Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

DETALYADONG BANGHAY ARALIN SA ESP 2

I. LAYUNIN
Pagkatapos ng 30-minutong aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. naipamamalas ang pag-unawa sa kahalagahan ng pagpapasalamat sa lahat ng
likha at mga biyayang tinatanggap mula sa Diyos;
b. naisasabuhay ang pagpapasalamat sa lahat ng biyayang tinatanggap at
nakapagpapakita ng pag-asa sa lahat ng pagkakataon; at
c. naibabahagi sa iba ng taglay na talino at kakayahan.

II. Paksang Aralin


Paksa: Pagpapakita ng Pasasalamat sa mga Kakayahan o Talinong Bigay ng
Panginoon
Sanggunian: ESP 2 Quarter 4 DLL, Kagamitan ng Mag-aaral
Iba pang kagamitang panturo: power point presentation, chalk at pisara

III. Pamamaraan

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


Panalangin
Sa ngalan ng ama, ng anak, ng espiritu (ang lahat ay nananalangin)
santo. AMEN.

Pagbati Magandang hapon po, ma’am Donna,


Magandang umaga, sa inyong lahat! magandang hapon mga kaklase, magandang
hapon.

Pagtatala ng liban
Sino-sino ang mga lumiban? Wala po, ma’am!

Balik-Aral
Balikan natin ang ating aralin kahapon mga
bata.

Bakit kailangan natin ang ating talino at Ang ating talino at kakayahan ay mahalaga
kakayahan upang umunlad ang ating at ito ay nakakatulong upang magkaroon
lipunan? tayo ng magandang kinabukasan. Ito ay
hinahasa upang magamit sa mas mabuti at
mahusay .

Nakakatulong ang mga ito sa atin katulad


nalang ng mga scientist, sila ay matatalino
Ano ang kabutihang dulot ng sama-samang at dalubhasa at nakakaimbento ng ibat ibang
talento at talino sa ikaaayos at ikauunlad ng bagay na nakakatulong sa bawat isa. Yung
ating lipunan? mga athletes na nagbibigay ng karangalan
sa ating bansa katulad ni Manny Pacquiao.
Pagganyak
Simulan ang aralin sa isang awit
pasasalamat. (Mga mag-aaral ay aawit)

(Mungkahing awit: Pagkagising sa umaga)


Pagkagising sa Umaga
Pagkagising sa umaga
Hesus ikaw ang nasa isip
Kaya’t buong katawan ko’y
Punong puno ng pag-ibig
Katawan ko’y napapaindak
Puso ko’y umaawit
Ang mga kamay ay kumakaway
Sa tugtuging makalangit
Beywang ko’y kumekembot
Paa ko’y nagcha cha cha
Mga kamay kumakaway
Nagpupuri buong sigla
Lumulundag pa sa tuwa
Sumasayaw kumakanta
Ito ang tanging alay ko sa iyo Ama (Ang mga mag-aaral ay makikinig ng
mabuti)
Paglalahad
Ngayon mga bata ay may ipapakita
akong mga larawan ng mga sikat na
personalidad dito sa bansa na
kilalang-kilala:

Mga Larawan:
a. Lea Salonga
b. Manny Pacquiao
c. Hidilyn Diaz
d. Sarah Geronimo Si Lea Salonga, Manny Pacquiao, Hidilyn
e. Angeline Quinto Diaz, Sarah Geronimo at Angeline Quinto
po.
Sino sino ang mga nasa larawan?
Mayroon tayong mga katanungan a. Opo
ngayon na dapat ninyong sagutin.

a. Patuloy nyo bang napapaunlad b. Sa pamamagitan ng aking talino at


ang iyong mga kakayahan? kakayahan nakakapag bigay ako ng
inspirasyon sa ibang tao.
b. Paano nagiging
kapakipakinabang ang inyong talino c. Opo.
at kakayahan sa pag-unlad ng ating
pamayanan?

c. Masaya ba kayo sa iyong taglay d. Opo.


na kakayahan at talino na nagmula
sa Diyos?

d.May kilala ba kayong mga batang


may natatanging talino at
kakayahan? Ano ang nagagawa nila
sa ating pamayanan? Dapat ba e. Magiging masaya ako sa taglay kong
silang tularan o hindi? Mangatwiran talino at kakayahan at
sa iyong kasagutan. ipagpapasalamat ko ito sa Poong
Maykapal.
e. Ano ang mararamdaman mo
kung ikaw ay marunong gumuhit at f. Magiging masaya po ako.
matalino sa Matematika?

f. Ano naman ang mararamdaman


mo kung marunong kang tumula, g. Mapapaunlad ko ito sa pamamagitan
umawit, sumayaw at mahusay ng pagsasanay at pakikilahok sa mga
magsulat at magbasa? gawaing makakatulong sakin para
mas malinang ang aking talino.
g. Paano mo mapapaunlad ang mga
kakayahan at talino mo bilang mag-
aaral? (Mga mag-aaral ay makikinig ng mabuti)

Pangkatang Gawain
Ngayon naman mga bata ay hahatiin ko
kayo sa tatlong pangkat. Ang gagawin
ninyo ay magkakaroon tayo ng role playing
patungkol sa pagbabahagi ng inyong
kakayahan sa mga batang sa kalye o palaboy Opo!
na hindi nakapag-aral.

Malinaw ba ang aking panuto mga bata?


Mahusay! Bibigyan ko kayo ng limang
minuto upang matapos ang gawain na ito.

Pamantayan
Kooperasyon 20 puntos
Nilalaman 30 puntos
Kabuuan 50 puntos Sapamamagitan ng pagbabahagi ng aking
talino at kakayahan sa ibang tao.
Paglalahat Halimbawa, tuturuan ko bumasa ang aking
Paano mo maipapakita ang pasasalamat sa kamag-aral na hirap sa pagbabasa.
talino at kakayahang ipinagkaloob sa iyo ng
Panginoon?

Magaling! Tunay na maipapamalas moa ng


iyong talino at kakayahan sa pamamaraan
na iyan. (Mga mag-aaral ay susunod sa guro)

Paglalapat
Panuto: Piliin ang bituin kung nagpapakita
ng pagpapasalamat sa kakayahang bigay ng
Panginoon at araw kung hindi.

IV. PAGTATAYA
Panuto: Lagyan ng (/) kung ang pahayag ay nagpapakita ng pagpapahalaga sa
talino at kakayahang tinataglay at (X) kung hindi. Gawin ito sa sagutang papel.

1. Sumasali ako sa paligsahan sa pagtula sa aming paaralan.


2. Palagi akong makikinig sa aking guro upang mapayaman ko ang aking
kaalaman sa lahat ng aking asignatura.
3. Manonood lamang ako ng telebisyon pagdating sa bahay at hindi ko gagawin
ang aking takdang -aralin.
4. Ibabahagi ko ang aking kakayahan sa aking kapwa bilang isang paraan ng
pagpapasalamat sa Diyos.
5. Ginagamit ko ang aking kakayahan at talino upang makatulong sa kapwa bilang
isang paraan ng pagpapasalamat sa Dakilang Lumikha.

II. TAKDANG ARALIN


Panuto: Sa short bond paper, gumuhit ng larawan na nagpapakita ng pag
papasalamat sa Poong Maykapal sa talino at kakayahang taglay.

Inihanda ni:
DONNA MAE P. SUPLAGIO
Pre-Service Teacher

Ipinasa kay:
GNG. JOSEPHINE JUBANE
Cooperating Teacher

You might also like