Talk 5. Ang Mithiing Kristiyano Pagm

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 6

1

COUPLES FOR CHRIST


CHRISTIAN LIFE PROGRAM

SESYON 5: ANG MITHIING KRISTIYANO: PAGMAMAHAL SA DIYOS

LAYUNIN:

Upang ipaliwanag ang kahulugan ng pagmamahal sa Diyos at ituro kung paano maisasabuhay ang
Kristiyanong mithiing ito.

BUOD NA MENSAHE:

Ang pagmamahal sa Diyos ay ang ating pinakamataas na mithiin. Ito ang una at pinakadakilang utos
ng Diyos. Inuutusan tayong mahalin ang Diyos nang buong puso, nang buong pag-iisip at kaluluwa, at
nang buo nating lakas.

Ang magmahal sa Diyos nang buong puso ay ang lubusang pagtatalaga ng buhay sa kanya. Ito ay
nangangahulugang uunahin natin ang Diyos sa ating buhay at gagawin ang mga bagay na kailangan
upang mangyari ito. Nangangahulugan din ito ng pag-uukol ng maraming panahon sa Diyos,
pakikipag-usap at pakikinig sa kanya. Nangangailangan ito ng pagpapasiyang sundin ang Diyos. Ang
magmahal sa Diyos nang buo nating isipan at kaluluwa ay ang pagpapanatili sa ating isipan ng mga
bagay na makaDiyos, paggamit nito nang ayon sa mga katotohanan ng Diyos at hindi ayon sa mga
gawi ng mundo. Nangangahulugan ito ng pagpupuno sa ating isip at kaluluwa ng mga kaisipang
makaDiyos at paggamit ng ating isip upang mas makilala ang Diyos at matutunan nang mas malalim
ang kanyang mga gawi at katuruan. Ang magmahal sa Diyos nang buo nating lakas ay ang pagbibigay
sa Diyos ng lahat nating pag-aari: panahon, talento, at yaman. Dapat maging mapagbigay tayo ng
panahong iuukol natin sa paglilingkod sa Diyos at sa kapwa. Kailangan nating gamitin ang mga
talentong ibinigay ng Diyos para sa kaharian niya. Dapat tayong magkaroon ng tamang pananaw
tungkol sa ating mga yaman sa pamamagitan ng pananampalatayang ang lahat ay sa Diyos kayat
dapat na gamitin ang mga ito nang naaayon sa plano ng Diyos.

Ang mga perpektong huwaran natin sa pagmamahal sa Diyos ay sina Hesus at Maria. Ang
pagmamahal na ito ay naging posible sa kapangyarihan ng Espiritu Santo.

PINAHABANG BALANGKAS:

A. Pambungad

1. Ang mga layunin at mithiin ay mahalaga upang makapagtuloy tayo. Maaring maging patnubay
sa ating mga pagkilos at balakin sa buhay ang ating mga layunin. Ito ay maaring maging mithiin
ng ating buhay, at makapangyari at makapag-akay dito. Layunin ba nating yumaman?
Makarating sa mataas na posisyon? Maging tanyag?

2. Maari nating iukol ang ating buhay sa pagtahak sa mabubuting layunin at dakilang mithiin
kagaya ng pagbawas sa kriminalidad at paglunas sa kahirapan. Ito ay kapuri-puring mga mithiin
ngunit sila ay hindi sapat.

CFC – LAGUNA PASTORAL FORMATION OFFICE (1/31/2015)


2

3. Bilang Kristiyano, ang pagmamahal sa Diyos ang ating pinakadakilang mithiin. Ito ang una at
pinakadakilang utos (Mk. 12: 28-30). Isa sa mga eskriba ang dumating at narinig silang
nagtatalo at nakita kung gaano kahusay niya sila sinagot ang nagtanong sa kanya, “Alin ang
pinakauna sa lahat ng mga utos”? Sumagot si Hesus, “Ang una ay ito: ‘Makinig O Israel! Ang
Panginoon ninyong Diyos ang tanging Panginoon. Mahalin ninyo ang Panginoon ninyong Diyos
nang buong puso, nang buo ninyong kaluluwa, nang buo ninyong pag-iisip, at nang buo ninyong
lakas”.

