Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

iiiAlamin Natin

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong o sitwasyon at piliin ang
tamang sagot. Bigyang pansin ang mga aytem na hindi mo na sagot at subuking
muling sagutan ang nasabing mga aytem habang ginagamit ang Modyul na ito. Titik
lamang ang isulat sa sagutang papel.
1. Sa pangkalahatan matindi ang naidulot napinsala ng Unang Digmaang Pandaigdig.
Alin sa sumusunod na pahayag ang maituturing na mabuting naganap sa
panahon sa pagsiklab ng digmaan?
A. Napakaraming ari-arian ang nawala.
B. Nagkakaisa ang mga mamamayan.
C. Maraming buhay ang nawawala.
D. Paglakas ng ekonomiya.
2. Dulot ng Unang Digmaang Pandaigdig, nabago ang katangiang pisikal ng Europa.
Alin sa mga pahayag ang nagpapatunay dito?.
A. Nabigo ang Europa na magkaroon ng pangmatagalang kapayapaan sa Daigdig.
B. Nagbago ang hugis ng mapa ng Europeo dahil sa digmaang nabanggit.
C. Nag-iba ang kalagayang pampolitika ng Europa.
D. Nagwakas ang apat na imperyo.
3. Ang damdaming nasyonalismo ay nagdudulot ng pagnanasa ng mga tao na
maging malaya ang kanilangbansa. Alin sasumusunod na pahayag ang HINDI
nagpapatunaynito?
A. Pagpapalakas ng hukbong militar ng mgabansasa Europa
B. Ang mga Balkan ay lumaban upang mapatalsik ang pamamayani ng mga
mananakop.
C. Ang mga bansa ay naging depende sa kapwa bansa dahil sa
industriyalisasyon.
D. Pagtatangol sa bansa sa mga dayuhang mananakop sa matiwasay at tahimik
na pamamaraan.
4. Ang Unang Digmaang Pandaigdig ay naganap sa Kanluran, kung saan ang
labanan ay itinuturing na pinakamadugo at pinakamainit at pinakamapanirang
labanan. Maituturing bang maunlad sa kasalukuyan ang mga bansang
Kanluranin?
A. Hindi, dahil sirang sira na ang kanilang kapaligiran at maraming buhay ang
nawala.
B. Oo, dahil walang nasira sa kalikasan at di na ano ang kanilang likas na
yaman.
C. Hindi, dahil nawalan na ng gana ang mga kanluranin na mag umpisa muli.
D. Oo, dahil muli silang tumayo at nag umpisa muli.
25. Ang krisis na naganap sa Bosnia noong 1914 ang naghudyat sa pagsisimula ng
Unang Digmaang Pandaigdig, Alin sa sumusunod na pahayag ang naging hudyat
na nagpasimula sa nasabing digmaan?
A. Pagpatay kay Archduke Franz Ferdinand at asawa nitongsi Sophie noong
Hunyo 28, 1914, piñata sila ni Gavrilo Princip.
B. Ang unang pagpupulong na naganap sa Hague noong 1899 na ang nilalaman
ay tungkol sa paglusob.
C. Agawan ng teritoryo upang maangkin ng mga makapangyarihang bansa
ang mahihinang bansa.
D. Ang pagbibitiwsamataasnapangulosamataasnaposisyon.
6. Sa Unang Digmaang Pandaigdig nabuo ang dalawang grupo ng mga malalakas
na bansa sa Europa: ang Allied at Axis Power. Alin sa sumusunod na pahayag
ang orihinal na layunin ng Axis Power sa pagbuo ng alyansa?
A. Upang depensahan ng Germany ang mga lupaing nakuha mula sa
pakikidigma sa France.
B. Upang lalo pang mapalawak ang angking teritoryo.
C. Upang maipagtatangol ang mga bansang sakop.
D. Upang ipalaganap ang kanilang ideolohiya.
7. Alin sa sumusunod na pahayag ang HINDI kabilang sa mga naging dahilan ng
pagkabuo ng isang alyansa?
A. Magtulungan kung may magtangkang sumalakay sa kani-kanilang bansa.
B. Mapigilan ang impluwensiya ng ibang bansa sa bansang kasapi.
C. Magplano ng pansariling hakbang ang bawat bansang kasapi.
D. Pantayan ang lakas ng iba pang alyansa.
8. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpaliliwanag na ang Unang Digmaang
Pandaigdig ay maituturing na“The Great War”?
A. Ito ang kauna-unahang digmaan na nagpabago sa takbo ng kasaysayan ng
daigdig.
B. Ito ay nagdudulot ng pagbabago sa buhay ng mga kababaihan.
C. Ang digmaan ay nakasentro sa Europa.
D. Maraming nawasak na ari-arian.
9. Ang Nasyonalismo ay isa sa mga naging salik ng pagsiklab ng Unang Digmaang
Pandaigdig. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang HINDI nagpapatunay nito?
A. Masidhing paniniwala ng mga bansa na karapatan nilang pangalagaan ang
kalahi kahit na sa kapangyarihan ng ibang bansa.
B. Ang pagkamit ng mga bansa sa kani-kanilang pansariling kalayaan laban sa
mga mananakop.
C. Ang pagkamuhi ng mga Serbian dahil sa mahigpit na pamamahala ng
