Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

May Tamang Panahon Para sa Lahat

Sa bawat paglipas ng araw, may mga panahong hinaharap natin ang buhay na puno ng kasiyahan, pagsubok at pag-asa.
Iba-iba man ang panahong pinagdaraanan ng bawat isa tandaan na ang ang kalooban ng Diyos ay tama sa lahat ng panahon.

Sa pagkakataong ito, matagumpay na idinaos ng mga mag-aaral at mga guro ng Dr. Jose P. Rizal Senior High School ang
kanilang taunang recollection na may temang “May Tamang Panahon Para sa Lahat ng Bagay” noong ika-22 ng Abril, 2024.
Nahati sa apat na sesyon ang programa. Ang mga kalahok ay pinanghunahan sa isang makabuluhang paglalakbay,
pagpapakumbaba, pagkakaunawaan at pagtanggap.

Sa Panahon ng Pagsasaya, mariing naipadama at naipakita ang galak at kasiyahan ng mga mag-aaral. Ito ang sandali ng
pagtitipon na kung saan ang mga ngiti at halakhak ay nagpahayag ng kaligayahan sa bawat isa. Sa pamamagitan ng mga
pangkatang palaro mas naging bukas ang mga puso at isipan ng mga kalahok sa mga susunod pang sesyon. Sa kabila ng mga
hamon ng buhay, ang panahong ito ay isang paalala na may mga sandaling dapat nating ipagdiwang at pahalagahan.

Sa “Panahon ng Pagkilala” inalala at binalikan ang mga karanasan at mga natutuhan mula rito. Ito ang panahon ng
paglalakbay sa loob ng kanilang sarili, pagtuklas sa mga bagay na totoong mahalaga at pagkilala sa mga kakayahan at kahinaan
ng sarili at kapwa. Sa pagtanggap sa sarili at sa iba, natutunan nila na ang pagkakaiba-iba ay dapat tanggapin at bigyang halaga.

Kasunod nito ang “Panahon ng Paghilom”, naranasan ang nila kapayapaan at pagpapalakas . Ito ang yugto ng pagtanggap
at pagbuo ng mga bagong simula. Sa paglalakbay patungo sa paghilom, natutunan nilang magpatawad. Sa hakbang na ito, ang
kanilang mga sugat ay unti-unting naghihilom at naglalaho. Ang bagong pag-asa at pagkakataon ay sumisilip sa kanilang mga
puso.

At sa huling yugto ang “Panahon ng Pagwawakas”. Sa bawat wakas may bagong simula. Ito ang panahon ng pagbabalik-
tanaw at pagpupugay sa mga karanasang nagbigay daan sa kanilang paglalakbay. Sa pagwawakas, natutunan nilang tanggapin
ang katotohang ang bawat pagtatapos ay nagbubukas ng pinto tungo sa mga bagong pagkakataon at posibilidad.

Sa huli, sa bawat yugto ng ating buhay, ang tanging nakatatak sa ating isipan ay ang katotohanang may tamang panahon para
sa lahat ng bagay. Sa bawat pagsubok at tagumpay, sa bawat lungkot at ligaya, ang buhay ay walang patid na kaganapan. Ang
bawat sandali ay may kahalagahan at sa bawat paglalakbay, natututunan nating magkaroon ng pananampalataya sa proseso ng
buhay at sa kahalagahan ng tamang panahon.

Sa kabuuan, ang rekoleksyon na ito sa Dr. Jose P. Rizal Senior High School ay hindi lamang isang simpleng aktibidad
kundi isang pagpapahalaga sa kahalagahan ng pagtukoy sa tamang panahon para sa lahat ng bagay sa buhay. Sa mundo na kung
saan ang bilis ng panahon ay maaring maging sanhi ng pagkawala ng diwa at kabuluhan, mahalagang patuloy nating bigyan ng
pansin ang mga ganitong pagkakataon upang maalala ang ating mga prayoridad at magtagumpay sa bawat yugto ng ating
buhay.

You might also like