B. Ang pagmamahal sa Diyos nang buong puso.

1. Kailangan muna nating maunawaan kung ano ang pakahulugan ni Hesus sa “puso”.

a) Sa makabagong pagkaunawa, ang “puso” ay tungkol sa damdamin o emosyon.

b) Ayon naman sa pananaw ng Bibliya, ang “puso” ay siyang sentro ng katalinuhan at


desisyon. Sa modernong Ingles, ito ay katumbas ng “isipan” o “kagustuhan”. Ang puso ay
ang simbulo ng pinakabuod ng kung sino ang isang tao. Kasama dito ang matalinong pag-
iisip at kagustuhan, kasama ng damdamin o emosyon. Ipinakikita ng puso kung sino ang
isang tao: kung ang bawat-isang mukha ay walang katulad, ganoon din ang puso ng tao.
(Prov. 27: 19).

c) Ang pananaw ng Bibliya ay mas makahulugan dahil sa ang uri ng pagmamahal na


hinahanap ng Diyos ay hindi maaring nakabatay sa damdamin na maaring nagbabago,
kundi sa isang pangako, isang desisyong magmahal.

d) Sinabi ni Pope Benedict XVI sa kanyang ensiklikal na Deus Caritas Est: “Ang pag-ibig ay
hindi lamang isang damdamin. Ang damdamin ay dumarating at lumilipas. Ito ay maaring
maging isang kamangha-manghang unang kislap ngunit hindi iyon ang kabuuan ng pagibig.
Katangian ng isang ganap na pagibig o pagmamahal ang paggamit ng lahat ng mga
kakayahan ng tao, ang kanyang buong katauhan. Ngunit ang prosesong ito ay laging may
kadugtong pa; ang pagmamahal ay hindi ‘natatapos’ o nakukumpleto; habang buhay ito ay
nagbabago at gumugulang kung kaya’t nananatiling tapat sa sarili”.

2. Ang magmahal sa Diyos nang buong puso ay nangangahulugan ng lubos na pangangako sa


kanya.

a) Ito ay isang pangakong hahanapin muna ang Diyos nang una sa lahat. Ito ay isang
desisyong uunahin ang Diyos, magiging tapat sa kanya, at ilalagay ang kanyang kalooban at
interes bago ang sa atin.

b) Ito ay katulad ng pangakong ginagawa sa kasal, ngunit ito ay mas mataas at malalim pa..

3. Paano natin uunahin ang Diyos sa ating buhay?

a) Nangangailangan ito ng pagpapasiyang sundin siya. Jn.14:15: Kung mahal ninyo ako,
susundin ninyo ang aking mga utos.

CFC – LAGUNA PASTORAL FORMATION OFFICE (1/31/2015)


3

b) Kailangan nating magkaroon ng isang personal na ugnayan sa kanya, isang ugnayang


masigla at buhay, hindi ayon sa legalidad, isang personal na karanasang nagmumula sa
ating pagiging anak ng Diyos.

c) Nararapat tayong makasama ng Diyos sa lahat ng panahon, makipag-usap sa kanya,


pakinggan ang kanyang tinig. Walang paglalakbay na napakahaba, walang gawaing sobrang
nakakapagod, o hadlang na napakahirap tawirin upang makasama ng ating minamahal.
Kailangan tayong mag-ukol ng regular na panahon para sa Diyos, sa panalangin at
pagbabasa ng Bibliya.

C. Pagmamahal sa Diyos nang Buong Pag-iisip at Kaluluwa.

1. Minamahal natin ang Diyos nang buong pag-iisip at kaluluwa sa pagpapanatiling malinis at
banal ang ating isipan.

a) Dapat wala tayong masama at maruming pag-iisip. (Mt. 5: 28): Ngunit, sinasabi ko sa inyo,
ang sinumang tumitingin sa isang babae nang may kahalayan ay nakikiapid na sa kanya sa
kanyang puso.

b) Nararapat na wala tayong kaisipang hindi mapagmahal . (Mt. 7: 1-5)

c) Dapat nating ilayo ang ating isipan sa mga paghihinala na maaring magbunga ng
pagkakahiwa-hiwalay.

2. Nagmamahal tayo sa Diyos nang buong pag-iisip at kaluluwa kung ginagamit natin ang ating
isipan nang ayon sa mga katotohanan ng Diyos at hindi ayon sa mga gawi ng mundo.

a) Ang paraan ng ating pag-iisip at pagkilos ay nagpapakita na hindi tayo namumuhay lamang
sa pansamantalang buhay sa mundo kundi para sa walang hanggang kaharian ng Diyos.

b) Ang ating mga desisiyon at pagpili ay dapat na ginagabayan ng salita ng Diyos sa Bibliya.

c) Dapat nating ingatang iwaksi sa isip ang mga alalahanin sapagkat alam natin na ang Diyos
ay magbibigay at mag- aalala sa atin.