Austria.
D. Ang paniniwala ng mga Junker na sila ang nangungunang lahi sa Europa.
10. Naging mahalaga ba ang papel ng mga kababaihan noong panahon ng Unang
DigmaangPandaigdig?
A. Oo, dahil nabigyan ang mga kababaihan ng oportunidad na gawin ang mga gawaing
panlalaki.
B. Oo, dahil naghangad ang maraming kababaihan na makapag-aral, makapagtrabaho at maging
propesyonal.
C. Wala, dahil maraming kababaihan ang sunod-sunuran sa mga kalalakihan.
D. Wala, dahil sila ay nasa tahanan lamang.
11. Alin sa sumusunod na pahayag ang itinutring naging dahilan sa pag-alis ng Germany sa liga
ng mga bansa?
A. Pinagbawalan itong manakop ng mga bansa. B. Pinagbawalan ito na gumamit ng hukbong
sandatahan. C. Hindi tinanggap ng Liga ang ideolohiyang pinaniniwalaan. D. Hindi nito
nagustuhan ang patakaran ng Liga ng mga bansa.
12. Ang Blitzkrieg ay ang paraan na ginamit ni Adolf Hitler sa kanyang pananakop at
pagpapalawak ng teritoryo sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Alin sa sumusunod na pahayag
ang naglalarawan sa paraang ito?
A. Palihim na nagpaplano sa gagawing paglusob. B. Ipinaalam ang paglusob sa mga kaalyadong
bansa. C. Ipinaalam sa buong Europa ang gagawing paglusob. D. Lulusob ang kanyang hukbong
sandatahan na walang babala.
13. Malaki ang naging papel ni Adolf Hitler sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig.Papaano niya
pinairal ang pamahalaang Totalitaryanismo sa bansang kaniyang nasasakupan? A. Naging
matapang at diktador na lider. B. Pinakinggan ang mga hinaing ng mga tao. C. Naging Malaya
ang mga tao sa pagpapasya. D. Binigyan ng karapatan ang bawat mamamayan.
14. Ano ang naging dahilan ng Germany kung bakit tumiwalag ito sa Liga ng mga Bansa? A.
pagbabawal ng Liga sa kanya na gumamit ng sandata. B. pagnanais na mag-isa sa gawing
pananakop. C. napagod ang kanyang hukbong sandatahan. D. nawalan ito ng interes sa
pakikidigma.
15. Alin sa sumusunod na pahayag ang HINDI paraan na ginamit ni Adolf Hitler noong
Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa pakikipagdigma kaya maraming bansa ang natalo sa
digmaan sa Europa?
A. Biglaang paglusob ng mga Alemang sundalo na walang babala. B. Ipinaalam ang gagawing
paglusob ng mga Alemang sundalo. C. Inihandang mabuti ang mga Alemang sundalo. D.
Pinagtibay and sandatahang hukbo.
16.. Alin sa umusunod na pahayag ang naging dahilan ng pagbagsak ng pamahalaang
Totalitaryanismo ng Nazi ni Hitler, Pasismo ni Mussolini at Imperyong Japan ni Hirohito?
A. Pagtulong ng mga kaalyadong bansa sa pakikidigma. B. Paglipat ng mga sundalo sa ibang
pamunuan. C. Pagsuko ng mga lider na ito sa pakikidigma. D. Pagkamatay ng kanilang mga
sundalo.
17. Ang bansang Japan ay naging mananakop ng mga bansa sa Asya. Alin sa sumusunod na
pahayag ang nagpapatibay nito?
A. Naging agrisibo ang Japan sa pananakop dahil sa paniniwala na ang Asya ay para lamang sa
mga Asyano.
B. Nais ng Japan na kilalanin ng mga bansa bilang pinakamatapang na bansa. C. Ang Japan ay
nainggit sa ginawang pananakop ng mga lider ng Europa. D. Nais ipakita sa buong mundo ang
kakayahang manakop.
18. Nagalit ang Estados Unidos sa paglabag ng Hapon sa ginawang pananakop at pagpasabog ng
bomba sa ibat-ibang bansa kaya ginawaran ito ng parusa. Alin sa sumusunod na pahayag ang
naging parusa ng Japan?
A. Pinagbawalan na nila itong tumanggap ng mga turista B. Pinatigil nila ang pagpapadala ng
langis. C. Pinagbawalan na itong makikipagdigma. D. Hindi na sila pinapagamit ng armas.
19. Alin sa sumusunod ang naging resulta sa pagkundina ng liga ng mga bansa sa pag-agaw ng
Japan sa Manchuria?
A. Pinapaatras ang Japan sa pakikidigma. B. Pinagkaitan ito ng karapatan na mamuno. C.
Itiniwalang ng Liga ng mga bansa ang Japan. D. Pinagbawalan ng Liga ang Japan sa pananakop.
20. Alin sa sumusunod na pahayag ang naging dahilan ng pagkatalo ni Mussolini, ang lider ng
Italy?
A. Umatras ang kanyaang hukbo sa labanan. B. Naawa ang kanyang hukbo sa mga kalaban. C.
Sumuko ang kanyang hukbo sa kalagitnaan ng labanan. D. Natalo ang kanyang hukbo sa
pakikipaglaban sa Hilagang Aprika at Sicily.

You might also like