Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

FILIPINOLOHIYA

Pangalawang Takdang Aralin

Sa mga susunod na talata nakalathala ang kahulugan, pinanggalingan, at halimbawa ng


mga terminolohiyang sumusunod: Sikolohiyang Pilipino, Pilipinolohiya, Filipinolohiya, at
Pantayong Pananaw.

I. Sikolohiyang Pilipino
Ang pag-usbong ng Sikolohoyang Pilipino ay isang produkto ng hindi pagsang-ayon ng
ating mga ninuno sa ideyolohiyang pinapalaganap ng atin mga mananakop, partikular na dito ang
mga Kastila at Amerikano (Pe-Pua & Marcelino, 2000). Ayon kay Yacat (2013), isang propesor
mula sa Unibersidad ng Pilipinas, ang Sikolohiyang Pilipino ay isang ideyolohiyang may layunin
na imulat ang kamalayan ng mga Pilipino sa iba’t ibang aspeto ng kanilang pamumuhay tulad na
lamang ng pakikiisa nito sa pambansang pagkilos, pagkilala’t pagtangkilik sa sariling kultura at
wika, o ang aplikasyon nito sa sining at musika, medikasyon, agrikultura, o relihiyon. Sinasabing
isa sa mga rason ng pag-angat ng adbokasiyang ito ay ang hindi tamang pag-hayag ng mga
Amerikano sa kultura at sikolohiyang pang-Pilipino. Ayon kay Enriquez (1997), sa panahon ng
kanilang pamamahala sa Pilipinas, nilarawan nila ang kultura ng Pilipinas ayon sa kanilang
sariling bersyon o pagsalaysay na nag-resulta sa pagbabago ng kilos ng mga Pilipino. Isang
halimbawa na sinipi ni Enriquez (1997) mula sa kasulatan ni Lawless (1969) ang pagbabago sa
kaugalian ng mga Pilipino na magpaligoy-ligoy pag nakikipag-usap na maaring isang paraan ng
pagsasaalang-alang nito sa nararamdaman ng kausap. Makikita ang magandang intensyon sa
kaugaling nito ngunit hindi sang-ayon ang mga Amerikano dahil sa kanilang pananaw, ito ay
isang paraan ng panloloko kaya naman napilitan ang Pilipino na iangkop ang kanilang
manerismo sa pamantayan ng mga dayuhan.
Dito nagsimula mag-protesta ang kamalayan ng mga mamamayan upang labanan ang
mga ideyolohiyang ipinuwersa sa kanilang mga isipan, sa simpleng sabi, ang pag-laganap ng
Sikolohiyang Pilipino. Ang Sikolohiyang Pilipino ay may tatlong layunin o protesta, una na rito
ang tinatawag na sikolohiya ng pagbabagong-isip o psychology of reawakening. Ang protestang
ito ay tumutukoy sa pag-lisan ng isipan ng mga Pilipino sa pagkakatali nito sa impluwensya ng
dayuhan kasabay ng pag-lago ng kamalayang makabansa. Dagdag pa rito ay ang sikolohiyang
malaya o liberated psychology, at sikolohiyang mapagpalaya o liberating psychology na
naglalayong magkaroon ng malayang pag-iisip ang sarili at ang ibang mga Pilipino.
Ang Sikolohiyang Pilipino ay maaring maisabuhay at maipakita sa iba’t ibang larangan,
aspeto o paraan ng pamumuhay. Sa katunayan, hindi eksaherasyon kung sasabihin na ang
kaisipang ito ay ginagampanan ng mga Pilipino hanggang kasalukuyan. Halimbawa na lamang
nito ay ang pagsusulat ng mga akademikong sulatin gamit ang wikang Filipino upang maihayag
ang mga konsepto at kahulugan ng mga bagay-bagay na maaring makadagdag sa pagpapatibay
ng wikang Pambansa. Dagdag pa rito, sa larangan ng sining, maraming mga awitin ang nakasalin
sa wikang Filipino na kung tawagin ng mga tagapakinig ay OPM o Original Pinoy Music. Sa
larangan naman ng medisina, maraming mga mananaliksik ang patuloy sa pag-aral patungkol sa
pakinabang at gamit sa mga halamang pang-gamot na natural na tumutubo sa lupain ng Pilipinas.