3. Minamahal natin ang Diyos nang buo nating isipan at kaluluwa kung ang ating isip ay puno ng
mga bagay na makaDiyos.

a) Ang ating isip at kaluluwa ay nararapat na puno ng kung paano tayo magiging banal at hindi
ng kung paano tayo magiging mayaman o tanyag sa lipunan.

b) Ang ating isip at kaluluwa ay puno ng kung paano natin mapapaligaya ang Diyos at hindi ng
kung paano tayo magiging kapuri-puri sa paghanga ng tao o magkakamit ng malawakang
katanyagan.

c) Ang isang huwaran sa pagmamahal sa Diyos nang buong puso at kaluluwa ay si Sto. Tomas
Aquinas, Doktor ng Simbahan. Ang kanyang pinakadakilang sinulat ay ang Summa
CFC – LAGUNA PASTORAL FORMATION OFFICE (1/31/2015)
4

Theologica. Noong namatay siya, siya ay nagsusulat ng kanyang mga pagninilay tungkol sa
pagsisisi. Ginugol niya ang kanyang buhay sa pagninilay tungkol sa Diyos, pag-aaral tungkol
sa Diyos, at pagsusulat tungkol sa Diyos. Ang kanyang isipan ay puno ng mga bagay na
makaDiyos – pagmamahal sa Diyos nang kanyang buong pag-iisip at kaluluwa.

4. Maari nating mahalin ang Diyos nang buo nating pag-iisip at kaluluwa sa pamamagitan ng pag-
aalaga at paglalayo ng ating isipan sa mga hindi banal na impluensya upang magamit tayo ng
Diyos para sa kanyang mga layunin.

a) Dapat tayong maging mapagsuri sa paggamit ng telebisyon, internet at iba pang medya na
maaring maglantad sa ating isipan ng mga bagay na hindi naaayon sa Kristiyanong
pamumuhay.

b) Nararapat nating punuin ang ating isip ng mga kaisipang makaDiyos sa pamamagitan ng
pagbabasa ng Bibliya at iba pang Kristiyanong panitikan na tutulong sa pagbuo ng ating
kaisipang Kristiyano.

5. Maaari nating mahalin ang Diyos nang buong puso at kaluluwa sa paggamit ng ating isipan para
sa layunin ng Diyos.

a) Dapat lagi tayong mag-isip ng mga paraan upang matupad ang layunin ng Diyos sa ating
negosyo, pamilya, mga kasamahan, atbp.

b) Dapat nating gamitin ang ating isip at talino para sa paglilingkod- Kristiyano kagaya ng
pagbibigay ng mga payong pastoral, pagtuturo ng katesismo, atbp.

D. Pagmamahal sa Diyos nang Buo Nating Lakas.

1. Sapagkat nilalang tayo ng Diyos, tayo ay sa kanya. Ang anumang “atin” ay hindi talagang sa
atin kundi sa kanya. Hindi natin dapat lagyan ng hangganan ang ating pagbibigay. Ang
pagmamahal sa Diyos nang buo nating lakas ay nangangahulugan ng pagbibigay sa kanya ng
lahat nating yaman: panahon, talento, at pag-aari.

2. Ang pagmamahal sa Diyos nang buo nating lakas ay ang pagbibigay sa kanya ng ating
panahon.

a) Dapat na magkaroon tayo ng tamang kaisipan tungkol sa ating panahon. Hindi natin sarili
ang ating panahon, pinamamahalaan lamang natin ito. Kaya’t kailangan nating maging
magandang loob sa pagbibigay ng ating panahon. Dapat natin itong gamitin hindi lamang
para sa ating sarili kundi para sa Diyos at sa kapwa.

b) Hanapin natin ang mga patnubay ng Diyos kung paano natin gagamitin ang ating panahon
sa pamamagitan ng pagdarasal at pagbabasa ng Bibliya.

c) Kailangang suriin natin kung ano ang dapat nating gawin sa mga libreng oras natin: manood
ng sine, magbasa ng nobela, o matulog. Hindi ito masamang paggamit ng libreng oras,
ngunit maaring may makita pa tayong ibang paraan: pagboboluntaryo sa Kristiyanong
paglilingkod, pagdalaw sa maysakit, atbp.
CFC – LAGUNA PASTORAL FORMATION OFFICE (1/31/2015)
5

3. Ang pagmamahal sa Diyos ay nangangahulugan ng paggamit ng ating talento upang luwalhatiin


ang Diyos.

a) Kung ikaw ay isang magaling na mang-aawit, tanungin mo ang sarili mo: ginagamit ko ba
ang aking tinig upang papurihan ang Diyos? Kung ikaw ay isang mahusay na pintor,
tanungin mo ang sarili, ang akin bang mga ipininta ay nagpapakita ng kabutihan at
kadakilaan ng Diyos? Kung ikaw ay magaling na manggagamot, tanungin mo ang sarili,
mayroon ba akong awa at pagmamahal na kagaya ng kay Kristo para sa mga maysakit, sa
nagdurusa at namamatay?

b) Sa Talinghaga ng mga Talento, itinuturo sa atin ni Hesus na kung hindi natin gagamitin ang
mga talinong ibinigay ng Diyos para sa kanyang kaharian, ang lahat ng talentong meron tayo
ay babawiin at ibibigay sa mga gagamit nito sa mabuting paraan. (Mt. 25: 28-30).

