mahusay na production design ang 1940s Intramuros Manila, mula sa mga detalye
ng mga bahay, damit, at iba’t ibang elemento ng paligid.
Disenyong Pangkasuotan:
Ang mga kasuotan ng mga tauhan ay naayon sa panahon ng kuwento, ito ay nagpapahayag ng sosyal na
antas at personalidad ng bawat karakter.
Disenyo ng Lugar(sets):
Ang mga sets ay maingat na ginampanan upang itampok ang oras at atmospera ng kwento. Makikita ito
sa mga detalyadong pintura, gamit, at kagamitan na nagpapahayag ng kultura noong panahon na iyon.
Diesnyong Pailaw:
Ang disenyong pailaw (lighning design) ay nagbigay ng tamang atmospera sa bawat eksena.
Musika:
Ang pagganap ni Rachel Alejandro bilang pintor na si Candida ay puno ng damdamin at kahulugan.
Nasilayan ang kanyang tagumpay at paghihirap sa buhay ng isang siningista.
Si Joanna Ampil ay nagbigay ng makahulugang pagganap bilang Paula na may husay sa pagpapahayag ng
kanyang musikal na talento at emosyon sa gitna ng pagbabago ng panahon.
Si Paulo Avelino ay nagdala ng kahusayan sa kanyang papel bilang isang mang-aawit na nagtatanghal sa
teatro.
Nonie Buencamino bilang Manolo:
Ang pagganap ni Sandino Martin bilang Bitoy ay nagbigay ng kakaibang dimensyon sa kwento,
nagpapahayag ng kanyang sariling kahulugan sa lipunan. Siya rin ang dahilan kung bakit nabuhay ang
mga ngiti ni Don Lorenzo.
Ang kanilang mga pagganap ay nagtambalan upang lumikha ng isang kapana-panabik na karanasan para
sa mga manonood.
Ang musika at tunog ng pelikulang ito ay nilikha ni Ryan Cayabyab. Nagbigay-buhay ito sa pelikula at
magbigay ng dagdag na dimensyon sa bawat eksena. Ito’y nag-ambag sa pagtuklas sa kahulugan ng
sining at pagkilala sa sarili sa gitna ng mga pagsubok ng buhay. Ang mga sumusunod ay bahagi ng tunog
at musika sa pelikula
Musika:
Orihinal na kanta:
Ang mga orihinal na kanta, tulad ng “Kay Sarap Ng Buhay” at “Ang Pianista at Taga-piano,” ay nagbigay ng
diwa at nadagdagan ng emosyon sa mga mahahalagang eksena ng pelikula.
Tunog:
Ang tunog ng pelikula ay mahusay na naitaglay upang buhayin ang paligid ng 1940s Intramuros Manila,
mula sa ingay ng lansangan hanggang sa mga tunog ng sining at kultura ng panahong iyon.
Musikal na Pagtatanghal:
Ang mga musikal na pagtatanghal, lalo na ni Paula (Joanna Ampil) at Tony Javier (Paulo Avelino), ay
nagbibigay ng pagkakataon na ipakita ang galing ng mga aktor sa pag-awit at pagganap.
Mahusay na inilahad ng bawat karakter ang iskript ng pelikula. Bago sa pandinig ito tulad naming mga
manonood sapagkat masusing pinili rito ang bawat linya. Dagdag pa rito kung paano ipahayag ng mga
karakter ang kanilang mga linya dahil gianagawa nila ito sa pa-teatrong paraan. Hindi na nakapagtataka
dahil ayon sa aming nasaliksik ang Pelikulang “Ang larawan” ni Loy Arcenas ay nakabase sa dula na
nilikha ni Nick Joaquin.
X. Sinematograpiya
Ang sinematograpiya sa pelikulang ito ay nilikha ni Boy Yñiguez, nagbigay siya ng makabuluhang ambag
sa pagbuo ng sining at atmospera ng pelikula. Ito’y nagbigay ng buhay sa mga tauhan at sa mundo ng
“Ang Larawan.”
Larawan ng Panahon:
Ang paggamit ng ilaw ay nagdala ng buhay sa mga eksena, lalo na sa mga mahahalagang tagpo tulad ng
mga eksena sa loob ng bahay ng mga Marasigan.
Pagpapahayag ng Damdamin:
Makulay na Estilo:
Ang kulay at estilo ng sinematograpiya ay nagbigay ng makulay na buhay sa mga tagpo, na nagdala ng
mga pantelebisyon na mga biswal na aspeto sa pelikula.
Maraming aspekto ang maaaring matutuhan sa pelikulang ito. Ang pagtuklas sa sariling pagkakakilanlan,
pakikipaglaban para sa sining, pagpapahalaga sa tradisyon at pamilya, at pagtanggap sa pagbabago ay
ang aming natutuhan habang pinapanood ang pelikulang ito.
XII. Konklusyon
Ang ilang mga eksena ay masyadong mabilis o masyadong mabagal. Subalit napagtanto namin na baka
ganoon talaga ang daloy nito. Mabilis kaming nabagot kahit ala pa sa kalahati ang pelikula dahil mayroon
ding mga patay na eksena at halos paulit-ulit din ang nangyayari. Nagkakaroon lang ang buhay kapag
nagsisimulang kumanta ang mga karakter. Sa kabuuan, maganda ang pelikula dahil pinapakita rito kung
paano mahalin ang ating mga sarili at pamilya lang natin ang ating makakasama sa gitna ng mga
suliraning maaari nating kaharapin. Bawat eksena ay naramdaman talaga namin na kami ay nasa loob ng
pelikula dahil na rin siguro sa sinematorapiya at musika ng pelikulang ito.
XIII. Rokomendasyon
Maganda ang konseptong gawing pelikula ang tinatanghal sa teatro tulad nito. Naging mahusay ang
pagsasabuhay ng “Ang Larawan” sa pelikula. Ang ma-i-rerekomenda lang namin ay iwasan ang mga patay
na eksena sa pelikula para maiwasan ang pagkabagot ng mga manonood.