Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Questionismo.

1.) Para sayo, ano ang ibig sabihin ng pagiging makabayan?

Para saakin ang ibig ibig sabihin ng pagiging makabayan ay ang kakayahang ipaglaban ang kultura
at ang bansa, pati narin ang kakayahang pumuna sa mga gawain ng ating gobyerno.

2.) Sa papaanong paraan ka nagiging makabayan?

Ako ay nagiging makabayan kapag nagagawa kong itaguyod ang kulturang Pilipino sa mga
sining na naigagawa namin sa aming mga short film. Parte naren dito ang pag gamit ko ng mga
bagay na gawang Pilipino.

3.) Ano sa tingin mo ang mga dahilan kung bakit na-eenganyo ang mga kabataan sa mga
international artist?

Dahil mas patok at mas maganda ang kalidad ng mga kantang nagawa sa ibang bansa. Isa na
rin siguro rason kung bakit na eenganyo ang mga kabataan ay sa mga international artist ay
ang kakulangan ng mga genre ng kanta sa ating bansa.

4.) Sa iyong palagay, nahihigitan ba ng mga international artist ang mga lokal artist? Kung oo,
sa paanong paraa at kung hindi, ipaliwanag ang iyong sagot.

Oo dahil nga sa kalidad ng kanilang mga kanta gaya ng nabanggit ko sa ikatlong tanong.
Maraming mga artist ang umaalis sa Pilipinas at naghahanap ng oportunidad sa ibang bansa
dahil hindi sila nabibigyan ng pansin dito, isa sa mga bandang ito ay ang sikat na bandang No
Rome.

5.) Nakakaapekto ba ng pagkahilig sa international artist sa pagiging makabayan? Ipaliwanag


ang sagot.

Para sa akin hindi ito nakakaapekto sa pagiging makabayan ng isang tao ang pakikinig sa mga
international artist dahil ang pakay lamang ng mga kantang ito ay maengganyo ang mga
nakikinig at magpahiwatig ng kanilang mensahe nasa makikinig na mismo ang desisyon kung
sila ay makabayan o hindi.

6.) Sa panahon ngayon, sa papaanong paraan ipinapakita ng kabataang Pilipino ang pagiging
makabayan?

Sa mga napapansin ko ipinapakita ng mga kabataan ang pagiging makabayan sa pamamagitan


ng pagtayo sa corruption ng gobyerno at pagtulong sa kapwa Pilipino sa social media. Tulad
nalang ng sakuna na nangyari kamakailan lang at sa pagbababoy ng gobyerno sa ating bansa
sa pamamagitan ng pagbulsa ng pera ng mamamayan.

You might also like