4. Ang magmahal sa Diyos nang buo nating lakas ay nangangahulugan ng pagkakaroon ng


tamang kaisipan hingil sa ating yaman at mga materyal na pag-aari.

a) Ang tamang kaisipan ay naglalaman ng paniniwalang ang lahat ay sa Diyos. Nilikha niya
ang lahat. Walang anumang nasa langit at sa mundo na hindi sa Diyos. Nangangahulugan
ito na tayo ay tagapamahala lamang ng Diyos. Samakatuwid, kailangan nating gamitin ang
mga yamang ito nang tama, walang pag-iimbot, at naaayon sa plano ng Diyos, na siya
namang tunay na may-ari nito. (Sal 24: 1, Hg. 2: 8).

b) Kailangan ding kumbinsido tayo na ang Diyos ang nagpapahintulot sa ating magkaroon ng
mga kayamanan at pag-aari (Kawikaan 10: 22, Eccl. 5: 18, Sir. 11: 21).

c) Hinihingi ng Diyos ang ating mga pag-aari o kayamanan hindi dahil sa kailangan niya ang
mga ito kundi upang tingnan ang kalagayan ng ating puso. Kaya’t ipinababalik sa atin ng
Diyos kung ano ang sa kanya upang makapagbigay siya ng mas marami pang biyaya sa
atin. Hinihingi ng Diyos na magbigay tayo ng ikapu at limos. (Mt. 6: 21, Mal. 3: 10).

5. Si San Juan, ang patriarka ng Alexandria ay isang modelo sa pagmamahal sa Diyos nang
buong lakas. Siya ay ipinanganak sa isang mayaman at marangal na pamilya sa Cyprus. Nag-
asawa siya ngunit agad na nabalo at pagkatapos nito ay namatay din ang lahat niyang mga
anak. Naiwang mag-isa, ginugol niya ang sarili sa mga espiritwal na gawain, at ginamit ang
lahat niyang yaman sa pagtulong sa mga mahihirap. Ang kanyang katanyagan sa personal na
kabanalan at kagandahang loob ay nakilala noong mga mahigit na limampung taong gulang
siya. Nahalal siya sa pagiging patriarka ng Alexandria noong taong 608. Namatay siya noong
619 at naging santo ng Simbahan at nakilala bilang si San Juan ang Tagapaglimos.

E. Pangwakas:

1. Ang pagmamahal sa Diyos ay isang napakataas na mithiin. Ngunit hindi ito malabo o impraktikal
kagaya ng maaring isipin kundi kinapapalooban ito ng mga tiyak at praktikal na desisyon,
pangangako, at pagkilos.

2. Ang ating mga perpektong huwaran sa pagmamahal sa Diyos ay sina Hesus at Maria.
CFC – LAGUNA PASTORAL FORMATION OFFICE (1/31/2015)
6

a) Si Hesus ay nagmamahal sa Ama kaya naglaan ang sarili sa pagtupad ng kanyang misyon.
(Jn. 4: 34). Masunurin hanggang kamatayan. (Lk. 22: 42). At palaging hinahanap ng
kalooban ng Ama. (Mk. 1: 35).

b) Minamahal ni Maria ng Diyos nang buo niyang puso, isip at lakas kaya’t ibinigay niya ang
kanyang fiat. Maganap nawa sa akin ayon sa salita mo. (Lk. 1: 38); agarang naglakbay
upang ibahagi ang Mabuting Balita (Lk. 1: 39), at ipinahayag ang kadakilaan ng Diyos: Ang
puso ko’y nagpupuri sa kadakilaan ng Diyos. Ang aking puso ay nagagalak sa aking Diyos
na tagapagligtas. (Lk. 1: 46).

3. Hindi natin kayang mahalin ang Diyos nang buo nating puso, isip, at lakas sa pamamagitan
lamang ng ating pagpapasiyang gawin ito. Magiging posible lamang ito sa kapangyarihan ng
Espiritu Santo.

CFC – LAGUNA PASTORAL FORMATION OFFICE (1/31/2015)

You might also like