II. Pilipinolohiya
Upang maintindihan ng mabuti ang kahulugan ng Pilipinolohiya, mahalagang alamin din
ang kahulugang ng Philippine Studies na kung saan ay inihalintulad ni Salazar (1991) sa
kaniyang sulatin. Ang Philippine Studies, ayon kay Aquino (2000), ay nagsimula matapos
mailathala ni Henry Otley Beyer (isang Amerikanong propesor ng Antropolohiya noon sa
Pilipinas) ang diskursong “Population of the Philippines”. Sa diskursong ito ipinahiwatig ni
Beyer na balang araw ay nanaisin ng mga edukadong Pilipino na pahalagahan at preserbahin ang
kultura at historya ng kanilang bansa, kaya naman sinabi niya na gamitin ang natitirang oras
upang pag-aralan ang Pilipinas. Ito ay nagresulta sa pagkakaroon ng mga ekspedisyon sa
Pilipinas upang busisiin ang kultura at lupain nito - na gayon ay inilarawan ni Salazar bilang pag-
aaral ng Pilipinas sa pananaw ng mga dayuhan o the study of the Philippines from the external
point of view, kaiba sa Pilipinoliya na ayon sa kanya ay ang pagsusuri sa Pilipinas mula sa
sariling pananaw ng mga Pilipino o the study of the Philippines from within.
Ang layunin ng Pilipinolohiya ay may pagkakatulad sa layunin ng Philippines Studies
ngunit mayroon rin itong pagkakaiba. Imbes na tangkilikin ang mga naging obserbasyon ng mga
dayuhan sa bansa, ang Pilipinolohiya ay naglalayon na alamin at pagaralan ang Pilipinas, sa
pamamagitan ng angking talino at kakayahan ng mga Pilipino sa kadahilanan na nagin “subject
of interest” ng mga dayuhan ang bansang sinilangan (Galgo, 2019).
Mapapansin rin na mayroong paghahalintulad ang Pilipinolohiya sa Sikolohiyang
Pilipino dahil pareho nitong sinusulong sa isipan ng mga Pilipino ang paggamit ng sariling
isipan, kakayahan, at karunungan upang lingapin ang yaman ng kultura ng kanilang bansa. Sa
gayong dahilan, maaring masabi na ang paggawa ng mga bagay ayon sa Sikolohiyang Pilipino
ay maituturing o ay maiaangkop sa layunin ng Pilipinolohiya.

III. Filipinolohiya
Ayon naman kay Bayani S. Abadilla, isang nasyonalista at isang propesor na nag
aadbokasya patungkol sa pag-aaral sa Filipino, ang Filipinolohiya ay isang disiplina at konspto
na: (a) nangangahulugan sa pagkilos ng kaisipan ng mga Pilipino habang nasa panahon pa kung
saan may kalayaan pang kumilos, (b) karunungan na nagmula o resulta ng naging mga karanasan
ng mga Pilipino at nang lumaon ay naging pinsipro o teorya, at (c) isinusulong ang pagiging
makabayan sa halip ng pagiging makasarili, layunin nitong iangat hindi ang isang lugar lamang
kundi ang lahat ng mga pulo na nasa Pilipinas. Ayon naman sa pag-aalisa ni Rio-Apigo (2020) sa
depinisyon ni Abadilla, sinabi niya na ang Filipinolohiya ay umiikot sa mga sumusunod na salita:
bayan, sambayanan, bansa, kalinangan, kaunlaran, karanasan, talion, at karunungan. Kung
hihimay-himayin ang konseptong Filipinolohiya, makikita na nakikipag-ugnayan ang bawat
salitang ito sa isa’t isa upang buoin ang diwa ng Filipinolohiya.
Ang diwa ng Filipinolohiya ay nakatuon sa pag-aaral ng agham patungkol sa mga
Pilipino at kanilang mga sambayanan na naninirahan sa Luzon, Visayas, at Mindanao kasama
ang paggamit sa kanilang talino, karunungan, at karanasan para sa ikauunlad ng bansa at ng
kanilang paninindigan bilang isang Pilipino, sa makatuwid, ang Filipinolohiya ay para sa Pilipino
at sa Pilipinas.
Ang Filipinolohiya ay

MGA SANGGUNIAN
Aquino, B. A. (2000). How Philippine Studies began. Filipinas.
https://scholarspace.manoa.hawaii.edu/items/4f1c6e2f-4cdd-4d15-ba07-a6d1d7656791
Galgo, G. J. (2019). Philippine Studies: Studies and Pilipinolohiya: Two heuristic views in the
study of matters Filipino. https://gregggalgo.mystrikingly.com/blog/zeus-salazar-
pantayong-pananaw
National Library of Australia (n.d.). Beyer collection. Guide to selected collections.
https://www.nla.gov.au/collections/guide-selected-collections/beyer-
collection#:~:text=He%20became%20Professor%20of%20Anthropology,%2C
%20archaeology%2C%20art%20and%20geology.
Pe-Pua, R. & Protacio-Marcelino, E. (2000). Sikolohiyang Pilipino (Filipino psychology): A
legacy of Virgilio G. Enriquez. Asian Journal of Social Psychology. 3. pp. 49-71.
https://doi.org/10.1111/1467-839X.00054
Yacat, J. (2013). Filipino Psychology (Sikolohiyang Pilipino). The Encyclopedia of Cross-
Cultural Psychology. 10.1002/9781118339893.wbeccp224

You might also like